HUMAKBANG si Zander papunta sa pintuan ng kuwarto ni Vanna. Kakatok na sana siya, pero natigilan, naiwan sa ere ang kanyang kamay. Hindi niya alam kung tama bang istorbohin ito. Pero mas malakas ang kaba sa dibdib niya na hindi pagbuksan ng dalaga. At kapag nangyaring pagbuksan siya ng pinto ni Vanna, hindi na siya sigurado sa sarili niya. Tahimik niyang tinapik ang pinto nang mahina lang. Ilang segundo ang lumipas bago ito bumukas. Si Vanna, nakasuot lang ng maluwag na T-shirt at shorts, basa ang buhok at tila nagulat din sa pagbukas ng pinto ay makita siya. “K-Kuya Zander?” mahina nitong tanong. “Hindi ako makatulog,” tapat niyang sagot. “Kaya nandito ako.” Nagkatitigan sila. Walang kumikibo. Parang kapwa nag-uusap ang kanilang mga mata. Ilang segundo ng katahimikan na parang pinupuno ng damdamin ang paligid. Hanggang sa siya na ang kusang humakbang papasok at walang sinabing kahit ano si Vanna para pigilan siya. Nang makapasok si Zander sa loob ng kuwarto ni Vanna ay hindi
BIGLANG lumayo si Zander nang bumalik sa wisyo. "S-Sorry. Hindi ko sinasadya na halikan ka," mahina niyang bulong, pero hindi niya alam kung para ba kay Vanna ‘yon, o para sa sarili niya na hindi nagawang lumayo agad. Hindi agad nakasagot si Vanna. Hawak pa rin niya ang labi niya na parang hindi makapaniwala sa nangyari. Napayuko siya, pilit itinatago ang pamumula ng mukha. Si Zander ang first kissed niya. May puwang sa puso niya ang nagdidiwang. Ganoon pala ang mahalikan sa labi. Para siyang binuhusan ng init sa buong katawan. Mula sa kanyang batok hanggang sa talampakan, parang may dumaloy na kuryente. Hindi ito 'yong halik na napanood niya sa mga pelikula. Mas totoo at mas nakakakaba. Nakakayanig ng kanyang damdamin. Napakagat siya ng kanyang labi, tila ba gustong ulitin ang sensasyon ng tamis ng unang halik. Pero kasabay ng kilig ay ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib. Hindi lang dahil sa tuwa kundi sa takot. Takot na baka hindi iyon ganoon kahalaga kay Zander. Baka para sa
AGAD tumayo si Zander. Napatunghay ang tingin ni Vanna sa binata. Wari'y nagtataka siya sa binata. "Saan ka pupunta, Kuya?" Napabaling ng tingin si Zander sa dalaga. Nginitian niya ito. "Umiinom ka ba?" "Oo naman, Kuya," pagsisinungaling na sagot ni Vanna na napapalunok. Ang totoo, hindi talaga siya umiinom ng alak. Pero hindi parang may nagtulak sa kanya na hindi niya puwedeng tanggihan si Zander, lalo na ngayon. "Tamang-tama. May natira pa akong beer sa ref," sabi ni Zander na napatango-tango. Sinusubukan lang niya kung tayanggi si Vanna na uminom ng alak. Pero, nagtataka siya na hindi siya inurungan nito. "Ha? Dito lang tayo?" Tila nagmamayabang pa na tanong si Vanna, pero sa loob-loob ay kinakabahan. "Puwede naman. Saka, wala ka naman sigurong pasok sa university. Nabanggit mo kanina na nakabasyon ka. Di ba?" "W-Wala nga," may alinlangan na sagot ni Vanna na pinilit ngumiti. "Good. D'yan ka lang kukunin ko ang beer sa fridge. At kukuha na rin ako ng baso." Mabilis na tum
"CONTRACT husband?" ulit ni Zander na napakunot ang noo. "Vanna, seryoso ka ba sa sinasabi?" "Oo. Alam kong ang hirap paniwalaan para sa'yo, pero kailangan ko lang talaga. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na sapat 'yong manahimik lang ako. Kailangan kong may ipakitang hindi sa matandang 'yon na hindi na niya ako dapat guluhin dahil pag-aari na ako ng iba. Iyon lang ang naiisip kong paraan para hindi na ako guluhin ni Mayor Oscar." Mahabang paliwanag ni Vanna, sabay tango saka umiwas ng tingin. "At ako ang naisip mong kunin bilang contract husband mo?" tanong ni Zander na may bahid ng gulat. "Ikaw lang ang taong alam kong mapagkakatiwalaan ko, Kuya Zander." Muling sagot niya, ngayon ay tumingin na kay Zander. "Kapag nalaman ng tao na may asawa ako, malaki ang tsansang umatras si Mayor Oscar. Ayaw ko ng gulo at lalong ayaw ko sa matandang 'yon." Napalunok si Zander. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o lalong mape-pressure sa mga rason ni Vanna. Parang mahirap iyong naisip ng dalag
"KUMAIN ka na ba, Zander?" Untag ni Len sa anak. "Tapos na po," sagot ng binata na ang mata ay na kay Vanna. "Halika at magkape. Ipagtitimpla kita, Zander. Gusto mo ba?" "Ah, Ate Len, ako na lang po," sabat na prisinta ni Vanna. Napangiti si Len. May kakaibang kislap ang kanyang mga mata na napatingin sa kanyang nag-iisang anak. "Sige, Vanna. Ikaw na ang magtimpla para sa Kuya Zander mo. No sugar at no cream ang gusto niya sa kape..." sagot ni Len na tinanguan ng dalaga. "Oh, siya. Maiwan ko na kayong dalawa rito. Ako'y matutulog na." Maya-maya'y nagpaalam na si Len sa dalawa. Pagkaalis ni Len ay saglit na natahimik sina Vanna at Zander. Kumuha ng tasa ang dalaga at nagsalin ng mainit na tubig sa baso habang kinukuha rin ang garapon ng kape. Ramdam ni Zander ang bahagyang paninikip ng dibdib habang pinagmamasdan ang bawat kilos ng babae. "Na-miss ko ang bahay na 'to," biglang nasambit ni Vanna na hindi lumilingon kay Zander habang hinahalo ang kape. "Lalo na siguro ‘yong inga
PUMASOK si Zander sa loob ng bahay nila. Hinanap kaagad ng kanyang mata ang ina. Ginabi na siya ng uwi, pero inaasahan pa rin naman siya ng ina na umuwi. "Ma..." tawag niya. Tumungo siya papunta sa kusina. Habang papalapit ay napangiti siya nang makita ang isang babae na abala sa ginagawa sa lababo. "Ma, andito lang po pala kayo. Kanina ko pa po kayo tinatawag. Bakit nasa kusina pa rin kayo? Alas nuebe na po ng gabi..." dire-diretsong sabi ni Zander. Nilapitan niya ang ina at agad hinalikan sa pisngi. Pero, bigla siyang natuod nang mapagtantong hindi iyon ang kanyang ina. Hinalikan pa naman ang pisngi nito, na ipinagdiwang na rin ng kanyang kalooban. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa babae, at sa isang iglap, parang tumigil ang lahat. "Vanna?" halos pabulong pero malinaw niyang nasambit. Ang babaeng matagal na gumulo sa kanyang isipan. Ang pinangarap niya noon. Anong ginagawa ni Vanna sa bahay nila? Ang alam niya ay hindi siya nito naalala. Bigla atang naalala nito ang