"Nay, hindi ko po nakuha ang kompanya ni Tatay," balita ni Jai sa ina habang nasa waiting area sila sa labas ng private room ni Reynaldo. "Hayaan mo na, anak," mahinahong sagot ni Jena. "Mas sila naman ang may karapatan sa lahat ng iniwan ng Tatay mo. Masipag ka, at kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Hindi mo kailangan ang yaman ng mga Bautista." Napayuko si Jai, pilit itinatago ang panghihinayang sa kanyang mga mata. "Pero Nay... hindi ko po maiwasang masaktan. Para bang hindi na nila ako kinilalang anak." Hinaplos ng ina ang kanyang likod at marahang pinisil ang balikat nito. "Anak, hindi kayamanan ang batayan ng pagkilala. Ang totoo, ikaw ang tunay na tagapagmana ng kabutihang loob ng Tatay mo. Huwag mong hayaang lamunin ka ng galit o lungkot. Mas mahalaga ang respeto mo sa sarili." Tumango si Jai, pinilit ngumiti kahit nangingilid na ang luha. "Opo, Nay. Pipilitin ko pong maging matatag. Para sa inyo. Para kay Tatay." Napabaling ang tingin ni Jena kay Reynaldo. Hangg
NAGHIHINTAY si Aster sa muling pagtawag ni Dewei. Naibalita nitong lasing na lasing daw si Jai. Hindi na raw ito makalakad sa sobrang kalasingan kaya si Dewei na ang maghahatid pauwi. Napatayo si Aster nang mag-ring ang kanyang cellphone. Kasama niya si Anya sa sala. Kaagad niyang sinagot ang tawag at itinapat ang phone sa kanyang tenga. “I’m here already, Aster,” bungad ni Dewei. “Sige. Andito kami ni Anya sa sala...” sagot niya bago agad pinatay ang tawag. Nagpalakad-lakad si Aster sa sala, nag-aalala para kay Jai. May usapan silang lalabas ngayong gabi, pero bigla na lamang itong nag-inom nang hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya naramdamang may problema ito buong araw. Napatigil siya nang marinig ang pagbukas ng gate. Napalingon siya sa pintuan. Papasok si Dewei habang nakaakbay kay Jai na pasuray-suray ang lakad at tila wala sa sarili. Napabaling siya sa kanyang private nurse. “Anya, puwede ka bang maghanda ng tubig at face towel? Pakidala na lang sa kuwarto namin
KUMPLETO na sila sa loob ng conference room. Naroon ang mag-asawang sina Carlita at Renan. Katapat ni Jai sa upuan ang kanyang tiyuhin, habang ang iba pang may mahahalagang posisyon sa kompanya ay nakaupo na rin sa kani-kanilang puwesto. Napalingon si Jai sa direksyon ng pinto nang may pumasok na isang lalaki na tila kasing-edad lang niya. Nakasalamin ito at maayos ang bihis, pormal at propesyonal. Parang siya ang abogado ng kanyang ama. "Atty. Braganza," sabi ni Renan habang tumatayo at nilalapitan ang bagong dating. "Renan Bautista. Long time no see," nakangiting tugon ng lalaki na kinilalang si Leo Braganza, ang private lawyer ni Reynaldo. "I'm saddened by what happened to Mr. Reynaldo." Tumango si Renan bilang tugon, saka inilapit si Jai. "Ito nga pala ang pamangkin ko, si Jai Bautista, anak ni Kuya Reynaldo," pakilala ni Renan. Bahagyang ngumiti si Leo at iniabot ang kamay kay Jai. "So you're Jai. Your father spoke about you a few times. I'm Atty. Leo Braganza, your father
"SORRY, wife. Gabing-gabi na naman ako nakauwi," agad na hingi ng paumanhin ni Jai sa asawa. Pinagpapahinga niya muna ang ina bago siya umalis ng ospital. "Okay lang. Walang problema..." tanging nasagot ni Aster. Nilapitan siya ng asawa at hinalikan sa labi. Napasinghap naman si Aster sa ginawa ni Jai. "Oh, why? Is it my first time to kiss you on the lips?" Nag-init bigla ang pisngi niya. "H-Hindi... hindi lang ako sanay na sa labi mo ako hinahalikan." "Asawa naman kita. Kaya wala sigurong masama," tudyo ni Jai na nangingiti dahil sa pamumula ng mukha ni Aster. "Shower lang ako..." paalam niya pa saka iniwan ang asawa at dumiretso sa banyo. Pagkapasok sa loob ng banyo ni Jai ay naupo siya sa gilid ng kama. Tumitiyempo siya para kausapin ang asawa. May appointment siya bukas sa ospital. Check up nila ni baby. Hinaplos ni Aster ang tiyan niya habang bahagyang nakayuko. Marahang nag-inhale at exhale, pinipigilan ang kaba. “Paano ko kaya sasabihin kay Jai?” mahina niyang usal sa s
NAKATAYO si Aster sa bintana ng kuwarto nila ni Jai. Haplos niya ang may kalakihan niyang tiyan. Maagang umalis ang asawa niya para samahang magbantay ang ina nito sa ospital. Bumukas ang pinto ng kuwarto niya. Si Anya ang nakita niyang pumasok dala ang tray. "Ma'am Aster, kumain na po kayo. Naibilin po ni Sir Jai na nakakain kayo ng almusal n'yo," sabi nito habang ibinababa ang tray sa maliit na lamesa. "Salamat, Anya..." walang gana na sagot ni Aster. "Si Mama, bumaba ba siya para kumain?" "Hindi ko po napansin. Pero pupuntahan ko po sa kuwarto niya para tanungin." Sagot ni Anya. "Maraming salamat ulit, Anya, sa tulong mo," sabi ni Aster na naglakad palapit sa kanyang pagkain. Nagsimula na siyang kumain kahit na parang ayaw tanggapin ang pagkain ng kanyang sikmura. "Labas po muna ako, Ma'am Aster," paalam ni Anya na ikinatunghay niya. Tumango na lamang siya bilang tugon. Tumalikod na ito at lumabas ng kuwarto nilang mag-asawa. Pagkatapos na mag-almusal ni Aster ay tumayo na s
MADALING araw na wala pa rin si Jai. Kanina pa palakad-lakad si Aster, hindi siya mapakali at 'di rin siya dalawin ng antok. Sobrang iniisip niya ang kaninang senaryo sa labas ng mansyon. Biglang bumukas ang pinto na ikinatigil ni Aster. Nakita niya si Jai na napaupo sa gilid ng kama. Agad niyang nilapitan ang asawa. "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya kay Jai. Napatunghay si Jai kay Aster. "Kamuntikan ng mawala si Tatay kanina. Maigi na lang magagaling ang doktor niya at narevive siya." Sagot niya saka unti-unting pumatak ang luha sa mata. "Sobra-sobra ang takot ko noong nakita ko si Tatay na parang hindi na humihinga. I saw the monitor, it was a flat line." Humagulhol na ng iyak si Jai. Hinagod naman ni Aster ang likod ng kanyang asawa. Pinunasan ni Jai ang mga luha niya saka tumingin kay Aster. "Iba pala pakiramdam kapag nasa ganoong sitwasyon. Pati ako halos hindi makahinga. 'Di ko pa pala kaya na mawawala ang Tatay ko sa amin." Niyakap na ni Aster ang asawa at