Share

CHAPTER 1-DARKBLUE EYES

MALIYAH POV

               “Hoy Maliyah, ano balak mo sa buhay hihilita ka nalang diyan. Papasok kapa sa eskwelahan.”

Dinig na dinig ko ang pag bubunganga ni Mama. Umagang umaga ito agad ang babati sa akin. Madalas  ito ang inaalmusal ko at hapunan pag bubunga ni Mama. Ang aking kape ay ang kanyang mura. Lahat na ata narinig ko at hindi ko nalang ito pinapansin. Anak lang ako madalas kong marinig mula sa kanya. But still I find it fascinating, kahit anong mura ni mama at paninigaw madali itong suyuin.

               Madalas napipikon na siya sa akin at kung ano ano ang sinasabi, tinatawanan ko nalang dahil alam ko naman hindi para sa akin ang paninigaw niya kundi sa panganay kong kapatid. Ngunit kung anong mga salita ang sinasabi ni Mama, para sa Ate ko yun din ang sasalubong sa akin. Kaya parang walang pinag kaiba. May pwesto si Mama sa palengke at ang Papa ko naman ay sinasakang dalawang ektaryang lupa na naiwan ng aming Lolo. Tatlo kaming magkapatid si Ate Mazelen maagang nabuntis at tinakbuhan ng lalaki nakabuntis kanya. Dalagang ina at sa amin nakatira at umaasa kina Mama.

               Ako ang sumunod sa Ate isang mabait at ulirang anak. Masayahin at may pagkakalog  ako madalas sinasabihan ako ni Mama na may tupak. Dahil kapag nagagalit sinusuyo ko siya at tinatanong bakit high blood naman ito, at pinapaalala ko sa kanya ang wrinkles niya kapag lagi itong high blood. Hagalpak na ako kakatawa kong titigil ito kakabunganga at nagtatanong kong totoo, hihipo agad nito sa mukha nya. Sa edad kong bente alam kong responsibilidad ko sila Mama na mabigyan ng maayos na buhay. Gusto kong suklian ang paghihirap nila makatapos lang ako at sinisiguro ko lagi na mataas ang grades ko para hindi ako matanggal sa scholarship. Doon lang ako bumabawi talaga. Kaya galit na galit ang Ate Mazelen sa akin. Dahil paborito daw ako, at unfair daw ang trato ni Mama sa aming lahat.

               Ang sumunod si akin ay Marleah, sampung taong gula na ito at nasa grade five na, mababang paaralan sa aming bayan.  Malapit ang eskwelahan nito sa amin kaya nilalakad lang niya. Naawa ako sa Ate Maze kasi wala nang ginagawa si Mama kundi pag salitaan ito nang masama, alam kong labis labis na itong nasasaktan, kahit ako nasasaktan para sa kanya.  Tahimik lang ang Ate at hindi na ito kumikibo pero isang beses sumagot na ito kay Mama ngunit mag asawang sampal lang ang natanggap nito. Niyakap ko ang Ate Maze kaso tinulak niya ako at nag babaga ang mata niya sa galit. Napabuntong hininga nalang ako. Awa ang bumalot sa puso ko para sa kanya.

               Pagkatapos kong mag almusal pumasok na ako sa banyo para maligo dahil may exam kami ngayon. Ilang buwan nalang magtatapos na ako bilang Physical therapist at balak kong mag self-review nalang dahil wala kaming pera. Alam kong gusto ni Mama na mag review center ako kasi iniisip nagigipit lalo sila. Sabi ko dito nalang ako sa bahay mag review. Hindi na naman ako pinilit ni Mama bahala daw ako at sisiguraduhin ko lang daw na makapasa ako.

               Matapos maligo at magbihis ng uniform ko nag paalam na ako sa Mama. Nag  aayos siya nang kanya mga panindang gulay. Si Papa sigurado akong maagang umalis papunta sa lupang sinasaka nito. Mabait si Papa, tahimik ito at laging nakangiti kahit pa mag bubunga si Mama parang balewala lang ito kay Papa. Sanay na siguro ito sa ilang taon na silang mag-asawa.  Ang mga tinitinda ni Mama ay si Papa ang nag tatanim. Sari saring mga gulay. Magkatulong sila sa pag hahanap buhay kaya lalong bilib din ako kay Papa talaga.

               “Mama aalis na po ako,”

Paalam ko kay Mama at kita ang pag tigil niya sa kanyang ginagawa at humarap sa akin. Sinuri ang suot ko.

               “Hoy Maliyah ilang buwan nalang matatapos kana, kong may kati ka diyan sa  katawan mo tiisin mo muna at tapusin ang pag aaral mo.”

Babala ni Mama sa akin at may diin ang mga salita nito. Ngumiti lang ako kay Mama , niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

               “Mama aakyat kayo sa intablado at sasabitan nyo pa ako nang medalya. Kaya kalma lang Ma, ang puso mo sige kayo, kapag ganyan kayo ng ganyan baka dumami na naman yang wrinkles at pangit kayo sa picture sa graduation ko”

Mahabang kong litanya sa kanya, kita na napatigil ito at sinamaan ako nang tingin agad akong kumalas at patakbong lumabas sa aming maliit na gate na yari sa kawayan.  Bago ako tuluyang umalis tumigil ako at humarap kay Mama.

               “Ma, samahan nyo po ako sa ospital para kunin ang marka ko, at babayaran po yung miscellaneous fee Ma”.

Hindi ko na hinintay sumagot si Mama at umalis na ako ng tuluyan. Kilalang kilala ko na siya simula nang nabuntis ang ate Maze gusto ni Mama na siya mismo ang pupunta sa eskwelahan namin at kakausap sa mga professor ko o kaya naman sa hospital na pinag o-ojtihan namin .

               Wala naman problema sa akin, wala rin naman akong manliligaw dahil ako mismo ang umiiwas. Ayaw kong biguin si Mama sa pangalawang pag kataon. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na  Aral muna today Landi Later kapag tapos na ako.  

               Madadaanan ko ang bahay nina Alexander at ni Terry. Sabay sabay kaming papasok sa eskwelan dahil  pare-pareho ang kurso namin. Si Terry may kaya sa buhay simula ng elementary kami nag si-seaman na ang tatay nito at Teacher naman ang Mommy niya. Si Alexander naman Pharmacist ang Mama niya sa bayan  at meron silang sariling botika at ang Papa naman ni Alexander ay Clerk sa office ni Mayor. Mula elementary na kaming magkakasama at mag kaibigan din ang aming pamilya. Madalas inaaway kami ni Alexander kapag buo ang tawag namin sa pangalan niya dahil gusto niya LEXA daw. Pinagtatawanan nalang namin ni Terry ang kalokohan nito. Tanggap ng mga magulang nito ang katauhan ni Alexander, kahit nag iisang anak ito.

               “Alexander! Male-late na tayo”

Sigaw ko na sa tapat nang bahay nila. Agad itong tumakbo nang nakasimangot papalapit sa akin. Alam ko na agad ang dahilan. Tinawanan ko lang ito.

               “Hoy Maliyah ilang beses ko bang sasabihin sayo na LEXA hindi Alexander ang pangalan ko. He flipped his imaginary long hair. Napailing nalang ako sa inasal niya.

               “Eh sa gusto kong tawagin kang Alexander akong magagawa mo”

Pabalang kong sagot sa kanya at lalong lumukot ang mukha nito. Actually Alexander is handsome. Hindi ito mahahalatang bakla kong hindi ito magsalita at kikilos ng malambot.

               “Agang aga iniinis mo na agad ako”

 Pag mamaktol nitong sagot sa aking. Hinila niya ng konti ang buhok ko. Tumawa ako dahil sambakol talaga ang mukha niya. Hinila ko na siya para makaalis na kami at dadaanan pa namin si Terry. Isa pa yung mabagal kumilos na animo'y,  parang pagong. Daig pa nito ang sasagala sa daming nilalagay sa mukha ito. Kong ano anong kolorete, magaling kasi si Terry mag make up. Akala ko nga sa fashion design ang kukunin  ngunit nag taka ako nang sumabay itong mag enrol kasama namin ni Alexander. Ang dahilan pa nito ay ayaw niyang humiwalay sa amin ni Alexander baka hindi daw niya kayanin ang lungkot at baka masama daw ugali,  ang makikilala niya sa Maynila kaya hindi na ito nag aral doon.

               Pag tapat namin sa bahay nina Terry sumigaw na agad si Alexander. Lumabas ang Kuya ni Terry na si Terrence at ngumiti sa amin. Madalas sa umaga ito ang ginagawa nang kuya ni Terry. Engineer ito at sa munisipyo din nagtatrabaho. Matanda ito sa amin ng limang taon. Gwapo naman ito pero walang appeal sa akin. Madalas sumasama ito sa amin sa meryenda sa bayan kaso kapag alam kong kasama ang Kuya ni Terry lagi akong umiiwas at nag dadahilan na may gagawin pa ako.

               Tanaw ko ang paglabas ni Terry sa bahay nila, at kumaway kami sa kanya, as usual ganda na naman ng make up nito. Nagtataka rin ako dito kay Terry, maganda ito kahit walang make up. Samantalang ako pulbos na Johnson lang, Johnson baby cologne at lip tint gorabels na ako. Bukod sa nagtitipid ako , nahiya ako humingi kina Mama. Walang kolorete ang mukha ko, bukod sa hindi ako marunong mag lagay niyon. Sa baon ko inaawas ang pambili ko nang personal ko na gamit hindi ko na hinihingi kay Mama. Ayaw ko na siyang bigyan pa ng ibang gastusin. Madalas naman pagdating ng meryenda at lunch dinadamihan na nila Alexander at Terry ang binibili nila at sini share nila sa akin. Madalas nga nahihiya na ako sa puro libre nila sa akin. Magalang kaming nag paalam sa kapatid ni Terry . Todo ngiti naman ito sa amin, sa amin ba o sa akin.

Pagdating namin sa paradahan ng tricycle agad kaming sumakay. Ilang minuto pa nasa tapat na kami ng main entrance nang aming school St. Vincent  College. Kanya kanya na kaming bayad at sabay pumasok sa school. Pag pasok pa lang namin nag kalat ang mga estudyante nang ibang departamento. Ang eskwelahan namin ay puro medical courses lang. Nursing, Physical  therapist, nutritionist, at maraming medical courses. Sakto naman dahil ito ang kurso na gusto ko talaga. Ako din ang nag hihilot sa Mama at Papa kapag pagod na pagod sila.

“Hoy girls may gwapo tayong Prof, pero sa lower year daw ito nagtuturo sayang at hindi sa atin.”

Dinig na dinig namin ang mga marites nang school. Agang aga alam agad ang latest. Napailing nalang ako. Dumeretso na kami sa aming building department.

Agad nag bago ang mukha ko dahil humarang sa amin ang anak ng may ari ng eskwelahan namin at may bitbit itong bulaklak at inaabot sa akin. Ngunit tinitigan ko lang ito at hindi tinanggap. Crush ito ni Terry hindi man nito sabihin akin ngunit hindi naman ako manhid.The twinkle in her eyes when Jerome was near.  Kaso wala talaga itong appeal sa akin,  tulad din ni Terrence na kapatid ni Terry. May itsura naman ito. Ewan ko ba, masyado akong pihikan. Mayaman ito, matikas kong tutuusin ang daming mga kababaihan ang gustong masilo ang atensiyon nito. But not me

               Akmang hahakbang ako para lampasan siya ngunit hinila niya ang siko ko parahap sa kanya. My face become fiercer. Dumako ang mata ko sa kamay niya sa siko at tinitigan ko iyon at tumaas agad ang kilay ko. Hinablot ko ang siko ko at tumalikod na ako at hindi nag salita. Ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ko ang matigas na pader, este dibdib pala.

Agad bumilis ang tibok nang tibok ng puso ko, amoy na amoy ko agad ang mamahalin niyang pabango nito.  Agad akong tumingala para makita at makilala ang nabangga ko. On that moment my heart stopped, my mind went blank, and my body froze . Oh My Gee          

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status