Share

Chapter 5

Matapos ang madamdaming panonood namin ng mga recorded videos na iyon galing sa mga mahal namin sa buhay, ay muling nagpatuloy ang paglalakbay namin. Ilang sandali pa muna silang nag-iyakan. Hagulhol kung hagulhol. Nangingibabaw sa lahat kanina ang iyak ni Josh. Matanda na raw kasi ang mga magulang niya and he wants them to see and be part, be citizen of the new Earth.

Mas naging pursigido kami ngayong mapagtagumpayan ang misyong 'to. We need to make this mission a success. Hindi lamang para sa mga pamilya namin, kung hindi para na rin sa mga pamilyang naiwan sa Earth.

Those kids out there, they deserve to play around without thinking about when will the Earth end. They deserve more than what's Earth has to offer. They deserve to see more, and Earth can't give them that. That's why we'll be the one to give that to them. A new planet to stay in. A new planet where they can play, laugh, cry, and enjoy. A new planet where they can learn new things, discover new things. A new planet where they can be whoever they wanted to be.

"I-I see something!" Josh muttered out of nowhere. He was pointing at something. I noticed that his hands are slightly shaking, as well as his knees.

Hindi pa namin agad naintindihan 'yong sinabi niya dahil sobrang bilis no'n. Maging si Lei na katabi niya at kaagapay niya sa controls ay naguguluhan ding napalingon sa kaniya.

"What is it, 002?" Tanong ni Mark.

Hindi sumagot si Josh, diniinan lamang niya ang pagkakaturo sa nasa harapan namin. Glass kasi 'yon at kitang-kita ang labas. 'Yon din ang mismong monitor kung saan namin nakakausap araw-araw ang mga seniors.

I glanced at the unknown and squinted my eyes. All I'm seeing is pure darkness, the infinite and empty space. Anong... Wala naman—

"Holy—" Bigla kong narinig na sumigaw si Rina. Magtatanong pa sana ako kung ano 'yon nang makita ko ang dahilan ng pagsigaw niya. My jaw dropped in an instant. I blinked my eyes a few times, a few more times, and a few more times, and a few more times just to make sure that what I am seeing is not hallucination or any product made by my mind.

"Baloney!" Naidugtong ko na lamang.

I can't believe my eyes. Niloloko ata ako ng mga 'to. Am I just seeing things? Namamalikmata lang ba ako? Is that... Is that a... planet? It's a sphere, just like the Earth. It's color blue too however it has a mixture of a bunch of other colors such as purple, yellow, red, and others.

Ilang sandali pa ay napaigtad ako nang mukha ni Mr. Martino ang pumalit sa glass monitor. They're calling through video call. This is unusual. Madalas kasi ay isang beses lang sila kung tumawag sa amin sa isang araw. Eh tumawag naman na sila kanina. 

"Searchers, ready yourselves. This is it. Planet HPSAE is approaching." 

Magtatanong pa sana ako tungkol sa ipinangalan nila sa planeta, pero pinili ko na lamang ayusin ang sarili ko. Ang pangit naman kasi. Pwede namang Armstrong, Einstein, o kaya ay apelyido ng isang sikat na artista, HPSAE pa talaga. Ano ang pinaikli no'n? Hapsey? 

"Ito ang pinakahinihintay nating lahat. Just a few more moments at masisilayan na natin ang bago nating planeta. Do everything you can, Searchers. Nakasalalay sa inyo ang future ng mga mahal niyo sa buhay, at ng bilyon-bilyong tao sa Earth." Napalunok ako sa sinabi ni Mr. Martino. Grabeng pressure naman 'yan!

Pinilit kong isinantabi ang mga tumatakbo sa isip ko. I know this isn't the right time, but I'm overthinking. I tried so hard to manage my breathings. Huminga ako ng malalim at dahan-dahan iyong pinakawalan.

Slowly, the planet became visible. Napanganga ako sa ganda nito. It's so colorful. Para siyang rainbow. However, the other part of it is dark. Parang hindi siya nasisinagan ng araw. In the distance, I can see the sun. Unlike our sun, it's smaller and slightly bluer. Which means, mas mainit siya kompara sa mga planetang nasa Milky Way galaxy.

"Seaechers, prepare for landing." Anunsyo ni Mark.

Napatango naman kaming lahat at nangalikot na rin sa mga controls namin. Katulad ng nangyari sa Earth ay nahirapan din kami sa pagpasok, which is a good sign dahil sigurado nang may ozone layer din ang planetang 'to.

"This is Andromeda 01583. I repeat, this is Andromeda 01583. We're the first batch of searchers that was released to the space for a mission of finding a habitable planet under Habitable Planet Search Association of Earth or HPSAE. Again, this is the first batch and we welcome you to planet HPSAE." Pagsasalita ni Mark. 

Sa palagay ko'y he's finally doing the documentation. Gano'n daw kasi ang gagawin 'pag nakarating na kami sa planeta. At dahil siya ang leader namin, sa kaniya nakatoka 'yon.

Nang makalapag ay halos mag-unahan na kaming lahat sa pagpunta sa storage room. Dali-dali na naming sinuot ang mga suits namin. Habang isinusuot 'yon ay naririnig ko pa ang usapan nila Josh at Dave.

"Bakit first batch daw tayo? Diba pangalawang batch na tayo kasi nauna na 'yong grupo ng mga magulang ni Tyria?" Nagtatakang tanong ni Josh.

Parang automatic na lumaki ang tenga ko ro'n. They're talking about my parents now. It's not bad to eavesdrop when the culprits are talking about your family, right?

"Gano'n talaga. Hindi nagtagumpay ang unang batch eh, kaya hindi na sila cinoconsider na first batch. Gano'n din ang mangyayari sa 'tin kapag hindi tayo magtagumpay sa misyong 'to. Hindi tayo kikilalanin at kakalimutan na tayo ng mundo." Nababagot na saad ni Dave. He sounded like he's sick of this rule, or regulation, or mindset, or whatever you call this. So am I.

Tiim-bagang akong nagmadali sa pagsusuot ng suit at agad na lumapas ng spaceship. Nauna pa ako sa leader namin. Hindi ko nalang pinansin ang pagtawag nila sa 'kin. I need fresh air, kung may air nga rito.

Pero agad akong napatigil sa pagkilos nang makita ng malapitan ang paligid. Wow, ang ganda. Ang ganda ganda. 

Madaming sorpresa ang buhay, ang mundo. Hindi ko aakalaing mangyayari ang ganito sa tanang buhay ko.

Naalala ko noon, iniimagine ko lang ang sarili kong nasa ibang planeta na raw. Mahirap mag-adjust no'ng una pero kalaunan ay nasanay din naman daw ako. Ngayon kaya, masasanay din kaya ako rito? Sa bagong planeta na 'to? 

Bagong planeta... hays.

Sino ang mag-aakalang ang isang Tyria Petreon ay makakarating sa ibang planeta? At hindi lamang basta planeta. Isang planetang kamukhang-kamukha ng planetang pinanggalingan ko. Ang Earth.

Ang bilis ng mga pangyayari. Parang noong nakaraang mga buwan lang ay iniisip ko pa kung ano kaya ang magiging itsura ng panibago naming planeta. Ngayon eto na siya sa harapan ko. 

Ang ganda. Sobrang ganda niya. Never in my entire existence that I've seen such beauty. This is different from what we have on Earth. This is amazing. It's... magical.

Naglakad ako ng kaunti, palayo sa spaceship. Nagulat ako ng mapansing normal lang ang paglalakad ko. Para bang nasa Earth lang ako. Pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang paligid.

Nagkalat ang mga makukulay na halaman sa paligid. Hindi pamilyar sa akin ang mga halamang nakikita ko pero talaga nga namang ang gaganda nila. I can see a rose-like plant on a purple galaxy color. Everything here looks like a galaxy or the outer space, or the stars, or anything from the space. This is really really really amazing. And fascinating too! Like, really!

“Is it safe to take off our helmets?” Lei asks. Hindi ko man lang napansing nakalapit na pala sila sa akin.

May kinakalikot si Mark sa hawak niyang tablet. Maybe he’s checking if it’s safe for us to remove our helmets. Pabilog kaming nakatayo habang inililibot ang paningin namin sa paligid. Hindi muna namin sinubok maglakad-lakad. We need to make sure if it’s safe first.

I heard Mark gasped. “It’s safe! There’s an oxygen. Katulad na katulad siya ng Earth!”

Dahil sa sinabi niya ay kaniya-kaniya na kami ng tanggal sa mga helmet namin. Ito ‘yong mga helmet na ginagamit ng mga astronaut noon, and now we’re the ones using it.

Gano’n na lamang ang takot at gulat na naramdaman namin nang matapos mahubad ang mga helmet ay isang grupo ng mga nilalang ang lumitaw sa kung saan. Damn, aliens!

Tatakbo na sana kami pabalik sa spaceship nang biglang maramdaman namin ang pagbigat ng mga katawan namin. Wala nga pala kami sa Earth. Maaaring ang pagkakaroon lang ng oxygen ang pagkakatulad ng planetang ‘to sa planeta namin. I exerted too much effort to get away and run towards the spaceship but to no avail.

Dahil sa mabagal na paglalakad dahil sa bigat ng mga katawan ay tuluyan kaming naabutan ng mga nilalang. My breathing hitched when I’m met by an amazing pair of space-like eyes. It’s eyes are like the infinite space. Dark and bluish, yet full of stars.

----

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status