Share

Kabanata 4.1

Kabanata 4.1 - Affected

ANG tagal ni Aslan na nakapameywang sa harap ng sasakyan. Nakabukas na ang likod na bahagi nun. Naka-display na ang luggage ni Alexa pero dinaig nun ang isang magandang babae na kanina pa niya tinititigan.

What does he call this hard shaft inside his pants? Boner. Yes. He had it since he glanced at those round, firm mounds, tightly brushing against her wet shirt.

Mali nga siguro na sinundo niya ang babaeng iyon. Hindi niya natiis at napanindigan ang kanyang salita na bahala iyon sa buhay nun.

Kahit na walang tigil si Donna sa paglalaro ng dila sa kanyang pagkalalaki kanina, nanlalambot iyon kapag natitikal sa mainit na bibig ng babae. Ang utak niya ay okupado ng isang babae sa gitna ng daan, bumabagyo, at walang masakyan.

Paano siya matatahimik nang ganoon? Naalala niya si Geron at si Caroline.

Fuck.

He had thought that his duty over their daughter already ended when Alexa chose to part her way with his. Hindi pa pala.

Naaalala niya ang pagkupkop ng mag-asawa sa kanya, ang kabutihan, kung paano siya sinundo ng mga iyon at binago ang kanyang kapalaran, kaya ngayon siya ay nakakapagmaneho ng isang napakamahal na sasakyan.

He lives in a city of his own. Lahat iyon ay dahil kay Caroline. And it's true that hacienda Escobar belongs to Alexa's ancestors.

Masama ba talaga siya kung siya ngayon ang nagmamay-ari nito, at hindi ang kaisa-isang lehitimong apo ng namayapang Don Renato Escobar?

Pero walang nangahas na magsabing siya ay isang magnanakaw o mang-aagaw. Tuwang-tuwa ang mga tao na siya ang pumalit kay Geronimo dahil tulad ng isang natural na haciendero, yumaman at gumanda ang kabuhayan ng mga nasasakupan niya.

Tanyag siya sa buong probinsya at kilala siya saan mang panig ng mundo. He is the face of Hacienda Escobar and he made it the sole living paradise on Earth.

Bigla siyang natauhan at napabalik sa huwisyo nang biglang may kumalampag na yero, kasusunod nun ay ang sigaw ng isang may edad na lalaking tumatakbo.

"Senyorito!" Paulit-ulit na hiyaw ng isang trabahante kaya napakunot siya ng noong lumingon sa gate ng mansyon.

May kalayuan iyon pero dahil sa linaw ng kanyang mga mata ay nakikita niya na si Tibursio ang tumatakbo, may talukbong ng malaking plastik.

Jesus. What is the old man doing? Kalahi ba ito ni Alexa na hindi binabagyo?

Pumasok sa loob ang isang kalabaw, hila ang sasakyang gawa sa kahoy na de gulong.

Sinalubong niya ang mga iyon bago pa siya malapitan.

"Ano pong ginagawa niyo rito? Ang lakas ng bagyo!" Maagap na tanong niya.

"Si Mariska, manganganak na!"

"What?" Bulalas niya sabay kamot nang marahas sa ulo.

Napaka-wrong timing naman ni Marishka. Kung kailan naman bumabaha at bumabagyo, saka naman manganganak! Paano siya pupunta sa duktor? Minadali nga lang niya ang pagmamaneho papuntang Apalit at pabalik para hindi siya tuluyang abutan ng paparating na landfall.

Hindi siya makakakuha ng duktor dahil pihadong baha sa tulay.

"Wala tayong makukuhang duktor," aniya sa mga ito.

"Ikaw," ani sa kanya ni Tibor.

Umiling siya.

Hindi. Hindi na siya kailanman magpapaanak ng kabayo o ng kahit na ano. Ayaw na niyang mamatayan ng alaga.

Mula sa pagkabata ay mga alaga niya ang kanyang naging pamilya dahil malupit ang kanyang ama-amahan at hindi siya naipagtanggol man lang ng kanyang ina.

Pinagkaitan siya ng karapatan ni Baron na makapag-aral. Tagahatid lamang siya ng mga anak nun sa unang asawa. Siya ang lehitimong anak ng kanyang ina pero siya ang nabalewala.

Sa tanda niya noon nang kunin siya ni Caroline, first year pa lang ang natatapos niya.

Nahiya na rin siya na pumasok dahil nang pilit siyang mag-enroll na second year high school, tampulan siya ng bully. Ang laking itlog daw niya.

Kapre raw siya sa klase. Ganun ang kanyang naranasan sa pag-aaral. Sa tuwing siya ay uuwi, bugbog pa ang aabutin niya dahil wala pang sinaing. Wala lang lutong kamote na may sardinas dahil wala pa ang ina niya galing sa pakikipasok na katulong.

Lihim siyang umiiyak dahil hindi siya makapalag, hindi siya makalaban.

Takbuhan niya ang kanyang alagang mga hayop.

Nakaswerte siya na mayroon ng Alternative Learning System, inilakad siya ni Caroline para makapasok nang siya ay ampunin ng mag-asawa. Nakapasok kaagad siya sa kolehiyo at dahil likas ang kanyang pagiging matalino, lumabas ang kanyang galing lalo na nang siya ay kumuha ng kursong Beterinaryo.

Nakapagtapos siya kaya lang nang siya ay magpaanak ng kabayo, kabayo na niya noong siya ay dumating sa hasyenda, kasa-kasama niya sa pamamasyal ay namatay iyon. Si Marishka ang anak ng kanyang kabayo, at hindi siya hahawak dun dahil hindi niya kayang makitang mawala ulit ang mga mahal niyang alaga.

"Senyorito, alam namin kahit hindi ka magsalita pero…mas lalong kawawa si Marishka. Unang anak niya ito," ani pa ni Tibor, "Hihintayin ka namin sa rantso. Mag-ingat ka, senyorito, malakas ang bagyo."

Tumalikod na iyon at siya ay tigalgal hanggang sa siya ay pumihit na rin.

Tulala siyang lumapit sa sasakyan at kinuha ang bagahe ni Alexa sa likod.

Basang basa na siya ng ulan.

Dala niya ang luggage na naglakad pabalik sa mansyon. Iniisip niya kung siya ay pupunta sa rantso. Hindi niya masusundo ang duktor nasisiguro niya.

What will he do? Kung sa gamit ay kumpleto siya, hanggang da mga gamot ni Marishka dahil ipinabili na ng duktor kaagad sa kanya.

They were expecting her to have her delivery this coming week, not this week. Bakit naman napaka-wrong timing?

Pumasok siya sa loob ng bahay kahit na basang-basa siya. Nakarinig siya ng mga tsismisan at tawanan sa may gawing kumedor.

"Ang ganda-ganda niya. Noon, mala dyosa na ang ganda niya, mas lalo pang gumanda. Para talaga siyang prinsesa ng hacienda. Pihadong inggit na naman ang mga kababaihan dito sa pagbabalik ng anak ni senyora Caroline," daldal ni Lorna sa lahat.

Narinig niya ang pag-sang-ayon ng iba pang mga kasambahay sa sinabi nun.

No wonder, all these people treat Alexa like a real princess. Walang nagbago sa tingin ng mga taga hacienda sa spoiled na anak ng mag-asawang umampon sa kanya.

Dumiretso siya sa pagpanhik para maihatid niya ang mga damit ng prinsesa.

On his upstairs, Mang Kiko is going down.

"Naroon siya sa kwarto niya noong dalagita pa siya. Igagawa ko siya ng sariwang tsokolate, iyong natural na Cacao natin. Napakatagal mo naman, Aslan," anang mayordomo sa kanya.

"Donating sina Mang Tibor. Manganganak na si Marishka at walang duktor," aniya rito at saglit na napaawang ang labi nito sa kanya.

Aslan sighed. He's so damn confused and agitated.

"Kaya mo 'yan. Kaysa hayaan mong nahihirapan ang alaga mo, tulungan mo siya. Tandaan mo Aslan na wala kang kasalanan sa pagkawala ng kabayo mo noon. Talagang oras na. 'Wag mong sisihin ang kakayahan mo bilang isang duktor sa pagkawala ng isang alaga mong hayop. Tulad ng tao, may kanya-kanya rin silang oras. Baka panahon na para balikan mo ang iniwan mong tungkulin sa kanila," ani Kiko sa kanya.

Nasa boses nito ang paghikayat sa kanya na maniwala siya sa kanyang sarili.

Hindi siya umimik at tumuloy lang sa pagpanhik. Mabigat ang kanyang mga paghakbang hanggang sa marating niya ang kwarto ni Alexa.

Walang katok niyang pinihit ang seradura ng pinto at itinulak iyon.

"Aaaay! Rapist!" Bulalas ng dalagang nakaharap sa isang vanity mirror.

"Fuck!"

Hindi siya nag-abalang tumalikod, bagkus ay inararo niya ito ng tingin.

"Bastos! Get out!" Tili ng dalaga na nagmamadaling inayos ang roba.

Kung hindi ba naman ito tanga na ibaba ang itaas na bahagi ng damit habang nagpapahid ng lotion.

Saan naman ito kumuha ng lotion?

His question was answered when he saw her body bag. Naroon ang mga pang kulorete nito, nakikita niya.

"Here's your luggage. Next time, lock the door, hindi yung titili ka ng raypist, ni ka pa nga nahahawakan," masungit na sabi niya pero isang irap ang nakuha niya mula rito.

Naglakad pa siya papasok para ilagay ang bagahe nito sa mismong tapat ng closet. Wala itong walk-in. Ito ang bukod tangi na walang walk-in closet dahil natatakot daw ito noon. Iniisip daw nito na may lalabas na multo mula sa pinto ng walk-in kaya ipinatanggal ng ama nito.

Nakita niya kung paano mapaatras si Alexa na parang gagahasain.

"Sino bang niloko mo, Alexa? Tatlong taon ka ng may boyfriend kaya 'wag ka ng umasta na may katago-tago pa sa katawan mo."

"Bwisit ka!" Iyon ang sagot nito sa kanya matapos niyang talikuran.

Lumingon siya nang nasa may pinto na siya ng kwarto pero umakto ito na babatuhin siya kaya mabilis siyang lumabas at inilapat ang pinto.

Aslan heard that thing hit the door he just shut. He's still so lucky after all.

Dumiretso siya sa kanyang kwarto para maligo rin at pag-isipan ang kanyang gagawin.

Damn. Bakit siya mag-iisip? Baka nakapanganak na si Marishka ay hindi pa siya tapos sa paggawa ng kanyang desisyon.

It doesn't have to take so long. His horse badly needs him. Tama si Kiko. Mas nakakaawa iyon kung pababayaan niyang nahihirapan sa panganganak kung may magagawa naman siya.

Binilisan niya ang kilos.

Pagkatapos niya ay bumalik siya sa kwarto ng kanyang adopted sister at pinihit ang seradura pero naka-locked na iyon.

"Alexa!" Tawag niya sa dalaga saka siya kumatok.

Nang bumukas ang pinto ay nakasimangot na mukha nito ang bumungad sa kanya.

She just crossed her arms over her chest. Umarko ang mga kilay nito sa tamad na paraan.

"I'll go to the ranch."

"So?" Mataray na sagot nito sa kanya, "Kahit pa dun ka na tumira wala akong pakialam."

"Ganyan ba ang itinuro sa iyo sa medical school, ang hasain ang dila para sa katarayan?"

Nakita niyang lalong nagpuyos ang mukha nito sa galit.

"And you? Itinuro ba sa business course mo na magnakaw?"

"I took Vet," ngumisi siya pero totoong may business course din siya. Iyon ang naka-front na degree niya pero sa puso niya ay mas malapit ang pagiging isang Beterenaryo.

Tumalikod na siya bago pa makahuma ang taklesang spoiled brat.

"Magpasama ka kay Mang Kiko kapag natakot ka. You're alone here. Baka na lang may marinig kang kung ano ay mabulahaw ang buong hacienda sa tili mo."

"W-What?" She asked stammering, "W-What marinig?"

Diretso lang siyang naglakad papunta sa may hagdan at hindi na pinansin ang dalagang halatang natakot sa pananakot niya.

That's what she gets for being so sarcastic. Multo lang ang katapat ni Alexa at alam na alam niya iyon.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Eiramesor Isob
paano mabasa next chapter po sa Libre sana parang po ?
goodnovel comment avatar
John Chloe Sartorio
ayieh!pasimple pa c papa Aslan..bahala ka kpg natakot yan at kumapit sau..baka magka boner ka nnmn.. hehehhehehe
goodnovel comment avatar
Minette Agapinan Gutierrez
thanks miss MM......
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status