Amelia Buenavista's P.O.V.Halos mamaga ang mata ko kaiiyak kagabi. Nasaktan ako ng sobra sa mga salitang binitawan sa akin ni Elijah. Oo, alam ko namang naging mali ang paraan ko para mahalin siya. Pero hindi naman niya ako masisisi dahil malaki ang insecurities ko sa sarili ko dahil nga mas matanda ako sa kaniya. Mahal na mahal ko si Elijah. Unang kita ko pa lang sa kaniya, nabihag niya na ang puso ko. At nang pumayag siya na maging kami, tuwang-tuwa ako. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na ibigay sa kan'ya ang lahat para hindi niya ako iwa. Pero hindi pa rin nabago iyon at iniwan niya pa rin ako Alam ko namang mali ang nagawa ko at naisip ko nga na naging preso siya sa piling ko. Kaya nga gusto kong bumawi at ipakita sa kaniya na handa akong magbago bumalik lamang siya sa akin. Pero mukhang mahahadlangan iyon dahil sa babaeng 'yon. Hindi naman siya maganda. Makinis at maputi lang siya pero kung tutuusin mas maganda pa ako sa kan'ya. Sa edad lang kami nagkakatalo. Sa yaman na
Ava's P.O.V.Nagulat ako sa biglang pagpasok ni Mommy sa kuwarto ko. Abala kasi ako sa pag-aayos dahil mamaya nandiyan na si Elijah para ihatid ako sa opisina."Maghanap ka ng bagong driver, Ava.." mahina ngunit may diim niyang sabi kaya napatingin ako sa kan'ya."Ano? Bakit naman ako maghahanap ng bagong driver eh mayroon na ako?"Nakadekuwatro siyang umupo sa harapan ko kasabay ng paghinga niyang malalim. Bigla akong kinabahan. "Tanggalin mo na ang driver mong 'yan. Ayoko sa kan'ya. Hindi siya magandang impluwensiya sa iyo. At isa pa, napapansin ko ang pagiging malapit ninyo isa't isa. Hindi puwede 'yon."Nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Ano bang nangyayari sa iyo, Mommy? Bakit ba ang dumi ng isip mo?"Walang emosyon niya akong tinitigan. "Madumi nga bang talaga ang isip ko? O sadyang tinatago niyo lang kung anong mayroon sa inyong dalawa?"Nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman ang tungkol sa amin ni Elijah? Bakit biglang naging ganito ang mga sinasabi niya sa akin? Sinabi
Ava's P.O.V."Huwag ka ng umiyak, Hon." Mahigpit akong niyakap ni Elijah habang hinahaplos ang likuran ko.Hindi ko mapigilang umiyak. Hindi ko mapigilang masaktan para sa mga salitang binitawan sa kanya ni Mommy. Pinagsabihan na naman siya nito at hinamak sa harap ng maraming tao."Hon, huwag kang mag-alala. Wala lang naman iyon sa akin eh. 'D ba ang sabi ko nga, nang marinig ko siya sa una kong tainga labas sa kabila agad. Ganoon lang kasimple 'yon."Tumingin ako sa kan'ya. Pinagmasdan ko ang guwapo niyang mukha. Alam kong naapektuhan siya sa mga sinabi Mommy pero nagkukunwari lang siyang hindi para hindi ako mag-alala."Huwag mo akong titigan ng ganiyan, Hon. Ayos lang ako. Maniwala ka, Hon."Humikbi ako sabay singhot. "I'm sorry, Hon. Patawarin mo ako kung ganitong klase ng magulang ang mayroon ako. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga sinabi niya sa iyo. Sa pamamahiya niya sa iyo. Galit na galit ako kay Mommy. Napakasama niya talaga."Hinaplos niya ang aking buhok sabay halik s
Elijah's P.O.V. Isang malutong na sampal ang natanggap sa akin ni Amelia. Namula ang kan'yang pisngi na aking sinampal. Bahala siya sa buhay niya. Siya naman ang may kasalanan niyan. Masyado siyang maharot. May girlfriend na ako. At ayokong may ganitong galawang gumagawa sa akin. Ayoko ng mal*nding babae."Anong karapatan mong halikan ako, Amelia? May girlfriend na ako at siya lang ang may karapatang humalik o yumakap sa akin! Wala kang karapatang gawin sa akin ang mga bagay na iyan dahil wala na tayo! Alam mo, Amelia...punong-puno na ako sa iyo eh. Kaya dapat lang iyo na masampal. Baka sakaling matauhan ka. Alam mo hindi na ikaw ang gusto ko pero pinipilit mo pa ring ipagsiksikan sa akin ang sarili mo!""Wala kang alam, Elijah," nangingilid ang luhang sabi niya.Tiningnan ko siya ng masama. Ano naman ang pakulo nito? "Anong wala akong alam? Ano na naman ba ang ginagawa mo?" Inis akong bumuga ng hangin. Pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil baka mamaya masaktan ko na naman ang baba
22Bethrice Agoncillo's P.O.V.Pauwi na ako galing sa palengke. Namili kasi ako ng ulam na iluluto namin ng kapatid ko. Halos magdadalawang buwan na rin akong nandito sa kanila. Ayaw pa nga niya akong pauwiin dahil miss na miss niya raw ako. Pero sa susunod na linggo ay uuwi na ako dahil alam kong nalulungkot si Elijah mag-isa sa bahay.Habang naglalakad ako, nagulat na lamang ako ng may isang magarang sasakyan ang huminto sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking lumabas sa sasakyan."Leonardo…"mahinang banggit ko sa pangalan niya.Bakit nandito ang lalaking 'to? Anong karapatan niyang magpakita sa akin pagkatapos niya akong iwan no'n? Pagkatapos niya akong lokohin magpapakita pa siya sa akin ngayon? Bigla akong nakaramdam ng matinding galit. Naglakad siya palapit sa akin. Akma sana akong tatakbo ngunit hinawakan niya ako sa kamay. Mahigpit ang ginawa niyang pagkakahawak sa akin kaya hindi ko nabawi ang kamay ko."Bethrice…saglit lang mag-usap
Elijah's P.O.V.Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang si Mr. Leonardo Montemayor ang ama ko. Kaya pala unang kita ko pa lang sa kaniya ay magaan na ang loob ko. Pero alam niya kaya na ako ng anak niya? Kasi mabait siya sa akin. At isa pa, gusto niya pa ngang ituring ako na anak na ang totoo pala, siya tunay kong ama.Nagmamadali akong nagtungo sa kompanya nila Ava pero hindi ako pinapasok ng guard. Naka-ban daw ako rito. Inis akong naglakad palayo. "Buw*sit!" Inis kong sabi. Malamang, ang nanay na naman ni Ava ang may pakana nito. Bruha talaga ang babaeng 'yon. Masyadong mataas ang tingin sa kaniyang sarili. Matapobre ang hayop! Tinawagan ko na lang si Ava. Ilang saglit pa ay nakita ko na siyang lumabas mula sa elevator at naglakad patungo sa akin. "Ayos ka lang ba?" Kaagad niyang tanong."Oo. Epal talaga 'yang nanay mo. Na-ban pala ako dito? Ano bang problema niya? Sakit siya sa ulo!"Hinawakan ako sa kamay ni Ava. "Hayaan mo na. Pinagdarasal ko na lang na mapagod siy
Elijah's P.O.V."Elijah…" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita ko kung sino."Uy ikaw! Ikaw 'yong nakabangga sa sidecar ko dati 'di ba?" sabi ko sa kaniya sabay lapit. Pinagbuksan ko siya ng gate."Sinadya ko 'yon." Nakangising sabi niya.Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit mo naman sinadya?"Tumawa siya. "Kailangan para magkita na tayo. Ako pala si Jack. Magpinsan tayo. At matagal na kitang minamatyagan dahil utos 'yon sa akin ng Daddy mo."Nanlaki ang mata ko. "Weh? 'Di nga? Kaya pala parehas tayong guwapo! Magpinsan pala tayo!" Napangiti sabay iling si Jack. "Loko ka. Kumusta ka pala? Kayo ng nobya mong si Ava?" Bumuntong hininga ako. "Ito…medyo nahihirapan dahil patago kaming nagmamahalan ni Ava. Patago kaming kikita at nagsasama tuwing gabi.""At dahil ba 'yon sa hindi ka tanggap ng Mommy niya?" Mabilis akong tumango. "Oo. Siya talaga ang kontrabida sa love story namin ni Ava. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Hindi na lang siya maging masaya para amin ng ana
Elijah's P.O.V.Ngayong araw ay wala kaming ibang ginawa ni Papa kun'di ang gumala. Hindi sumama si Mama dahil ayaw daw niya ng gulo. Kaya nagpaiwan na lang si Mama sa bahay. Kung saan-saan kami nagpunta ni Papa. Binilhan niya rin ako ng mga mamahaling damit at sapatos."Nagustuhan mo ba anak ang lahat ng binili ko sa iyo?" tanong sa akin ni Papa. "Opo! Gustong-gusto ko. Maraming salamat po, Papa," masayang sabi ko sa kaniya."Walang ano man anak. Nga pala, saan mo pa pala gustong magpunta?""Puwede po ba pumunta tayo sa play house? Mag-basket ball tayo, Pa! Pataasan tayo ng score," sabi ko sabay tawa.Natawa rin siya sabay tango. "Sige ba. Walang problema."Agad naman kaming nagtungo sa play house. Maraming kabataan ang naglalaro sa baskellball-an kaya naghintay muna kami ni Papa. At pagkatapos ay agad na kaming naglaro.Masasabi kong magaling si Papa mag-shoot ng bola dahil halos wala siyang palya."Wow ang galing! Mataas ka lang sa akin ng two points, Pa!" sabi ko nang makita ko a