Share

Chapter 22

22

Bethrice Agoncillo's P.O.V.

Pauwi na ako galing sa palengke. Namili kasi ako ng ulam na iluluto namin ng kapatid ko. Halos magdadalawang buwan na rin akong nandito sa kanila. Ayaw pa nga niya akong pauwiin dahil miss na miss niya raw ako. Pero sa susunod na linggo ay uuwi na ako dahil alam kong nalulungkot si Elijah mag-isa sa bahay.

Habang naglalakad ako, nagulat na lamang ako ng may isang magarang sasakyan ang huminto sa aking harapan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang lalaking lumabas sa sasakyan.

"Leonardo…"mahinang banggit ko sa pangalan niya.

Bakit nandito ang lalaking 'to? Anong karapatan niyang magpakita sa akin pagkatapos niya akong iwan no'n? Pagkatapos niya akong lokohin magpapakita pa siya sa akin ngayon? Bigla akong nakaramdam ng matinding galit. Naglakad siya palapit sa akin. Akma sana akong tatakbo ngunit hinawakan niya ako sa kamay. Mahigpit ang ginawa niyang pagkakahawak sa akin kaya hindi ko nabawi ang kamay ko.

"Bethrice…saglit lang mag-usap
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status