Elijah's P.O.V.
Dahil kay Amelia ay nakatira na kami sa isang magandang bahay. Hindi na kami tumira sa isang apartment dahil siya na mismo ang bumili ng bahay para sa amin. Sinabi ko na lang na babayaran ko na lang siya kapag nakahanap na ako ng trabaho. Pero hindi siya pumayag dahil girlfriend ko naman daw siya at wala lang sa kaniya iyon. Oo, girlfriend ko na nga ang babaeng 'yon pero siya ang nanligaw sa akin. Puwede ko na rin siyang pagtiyagaan hanggang sa wala pa talaga ako. Pero kapag yumaman na ako, hihiwalayan ko na siya dahil ayoko talagang magkaroon ng partner na may anak na.
"Elijah!" tawag sa akin ni Robert habang naglalakad patungo sa kinaroroonan ko.
"Bakit? May kailangan ka ba?"
"Wala. Baka gusto mong mag-apply bilang driver sa pinapasukan ng kapatid ko. Uuwi na kasing probinsya ang kapatid ko. Baka hindi na siya makabalik."
"Ha? Paano 'yan limot ko na kung paano magmaneho. Hindi ko na kasi namamaneho ang sasakyan mo. At saka wala pa akong lisensya."
Ngumiti siya. "Huwag kang mag-alala, tutulungan kita. Ako na muna ang bahala sa iyo. Pahihiramin kita ng pang-lisensya mo at iyong sasakyan ko, kung gusto turuan na ulit kita mag-drive. Para naman may maayos kang trabaho kahit papaano."
Bigla akong nabuhayan. Napakabait talaga sa akin ni Robert. "Sigurado ka ba diyan?"
"Oo naman. At isa pa, baka kasi dumating ang araw na isumbat sa iyo ng girlfriend mo ang mga bigay niya. Mahirap na. Kaya subukan mo na ito. Mabait naman ang magiging amo mo. Malaki rin ang sahod mo sa kanila. Sa isang buwan pa aalis iyong kapatid ko kaya may panahon ka pa para mag-aral magmaneho."
Sumang-ayon ako sa sinabi ni Robert. Dahil alam kong kapag dumating na ang araw na ayoko na kay Amelia, sigurado akong isusumbat niya ang lahat sa akin. Kaya tama lang na kumilos na ako para kahit papaano mabayaran ko siya at para na rin may pera ako mula sa pinaghirapan ko.
Pagdating ng hapon ay nagtungo na ako sa bahay ni Robert. Medyo kinakabahan pa nga ako nang magsimula akong magmaneho. Pero agad ko ring nakabisado ang lahat dahil dati na akong nagmamaneho ng sasakyan ni Robert.
"Oh, 'di ba? Basic lang sa iyo. Basta mag-iingat ka lang palagi kapag magmamaneho ka. Focus ka lang sa kalsada."
"Oo, pre. Salamat talaga sa iyo," sagot ko sa kaniya.
Tinapik niya ako sa balikat. "Wala iyon."
MATAPOS ANG ILANG LINGGONG pag-aaral ko ng pagmamaneho, naging komportable na ako at pakiramdam ko ang galing ko na. Nakuha ko na rin kaagad ang lisensya ko dahil may kaibigan si Robert doon. Tuwang-tuwa ako dahil sa wakas ay magkakaroon na ako ng maayos na trabaho. At ngayon ay nandito na ako sa malaking bahay kung saan nakatira ang magiging amo ko. Kanina pa ako kinakabahan habang naghihintay sa sala. Mayamaya pa ay bumaba ang isang napakagandang babae. Napalunok ako at hindi naalis ang tingin sa kaniya hanggang sa tuluyan siyang makababa ng hagdan.
Maamo ang kaniyang mukha at nakakaakit ang kaniyang manipis na pulang lagi. Makinis at maputi ang kaniyang balat, hugis bote ang kaniyang katawan at mapang-akit ang kaniyang antuking mga mata. Napatayo ako nang makalapit siya sa akin.
"Hello. Elijah?" Taas-kilay niyang tanong.
"Y-Yes po, Ma'am." Halos mautal kong sagot.
"Okay. So alam mo naman siguro ang magiging trabaho mo? Nasabi naman siguro sa iyo ni Robert?"
"Yes po, Ma'am."
"Hindi na kita i-interview-hin pa masyado dahil nasabi na rin ni Robert sa akin ang tungkol sa iyo. At may tiwala naman ako sa kaniya. Dahil sa susunod na linggo na aalis ang kapatid niya, sa susunod na linggo na rin ang start mo. Every seven in the morning dapat nandito ka na. And then susunduin mo ako sa company ng five in the afternoon. Libre naman ang pagkain mo sa akin. Hindi rin ako mahigpit. Ang ayoko lang ay 'yong latae. Kapag nahatid o nasundo mo na ako, puwede ka ng umuwi sa inyo or gawin ang mga bagay na dapat mong gawin. Pero syempre dapat lagi mong hawak ang phone mo kasi may time na may pinupuntahan akong lugar."
Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nagsasalita siya. Ang ganda talaga niya na parang gusto kong titigan ang mukha niya buong araw.
"Elijah? Nakikinig ka ba?"
Napakurap ako sabay kamot sa ulo. "O-Opo, Ma'am pasensya na po. Sabog lang," peke akong tumawa.
"Sabog?" Kunot-noong tanong niya.
"Kumbaga nawala lang ako sa wisyo, Ma'am. Ang dami ko lang kasing ginawa kanina."
Tumanggo siya. "Okay sige. Pero na intindihan mo naman lahat ng sinabi ko, 'di ba?"
"Yes, Ma'am."
Pinasadahan niya ako ng tingin. Bigla tuloy akong nailang. Napatingin tuloy ako sa suot ko kung ayos lang. Mabuti na lang at bumili ako ng mga damit kahit na hindi branded pero ayos naman.
"Puwede ka ng umuwi."
"S-Sige po, Ma'am."
Kaagad na siyang tumalikod at saka umakyat ng hagdan. Sinundan ko siya ng tingin at umasang lilingunin niya ako pero hindi na siya nag-abala pa. Nagkibit-balikat na lang ako at saka lumabas na ng bahay nila. Bago pa man ako makalabas ng gate ay may sasakyang pumarada sa harapan ng gate nila. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking nagmamaneho.
Siya iyong muntik ng bumangga sa akin!
"Ikaw pala! Anong ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin nang bumaba siya ng sasakyan.
"Nag-apply po ako bilang driver, Sir."
"Ah okay. Sabagay aalis na ang dating driver ni Ava. Anong sabi niya pala sa iyo?"
Ava pala ang pangalan niya. Napakagandang pangalan. Bagay na bagay sa kaniya.
"Sinabi niya lang iyong oras at pagsundo ko sa kaniya, Sir. Wala naman po kami masyadong pinag-usapan."
Tumango-tango lang siya. Bumukas ang sasakyan niya at saka lumabas mula dito ang isang lalaki. Sa tingin ko nasa edad fifty to sixty years old na ang lalaking ito. Nakasuot siya ng tuxedo at napatingin siya sa akin. Nagulat ako nang ngumiti siya kaya napangiti rin ako.
Napansin ko ang mata niyang kulay brown. Ganoon din kasi ang kulay ng akin at parang magkaparehas kami. At ang kilay niya, magkaparehas din kami.
"Elijah Montemayor? Ikaw ba 'yan?" Nakangiting sabi niya sa akin sabay lapit.
Paano niya nalaman ang pangalan ko? Kilala ba ako ng lalaking ito?
"Y-Yes, Sir..."
"Nice to meet you, Elijah. I'm Leonardo Montemayor, " aniya sabay lahad ng kamay.
Ava's P.O.V.Isang linggo matapos mailibing si Mommy, tila naging tahimik ang buhay ko. Naging malungkot at tila ba walang buhay. Ang anak ko na lang na si Evo ang nagpapasaya sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya upang pasayahin ako."Ava...hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Bakit hindi mo ako mabigyan ng isang pagkakataon para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo? Huwag mo ng isipin pa si Elijah. Nalalapit na ang araw ng kasal nila ng bago niya. Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan?" sabi sa akin ni Bryan.Kasalukuyang dinalaw ako ni Bryan ngayon. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya kailangan. Si Elijah ang kailangan ko ngayon. Pero mukhang busy ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Amelia."Hindi natuturuan ang puso, Bryan. At kahit pang mangyari, hindi kita magagawang mahalin dahil si Elijah lang ang hanap ng puso ko. Siya lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung maaari sana, t
Ava's P.O.V.Malungkot akong nakatanaw sa kalangitan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghihintay ng pagbabalik ni Elijah. Sobrang nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin."Evo...anak ko...wait lang natin si Daddy mo, ha? Alam kong babalikan niya tayo..." Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi masaktan. Sabik na sabik na akong mayakap at makasama si Elijah. Walang araw o oras na hindi ko siya inisip. At walang araw na hindi ako nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan lang siya. Kinabukasan, nagulantang ako sa balitang natanggap ko. Nandito na raw si Elijah. Sobrang kabog ng puso kaya naman nagpunta kaagad ako sa kompanya ng kaniyang ama."Hello po, Tito...nasaan po si Elijah?" Kinakabahan kong tanong nang makita ko si Mr. Leonardo.Malungkot siyang tumingin sa akin. At pagkatapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Ava...hindi ko alam kung
Elijah's P.O.V.Kahit nahihilo na ako, hindi pa rin ako tumitigil sa kaiinom ng alak. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto ko ring maglaho na lang bigla. Hindi ko in-expect na magagawa iyon sa akin ni Ava. "Elijah...lasing na lasing ka na. Tama na 'yan," sabi sa akin ni Jack.Bumaling ako sa kaniya. "Ano bang nagawa kong mali para ipagpalit kaagad ako ni Ava? Hindi ba siya naniwala sa akin na babalikan ko siya? Na kinailangan ko lang ng kaunting panahon para maabot ko kung ano na ako ngayon?"Bumuntong hininga si Jack. "Sa totoo lang, ayokong magsalita eh. Kasi hindi ko naman alam ang side ni Ava. Baka may kinalaman na naman ang Mommy niya kaya siya nagkaroon agad ng iba.""Pero kahit na. Kung mahal niya talaga ako, hindi niya magagawang magpabuntis sa iba. Na makakaya niya akong ipaglaban. At alam mo na ang sama niya dahil tunay na anak pala niya ang batang 'yon pero sinabi niya lang na ampon? Hindi ko akalain na ganoon pala siyang klaseng babae. Hindi niya inisip ang anak niya. K
"Ano bang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko kay Amelia nang pumayag akong makipagkita sa kaniya.Malawak siyang ngumiti. "Mas lalo kang gumuwapo ngayon, Elijah. Masaya ako dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo. May sarili ka ng kompanya at kilala ka na rin. Hindi magtatagal ay magiging kagaya ka na rin ng Daddy mo."Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?""Sa akin na lang 'yon. Kailan ko lang ito nalaman. Nagulat nga ako eh. Syempre, sa pagkawala mo, talagang nangulila rin ako dahil mahal pa rin kita. Nag-imbestiga ako tungkol sa iyo at nalaman kong anak ka pala sa labas ng isang kilalang tao. Masaya nga ako dahil maayos na ang buhay mo ngayon. At may maipagmamalaki ka na sa taong umapi sa iyo kagaya ng Mommy ni Ava."Napatango na lang ako. Sabagay, mayaman si Amelia. Marami siyang koneksyon kaya talagang may malalaman siya tungkol sa akin."Okay. Pero ano ba ang dahilan mo para makipagkita sa akin? Ano bang sasabihin mo?" Ngumiti siya. "Hindi naman sa pangingial
Elijah's P.O.V.Dalawang buwan simula nang matungo kami dito sa probinsya, wala akong ibang inisip kun'di si Ava. Labis akong nangungulila sa kaniya. Deactivated ang lahat ng social media accounts ko. Pati ang simcard ko ay sinira ko na rin para wala na siyang contact sa akin. Alam kong mali ang ginagawa kong 'to dahil wala man lang akong pasabi sa kaniya na aalis ako pero ito lang ang paraan ko para hindi na rin siya madamay. Ayokong magkaroon pa siya ng koneksyon sa akin na maaari niyang ikapahamak."Ayos ka lang ba, anak?" tanong sa akin ni Mama na kararating lang galing sa palengke."Ayos lang po ako, Mama. Huwag niyo po akong alalahanin," sagot sabay ngiti. Bumuntong hininga si Mama. "Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pangungulila mo kay Ava. Pero kailangan muna nating magtago sa ngayon para na rin sa kapakanan ninyong dalawa."Huminga ako ng malalim sabay tango. "Opo, Mama. Naiintindihan ko po 'yon. At isa pa, gusto ko na pagbalik ko, may masasabi na ako. Hindi naman m
Elijah's P.O.V.Habang abala ako sa pagluluto, nagulat na lang ako nang may malakas na katok mula sa gate. Pagkatingin ko, nandoon si Papa. Agad ko siyang pinagbuksan ng gate. Nagmamadali naman siyang pumasok sa loob ng bahay."Umalis na muna kayo, Elijah. Magpakalayo-layo kayo ng Mama mo," mabilis na sabi ni Papa habang nanginginig ang kamay."Ha? Bakit Leonardo? Anong mayroon?" takang tanong naman ni Mama na pababa ng hagdan."Bethrice, nalaman na ni Moira ang tungkol sa anak natin. Alam na niya na anak natin si Elijah. Galit na galit siya sa akin. Ibig sabihin, siya pala ang nag-utos sa tauhan niya na sundan si Elijah para alamin kung sino ba siya. At alam kong may gagawin siyang masama sa inyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Umalis na kayo hangga't maaga pa. Para hindi na niya kayo maabutan pa," bakas sa tono ni Papa ang takot."Pero Papa, paano ka naman? Baka may gawing masama sa iyo ang babaeng 'yon!" Ngumiti si Papa. "Huwag mo akong ala