Share

Enchanted: Chapter 5.1

Naglakad kami pababa sa napakahabang hagdan habang pinagmamasdan ang paligid.

Lumabas na kami sa building kasabay ang ibang estudyante na palagay ko ay papasok

na rin. Isang silver pathway ang tinahak namin papunta sa - uhh . . .

"Okay, dito tayo sa Main Hall magsisimula," sabi niya nang makahinto na kami.

Tiningnan ko ang mataas na gusali na nasa harap namin. May mga column na

nagsisilbing haligi nito. Mga carved paintings sa taas na medyo hindi ko na maaninag dahil sa mataas na sikat ng araw. Pero confident ako na carved paintings 'yon. Sa

bawat column naman nakalagay ang mga elements o charms kung tatawagin.

Pumasok kami sa loob ng Main Hall. Hindi ko mapigilang mamangha dahil sa sobrang

kintab ng sahig! Kulay krema ang tiles nito at may mga nakaukit pa na hindi ko ma-gets.

Medyo mahina ako sa visuals.

Inilibot ko ang paningin ko. Napukaw ng pansin ko ang malaking chandelier na nasa

gitna. Nasa baba nito ay isang maliit na fountain. Lumapit ako roon at pinagmasdan ang

tubig.

Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa sobrang linaw. Ang ganda! - ko.

"Ang kabuuan nito ay naglalaman ng offices. Offices ng Administrators, Principal and

ang rooms ng mga Teachers. Nandito rin ang office ng Headmaster. Stricted sa lugar na

ito at mga taong may permiso lang ang makakapasok," biglang sabi ni Brina na nasa

likod ko lang.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Are you sure? Eh bakit tayo nandito kung bawal

pala? Baka naman mahuli tayo rito?"

Nako, ha! Bago pa lang ako rito gagawa na ako agad ng record? Eh ang sabi pa naman

ni Arucis umayos daw ako.

"Understood naman 'yon kung bago lang ang isang estudyante. Puwede silang

mag-ikot tuwing free time, pero bawal siya pumasok sa mga kuwarto. Malalaman mo rin

naman kung anong kuwarto ang balak mo pasukin. Kasi may mga name naman na

nakalagay sa bawat room. So you have no reason to enter other rooms, lalo na kung

wala kang pass." Tumango-tango ako sa sinabi ni Brina. Ganoon pala 'yon! Gets ko na.

"Ah, ganoon pala. Eh how about this hallway?" Turo ko sa gitnang hallway na pumukaw

sa atensyon ko. Silver pathway lang din siya kagaya ng dinaanan namin noong papunta

kami rito. Pero curious kasi ako kung saan kami dadalhin noon. Hindi ko kasi masiyadong kita mula rito. Masiyadong maliwanag sa labas.

"Hmm . . . iyan ang magiging daanan natin papunta sa kabilang building," sabi niya.

Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa makalabas kami sa Main Hall. Medyo

mahaba-haba rin ang nilakad namin bago makalabas doon. Ang lawak kasi, e.

Pumasok kami sa isang mataas na hall. Pero kung ikukunpara sa nauna, medyo mas

mababa ito. Isang floor siguro ang pinagkaiba ng dalawa. At katulad din ng nauna,

makintab din ang sahig nito. Kaso nga lang ay wala itong fountain na mayroon sa Main

Hall.

"Puro academic rooms ang nandito. Work Room or Crafting Room. Training Ground or

Training Field. Sila ang sumasakop sa first floor. Nasa kanan ang Training Ground or

mas kilala sa Training Field. Nasa kaliwa naman ang Work Room or mas kilala sa

Crafting Room," paliwanag ni Brina. Naglakad kami papunta sa Training Ground. 1/3

ang sinasakop na espasyo nito.

"Bawal pa pumasok sa Training Ground kasi wala namang pahintulot ng teacher. Or

hindi siya kasama sa activity for today," dagdag niya pa.

Napalabi ako nang sabihin niya 'yon. "Bawal mag-training na mag-isa ka lang?" Umiling

si Brina bilang sagot.

Ano ba 'yan! Ang kill joy. Makausap nga si Arucis.

"Okay, next. Ito ang Crafting Room." Sumilip ako sa Crafting Room. At nakita ang lugar

na puno ng maraming kagamitan. Mga tela na hindi ko alam kung para saan, mga

sewing machines at kung ano-ano pa.

Buti pa 'to nakabukas. Napakadaya naman. Gusto ko pa naman mag-training. Ang tagal

na rin kasi mula noong huli ako nag-ensayo kasama si Arucis at Papa.

Going back. Sakop nito ang 1/3 ng first floor. Sobrang lawak ng Crafting Room. Na pakiramdam ko ay halos lahat ng estudyante ay magkakasya roon.

Ang 1/3 ng first floor ay nasa gitna. Which is ang strange na dalawang daanan pataas

na mukhang elevator. At isang daanan palabas na tatagos sa kabila. Gets mo 'ko?

Kapag hindi, bahala ka sa buhay mo.

"And mula second floor hanggang fourth naman. Puro rooms for academics na 'yan.

Classrooms, ganoon. Gets?" tanong niya. Tumango ako bilang pagsang-ayon.

"Ready ka na for last part ng free tour?" tanong ni Brina sa 'kin.

"Hai!"

Sabay kaming naglakad palabas ng Academic Hall. And as usual, silver pathway ang

daanan namin.

"Ito naman ang Dining Hall. As you can see it is under construction pa dahil sa may

parts na nasira. But mabilis lang naman 'yan." Kahapon ay hindi ko 'to nakita ng

malinaw dahil madilim na.

Pero ito pala ang mas maliit sa tatlo. Pero mas malapad naman siya kumpara sa

dalawa. Mas malaki ang sakop niya ganoon. Malawak kasi siya kung titignan. Parehas

sila ng Main Hall na may columns. 'Yong Academic Building kasi ay wala.

"Ang Library nito ay nasa kanang wing nitong Hall. Pagkapasok mo mula rito ay

kakanan ka lang. Didiretsuhin mo ang way na 'yon at may makikita ka nang malaking

pintuan. At yun na ang Library. Pero kung dito tayo nakaharap. Ang library na

mapupuntahan mo ay library for charmers only."

"Nasaan ang para sa sorcerers?" tanong ko. Bakit parang ang arte naman yata?

Kailangan pang-charmer lang? Sino ba nagpauso nito?

"Ang pinto para sa Sorcerers' Library ay nakaharap kung saan ang Academy ng mga Wizards."

"Puwede tayong pumunta roon?"

"Ikaw lang siguro. Bawal ako roon kasi charmer ako,"

"Anyways, sa labas naman nitong hall ang pag-uusapan natin. Sa kaliwa noon ay

nandoon nakatayo ang Battle Field. Minsan lang siya gamitin para sa mga special

students."

"Battle Field? What for kung may Training Ground naman?"

"Battle Field ay ginagamit for special students. Mostly mga nakaangat sa top 10. Sila

ang maglalaban-laban to test their abilities. It is like On-The-Battle Training na binanggit

ni Paul kahapon."

Oh-kay, medyo nakakakaba naman 'yon.

"And sa kanan naman ay nandoon ang Charmers' Dormitory Building or CDB in short."

"Which is for charmers only, right?" Kumpirma ko sa kaniya.

"Right," sagot niya naman kaagad. "If didiretsuhin natin itong hallway. Sa labas nito ay

ang Sorcerers' Dormitory Building na nakatayo sa bandang kaliwa. Nasa kanan naman

ang Battle Field nila."

"Ah, edi parang naka-mirror lang siya? Ganoon ba 'yon?"

"Yep!" pagsang-ayon niya. "Pagkalabas natin sa Hall na 'to pagmamay-ari na ng mga

sorcerer ang mapupuntahan natin. Pero bawal iyon puntahan ng mga charmers kasi,

anong sense ng pagpunta mo roon, right? And to make it short. Gitnang bahagi ng

buong Academy ang dining hall,"

"Hmm, medyo okay na siya for me. Kaysa naman sa mapa niyo na hindi ko

maintindihan kung ano ang C, ano ang S." Tumawa siya nang umirap ako. Totoo

naman, e!

'Yong C pala nandoon ay Charmers. Ang S ay Sorcerers. Argh, napakasimple lang pala noon tapos sumakit pa ulo ko kakaisip.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status