Days had stayed the same. Hindi ko alam kung mananatiling nagkukunwari si Alejandro bilang hardinero sa mansion nila Sairo nang matagal. Pero mukhang gano'n na nga, dahil ilang araw na ang lumipas at nandito pa rin siya—tahimik na tinatanaw kami mula sa malayo.Tahimik siyang nagmamasid. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya hanggang ngayon, dahil sinabi ko na sa kaniya na hindi ko pwedeng iwanan si Sairo. Sairo had already made a lot of sacrifices for us, and I don’t want to waste that.“You seem distant,” ani Sairo. Inilapag ko si Andra sa sahig dahil gusto niyang maglakad at maglaro.I bit my lip. Hindi ko alam, pero may kung ano sa akin na ayaw nang makita ako ni Alejandro na nakadikit kay Sairo. Sairo is my husband, and there's nothing wrong with that.“What? No,” tanging sagot ko, sabay lakad papunta sa balkonahe nang makita kong papalapit siya sa akin.Si Andra naman ay abalang naglalaro sa sahig ng kwarto, nakatuon sa mga nakakalat niyang laruan.“Look at you, walking away,” p
Hinayaan ko ang sarili ko na ubusin ang luha sa loob ng bodega na iyon. Nang maramdaman ko na kaya ko nang kontrolin ang nararamdaman ko ay inayos ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari sa paglabas ko sa lugar na ito. Mabuti na lang at abala ang mga tao at walang pumasok sa bodega sa mga oras na ito dahil hindi ko alam ang idadahilan ko kapag nakita nila akong umiiyak. Lumabas ako sa bodega at dahan-dahang naglakad papunta sa hardin kung saan huli kong iniwan ang anak ko at si Sairo. Inihanda ko ang sarili sa kung ano man ang mangyayari sa mga oras na ito; iniisip ko kung nakita na ba ni Sairo si Alejandro o may kaguluhan nang nagaganap.Maluwag naman akong nakahinga ng makitang patuloy pa rin ang kasiyahan sa hardin. Natanaw ko si Sairo na panay ang lingon tila may hinahanap, nang tumama ang paningin niya sa akin ay gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi. Hawak niya pa rin si Andra na may dala-dalang pagkain sa kamay nito. “Where have you been? We've been loo
Malalim ang hininga niya at nanlilisik ang mga mata; kahit na madilim ang paligid ng bodega ay kitang-kita ko ang mukha niya. Tila ngayon ko lang napagtanto na pinangulilaan ko ito. “Alejandro.” I tried to shake his hands off mine, but he wouldn't budge; mas humigpit pa ang kapit niya doon, dahilan para makaramdam ako ng bahagyang hapdi. I squinted my eyes because of his grasp. Tila napansin niya iyon at bigla siyang umatras paatras at sinabunutan ang sariling buhok. “Fuck! Fuck! ” The frustration in his voice was evident; sinipa niya ang isang balde na nasa harap. “I-I’m sorry, I didn’t mean—” Muli siyang humarap sa akin at akmang hahawakan akong muli. Pero bago pa niya ako malapitan ay agad akong umiwas.Nasa harapan ko ngayon si Alejandro. Si Alejandro na hindi ko sinipot sa kasal namin at ama ng anak ko. Nanatiling malakas ang tibok ng puso ko. I don't even know what to say. Dapat ba akong magalit? O dapat bang paalisin ko siya? O hayaan ko ang sarili ko na madala sa nararam
Mariin kong pinagmamasdan si Sairo na hawak ang anak ko at malalaki ang ngiti habang kausap ang mga bisita. Ngayon ang araw ng kaarawan ni Andra. Mahalaga ang araw na ito para kay Andra, pero hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi ni Aling Tess sa akin kahapon. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin iyon. “Happy birthday, my baby! ” maligayang sigaw ni Tita Saeko habang papalapit kay Sairo at Andra. Malaki ang ngiti ni Andra ng makita niya ang kanyang Lola Saeko. “Aww, how sweet,” ika ng isa sa mga Tita ni Sairo sa eksena. Mababait sila at hindi halata na maaring may nakakubli sa bawat pagkatao. Kaya’t hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa ibig sabihin ni Aling Tess. What more could it be? Sa hardin naganap ang engrandeng selebrasyon; hindi ko nga akalain na sa magdamag ay nagawa nilang pagandahin at ihanda ang hardin. Sabagay, kung ako ang mag-aasikaso noon ay baka hindi ko rin kayanin. Maraming bisita si Sairo na inimbita, ang mga kamag-anak nila na may kasama ring bat
Marahan kong inilapag si Andra sa kaniyang kuna nang masiguro ko na malalim na ang tulog niya; hindi ako makapaniwala na bukas na ang ika-dalawang kaarawan niya. Ang mga araw na nagdaan ay mapayapa at tila perpekto; unti-unti na akong nasasanay sa pamumuhay dito. Napaka maalaga rin ni Sairo kaya madalang akong makapag-isip tungkol sa Pilipinas. I am glad that we are progressing. Pinapatunayan din ni Sairo na hindi masasayang ang binigay kong pagkakataon sakaniya, maski si Andra ay mahal na mahal niya. Bumaba ako ng mansion nang marinig ko ang pagdating ni Sairo. He was massaging his head like he had a headache. He kissed my cheeks as I approached him. Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko na para bang may problema; Sairo had been more preoccupied, his phone buzzing with late-night calls, his brow often furrowed when he thought I wasn't looking. “What happened? Is everything okay? ” tanong ko sa kanya. He just smiled like always, always brushing off my questions. “Just the u
It's been months since I got Alejandro's message. Sa araw-araw na nagdaan sa ilang buwan na iyon ay mayroon sa loob kong umaasa, naghihintay. Alam kong hindi ko dapat iyon maramdaman dahil ito ang desisyon ko. Pero may parte sa akin na umaasa, na baka nga tama ang hinala ko. Na hindi niya lang ako tinulungan pa lang dahil isa akong anak ng kaibigan.“Fuck! ” rinig ko ang sigaw ni Sairo mula sa kabilang kwarto. Narinig ko rin ang malakas na kalabog ng mga gamit. Sandali kong iniwan si Andra na mahimbing ang tulog sa kaniyang kuna at nagtungo sa kabila. I saw Sairo’s frustrated face looking down while his fists were on the side table of the bedroom. “Ayos ka lang? Ano nangyari? ” Dinaluhan ko siya at hinaplos ang kaniyang balikat. Agad na nag-iba ang reaksyon ng kaniyang mukha ng makita niya ako; it became soft. “I'm fine, nagkaroon lang ng problema sa kumpaniya.” Agad akong kinutuban. Hindi ko sinabi sakaniya ang naturang mensahe ni Alejandro; binura ko na rin iyon at pati na rin