เข้าสู่ระบบJhaxien Pov'sMaingat ang pagkakababa niya, habang ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa, nilinga ko si Exell, kagaya noon, nag-iiba ang aura niya kapag nagagalit siya. Ang mga titig niya ang nagpapatunay kung sino siya at ano siya sa Eresalde.Malalim ang paghinga ko bago ko namagitan sa kanila.Sa gitna nila ay tumayo ako, kahit alam kong ang mga baril niya ay tutok sa akin.Saka lamang siya nagbago muli ng reaksyon, nais kong lumapit sa kanya pero ang mga palad ni Lexford ang nagpatigil sa akin.“Hindi ko alam bakit ka nagagalit Mr. Exell Fabillos! Pero -!”“Manahimik ka!!!!” Malakas at nakakabulahaw ang tinig niyang umalingawngaw sa sala. Nagsisimula ng lumibot ang mga tauhan niya sa labas ng gusali, lahat sila ay armado at sapalagay ko ay hindi na nga nila bubuhayin si Lexford kung sakaling may gawin pa ito! – “Bitawan mo ang asawa ko kung ayaw mong kumalat utak mo sa sahig. Akala mo siguro hindi ko alam ang pagnanasa mo!” nag-uutos ang tinig niya, pero kay Lexford ay pa
Exell pov'sInteresting ito ang nasabi ko ng dumating si Lexford Folleir, pambihira at natatanging dumalaw siya sa HQ, Hindi siya ang tipong palakaibigan, kilala ko siya sa pangalan, isang beses ko lang siyang nakasama ng umatend kami sa isang event.May aura siyang pinang-iilagan ng lahat, proteksyon ng tao ang pinagkakabalahan niya, kaya nakakapagtakang interesado siya sa negosyo ko, ngunit iba ang nakikita ko at nababasa sa mata niya.Mula sa paghigop ko sa tsaa ay kapansin pansin ang mga mata niyang nag-gagala, may kung ano siyang hinahanap pero ano iyon?Nang masipat ko si Jhaxien nakatayo sa malayo, pero hindi ‘man lang niya ako nilapitan kaagad, naging iba din ang pakiramdam ko ng mag iba ang presensiya ni Mr. Folleir.Saka ko napatitig kay Jhaxien, siya nga ba ang hinahanap nito.Tumayo ako mula sa sofa. Lumapit ako kay Jhaxien, nabanaag ko ang takot mula sa kamay niyang nangangatog, bahagya akong napatingin kay Mr. Follier at ngumiti, pero may sukat sa isip ko na iba rin ang
Jhaxien POV'sSa sala ako tinungo ng mga paa ko, maaga siyang nawala sa tabi ko, naabutan ko siyang nagkakape kasama ang isang bisita, hindi ko inaasahan na may bisita siya ng ganun kaaga.Palapit pa lang ako ay nakaramdam na ako ng kakaiba, nakalatalikod pa ‘man siya at unang tinginnay nakilala ko na kaagad siya. Kilabot ang naramdaman ko, lalo pa ng lumingon ito at matalim na tumitig sa akin.Umaalingawngaw sa tainga ko ang pagbabanta niya bago ako umalis kahapon. At pinatotohanan na niya ngayon.Nawala sa isip ko na bumalik, dahil hindi ko na gustong bumalik, hindi ko n akaya pa na makasaka siya, hindi ko na makilala ang sarili ko sa t’wing yayakapin at hahalikan niya ako.Nanatili akong nakatayo, ayokong humakbang palapit sa kanila gusto kong manatili sa distansiyang hindi niya ako mahahawakan, isa pang inaalala ko ang dahilan ng pagpunta niya.ag-aalala ako kung meron siyang at ano na kaya ang nasabi niya kay Exell.Tumayo si Exell at lumapit sa akin, hinawakan niya ang palad ko
Jhaxien POV's Mahinang katok ang nagpagising sa akin ng, pagkatapos ko gamutin kagabi si Lexford ay bumalik na ako sa kwarto ko na nasa 2nd floor ng bahay. Binuksan ko ang pinto, ang helper na babae ang bumungad sa akin. “May kailangan ho ba kayo?” “Ah! Pinapatawag kayo ni Mr. Folleir, gusto niyang dalhan ninyo siya ng almusal sa fifth floor. Ngumiti ako ng pilit saka ako sumang ayon, mabigat ang paa ko habang papalapit sa pinto ng kwarto, naabutan ko siyang bihis na bihis at naninigarilyo sa veranda, na parang walang depekto. Pabagsak kong nilapag ang pagkain sa lamesa, saka siya nabaling sa akin at ngumiti. “Okay ka naman pala bakit kailangan mo pa ako?” galit kong sabi. Lumapit siya, at binalingan niya ang pagkain dala ko, saka niya dinampot ang kutsara, umangat iyon papunta sa bibig niya saka siya sumubo habang ang mata ay matamang nakatitig sa akin, hanggang tumigil siya sa pagkain at balingan ako. “Gusto lang kitang makita habang nag-aalmusal ako may mali ba doon?” “Ba
Chapter 22Jhaxien Pov'sNagising ako sa nakakasilaw na liwanag mula sa bintana, hindi ko magalaw ang katawan ko na animo ay may nakadagan sa akin, ng tumingin ako sa bahagi ng baywang ko ay may natanaw akong kamay, agad akong umikot upang mapagmasdan kung sino ang katabi ko, dahil naaala ko si Exell. At ang matatamis na pangyayari sa amin kagabi.Pagharap ko at mapagmasdan ang taong kasama ko sa iisang kama, saka ko napagtanto na hindi si Exell ang taong nasa tabi ko kundi si Lexford.Uminit kaagad ang ulo ko, at bumangon at kinuha ko ang unan at sunod sunod na hinampas siya.Naalimpungatan naman siya at pupungay pungay na nagmulat ng mata saka ito napaupo.Wala siyang pantaas na suot, nakatabing ng kumot ang pang-ibabang bahagi niya kaya hindi ko sigurado kung may suot pa ba siya pang ibaba. Kapansinpansin ang mga pulang marka sa kanyang leeg.“Ano na naman ba? Masakit pa katawan ko, pinagod mo ako kagabi!” hawi niya sa buhok niyang nagulo dahil sa pagkakatulog.“Pinagod? Bakit nand
****Jhaxien Pov's****Nakahain na ang pagkain sa mahaba at magarbong agahan, tahimik ang umaga na animo walang nangyayari kakaiba sa gabi, mataas ang sikat ng araw, na may katamtamang init, nakadulog na sa hapag si Lexford at abala sa kinakain niyang Beef steak with mushroom na sinangkapan ng special sauce at may touch of red tomatoes.“Paborito ni Mr. Folleir!” sambit ng babaing helper habang papunta kami sa garden, kung saan nakahain ang almusal para sa umagang iyon.Sabi pa nga niya ay hindi nagtatagal si Lexford ng iisang lugar, mabilis itong maburyong at magalit kaya kung saan nito gusto ay talagang masusunod.Nang makarating roon ay nag-usog ng upuan ang babaing helper na parang isa ako sa pinagsisilbihan niya, samantalang pakiramdam ko ay wala naman kami pinag-iba sa kanya, bukod nga lang sa wala akong ginagawa kundi gugulin ang mga oras ko sa loob ng kwarto.Magbasa ng magazine at dyaryo lang ang maari kong mapagkabalahan, walang telebisyon ang nakabukas, walang phone na pwede
Jhaxien POV’sHabang papalayo ako sa kwarto ay dinig na dinig ng tainga ako ang pintig ng puso ko, bagamat sandali lang ang pagkakayapos niya ay para akong napaso sa init ng kanyang katawan. Hindi ko alam kung bunga lang ba yun ng mga benda na bumalot sa sugat niya.“O hindi naman kaya?” Bulalas ko
Exell Pov'sNagmulat ang mata ko sa madilim na kwarto, hinagilap ng kamay ko ang lampara sa gilid ng kama ngunit may nahagip akong buhok kaya napabalikwas ako, kalakio ng pagkirot ng mga sugat ko, na sa tingin ko ay natastasan pa ng tahi, inakala ko na isang multo angbtaong nasa gilid ng kama, tant
Chapter 15Exell POV'sNapayakap ako sa kanya ng makita ko siya, hindi ko alam sinong nagtulak sakin bakit ko ginawa iyon, pero bigla na lamang ako nakaramdam ng takot, takot na baka hindi ko na siya makita pang muli.Dahil sa likod na ng makapal na sweater ay ang pagkirot ng mga sugat, ang pakira
Chapter 14Jhaxien POV'sSugat sa buo niyang katawan ang nakatawag pansin sa akin ng hubarin niya ang mga suot niyang damit sa opisina niya,hindi ko sukat akalain na ganun pala iyon kagrabe, kung alam ko lang ay hindi sana hindi ko siya iniwan roon. Na sana ay hindi ako nagpasindak sa baril na tin







