LOGINChapter 2
***Jhaxien Pov’s*** Napilitan muli ako makipagkita kay Mr. Suwain, sa isang class na hotel sa West Ofeten, na sikat dayuhin lalo na ng mga taong may malaking kinikita at mapera. Sinundo niya ako ng mercedes benz niya, kasama ang ilan niyang tauhan, wala akong palag, lalo na at nakabantay si Tiya Veron sa akin! Pilit ang ngiti kong hinarap siya sa wooden chair na may magandang kulay ng mantel at bulaklak ng Rosas sa ibabaw ng mesa. Hindi ganun karami ang kumakain ng mga oras na iyon. Pinaghila niya ako ng upuan bago siya naupo sa tapat ko, sabay sa saliw ng musika nagpapaganda sa ambience ng paligid. Ngunit kahit ganoon, ay wala akong maramdaman na excitement at kasiyahan kahit pa sinasabi ni Tiya Veron ang halaga ng kinikita niya. Umorder agad siya ng pgkain at alak na pinakamahal! Ayokong isipin na napakaswerte ko dahil kaya niya akong gastusan ng ganun. Naging tahimik lamang ako, wala naman akong interes na alamin kung anong meron sa buhay niya, kung bakit ba siya mayaman. kung bakit wala pa siyang asawa, gayong nasa hustong edad na siya, at kung tutusin ay dapat may binata o dalaga na siyang anak. Sa sobrang tahimik ko at pakikinig ng kwento ng mga pinagdaaan niya ay hindi ko na namalayan kung gaano karaming alak na ang nainom ko. Nagiging dalawa na siya sa paningin ko, at sa t’wing mauubos ko ang laman ng kopita ko ay ang tuloy tuloy niyang pagsalin, ayokong mag-isip ng masama ngunit sapalagay ko ay nilalasing niya ako. “Tama na ho siguro ito, gusto ko na din umuwi! May trabaho pa ho ako bukas!” awat ko at inom sa huling takal niya ng alak. Isa akong dress clerk sa isang department store sa Toshana Mall, taga assist at taga sukat ng mga damit, sa male designated ako napunta. “Ikaw naman masyado pang malayo ang gabi! Magkwentuhan pa tayo! Huwag kang matakot sa akin!” muli niyang takal, gusto ko ‘man tumutol ay wala akong magawa ang pakiramdam ko lang ay nahihilo na ako at hindi ko na kaya pa. “Ayaw mo na ba? Sige ihahatid na kita!” Tumayo si Mr.Suwain habang ako naman ay alalay ng dalawa niyang bodyguard. Kinabahan ako ng biglang nagbago ang ruta ng daan, parang hindi daan palabas. Sa elevator kami sumakay, hindi ko maaninag ang floor kung saan kami hihinto. Para akong lantang gulay na kaladkad nila palabas at papasok ng elevator, iniisip ko na paano makaalis sa dalawang humahawak sa akin. “Pagkahatid ninyo sa kanya, iwan na ninyo kami!” Tukoy ni Mr. Suwain sa dalawang lalaking kasama namin. Napagtanto ko na may masama siyang balak sa akin, wala akong maisip na paraan paano makaalis, mabuti na lang at bumitaw ang isa para magbukas ng pinto habang ang nag-iisang lalaking nakahawak sa akin ay kinagat ko, hindi ko alam saan ko siya kinagat, pero iyon ang naging paraan upang makaalis ako sa kanya, sumakay ako ng elevator may napindot akong numero ngunit hindi ko alam kung ano. Pagbukas ko ng elevator ay naghanap ako ng lalabasan ngunit malawak ang lobby mukhang hindi ko narating ang ibaba sa halip ay nadagdagan pa ang numerong nakapaskil sa bawat pinto. Lumingon ako sa elevator, umaakyat rin ang numero, batid ko na susundan nila ako kaya kailangan ko makahanap ng pagtataguan. Pasuray suray ang takbo ko hindi ko alam saan magpupunta, No choice ako kundi ang pihilitin ang bawat doorknob na madaraanan ko umaasa na may bubukas, pinagpatuloy ko sa pagpihit, ng biglang may bumukas at muntikan na akong masubsob. Madilim ang kwarto, wala akong makita, dahan dahan akong bumangon at mabilis na isinara ang pinto ng marinig ko ang mga boses ng mga lalaking humahabol sakin, pigil ang hininga ko na animo’y maririnig nila. Nanatili akong nakatayo sa pinto, ng may malamig na kung ano ang dumikit sa leeg ko. “Sino ka? Pinadala ka ba ng mga taga South?” Boses ng lalaki ang narinig ko, malamig ngunit may nakakatakot na aura, hindi ko kaagad siya nilingon dahil madilim naman kaya hindi ko mapag-aaralan ang kanyang mukha, ngunit batid ko na nasa pagitan ng bente o trenta pa lang ang edad niya, sinulyapan ko siya mula sa gilid ng mata ko, mataas siya at naglalaro sa anim na pulgada o higit pa ang taas niya. At isa pa ay napabango niya, kaya mas lalo akong nahihilo. Muli siyang gumalaw at mapulopot ako sa bisig niya. Ngayon ramdam ko na ang init ng kanyang katawan, at kahit bangag ay nakakaramdam pa rin ako ng takot. “Are you Drugs?” rinig kong sabi niya, well hindi ko alam pero kung totoo iyon, kaya ba ang parang nawala na agad ako sa sarili at parang lasing na lasing, at si Mr. Suwain ang may kagagawan. “E-ewan, h-hindi k-kon a-alam! Itanong mo na lang sa matandang gusto akong gahasain.” Sumisigok kong sabi. “Ganun ba?” sambit niya na animo na hindi na naniniwala sa akin, Pagkatapos noon ay nawalan na ako ng ulirat.Chapter 15Exell POV'sNapayakap ako sa kanya ng makita ko siya, hindi ko alam sinong nagtulak sakin bakit ko ginawa iyon, pero bigla na lamang ako nakaramdam ng takot, takot na baka hindi ko na siya makita pang muli.Dahil sa likod na ng makapal na sweater ay ang pagkirot ng mga sugat, ang pakiramdam na para akong nauubusan, sumasabay sa lamig ng hangin at ang pagsisimula ng pag-ulan ng nyebe na parang kanina lang ay maganda ang langit at kita pa ang mga bituin.Nagpaubaya ako sa takot na madamay si Jhaxien sa gulo na ito, sa wakas ay nabanggit ko ang pangalan niya kahit sa isip ko lang. Ngayon lamang ako nakaramdam ng ganoong takot, lalo pa ng masilayan ko ang kinang ng singsing sa aking daliri.Inisip ko na may tao pang naghihintay sa akin.Napuruhan 'man nila ako ay hinding hindi ako magpapatalo. Maliban na lang sa lider ng grupo na umalis na at sumalisi.“Ayos ka lang ba?” Nakapikit ang mata ko habang nakadantay sa balikat niya ang baba ko, roon sa leeg niya ay ramdam ko ang in
Chapter 14Jhaxien POV'sSugat sa buo niyang katawan ang nakatawag pansin sa akin ng hubarin niya ang mga suot niyang damit sa opisina niya,hindi ko sukat akalain na ganun pala iyon kagrabe, kung alam ko lang ay hindi sana hindi ko siya iniwan roon. Na sana ay hindi ako nagpasindak sa baril na tinutok niya.Kahit pa wala hindi ko maintindihan ang rason kung bakit nagawa ito sa kanya. Sa maikli kong paglalagi rito ay hindi naman niya ako pinakitaan ng masama, kahit paano rin ay mabait siya. Bumalabag ang pinto kasabay nito ang humahangos na si Zerania, para akong hangin ng hawiin niya.Napasubsob ako sa gilid, walang kahit anong lumabas sa bibig kona salita na kahit gusto ko umalma. Sinundan ko lang siya ng tingin na papunta kay Exell na umuungol sa sakit, na kahit ako ay hindi ko kayang lapitan at titigan, ngayon lamang ako nakakita sa buong buhay ko ng ganung mga sugat. Halos gulanit ang damit niya sa mga hiwa na natamo niya sa katawan at ang dugo ay parang animo tubig na bumaba
Chapter 13Jhaxien Pov’sKasunod ko si Boss X sa pinto, habang taranta ako at nangangamba ay siya namang palagay ang mukha, parang natutuwa siya sa itsura ko.“Paano kung dito na siya titira? Wala ka bang plano ha?” Hindi ko na alam kung ano ang itsura ko ang alam ko lang ay aligaga ako nangangamba.“Why you so anxious? Natatakot ka ba na maagaw niya ako sayo?” Buyo niya na ikinatirik ng mata ko. “No! Kahit magsama pa kayo!” ismid ko sa kanya sabay naupo ako sa paanan ng kama Lumakad naman siya papalapit sa akin at naupo rin. “O bakitNatatakot ka mastock rito? Tama ba ako?” Napatikhim ako ng marinig ang sinabi niya, sa kabilang banda ay isa rin iyon sa dahilan kung bakit nagmamaktol ako dahil ayoko maiwan rito. Ayokong manatili sa lugar na ito. Marami akong plano, ayokong manatili sa magulo at hindi tahimik na lugar, gusto ko ng payapa at payak na buhay kasama ang bubuuin kong pamilya. “H-hindi no!” Iling ko pa, “A-alam kong tutupad ka hindi ba?” Unti-unti siyang lumapit sa akin
Chapter 12Jhaxien Pov’sGinabi na kami ng uwi sa kakahintay sa Papa niya na hindi dumating, bakas sa mukha niya ang pagkadismaya, marahil ay talagang kailangan na kailangan na niyang mapakilala ako bilang asawa niya.Ilang araw na lang ang nalalabi at matatapos na ang kontrata, matatapos na ang pagtira ko dito, at makukuha ko na ang perang pinangako niya.Mag-isa akong bumalik sa couple namin na kwarto, magmula rin naman ng patulugin niya ako rito ay hindi naman siya nagtatagal.Madalas siyang matulog sa opisina niya na nasa ibaba sa dulo ng pasilyo, minsan iniisip ko na kasama niya roon si Hera at ginagawa ang nakita ko noon.Bakit nga ba ako mag-aalala hindi ko naman siya tunay na asawa.Kakalabas ko lang din ng banyo ng maabutan ko siya sa loob ng kwarto, may hawak siyang bote ng wine na may laman.Nag-alinlangan akong lapitan siya sa kinaroroonan niya, ngunit hindi ko naman matiis ang usisain siya.“Gusto mo bang uminom kasama ko?” Biglang tanong niya.“Sure!” Pilit kong ngiti, k
Chapter 11Exell Pov’s“Talaga bang kailangan mong isama si Mr. Suwain dito sa HQ?”I know the truths behind Gloyds question, his tone like he care about the Girl, humihit ako ng makailang beses sa sigarilyo. Bakit nga ba hindi? I don’t know Mr. Suwain, pero may mga naririnig ako tungkol sa kanya alam ko kung gaano siya ka halang sa tawag ng laman. Para siyang likido na laging mainit at umuusok, but I don’t care mahalaga sa akin ang business.“Work first before anything else!” Nakita ko sa mukha in Gloyd na parang nag-aalala siya, malapit ko na isipin na he fell in love with her.“Paano kung makita niya si….!” Nag-aalala pa rin niyang sambit.“Edi nakita niya, she’s not my business! Darating na si Mr. Suwain, kaya i-set aside mo muna ang alalahanin mo!” pinutol ko na kaagad ang pagsasalita niya, hindi dahil sa ayaw ko siyang pakinggan pero may kung anong lungkot sa pakiramdam ko, alam ko darating kami sa punto na magkakaroon ng pamilya at bubukod, ngunit hindi ko maiwasan na magala
Chapter 10Jhaxien Pov’sGetting to know ba ito?Tanong ko kaagad sa sarili ng makita ko sa ibabaw ng kama ang isang card, binasa ko kaagad ang nilalaman, iniimbita ako ni Boss X para sa isang high class dinner date ngayong gabi, sa Casa Inocencio, narinig ko na kailan lang ang isang Resto na iyon, nakilala sa pagiging world class at pawang mayayaman lang ang may afford na makapasok roon.Nag-alinlangan ako, ano naman ang karapatan kong pasukin ang lugar na iyon, hindi ako lumaki sa maluho, o marangyang buhay, bukod pa roon ay hindi rin akong galawang world class at sosyal, isa lamang akong ordinaryong babae at simpleng tao, tiyak akong hindi ako nababagay sa ganoong lugar.Napabaling ako sa bintana ng mapansin ko ang paghahanda ng ilang kasambahay na parang may magaganap na salo-salo.Bumaba ako para makiusosyo sa ginagawa nila.Naisip ko na baka nagbago na ang isip ni Boss X at rito na lang ganapin ang dinner date namin.Maya maya pa’y may mga nagsidatingan na mga sasakyan, sa ram







