"Oo." Tumango siya. "Free diving ba ibig mo sabihin?"
"Opo," sabi ko naman. "Or scuba po, mga underwater activities."
"Yeah, I do those." Naroon pa rin sa labi niya iyong mapaglarong ngiti na para bang may nais ipakahulugan.
Tumangu-tango na lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot, saka iyong pagkakangiti niya sa akin, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. Tinanong ko lang naman siya kung sumisisid siya.
So, baby take me home
Come on and take me home Don't take me baby for a one night stand Just love me baby Love me all you can...Ibang kanta na iyong tumutugtog, hindi ko rin alam kung anong kanta iyon. Pero parang iisa lang ang tema mula doon sa una.
Tumanaw ulit ako sa labas ng bintana nang magsalita na naman si Sir Frank, "Nandoon na raw si Maui."
Napilitan tuloy akong lumingon sa kanya. "Sa airport po?"
"Oo." Ibinalik niya ang hawak na cellphone sa bulsa niya.
"Ang aga niya." Tinanaw ko mula sa bintana kung nasaang lugar na kami. "Parang ang layo pa po natin, Sir."
"Chill lang," nanunuksong sabi ni Sir. "Masyado mo namang inaalala si Maui. Malaki na 'yon. Saka maghihintay 'yon."
Bumaling tuloy ako ulit sa kanya. Magsasalita sana ako pero inunahan niya ako.
"Oo na, 'di ko na sasabihing may crush ka kay Maui kahit nandito si Nanding at kilala niya rin 'yon," pang-aasar pa niya.
Narinig kong natawa si Kuya Nanding - ang driver ni Sir Frank.
"'Wag kang mag-alala, Ma'am, secret lang po 'yon," banat pa niya. Loko rin pala ito, mana sa boss niya.
"Ang pangit niyo po ka-bonding," pabulong na sabi ko sabay tingin ulit sa labas ng bintana.
"Ano 'yon?" tanong ni Sir Frank.
"Wala po. Sabi ko po ang saya niyo." Nginitian ko siya ng pagkalaki-laki. Sabay pa silang natawa kahit hindi naman ako nakikita ni Kuya Nanding.
Pagkatapos noon ay natahimik na kaming lahat. Napagtuunan ko na naman tuloy ng pansin iyong musika sa loob ng sasakyan.
Love's so inviting when we groove
To set the mood You sinful food You taste so good..Ano ba itong playlist ni Sir Frank, puro suggestive at pang-"anuhan".
Tahimik na lang akong tumanaw sa labas ng bintana.
***
Malayo pa lang ay nakita ko na si Sir Maui, kung saan siya nakaupo at naghihintay sa amin ni Sir Frank sa boarding area. "'Yon po siya, Sir."
"Bilis ng mata, ah," halos pabulong na komento ni Sir Frank. Nang lingunin ko siya ay nakapagkit sa mga labi niya ang isang nanunuksong ngiti.
Pinili ko na lang na hindi pansinin ang panunudyo niya sa akin.
Pagdating sa loob ng eroplano ay pinauuna ko na sana silang maupo pero natulala ako nang mapatingin ako kay Sir Maui.
Ang fresh niya. Kung tutuusin, medyo ang tagal niya na ring naghintay sa airport pero para pa rin siyang bagong paligo. Katulad ni Sir Frank, ito rin ang unang beses na nakita ko siyang hindi naka-corporate attire.
Naka-pale yellow siyang shirt na may napaka-liit na logo ng Nike sa gitnang bahagi ng dibdib. Napansin ko tuloy na malapad pala ang chest niya. 'Yong kulay ng damit ay nakadagdag sa pagka-fresh niyang tignan. Nagkaparehas pa sila ni Sir Frank na shade of yellow ang suot.
"Hey, you go ahead."
"Huh?" Kanina pa yata siya nagsasalita, pero para akong engot na nakatingin lang sa kanya.
OMG. Nakakahiya na talaga ako.
Dahil pinauna niya ako, doon tuloy ako napa-upo sa window side. First time ko pa naman itong sumakay ng eroplano. Kinakabahan na nga ako, ayoko lang ipahalata.
Sa akin tumabi si Sir Frank at sa tabi niya ay si Sir Maui. May mga pinag-uusapan sila habang hinihintay ang paglipad ng eroplano. Naalala ko tuloy iyong kuwento ni Kimverly na magkagalit daw ang dalawang ito. Mukhang chismis lang talaga at hindi totoo. Parang okay naman sila.
Nagsimulang umandar ang eroplano sa runway. Nag-antanda ako ng krus para sa ligtas na biyahe.
May nakaupo sa likod namin na mag-ina yata iyon, hindi lang ako sigurado. Nagsalita iyong babae, "Where are we going, Bettina?"
Masayang sumagot iyong bata, "To Papa Jesus!"
Diyos ko po! Parang gusto kong mapa-krus ulit.
Alam ko namang ang sinasabi niya ay sa himpapawid kung saan daraan ang eroplano, ang alam nga kasi ng mga bata ay sa langit ang tahanan ni Hesus.
Nag-take-off ang eroplano. Napasandal ako sa upuan ko at napapikit.
"Are you scared?" mahinang tanong sa akin ni Sir Frank. Naramdaman ko pa ang mainit na paghinga niya sa pisngi ko.
Ganoon siya kalapit sa akin?
Hindi ako dumilat, pero sumagot ako, "S-Sir, paki-gising na lang po ako 'pag nakalapag na tayo. Ano...ah, itutulog ko na lang po muna 'to."
Narinig kong natawa sila parehas ni Sir Maui. Pero mas mataginting talaga iyong pagtawa ni Sir Frank. Ganoon siya talaga, walang pakialam. Parang hindi VP. Parang hindi mayaman.
"Had I known, I won't let you sit there," si Sir Maui iyong nagsalita. "Would you like us to switch seats? Para 'di mo masyadong kita 'yang bintana?"
"Hindi na po. Okay na po ako dito." Bumaling ako sa side ni Sir Maui at ni Sir Frank at dumilat gamit lang ang isang mata, "Kahit saan po maupo, nakakatakot pa rin. 'Wag niyo na lang po ako pansinin."
"Puwede ba naman 'yon?" Tawa pa rin nang tawa si Sir Frank. "Mamaya matigas na bangkay ka na pala diyan, 'di pa namin alam."
"Sir naman." Sumandal ulit ako sa kinauupuan ko at pumikit. Hinayaan ko lang silang dalawa na mag-usap hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog.
***
Nagising ako na nasa runway ulit kami. Sumilip ako sa labas ng bintana, malakas na ang loob ko kasi naka-lapag na kami, at tinatakbo na lang nitong eroplano ang kahabaan ng paliparan upang makarating sa kung saan kami dapat bumaba.
Pakiramdam ko ay lasing ako pagtayo ko mula sa upuan. Kumapit ako sa sandalan noon. Ito na yata ang sinasabi nilang jetlag.
"Are you okay?" si Sir Maui ang nagtanong sa akin. Napansin niya siguro na medyo gumewang ako.
"Okay lang po, okay lang po." Pinilit kong tatagan ang pagkakatayo ko.
Florence, umayos ka. Mga boss iyan. Ikaw nga ang dapat umalalay sa kanila.
Pakiramdam ko, nakahinga ako ng maluwag nang makababa ako sa eroplano at makalanghap ng sariwang hangin.
Tinawagan ko iyong contact namin sa resort kung saan kami tutuloy. Nasa labas na pala sila ng airport.
"Halina po, Mga Sir," sabi ko pagkatapos ng tawag, "Naghihintay na po sa atin ang staff ng La Luna Boutique Resort."
Nauna na ako sa paglalakad at sumunod silang dalawa sa akin. Madali ko namang nakita iyong susundo sa amin dahil may hawak siyang plackard - na may pangalan ko.
Welcome to Siargao, Ms. Florence Catacutan and company!
OMG. Medyo nahiya ako kasi bumida pa iyong pangalan ko kaysa sa dalawang head na kasama ko. Hindi ko naman din masisi itong mga tiga-La Luna dahil ako ang kausap nila mula sa booking, payments, atbp. kahit na ba nabanggit ko naman na mga bossing ang kasama ko.
Ipinakilala ko ang sarili ko sa mga sumundo sa amin. Bale dalawang babaeng staff iyon at isang lalaking driver ng van na magdadala sa amin sa resort, kung saan kami tutuloy sa loob ng limang araw.
Ipinakilala ko rin sila Sir Maui at Sir Frank, sinabi ko pati mga posisyon nila sa kumpanya, para linawin na assistant lang ako at sila ang mga boss.
"Kumusta po ang biyahe niyo?" tanong ng isa sa mga staff - na actually ay manager pala mismo ng resort! Nagpakilala rin kasi siya matapos ko ipakilala ang mga kasama ko.
"Okay naman. Except for our companion who almost died," tatawa-tawang sagot ni Sir Frank. Natawa din tuloy si Sir Maui at ang lahat.
Ang lakas talaga makapang-asar nito ni Sir Frank.
"Bakit naman ho?" tanong ni Manager na tumatawa pa rin. "Saka sino?"
"Bakit nga ba?" Bumaling sa akin si Sir Frank.
Pero si Sir Maui ang sumagot para sa akin, "Maybe she's scared of heights. I was once like that too."
Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang tipid na ngiti sa kanyang mga labi. Bahagya ko siyang tinanguan pero sa loob-loob ko, kinikilig na talaga ako. Ang guwapo ni Sir Maui. Talaga. Partida, hindi pa masyadong naka-smile iyon. Paano pa kaya kung todo na?
Medyo malayo pala iyong airport sa resort. Siguro higit isang oras din kaming nag-biyahe. Sa buong duration ng biyahe namin ay si Sir Frank ang nagsasalita, nagtatanong sa staff tungkol sa lugar, minsan nagkukuwento rin ng mga sariling karanasan, usually, sa trabaho, at kapag nagbiro ay benta sa aming lahat. Kaya kahit mahaba ang biyahe ay hindi kami nainip.
Nang marating namin ang La Luna Boutique Resort, hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng lugar. Sa ilalim ng mga nagtatayugang puno ng niyog ay ang mga cabana at villas for accommodation. The whole resort screams of luxury. Ang tutuluyan namin ay ang presidential suite - ito ang pinakamalaki sa lahat at pinakamalapit din sa napakalawak na infinity pool at sa dagat mismo.
"Ito po ang ating presidential suite," sabi ni Manager habang binubuksan ang malaking double door na mukhang gawa sa narra o sa molave. Basta mukhang solid at mamahaling kahoy talaga iyon.
Pagbukas ng pinto ay bumungad ang bonggang-bonggang living room. Tropical-themed kaya mostly ay earth tones ang kulay ng interior at mga muwebles, combined with native materials tulad ng wood at rattan.
"Nasa second floor po ang mga kuwarto," sabi sa amin ni Manager. "Katulad ng nabanggit namin sa iyo noong nag-book ka sa amin, Ms. Florence, may apat na rooms sa itaas, each with own bathroom."
Tumangu-tango ako habang paakyat kami sa hagdan patungo sa ikalawang palapag ng suite. "Iyong dalawa pong master's bedroom ay para na po rito sa dalawang head na kasama ko."
"Yes, we took note on that, Ma'am," nakangiting sagot ni Manager. "At ang io-occupy niyo po ay ang isa sa mga double rooms natin."
"Opo," tugon ko. "Kaya bakante lang po iyong isang double room."
Pagdating namin sa second floor, nasa magkabilang-dulo pala ng palapag ang dalawang master's bedroom, at napapagitnaan noon ang dalawang double rooms.
"So, where do you prefer to stay?" Narinig kong tanong ni Sir Maui kay Sir Frank. "Left or right?"
"Kahit saan." Pagtingin ko kay Sir Frank ay nakita ko siyang nagkibit-balikat.
Kami naman ni Manager ay nagkatinginan. Parang wala kasi sa kanilang dalawa ang gustong mamili.
"Since I'm standing here, then I might as well use the room there." Tumuro si Sir Frank sa kaliwa niya.
"Okay," sabi naman ni Sir Maui. "Then I'm taking the one in the right."
"Ikaw, Ms. Florence?" tanong sa akin ni Manager.
Oo nga. Alin nga ba? Iyong katabi ng kay Sir Maui o kay Sir Frank?
"Ahh... dito na lang po." Pinili ko iyong katabi ng kay Sir Frank. Palagay ko, iyon ang tama dahil siya ang direct supervisor ko. Parehas sila ng posisyon ni Sir Maui pero hindi niya ako staff. Kapag may kailangan si Sir Frank, kahit paano ay mas madali ko siyang mapupuntahan.
Sa loob ng kuwarto niya? Woah. 'Di naman niya siguro ako ipatatawag doon.
Bahala na.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with