"When are we going to meet Mr. Cabrera, Florence?" tanong sa akin ni Sir Frank habang nanananghalian kami kasama si Sir Maui.
"Bukas po ng umaga niya tayo inaasahang darating," tugon ko habang hinihiwa ang napaka-juicy na grilled tuna belly sa plato ko. "Mula po dito sa La Luna ay kailangan po nating bumiyahe ng mga thirty minutes para marating ang property ni Mr. Cabrera."
"What are our activities this afternoon, then?" si Sir Maui naman ang nag-usisa sa akin.
"Nag-set po ako kay Manager kung puwede po tayong dalhin sa Cloud 9 ngayong hapon," pahayag ko. "Mga ilang minuto lang po iyon mula dito. Baka gusto niyo rin pong makita if may potential land area doon for the resort that LDC is planning to put up. Since, mas accessible po sa mga turista ang lugar na iyon."
"That's the famous surfing spot, right?" tanong ulit ni Sir Maui.
"Opo," sagot ko habang kumukuha ng pork barbeque mula sa platter.
"See, Florence got everything covered," tila nagmamalaking sabi ni Sir Frank kay Sir Maui. "Sabi ko sa 'yo, were in good hands with her."
Nag-angat ako ng tingin kay Sir Frank nang mabanaagan ko sa tinig niya ang pagiging proud sa akin. Masaya ako na naa-appreciate niya pala ang pagta-trabaho ko para sa kanya at sa kumpanya.
Nagtama ang mga mata namin dahil nakatuon din pala sa akin ang tingin niya.
Napangiti ako. "Thank you po."
"Wala 'yon. Iniinggit ko lang 'to si Maui," may pang-aasar na sa boses niya ngayon. "Hindi niya kasi isinama si Elise."
"Bakit pa?" Ngumiti si Sir Maui. "Kaya naman ni Florence. Sa 'yo na nga nanggaling na were in good hands with her."
"Ang sabihin mo, you just wanted to lessen the expenses for this trip," pabirong banat naman ni Sir Frank. "Bagay ka nga talaga diyan sa Finance."
"I'm sure, Florence understands the reason for saving up as much as possible," chill na chill na sagot ni Sir Maui na hindi apektado sa mga pang-aalaska ni Sir Frank.
Dumako ang tingin niya sa akin. "After all, she's with me before."
"But she's mine now." Kumindat si Sir Frank sa akin.
Alam ko naman na ang sinasabi ni Sir Maui ay nasa departamento ako noon na hawak ng Finance, at alam ko rin na ang tinutukoy ni Sir Frank ay nasa OVPEA na ako ngayon.
Pero muntik na talaga akong nasamid sa hinihigop kong mango juice dahil sa palitan nila ng mga salita, lalo na iyong huli.
"Ah, mga Sir, kain na po kayo, o," sabi ko na lang sa kanila. "Lalamig po 'tong seafood sinigang."
Pero hanggang sa pagkuha ng serving ladle ay nagkasabay pa sila.
"You go ahead." Nagpa-ubaya ni Sir Maui.
"No, you could go first." Ganoon din si Sir Frank.
Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa hanggang sa ako na ang nag-desisyon. "Sige po, ako na. Ipagsasandok ko na po kayong dalawa."
"Thanks." Maging iyon ay nagkasabay pa silang magsalita. Natawa tuloy ako.
At natawa na lang din sila.
***
Ito pala ang Cloud 9.
Ang ganda.
Malayo mula sa pampang ang bahagi ng dagat kung saan nakikipaglaban sa alon ang mga surfers sakay ng kanilang mga surf board. Kaya isang mahabang boardwalk na gawa sa kahoy ang kailangang daanan upang mula sa dalampasigan ay marating ang surfing spot.
"Marami ngang tao sa lugar na 'to," sabi ni Sir Frank habang marahan kaming naglalakad sa boardwalk. "But I don't think I prefer this spot to put up a resort. Not that this place isn't beautiful, in fact it is. I just want somewhere secluded, with a hint of mystery. Perfect nga 'yong property ni Mr. Cabrera."
"Do you think he'll give up his parcel of land by the bay?" tanong naman ni Sir Maui.
"We'll be offering him reasonable terms," sagot ni Sir Frank. "If in case he won't agree, we could negotiate. Though, I don't think he would refuse."
Saglit na bumaling siya sa akin bago muling nagsalita. "According to Florence, mag-isa na lang sa buhay si Mr. Cabrera, biyudo, at nasa States na ang mga anak. He owns a coconut farm at palagay ko kakailanganin niya ang pera to expand his small business."
Hindi naman talaga small kundi kahit paano ay malaki rin ang negosyo ni Mr. Cabrera. Dalawang ektarya iyong taniman niya ng niyog na siyang pinagkukuhaan niya ng kopra. Pero siguro, dahil top developer ng bansa ang LDC, ang pakitingin ni Sir Frank sa negosyong iyon ay small lang.
"So, are we going back to the resort?" tanong ni Sir Maui.
"Anong going back? Kahit ke'lan napaka-boring mo talaga." Napa-iling si Sir Frank. "Magse-surfing pa tayo."
"I don't surf, so..." Nagkibit-balikat si Sir Maui.
"Subukan mo kaya," pang-eengganyo sa kanya ni Sir Frank.
"Is it easy to learn?" tanong ni Sir Maui na mukhang interesado.
"Oo naman," mabilis na sagot ni Sir Frank.
Sabay silang tumingin sa akin.
"Ah, okay lang po. Hindi po ako marunong mag-surf." Umiling ako. "Hintayin ko na lang po kayo dito."
"Sige, tawagin mo si Bradley," utos ni Sir Frank sa akin. Si Bradley ay ang resident surf instructor ng La Luna at kasama namin pagpunta dito sa Cloud 9, kaya lang nagpa-iwan siya sa shoreline at nagbilin na sabihan lang daw siya kung interesado kaming mag-surfing.
"Okay po, Sir." Patalikod na sana ako nang magsalita ulit si Sir Frank.
"Si Bradley ang magtuturo kay Maui." Ngumiti siya. "Ako'ng bahala sa 'yo.
***
"Matagal ka na pong nagtuturo?" tanong ko kay Bradley habang naglalakad kami pabalik sa kung saan ko iniwan sila Sir Maui at Sir Frank. Umalis kasi ako para hanapin siya gawa nga ng gustong mag-surfing ng dalawang bossing na kasama ko. Tinulungan ko na rin si Bradley dahil apat na surf board ang dala niya.
"Opo. mga nasa ten years na rin, Ma'am," sagot niya. Nakita ko sa mga mata niya na proud siya sa kanyang ginagawa kaya napangiti ako.
"Ang tagal na!" manghang sabi ko. "Ang petiks na lang siguro sa 'yo ng dagat at mga alon..."
Naputol ang pag-uusap namin nang makita ko si Sir Maui at Sir Frank. "'Yon. Nandoon pala sila."
Lumapit kami ni Bradley sa kinatatayuan nilang dalawa. Lumipat sila ng puwesto sa mas malapit sa hagdan ng boardwalk, pababa sa dagat.
Kanina lang ay mga naka-t-shirt pa ang mga ito, pero ngayon ay naka-board shorts na lang, at wala nang damit pang-itaas.
Hindi naman ako nasabihan na may pandesal festival palang magaganap ngayong hapon. Nagpapaligsahan kasi ang mga abs nila.
Hindi naman sa tinitignan ko pero eight packs iyong kay Sir Frank, halatang regular na nag-gi-gym o workout, at may build-up din ng bikini line. Maganda ang hubog hindi lang ng abs niya kundi ng katawan niya mismo.
Promise, iniiwasan kong tumingin pero six packs iyong kay Sir Maui, mukhang nag-gi-gym lang kapag naisipan pero lean pa rin at saka hindi nakakatakot tignan. Soft lang, hindi iyong parang bato-bato sa tigas.
Hindi talaga ako nakatingin. Mamatay man.
"Florence," tinawag ako ni Sir Frank.
Lumapit ako sa tapat niya at umiling. "Sir, ayoko po talaga. Kinakabahan ako. Bukod po doon, mukhang hindi appropriate itong suot ko."
Naka-ternong tie-dye shirt at harem pants ako. Paano bang magse-surf ako sa lagay na iyon? Naka-two piece swimwear nga iyong mga babaeng surfer sa paligid namin.
"Saka...saka wala pong magbabantay ng mga gamit niyo, Sir." Naka-isip ako ng dahilan. "Maghahawak po ng mga cellphone at wallet niyo at pati po 'yong mga damit niyo."
"Fine." Mukhang nakumbinsi ko naman si Sir Frank pero nawala ang enthusiasm na nasa mukha niya kanina. "But the next time, I won't let you refuse."
Tumango na lang ako. Halata kasing na-disappoint siya. Siguro, ganoon na lang ang kagustuhan niya na magturo. Hindi ko naman gustong mag-inarte pero talagang takot ako sa malalim na bahagi ng dagat, o kahit anong anyong-tubig. Paano na lang kung hindi ako makapag-balanse doon sa surf board at malaglag ako? Baka hindi na ako makaahon.
Lumarga na silang tatlo papunta sa dagat, dala ang kani-kanilang mga board. Nakaalalay si Bradley kay Sir Maui, at mukhang nagbibigay din ng instructions. Habang si Sir Frank na hustler, iyon, nasa malayo na agad.
Pumanhik ulit ako sa boardwalk, naglakad-lakad habang hinihintay sila at paminsan-minsan ay kumukuha ng mga larawan gamit ang aking cellphone. Sumimple rin ako ng selfie at ang background ay iyong boardwalk at dagat. Tapos ay bumalik ako sa van para kumuha ng mga tuwalya. Mangangatog sa lamig itong nga bossing ko kung sasakay sila sa van nang basang-basa.
Dumaan din ako sa bilihan ng souvenirs, tumingin-tingin ng mga produkto hanggang sa nauwi ako sa pagbili ng mga ipananalubong na key chains at ref magnets.
Nang mapansin kong magda-dalawang oras na rin pala akong nag-i-stroll ay bumalik na ako. Dalawang oras lang kasi iyong surfing session, maliban kung mag-extend sila. Pero hindi na rin siguro dahil nag-aagaw na ang liwanag at dilim.
Napansin kong napakaganda ng langit dahil doon. Naghahalo ang dilaw at kahel na may kaunting lila. Ang sarap ipinta. Kung may gamit lang sana akong dala ngayon. Gayunpaman ay kinuhaan ko na lang ng litrato iyon, baka magawa kong i-paint o i-oil pastel sa mga susunod na araw.
Pagbalik ko kung saan ako nanggaling ay nakita ko nang paahon sila Sir Maui at Sir Frank kasama si Bradley. Mukhang nag-enjoy naman sila, nagkukuwentuhan at nagtatawanan pa nga habang naglalakad pabalik sa boardwalk.
Kinawayan ko sila para makita nila ako. Nakita ko kasing palinga-linga si Sir Frank. Paano ay marami-rami na ring tao gawa nang nagsisi-ahon na rin ang mga surfers dahil nga papadilim na.
Napangiti si Sir Frank pagkakita sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang sumikdo ang dibdib ko.
Ngayon ko lang nakita si Sir Frank sa ganitong paraan. Oo, aware naman ako na guwapo siya at matipuno, pero ngayon.. hindi ko maintindihan kung bakit may iba sa kanya sa paningin ko ngayon.
Tila ba nakita ko na iyong ngiti na iyon noon. Parang pamilyar, hindi ko lang maalala kung saan o kailan.
Pero bakit ngayon ko lang napansin? Ilang buwan na rin naman ako sa kumpanya.
"Hey, Florence."
Tila ako nagising sa mula sa panaginip nang marinig ang boses niya. Pero lalo lang bumilis ang tibok ng puso ko nang ma-realize ko na nakatayo na pala siya sa harapan ko.
"Sir... ano, ah..." Parang nagpa-panic ako. Ano ba itong ka-abnormalan na nangyayari sa akin?
"Let's go?" tanong niya.
Wala sa sariling tumango ako sabay abot ng mga towel na nasa loob ng canvas bag na dala ko. Pagkatapos ay nagpatiuna na akong maglakad at baka sakaling mahimasmasan ako sa kakaibang pakiramdam na ito.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Ayos ka lang bang bata ka?" tanong ni Mama kay Florence. "Okay lang, 'ma. Nahilo lang po yata ako sa biyahe," I heard her answer. "Siguro nga dahil hindi na 'ko nagta-trabaho kaya 'di na rin sanay." We visited her family one Sunday to have lunch with them. This is a routine we do at least every other week because I know she misses everyone at home. Like today, after a sumptuous lunch we all shared, we're all just chilling in the living room, exchanging stories. She used the amount she got from Bermudez Builders to buy the house and lot situated beside their home. This is for her aunt and cousin, so they could live close to Mama, my mother-in-law. I'm suggesting that we could buy a bigger property, but she refused. She says that the house they live in has a sentimental value for her. Kapag sinasabi niya nga sa akin, sipag at tiyaga daw ang puhunan niya para lang ma-fully paid iyon. And I do
"Condolence." "Nakikiramay kami sa nangyari." "Maraming salamat," wika ni Maui. "Salamat sa pagpunta." Nagtungo kami ni Frank sa lamay ng pumanaw na ama ni Maui. Halata pa ang pamumugto ng kanyang mga mata. "By the way, this is Jazbel, my wife." Ipinakilala niya sa amin ang asawa niya na noon ko lang din nakita ng personal. Ang ganda niya! Pang-artista talaga. Inimbitahan naman namin sila sa kasal namin ni Frank noon, pero nagkataong nasa America sila noong mga panahong iyon. Inaasikaso ang kalagayan ng noo'y may sakit nang si Sir Tony, ang ama ni Maui. "Finally. Nice meeting you!" Lalo akong na-starstruck nang yakapin niya ako. Nagulat ako kasi tila kilalang-kilala na niya ako. Naiku-kuwento kaya ako ni Maui sa kanya? Sana naman maayos iyong kuwento niya, hindi iyong mga pagkakataon na lagi ako nakakatulog sa kotse nang naka-nganga. "N-nice meeting you din," wika ko habang magkayakap kami. "I have a lot of things to share to you, pero saka na lang, hindi fi
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) Florence gently caressed my jawline. I noticed that it seems to be her love language as she does that to me most of the time. And I'm lovin' it. I want the feel of her warm and soft palm against my skin. "So you've been in-love with me too all this time?" I was over the moon with that idea. "Eh...ganito kasi." And she went on telling me the exact reason why she left LDC before. Now, I understand why her decision was so sudden. And I admire her even more for being protective of her relationship with Maui before. One thing I need to work on is to not feel insecure whenever she talks about him. It's all in the past and I am his husband now, but sometimes, I can't help but feel that way. Maybe it's because I saw how in-love she is with him back then. "No'ng nagkita tayo sa Dubai no'n, no'ng unang beses kang pumunta. Naramdaman ko ulit 'yon, pero hindi pa ako sigurado," paliwanag pa niya.
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Wifey." Florence stopped from mixing the batter and looked at me. "Uhmmm...bakit?" "I love you." I gave her a smack on the cheek. "Hala siya. I love you too." She gently caressed my face before returning to what she is doing. Alam ko naman na busy siya, gusto ko lang talagang mangulit. I want to be around her all the time. Na-obsess na yata ako dito sa asawa ko. Pinanood ko lang siya sa ginagawa niya habang nakatayo sa tabi niya at nakasandal ako sa kitchen counter. "Ang sarap mo namang bumatí." "Hoy, hala!" Napahinto siya sa ginagawa niya at nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. "Na-gets na. 'Di ka na inosente, baby girl." Tumatawang panunukso ko. "Doon ka na nga, baby," pagtataboy niya sa akin. "Wala akong matatapos niyan sa kaka-kulit mo sa akin." "Para saan ba kasi 'yan? You're doing what?" I asked. "Magbe-bake akong cupcakes," masayang sagot niya. "Firs
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) "Baby, I have another vow that I can't say inside the church earlier." I gently sucked Florence's earlobe. "But let me tell it to you now." "A-ano 'yon?" She tried to turned to me so I kissed her cheek. "I promise, that from this day onwards, my soldier will never salute to any other woman, but you," I whispered on her ear. "Soldier?" she repeated. I chuckled. Mukhang hindi na naman niya na-gets. My innocent wife. I walked towards where she is facing. Tumingala siya para tignan ako, at halatang umiiwas din siya na mapatingin sa bakat na halos nakatapat na sa mukha niya. I grabbed her hand and slowly glided it to my abdomen, down to my navel, without losing my eye contact with her. And down to my manhood where I stopped and pinned her hand. "My soldier will always be loyal to you, wifey. He's all yours," I said. "And you can take him all in." I saw her doll eyes widen,
(This part of the story is told through Frank's perspective/point-of-view (POV).) I smiled upon seeing my beautiful wife...I mean, not yet but in a few moments. Actually, beautiful is an understatement. She looks regal like a queen, and immaculate like an angel, and charming like a kid. I don't know the exact description, but she's just a breathtaking combination of everything. She's walking down the aisle in her elegant wedding dress, which is a statement of how conservative and pure she is. Of all the dresses presented to her, she picked the one with the least details and with long sheer sleeves. Up until now, I'm still in awe that she accepeted my wedding proposal three months ago in Siargao. I thought she'll propose too, for us to be in a relationship first, like for a year or two maybe. I'm willing to oblige if in case she will. But no, she didn't. Right after that day, we started preparing for the wedding - that's how excited I am. And she willingly participated with