Share

Chapter 10.1 - The Jacket Thief cont.

Ilan segundo na natahimik ang magkakaibigan at ultimo si Jed ay walang salita na naisambulat matapos niya na sabihin ang bagay na iyon kay Zane. Lahat sila ay nakatuon lamang ang atensyon sa kanilang lider habang si Zane naman ay patuloy na hindi nakahuma sa kan'yang narinig.

Isa lamang ang tumatakbo sa isip ni Zane sa mga sandali na iyon: hindi maaari na mangyari ang sinabi ni Jed. Napalunok pa muna siya at saka buong paninindigan na sinabi ang mga kataga na "That is the biggest bullshit you’ve ever said, Jed!"

Walang umimik sa tatlong kaibigan niya at patuloy lamang siya na inoobserbahan. At sa mga oras na iyon ay kailangan niya na mapapaniwala ang mga kaibigan niya sa katotohanan na sinabi niya, at pati ang sarili niya ay kailangan niya paalalahanan tungkol sa bagay na iyon.

"Anong katarantaduhan ang sinasabi mo? Ako mahuhulog? Kailan pa ako nahulog? Falling in love is not in my vocabulary. Ang pagmamahal ay isang pagkakamali na hinding-hindi ko gagawin. I am not that stupid to f
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status