LOGIN
Sa isang presidential suite, nakakalat ang damit ng isang lalaki at babae sa sahig, kasabay ng lumalagablab na init sa loob ng kuwartong iyon.
Lumalangitngit ang kama sa bawat paggalaw ng lalaki, dahilan upang mapaungol nang malakas ang babae sa ilalim niya.
Ilang oras na rin nang may mangyari sa kanila, ngunit hindi pa rin tumitigil ang binata. Patuloy niyang pinanggigigilan at ine-enjoy ang sarili sa mabangong halimuyak ng dalaga.
Makinis ang balat ng dalaga, na para bang gawa ito sa mamahaling porselana. Ang lalaki naman ay makisig at kayumanggi ang balat.
Nakasuporta ang magkabila niyang kamay sa gilid ng babae. Kita na rin ang mga ugat na bumabakat dito, ngunit hindi siya tumitigil sa pag-angkin.
Wala siyang balak tumigil.
“Ah… Tama na… Please…” pagmamakaawa ng babae habang namumula ang mga pisngi. “W-Wala na akong… lakas…”
Kanina pa siya pagod at hirap nang gumalaw. Ganoon pa man, ramdam niya rin ang sarap na ibinibigay ng binata sa kan’ya.
Pero imbes na maawa ang binata, mas lalo lang itong nanggigil.
Kaarawan ngayon ng best friend ni Lianne, kaya naman inimbitahan siya nito sa isang hotel para mag-celebrate.
Nalasing siya sa dami ng nainom, kaya naman nag-book ang best friend niya ng kuwarto upang doon muna siya matulog.
Ngunit sa hind inaasahang pagkakataon, nagkamali si Lianne ng napasukang kuwarto, natulog sa maling kama, at nakipagsiping sa lalaking hindi siya kilala.
Ni hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang inangkin ng binata.
Pakiramdam niya ay paulit-ulit siyang dinala sa langit dahil sa sobrang sarap… at mag-uumaga na nang tumigil ito.
*****
Hindi inaakala ni Rozen na mahahalimuyak siya sa ganda ng dalaga, dahilan upang paulit-ulit siyang mawalan ng kontrol, na para bang hini-hypnotize siya.
Mayroon siyang business dinner ngayong gabi, at pagkatapos makipag-inuman sa ilang business partners niya, nag-check in na siya sa presidential suite.
Nagpunta lang siya sa banyo para mag-shower saglit, ngunit paglabas niya, mayroon nang babaeng nakahiga sa kama niya.
Nakasuot ng red dress ang babae habang nagpapahinga ito sa puti niyang kama, na para bang isa siyang namumukadkad na rosas na may nakakaakit na halimuyak.
Kumunot ang noo ni Rozen.
‘Sino sa mga business partner niya ang nagpadala ng babae sa kama ko? Wala ba silang ideya na wala akong interes sa mga babae?’
Lahat ng mga babaeng pinadadala sa kan’ya noon ay ipinaaalis niya lang, at hindi exception ang babaeng ito.
Pero sa gulat niya, lasing na ang babae at wala na sa ulirat.
Kahit ilang beses niyang tawagin ito, hindi ito gumagalaw. Sinakop na rin nito ang kama niya.
Gusto na siyang sipain ni Rozen, ngunit dahil nanguna ang pagiging gentleman niya, itinulak na lang nito ang babae sa gilid bago siya humiga sa tabi nito.
Malikot matulog ang babae, ngunit pinabayaan na lang siya ni Rozen. Pumikit na siya at naghanda nang matulog.
Pero laking gulat niya nang lumikot ang babae patungo sa kan’ya.
Pumatong ang legs nito sa beywang niya, at nagtungo ang kamay nito sa kan’yang leeg.
Mababaw ang paghinga ng babae, dahilan para maamoy niya ang alcohol at iba pang amoy na sobrang nakakahalimuyak para kay Rozen.
Kumiskis din ang dibdib ng dalaga sa kan’ya. Sobrang puti at kinis ng balat nito, at namumula pa ang mga pisngi.
Nakaramdam siya ng kakaiba. Nag-init ang katawan niya habang nakatitig sa babaeng tila anghel na natutulog sa tabi niya.
Parang gusto niya itong hawakan at angkinin.
Napamura si Rozen dahil sa naisip. Sinubukan niyang itulak ang babae palayo, pero hindi niya magawa. Masyadong mahigpit ang pagkakayakap ng babae sa kan’ya.
“Huwag kang malikot, okay…” saad ng babae sa nakabibighaning tono bago kinagat ang leeg niya, na para bang pinarurusahan siya.
Tuluyan nang nawalan ng kontrol si Rozen.
Hinapit niya ang beywang ng dalaga bago pinagpalit ang posisyon nila. Ngayon ay nasa ilalim na niya ang babae, wala pa ring kamalay-malay sa mangyayari sa kan’ya.
“Tandaan mo… Ikaw ang nag-umpisa nito.”
Hinalikan niya ang babae, at sobrang nakakaadik ang tamis ng labi nito.
Ni minsan ay hindi naging intimate si Rozen sa mga babae. Ni isang babae ay wala pa siyang nahahalikan.
Akala niya ay mananatil siyang ganoon habangbuhay, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, ginising ng babae ang init ng katawan niya, at hindi siya sigurado kong intensiyon ba iyon ng babae o natural lang talaga itong mapang-akit.
Ganoon pa man, siguradong hindi niya papakawalan ang babae ngayong gabi. Magbabayad ito dahil sa ginagawang pambabaliw sa kan’ya.
Buong gabi inangkin ni Rozen ang babae. Hindi niya ito pinakawalan hanggang sa makatulog na ito sa sobrang pagod, at noong mag-uumaga na ay doon lang tumigil ang binata.
Napatingin siya sa babaeng mahimbing na natutulog sa tabi niya, pagod na pagod at namumula pa ang mga pisngi, at tila lumambot ang puso ni Rozen.
Wala na siyang pakialam sa susunod na mangyayari. Niyakap niya ang dalaga hanggang sa nakatulog na rin siya nang mahimbing.
Pagod na siya, at aayusin na lang niya ang lahat paggising.
Pero hindi niya inaasahan na paggising niya, wala na ang babae sa kan’yang tabi.
—
Hapon na nang magising si Lianne.
Sobrang sakit ng buong katawan niya, at may lalaking nakayakap sa kan’ya.
Guwapo ang lalaki, mas guwapo kaysa sa mga celebrity na nakikita niya. Para itong prinsipeng lumabas mula sa libro na mala-greek god ang facial features.
Kahit habang natutulog ay malakas pa rin ang aura ito, dahilan para mapasinghap ang dalaga.
Hindi niya inaakalang ang lalaking kasalo niya sa mainit na gabi ay ganito pala kaguwapo.
Pero ang hindi lang alam ni Lianne, maamo man ang itsura ni Rozen at mukhang prinsipe, determinado itong makuha siya… kahit sa anong klaseng paraan pa.
Ramdam ni Lianne ang galit dahil sa nangyari, ngunit wala siyang magagawa. Lasing siya, nagpunta sa maling kuwarto, at natulog sa maling kama. Nagkaroon tuloy ng oportunidad ang lalaki upang galawin niya.
‘Mabuti na lang, guwapo siya,’ bulong ni Lianne sa isip.
Kung halimbawang nagising siya at ang napagtantong pangit ang nakakuha ng virginity niya, malamang ay iiyak talaga siya.
At gustuhin man niyang umiyak ngayon, hindi ito ang tamang oras. Kailangan na niyang umalis.
Kung magising ang lalaki at tanungin kung bakit nandoon siya sa kuwarto nito, tiyak na kapahamakan lang ang dulot no’n sa kan’ya.
Dahan-dahang inalis ni Lianne ang kamay ng lalaki bago umalis sa kama. Pinulot niya ang dress at panty na nasa sahig.
‘Mabuti na lang at hindi pa punit-punit…’
Maingat niyang sinuot ang dress bago lumingon sa lalaking natutulog pa rin sa kama. Napakagat siya sa pang-ibabang labi at tuluyan nang umalis.
‘Isipin mo na lang na panaginip ito, Lianne…’ saad niya sa isip.
Hindi niya alam na ito pa lang ang umpisa ng lahat.
—
Nanginginig ang legs ni Lianne na nilisan ang hotel. Pumara siya ng taxi papunta sa inuupahang room.
Sa kotse pa lang siya nagkaroon ng pagkakataong i-check ang bag at cellphone niya. Nakakita siya ng iilang missed calls mula sa kan’yang best friend na si Eunice.
Alam niyang nag-alala ito, kaya naman tumawag siya pabalik.
“Hoy, Lianne, ano’ng nangyari?” tanong ni Eunice. May pag-aalala sa tono ng boses nito. “Ilang beses kitang tinawagan. Bakit hindi ka sumasagot?”
Napakagat-labi si Lianne. “Sorry, nalasing kasi ako kagabi. Hindi ko narinig na nagri-ring na pala ang phone ko…”
“Okay lang, okay lang… Pero saan ka nag-stay kagabi? Nagpunta ako sa hotel room mo, pero hindi kita nakita roon.”
“Nagtanong ako sa reception, pero wala raw nag-check in,” dagdag pa ng kaibigan. “Hindi ka roon natulog kagabi?”
Nag-isip muna si Lianne ng isasagot bago nagsalita. “Ano… Nag-book ako ng ibang room kagabi. So, sa ibang kuwarto ako natulog…”
“Sorry, lasing na kasi talaga ako kagabi kaya hindi ko na nasabi sa ‘yo…”
Sobrang gulo ng isip ni Lianne ngayon.
Hindi niya alam kung paano sasabihiin kay Eunice na lasing siya, pumasok sa maling kuwarto, at nakipag-one night stand sa isang lalaking hindi niya kilala?
Gusto niyang isipin na walang nangyari, kaya naman napagdesisyunan niyang huwag na lang ikuwento kay Eunice ang lahat.
“Ah, mabuti naman.” Napahinga nang malalim ang kaibigan. “Akala ko naman eh sa kalsada ka na natulog kagabi. Alalang-alala kaya ako sa ‘yo!”
“Pero kasalanan ko rin. Kung hindi ko lang kailangang i-entertain ‘yong ibang mga bisita roon sa party, sana nahatid kita sa room mo…” dagdag niya pa.
Umiling si Lianne.
“Ano ka ba, ayos lang ‘yon. Kaya nga hindi na ako nagpahatid kasi ayaw ko rin makaabala.” Tumikhim siya. “Malo-lowbatt na ako, Eunice. Tawagan na lang kita mamaya, ha.”
“Oh, okay…”
Pinatay na ni Lianne ang telepono. At doon ay may napagtanto siya.
Kagabi, paulit-ulit nilang ginawa iyon nang walang ginagamit na condom…
Posible kayang…?
“Kuya, pakitigil na lang sa harap ng pharmacy,” saad ni Lianne bago itinuro ang pharmacy na madadaanan nila.
Sumunod naman ang driver.
Matapos magbayad ni Lianne ay dali-dali siyang bumaba at pumasok doon. Pero ramdam niya ang pagkailang nang lumapit sa pharmacist.
“Miss, anong bibilhin n’yo?” tanong nito nang makita ang papalapit na si Lianne. Halatang kinakabahan ito.
“May… May emergency contraception po kayo?”
Napahawak siya sa kan’yang damit habang namumula ang pisngi.
First time bibili ni Lianne ng ganito kaya naman nahihiya siya. Natatakot din siyang hinuhusgahan na rin siya ng kausap.
Mabuti na lang at sanay na ang pharmacist. “Mayroon. Saglit lang.”
Kumuha siya ng isang banig ng pills at ibinigay ito kay Lianne.
“Ngayon ka pa lang ba iinom ng ganito?” tanong ng pharmacist. “Effective lang siya kapag ininom mo within 72 hours. Isang pills lang, okay na.”
“Thank you…” Kinuha iyon ni Lianne. “Magkano?”
“80 pesos po.”
Pagkabayad ni Lianne ay mabilis siyang umalis. Hindi niya alam na pinagmamasdan lang siya ng pharmacists.
Napailing na lang ito. “Hay, napakaraming babae na talaga ang walang respeto sa sarili nila ngayon…”
Ito na ang panglimang babae na pumunta sa pharmacy para bumili ng emergency contraception.
At araw araw, maraming babae ang bumibili ng birth control pills mula sa pharmacy nila.
Dahil na rin sa sobrang pagod ng dalaga sa araw na ‘to ay mabilis din siyang nakatulog. Naging mahimbing pa nga iyon dahil yakap siya ni Rozen, at ramdam niya ang init ng katawan nito. Ganoon din naman ang lalaki dahil ilang segundo pa lang ang nakalilipas, humihilik na kaagad siya.Umaga na nang magising si Lianne. Tumatama na kasi ang sikat ng araw sa kan’yang mukha kaya napadilat siya.Muli pa siyang pumikit dahil masakit sa mata ang biglaang sinag ng liwanag, pero maya maya ay naka-adjust din naman siya roon.‘Napasarap pala ang tulog ko…’ isip ng dalaga habang pumupungay ang mga mata.Tatayo na sana niya nang dumako ang tingin niya kay Rozen, na mahimbing ang tulog sa tabi niya ngayon. Tinitigan niya ito.‘Gising man o natutulog, ang guwapo niya pa rin.’Pinagmasdan niya ang features ng lalaki—isang bagay na ngayon niya lang kayang gawin dahil madalas ay nauunang magising si Rozen kaysa sa akn’ya.‘Grabe n
Nakaupo man sila, ngunit ramdam ng dalaga ang panginginig ng kan’yang legs, pati na rin ang pamamasa ng nasa pagitan ng kan’yang hita.“H-Hindi na ako makahinga… please…”Sa pagmamakaawa niyang iyon, doon pa lang siya pinakawalan ni Rozen.“Haah…”Huminga nang malalim si Lianne habang nakakapit pa rin sa magkabilang braso ng lalaki. Halos nagluluha rin siya dahil sobrang sensitive ng kan’yang katawan.At imbes na maawa roon si Rozen, mas lalo lang nag-init ang pakiramdam niya. Gusto niyang nagkakaganito si Lianne ngayon dahil sa kan’ya.‘Gusto ko siyang halikan ulit,’ isip ni Rozen bago dinilaan ang pang-ibabang labi. ‘Fuck it.’Wala na siyang pakialam pa kung nasa labas ang kotse niya ngayon, o kung may kakatok man sa bintana niya maya maya.Kung may iistorbo man sa kanila ngayon ay siguradong malilintikan sa kan’ya!“I-Ikaw…” wika ni Lianne habang nakatitig sa binata. Kinagat niya ang ibaban
Huli na ang lahat nang mapag-isipan ni Rozen ang kan’yang ginawa, dahil na-send na niya kay Lianne ang mensahe.“Tangina,” napamura na lang ang lalaki dahil sa katangahang ginawa. “Dapat, hindi na lang ako nag-chat sa kan’ya.”Bibitiwan na sana ni Rozen ang kan’yang phone, pero natigilan siya nang makita ang reply ng dalaga.[Kailan ka babalik?]Noong una ay hindi pa mapaniwalaan ng lalaki na iyon talaga ang chat ni Lianne, kaya binasa niya ‘yon ulit.Hindi nawawala ang mensahe, kaya ibig sabihin ay totoo ang nababasa niya, at hindi isang panaginip.‘Nami-miss mo na ba ako, Lianne?’ isip ng binata bago mas lumawak ang kan’yang pagngiti. Nawala na ang lungkot na nararamdaman niya sa loob ng ilang araw.Parang mapupunit na nga ang kan’yang labi dahil sa pagngiti nang magtipa siya ng reply. Sa wakas, nag-initiate rin ang dalaga na mag-open up sa feelings nito.[Do you miss me?]Bahagyang gumalaw
Ikinuyom ni Rain ang mga kamay habang nagpipigil ng inis.‘Bakit sobrang cold niya sa akin kahit limang taon kaming hindi nagkita?’ isip niya habang nakatiim ang bagang.‘Kahit naman kakakita lang namin ulit, dapat hindi kami ganito kalayo sa isa’t isa. Magkaibigan pa rin naman kami…’Bigla tuloy siyang may naalala habang nagmumuni-muni. Ang araw ng kaarawan niya, five years ago.Sa tingin niya ay roon nagsimula na b-in-lock siya ni Lianne sa social media sites. Inimbita rin niya itong magpunta sa celebration niya, ngunit hindi dumating ang dalaga.‘Nangako siyang pupunta noong araw na ‘yon. She’s not the type of person na sisirain ang pangako niya,’ isip pa ng lalaki. ‘May narinig ba siyang kakaiba?’—Paglabas naman ni Lianne sa manager’s office at pagbalik niya sa kan’yang cubicle, kaagad na lumapit sa kan’ya si Jennica para makitsismis.“Anong nangyari sa loob? Bakit ang tagal mo roon?” tanong pa nito, may kuryosidad sa tono ng kan’yang boses.Ang alam niya kasi ay magpapasalama
Matagal man, ngunit hindi sumuko si Rain na hanapin si Lianne. Kapag nakita niya ang dalaga, gusto niyang magtanong kung bakit hindi ito nag-apply sa university kung saan dapat sila mag-aaral.‘Alam kong kaya niya ring pumasa roon. Matalino siya,’ isip pa ng binata. ‘At saka, bakit b-in-lock niya ako sa lahat, na para bang wala na siyang balak makipagkita sa akin kahit kailan?’Pero ngayong magkaharap na silang dalawa, halos hindi siya makapagsalita.Napagtanto niya lang kung gaano niya na-miss ang dalaga, at kahit pigilan niyang ilabas iyon ay nahihirapan siya.“Thank you…” ang tanging sagot ng dalaga at bahagya pang yumuko.Sa mga oras na ‘yon, natutop ni Rain ang hininga.‘Thanks?’ tanong niya sa isip. ‘Katulad pa rin pala siya ng dati. Mabait siya sa lahat, na para bang hanggang pagkakaibigan lang ang kaya niyang ibigay sa mga taong makakasalamuha niya…’“How have you been for the past years?” tanong ni Rain sa mababang tono.“Sakto lang,” maikling sagot ng dalaga.“Do you have…”
Lumingon si Lianne habang pumapalakpak, at napaawang ang kan’yang labi nang makita kung sino ang lalaking nasa harapan nila ngayon.“Hala, ang pogi!”“Totoo nga ang tsismis! Bata na nga, ang yummy pa!”“Talagang pinagpala tayo ng universe today! Ito na nga, magpapakabait na ako!”“Shit, ang pogi, mga ‘te. Nahuhulog na yata ang panty ko!”Ilan lang ‘yan sa mga bulungan ng ibang mga katrabaho ni Lianne nang makita rin nila ang lalaking katabi ng kanilang team leader ngaon.Nakasuot ito ng black suit at pants, at mayroon din itong eyeglasses na kulay silver ang frame, na nag-e-enhance lang ng features nito.
Pagkatapos bumili ng mga gamot, umalis na si Lianne sa clinic.Maganda naman ang panahon. Maaraw at maaliwalas ang hangin, pero bakit parang hinahabol siya ng kamalasan?Hindi lang niya nakasalubong ulit ang lalaki. Nagpanggap pa itong doktor at pinahubad pa ang pantalon niya para sa examination!K
Totoo naman ang sinabi ni Lianne. May plano talaga siya ngayong gabi.Niyaya siya ni Eunice sa isang dinner para makapag-catch up sa isa’t-isa. Matagal na rin kasi noong huli silang magkita.Nagkita sila sa isang restaurant.Habang kumakain, kinuwento ni Lianne ang pangha-harass sa kan’ya ng manage
Tumigil ang kotse sa harap ng isang mumurahing apartment.Hindi na hinayaan ni Lianne na ipag-drive pa siya ni Rozen hanggang sa parking lot. Baka kasi may makakita sa kanila na kakilala niya.“Okay na ako rito. Dito na ako bababa,” aniya.Pinagmasdan ni Rozen ang paligid. Kumunot ang noo niya. “Di
Nanlaki ang mga mata ni Lianne dahil sa narinig.“Saglit… bakit naging ikaw ‘yong agrabyado rito? First time ko iyon…”“At ako rin,” sagot naman ng binata sa malalim na boses. “Sa babae lang ba mahalaga ang first time nila? Sa tingin mo ay agrabyado ka, pero ako, hindi?”Nakakunot ang noo ni Rozen,







