Share

Chapter 18

Asper Reign Dahlia’s Pov

Sobrang lakas ng kaba ko nang muli akong bumalik sa mansion ng mga Flerry. Hindi na kasi ako nag-aksaya pa ng panahon kaya matapos naming mag-usap ni Aasiyah kanina ay agad na akong nag-asikaso para pumunta dito.

At mukhang inaasahan nila akong dumating dahil nang sabihin ko pa lang ang pangalan ko sa guard na siyang nagbukas ng gate ay agad na nila akong pinatuloy kahit hindi nila alam ang sadya ko.

At sa main door ng kanilang mansyon ay inabangan ako ng isa sa kanilang maid para igiya diretso sa kinalalagyan nila ngayon.

Sa garden.

Agad na tumayo si Misis Flerry nang makita akong palapit. Nakangiti ito pero hindi nakakatulong ang ngiti niyang iyon upang mabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko kasi, ngayong may nakakaalam na ng tunay kong pagkatao ay hindi na maiiwasan na malaman ni Daddy kung nasaan ako.

“So, I assume that your sister already called you,” sambit niya.

Lumunok muna ako ng sarili kong laway tsaka tumango. “And I assume that you alr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status