Share

Chapter 4

Author: LelouchAlleah
last update Last Updated: 2023-03-03 21:53:27

Asper Reign Dahlia’s Pov

Maaga akong nagising dahil tulad ng usapan namin ni Miracle ay maaga ang dating niya sa bahay ko.

Kaya nga kahit hindi pa ako nakakapaghilamos ay agad na akong lumabas ng bahay at binuksan ang gate dahil nakasimangot na naman ang babaeng iyon na kararating lang din naman kasama sina Sari at Saki.

“Akala ko ba ay maaga ka?” Itinuro niya ang buhok ko. “Halatang-halata na bagong gising ka pa lang eh.”

“Duh!” Inirapan ko siya. “Sobrang aga mo naman kumpara sa natural mong punta dito noh.”

Napalingon ako sa katabing lote at nanlaki ang mga mata ko nang makita na halos naitayo na ng mga gumagawa doon ang magiging pundasyon ng bahay na ginagawa doon.

“Hala!” Itinuro ko pa iyon. “Ang bilis naman nilang gumawa.”

Parang kahapon lang ay kararating lang ng construction team at nagbabasa pa ng blueprint para sa gagawing bahay tapos wala pang dalawampu’t apat na oras ay nakapaghukay na sila at naitayo na ang mga makakapal na haligi ng bahay.

“Baka nagmamadali ang mga titira diyan.” Tinulak na ako ni Miracle papasok ng gate. “Anyway, nandoon ba iyong nakausap mong lalaki?”

Umiling ako. “Hindi ko siya nakita doon.”

Tumangu-tango siya at hinila na ako papasok sa loob ng bahay. Kasabay na din namin sina Sari at Saki na dala ang mga kahon na naglalaman ng mga stocks na kailangan ko para sa pagbe-bake at paggawa ng mga dessert na pangunahing produkto ng cafe ko.

“Did you already get their identity?” tanong ko sa kanya nang tuluyan kaming makapasok ng bahay.

Hinayaan ko na sina Saki at Sari na dumeretso sa stock room ko dahil sila na din ang nag-aayos ng mga iyon.

“Well, nakausap ko ang real estate company na nagbenta ng lupa na iyan,” aniya. “And they said that the one who bought that piece of land is someone named Caspian Jyn.”

Nanlaki ang mga mata ko. “A Jyn?”

Tumango siya. “Not just a Jyn, Asper.” she said. “Si Caspian Jyn mismo. Siya ang magiging kapitbahay mo.”

Well, kahit sino ay magugulat dahil kilala ang isang Caspian Jyn. Siya lang naman kasi ang nagmamay-ari ng pinakasikat at pinakamalaking restaurant chain sa buong Hexoria.

At ang bawat restaurant na nasa ilalim ng Jyn Food Corporation ay nakatanggap na ng pinakamataas na Michelin star dahil talaga namang kayang ilaban ang bawat dishes nila sa buong mundo.

Pang world class ang kanilang mga chef at ang service nila ay talagang hinahangaan ng lahat ng customer kaya binabalik-balikan sila.

At maliban pa doon, hindi lang mga high profile personalities ang binibigyan nila ng pang-world class experience sa kanilang restaurant.

Mayroon silang mga pagkain na abot kaya ng mga nasa middle at lower class. At mayroon din silang mga charity na sinusuportahan kaya lalong umuusbong ang kanilang katanyagan.

They serve every kind of person.

“Fortunately, wala kang dapat alalahanin kay Mr. Jyn dahil wala siyang interes sa politika at madalas siyang nasa ibang bansa kaya hindi hindi ka niya makikilala,” sabi ni Miracle. “Well, maliban na lang siguro kapag nakita niya ang natural eye color mo which is a real trademark of the Dahlia Family.”

Natural para sa mga mata ng isang lehitimong miyembro ng Dahlia family ang pagkakaroon ng kulay abong mga mata. At masyado iyong rare kaya naman kilala, hindi lamang sa Hexoria ang pamilya namin kundi maging sa buong mundo.

At kapag nakita nila ang abong kulay ng mga mata namin ay agad nilang kaming nakikilala bilang parte ng Dahlia Clan.

Kaya nagsusuot ako ng brown contact lens upang itago ito. Habang kinulayan ko na din ang natural blonde na buhok ko ng kulay itim. Maliban pa doon ay nagpalagay ako ng permanent mole tattoo sa ibabang parte ng kaliwang mata ko.

Nagpalagay na nga din ako ng brace para masiguro ko na talaga na walang makakakilala sa amin.

At kahit minsan ay wala pa naman akong nakakahrap na kahit isang Jyn kaya tingin ko ay hindi ako dapat mamroblema kahit pa kapitbahay ko ang isang iyon.

“Then, maybe that Raj is someone close to Mister Jyn,” sabi ko nang maalala iyong lalaking nakausap ko kahapon. “Siya kasi ang namumuno sa construction kahapon.”

“Possible,” aniya. “Anyway, like what I said, wala kang dapat alalahanin. Siguraduhin mo lang na hindi ka lalabas ng bahay nang hindi mo suot ang contact lens mo, okay?”

Tumango ako.

Aba’y kapag iyon ang nakalimutan ko ay siguradong matutunton na ako ni Daddy at hinding-hindi na ako makakapagtago pang muli.

“Oh siya, kunin mo na lang sa product room ang mga ide-deliver para sa araw na ito,” Itinuro ko ang isa pang silid kung saan ko inilalagay ang mga product na natatapos ko. “Aakyat muna ako at maliligo. Kailangan ko na din kasing mamili ng grocery ko.”

Hindi ko pinauubaya ang pagbili ng mga personal kong pangangailangan kaya ako mismo ang namimili noon. Ang tanging ipinabibili ko lang sa kanila ay ang mga stocks na kailangan para sa product namin.

Agad akong umakyat at dumeretso na sa loob ng banyo para makapaligo.

Hindi naman ako ganoon katagal maligo. Maliban sa sabon ay wala na akong ibang nilalagay sa katawan ko kapag naliligo. Habang sa buhok ay medyo nahihirapan ako dahil hindi ko ito pwedeng hindi lagyan ng conditioner matapos i-shampoo.

Sa haba kasi nito ay talaga namang hindi naiiwasan na magkaroon ng pagkakabuhol-hubol. Lalo na sa bandang dulo.

At ang conditioner na ginagamit ko ay nakakatulong din para mapangalagaan ko ang pagkakakulay sa buhok ko.

Aba’y ayoko naman na lagi na lang mag-a-apply ng pangkulay dahil siguradong mada-damage lang ang buhok ko.

Matapos kong maligo ay agad na akong nagbihis.

Simpleng white polo at fitted pants lang ang sinuot ko. Then, no heel shoes. At nang ma-satisfy ako sa suot ko ay sinimulan ko nang i-blower ang buhok ko hanggang sa matuyo ito.

Naglagay na din ako ng sunscreen lotion bilang proteksyon sa sinag ng araw. Aba’y hindi man ako kaputian ay gusto ko pa ding pangalagaan ang kutis ko.

At syempre, hindi mawawala ang redish color lipstick na in-apply ko sa aking labi. And don’t forget my brown contact lens.

“Tapos ka na diyan?” sigaw ni Miracle mula sa ibaba. “Aalis na kami.”

“Sasabay na ako sayo!” balik sigaw ko sa kanya at mabilis nang hinablot ang aking bag tsaka mabilis na tumakbo.

Tinatamad akong mag-drive kaya mas mabuting sumabay na lang ako sa kanya dahil mapapadaaan din naman siya sa grocery store.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Enticing Series 1: Nightmare   ES1: Nightmare (Part 1) Last Chapter

    Caspian Jyn's Pov “Something is wrong,” iyan ang sambit ni Rajiv matapos ibaba ang kanyang cellphone pagkuwa’y tumingin sa akin. “They are acting weird.” “Who?” “Lucky and the rest of Asper’s bodyguards,” sagot niya. “What makes you think that they are weird?” I asked. “Asper changed, Jyn,” he said. “Sa isang taon natin siyang hindi nakita, malaki na ang pinagbago niya. At hindi na siya iyong tipong mananatili lang sa isang tabi, tatahimik at walang gagawin.” “Sa tingin mo ay pagtatakpan siya ng mga iyon kung mayroon man siyang ginagawa nang hindi natin nalalaman?” Nagkibit-balikat siya. “I don’t know how Asper thinks now. At alam ko kung gaano katakot ang mga iyon sayo, hindi pa din maalis sa isip ko na may ginagawa si Asper.” “Pull out the last batch of security details that we send there and just send Azure. Just make sure that she will not learn his identity at the group.” Ibinalik ko ang tingin sa mga papeles na hawak ko ngayon. “Kahit gaano kalakas ang pinanghahawakan niy

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 97

    Asper Reign Dahlia’s PovDad told me not to worry too much after I mentioned to him about what Hector said to me. Siniguro niya ako na nakahanda siya at si Aasiyah sa kung anuman ang maging hakbang ng palasyo.He already learned his lesson. Kaya wala na din siyang planong pangunahan pa si Aasiyah sa kung ano ang magiging desisyon nito kung sakali man na mag-propose ang palasyo ng kasal para kay Cloven.Well, kilala ko naman ang kapatid kong iyon. Kahit siya ang bunso at medyo sheltered ng buong pamilya ay hindi siya magpapakontrol sa mga taong nasa paligid niya.Tulad ko ay lalaban siya kung hindi niya gusto ang sitwasyon kaya alam kong hindi siya basta magpapadala sa mga iyon.At para makasigurado ay sinabihan ko na din si Miracle. At siniguro niya na gagawin ang lahat upang hindi maulit kay Aasiyah ang nangyaring pangha-harass sa akin ng mga nasa palasyo noon.Nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon. At least, alam kong kahit wala ako doon ay mapoprotektahan si Aasiyah. Hindi ko k

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 96

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Ang sabi ko, ipinasa ko na nang tuluyan kay Aasiyah ang pamamahala sa foundation,” ulit ko. “Tapos nang asikasuhin ng mga lawyer namin ang pagta-transfer ng management noong isang taon pa at noong isang buwan iyon na-finalized.”Hindi pa din nawawala ang gulat sa mga mata niya matapos ang narinig. At maliban doon, bakas din ng matinding pangamba ang kanyang mukha na para bang isang maling pagkakamali ang ginawa ko.“Aware ka naman siguro na mula nang umalis ako, si Aasiyah na ang namamahala sa foundation,” dugtong ko. “At dahil nga sa nangyari sa akin at sa buhay na pinipili ko ngayon, nagdesisyon akong bitiwan ito. Nagprisinta si Aasiyah na akuin ang responsibilidad dahil nagustuhan niya din ang pagtatrabaho dito.”“You…” Napasapo siya ng noo at napaupo sa damuhan. Hindi ko alam kung anong problema niya pero para bang isang malaking balita ang narinig niya.Hindi naman mahalaga para sa foundation kung sino ang namamahala dito. As long as tuloy-tuloy ang mga

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 95

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Sira ulo ka din talaga, noh?” natatawa na sabi ni Hector matapos kong ikwento sa kanya ang ginawa ko sa mga tauhan ni Jyn na bodyguard ko ngayon. “Isinangkalang mo ang sarili mo para lang mapasunod ang mga iyon.”“That is all I have, okay?” sabi ko. “I can only take advantage of Jyn’s feelings for me to make them do what I want.”Napailing siya at itinuon ang atensyon sa pagpapaligo sa isang kabayo. “You like taking advantage of everything to make sure that every situation will side with you.”Nandito kami sa kwadra ng mga kabayo. Nagtatrabaho siya habang ako naman ay nakaupo lang hindi kalayuan sa kanya.“Mas malala pa ang ginagawa mo noon, noh!” Inirapan ko siya. Kung makapagsalita ang lalaking ito, akala mo ay hindi niya inabuso ang posisyon niya bilang crown prince noon para makuha ang lahat ng gusto niya.“Kaya nga nagbabago na ako, hindi ba?” balik niya sa akin. “Eh ikaw? Parang lalo kang lumalala habang tumatagal.”“Well, sa mundo ng mafia na pinapasok

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 94

    Asper Reign Dahlia’s PovPagdating sa farm ay agad akong sinalubong ni Hector. At agad niyang sinabi na ang trabahong napili niya ay ang pag-aalaga ng mga kabayo.Ang alam ko ay mahilig siyang mangabayo. May mga alaga sila sa palasyo at ilang beses na din siyang sumali sa mga horseback tournament kaya siguro iyon ang pinili niyang gawin habang nandito siya.Kaya kinausap ko agad si Layno, ang namamahala sa pag-aalaga sa lahat ng hayop dito sa farm, at sa kanya na ibinilin si Hector.Pagkatapos noon ay nagpahinga muna ako buong araw. Ginising lang ako ni Manang Judith para maghapunan at nang malalim na ang gabi ay tsaka ko tinipon ang lahat ng bodyguard na ibinigay sa akin ni Jyn.Nasa malawak na garden kami. Nakaupo ako sa ilang baitang ng hagdanan habang ang sampung miyembro ng security detail ko ay nakaupo sa damuhan.“So?” Tinaasan ko sila ng kilay. “Kayo lang ba talaga ang pinadala ng boss niyo para bantayan ako?” Isa-isa ko silang tinitigan.“Yes, Miss Asper,” sagot ni Lucky. “Th

  • Enticing Series 1: Nightmare   Chapter 93

    Asper Reign Dahlia’s Pov“Sorry for that, Dad.” Iyan na lang ang nasabi ko kay Daddy na kausap ko ngayon sa cellphone habang nakatitig ako sa chopper niyang binabalot ng apoy na bumubulusok mula sa himpapawid. “I am still not sure about how much money I have right now but I will try to buy a new chopper for you.”Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Daddy mula sa kabilang linya. “Don’t worry about that. Plano ko na namang ibigay na lang sa kuya mo iyan at bumili ng bago.”Napakamot ako ng ulo. “Then, nawalan pa tuloy si Kuya ng pinakamadaling transportation niya para makapagpabalik-balik siya ng Yain City nang hindi napapabayaan ang trabaho niya.”“But are you okay?” tanong ni Daddy. “Mabuti at agad niyong napansin na may problema ang chopper at nakababa agad kayo.”“Siguro ay dahil sa patuloy na pagte-training ko ay naging matalas na din ang pakiramdam ko kapag may panganib sa paligid ko.”“Are there any casualties?”“Wala naman,” sagot ko. “Sa dagat naman bumagsak ang chopper at wal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status