CASSIETATLONG araw pa ang inilagi ko sa unit ni Shiela bago ko napagdesisyunang umuwi sa bahay ng mga magulang ko. At sa loob ng tatlong araw na 'yon ay pabalik-balik si Tristan para suyuin ako pero hindi ko siya kinausap. At maging dito sa bahay nila Mama ay hindi siya pumapalya. Araw-araw siyang pumupunta kahit hindi ko siya hinaharap. At dahil doon ay nalaman ni Mama at Papa ang problema naming dalawa pero hindi naman sila nakialam. Hindi naman ako nagmamatigas, napagod na akong maging marupok na isang sorry lang niya ay napapa-oo na niya ako. Gusto ko sana siyang unawain pa pero 'yong hindi niya pag-contact sa akin sa loob ng dalawang araw ang sobrang nakakasama ng loob. Sa ngayon, gusto ko munang mag-isip kung ano ba ang tamang gawin sa amin ni Tristan. Paulit-ulit na lang kasi ang nangyayari at napapagod na rin ako sa ganoong sitwasyon. 'Yong mapapatanong na lang ako sa sarili ko na may plano ba siya sa akin? Sa aming dalawa? Ilang araw na akong nag-iisip at nililimi ang sar
CASSIE"CASSIE?" Mabilis akong napalingon nang marinig ko ang pagtawag ni Mama. "Ma." Binitawan ko ang cellphone ko. Naglakad siya palapit sa akin. "Bakit gising ka pa? Dis-oras na nang gabi, ah." Kunot-noo niyang tanong sa akin. "Nauhaw lang ho ako, Ma," sagot ko sabay inom ng natitirang laman ng baso ko. Pang-apat na basong tubig ko na ito at busog na busog na ako. Kanina pa ako hindi mapalagay, hindi ako makatulog at makailang ulit kong sinubukang tawagan si Tristan para sana tanungin kung nasaan na. Pero sa huli ay hindi ko itinutuloy. Nagtatalo ang puso't isip ko. "May problema ba?" Pagkuwa'y tanong ni Mama at sinipat ako. "Wala naman ho, Ma. Pabalik na rin ho ako ng kuwarto ko." Tinalikuran ko na si Mama nang muli niya akong tawagin. "Ma." "Naiwan mo," aniya at inabot sa akin ang cellphone ko. "Thanks, Ma. Balik na po ako sa kuwarto ko. Good night, Ma." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at iniwan ko na siya. "Anak." Napahawak ako sa dibdib ko nang muling marinig an
TRISTAN POV "MARAMING salamat po, Ma." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mama sa kabilang linya.Araw-araw ko siyang tinatawagan para kumustahin si Cassie sa kaniya. Apat na araw na mula nang huli kaming mag-usap ni Cassie. Ilang beses ko pang sinubukan na tawagan siya pero hindi ko na matawagan ang number niya. Ilang beses ko ring tinangka na puntahan siya pero sa huli, bumabalik lang din ako sa bahay kapag naaalala ko 'yong nakikiusap niyang tinig na huwag ko siyang puntahan. "Pasensya ka na, Tristan, kung wala kaming magawa para baguhin ang pasya ni Cassie." "Naiintindihan ko po, Ma. Aminado naman ho ako na malaki ang pagkukulang ko sa kaniya. Patingnan-tingnan na lang ho siya para sa akin." "Huwag kang mag-alala, maayos si Cassie dito. Hayaan mo muna, pasasaan ba't magkakaayos din kayo. Mahal ka ni Cassie, nagpapalipas lang ng sama ng loob 'yon. Marami na rin siyang pinagdaanan simula pa noong lokohin siya ni Jason, ngayon lang siya magpapahinga." Mahahamigan ng kalungkutan
TRISTAN POV"TITO?" Mabilis kong naitago ang maliit na boteng hawak ko. Naglalaman iyon ng tabletang iniinom ko para sa madalas na pagsakit ng ulo ko. It was just a pain reliever. Laking pasalamat ko nang lumabas ang resulta ng MRI (magnetic resonance imaging) ko at mild injury lang ang natamo ng ulo ko mula sa aksidenteng kinasangkutan ko dalawang linggo na ang nakakaraan. Bagama't hindi naman malala ay kailangan pa rin ng gamutan ayon sa doktor ko. May dalawang klase ng gamot siyang ibinigay sa akin, isang pain reliever at isa para maiwasan ang blood clot. Kailangan din ng tamang pahinga kaya isang linggo na akong nakapirmi lang sa bahay. Kung pupunta man ako sa taniman, para lang bisitahin ang mga tauhan ko. "Bakit gising ka pa?" Tanong ko nang lingunin ko si Mia, na nakatayo sa bungad ng kusina. "Ano 'yong itinago mo?" Balik-tanong niya habang humahakbang palapit sa akin. "Ano 'yon, Tito?" "Ha? Ah, wala. Cellphone lang 'yon," pagdadahilan ko. "Hindi ka pa rin ba niya kinakaus
CASSIE POV "ANONG PLANO mo sa anak namin ngayon, Tristan?" Tanong ni Papa nang sabihin namin sa kanila ni Mama na okay na kami ni Tristan. Magkakaharap kami sa dining table at kasalukuyang naghahapunan. Bago sumagot ay ginagap muna ni Tristan ang kamay ko at tumingin sa mga magulang ko. "Magsisimula ho ulit kaming dalawa. Si Cassie po ang hahayaan kong magdesisyon kung saan niya kami gustong tumira. May sariling bahay naman ho ako rito sa Maynila, puwede po kami roon kung gusto niya," aniya at bumaling sa akin. "Ano sa tingin mo, hon? Ikaw ang magdesisyon dahil puwede ako kahit saan basta kasama kita." Napatikhim si Papa dahil sa walang prenong bibig ni Tristan. "Hon?" Naghihintay ng kasugatan ang kaniyang mga mata. "Kahit saan." Maikling sagot ko. Pasimple kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya pero hindi niya binibitawan 'yon. Pinamulahan ako ng mukha nang mahuli kong ngumisi si Papa at Mama habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tristan at sa mga kamay nami
CASSIE POV"HUWAG PO kayong mag-alala, Misis. Hindi po kayo dapat mabahala dahil hindi naman po talaga malala ang lagay ni Mister. Kinakailangan lang po talagang uminom niyan dahil sa mild injury na natamo niya sa aksidenteng iyon, but I assure you na malayo sa panganib ang asawa mo. Huwag ka nang mag-alala, Misis." Magiliw na paliwanag ng doktor ni Tristan na ngayon ay kausap ko sa telepono. Pagkatapos kong malaman ang dahilan kung bakit umiinom ng anticonvulsant si Tristan ay hindi na ako mapakali. Kahit sinabi na niya sa akin na hindi naman malala ang lagay niya ay hindi ako naniwala sa kaniya. Gusto kong makasiguro dahil hindi biro ang magkaroon ng problema sa utak. Kaya nang i-suggest ni Tristan na kausapin ko ang doktor niya para malaman kong nagsasabi siya ng totoo ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik na pumayag. At kaagad nga niyang idinial ang numero ng clinic ng doktor na tumitingin sa kaniya. "Regular naman po ang check up ng Mister niyo, Misis, kaya sure ako na maayos lang
CASSIE POV"WHY?" Napapakamot sa ulong tanong ni Tristan habang palipat-lipat ang tingin sa akin at sa pamilya ko. Narito kami ngayon sa harap ng gate ng bahay namin para ihatid si Tristan. Ngayong araw kasi ang alis niya patungo sa probinsya para bisitahin si Mia at ang farm niya. At kaya kami natatawa ay dahil kanina pa siya nagpapaalam sa amin pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sumasakay sa kotse niya. Hindi yata niya napapansin na nakakatatlong mano na siya sa parents ko. "Bakit po?" Muli niyang tanong habang nakatingin kay Mama na hindi na napigilan ang pagtawa.Nagmano na naman kasi siya pero paulit-ulit namang hinahayaan ni Mama at maging ni Papa. "Tristan, kanina ka pa nagpapaalam sa amin pero nandito ka pa rin. Ikaw ba'y aalis pa o magpapaalaman na lang tayo buong maghapon?" Natatawang sabi ni Mama. Namula ang mukha ni Tristan na tila nahiya. "Pasensya na ho, Ma. Sa totoo lang ho kasi ay ayaw ko talagang maiwan si Cassie rito." Tumigil siya sandali at tumingin sa a
CASSIE POV"YOU'RE REALLY HERE?" Mula sa mahigpit na pagkakayakap ay dahan-dahan akong pinakawalan ni Tristan. Nagtama ang mga mata namin. "Yes." Nakangiting sagot ko at gigil na pinisil ang magkabilang pisngi niya. "I missed you kaya naisip kong puntahan ka rito, Hon. Are you surprised, hmm?"Lalo kong pinanggigilan ang pisngi niya. Namumula na 'yon at napapangiwi na rin siya pero hindi ko pa rin tinigilang panggigilan 'yon. "I'm really surprised, Hon. Akala ko nga namamalikmata lang ako pero totoo pala na nandito ka." Hinaplos ni Tristan ang aking mukha habang mukhang hindi pa rin ganap na makapaniwala na narito ako sa harap niya ngayon. Pulang-pula na ang magkabilang pisngi niya nang tigilan ko. Pagkuwa'y itinaas ko ang kamay ko, isinabunot sa buhok ni Tristan bago hinila ang mukha niya palapit sa akin. Tumingkayad ako para maabot ang mga labi niya. I kissed him. A senseless, deep, hot, and passionate kiss. Hindi ako nabigo. He kissed me back. Buong init na tumugon si Tristan