Share

Especially For You
Especially For You
Author: senyora_athena

Chapter 1

last update Last Updated: 2025-08-24 01:54:20

"Yes, hello? Angela speaking."

Antok na antok pa si Angela nang sagutin ang siraulong caller niya. Nakapikit pa ang mata na pinindot niya ang answer button, ni hindi na nga siya nag-abalang basahin pa ang pangalan ng caller. Basta na lang siya nagpindot dahil gusto pa niyang matulog. 

Sobrang sama ng pakiramdam niya mula pa kaninang umaga. Dahil siguro sa nabasa sila ng ulan kahapon dahil sa ginawang girl scout camping ng mga estudyante nila. Hindi pa nga siya nakainom ng gamot kaya parang hindi bumababa ang init ng katawan niya.

Bungisngis agad sa kabilang linya ang narinig niya. Parang hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang walang-hiyang tumatawag sa kaniya ngayon. Pagtawa pa lang nito ay kilala na niya.

"Pakausap nga sa hero ng Mobile Legends. 'Yong hero na magaling pumatong," anito at muli na namang tumawa. Para tuloy mas sumama ang pakiramdam niya at nag-init pati singit niya.

"Tangina ka ba?" malutong niyang mura. Parang pinutol lang nito ang tulog niya dahil wala na naman itong magawa sa buhay.

"Angela naman, eh. Parang nagbibiro lang, napakaseryoso mo naman." Muli na naman itong natawa kaya wala siyang nagawa kun'di ang paikutin na lang ang mga mata niya at muling pumikit.

"Alam mo ba kung anong oras dito sa Pilipinas ngayon, Heart?" tanong niya sa kaibigan. 

Kaibigan niya ang babae mula no'ng first year college sila. No choice naman siya dahil ito lang ang hindi nagsawang kausapin siya no'ng college days nila. Nasa Canada ito ngayon dahil naghahanap daw ito ng idea sa sinusulat nitong libro at kapag wala itong maisulat ay siya ang ginugulo.

Tulad ngayon.

Writer si Heart Del Rio samantalang siya ay isang public school teacher.

Napaungol na lang siya nang tumawa ang kaibigan at nagtanong kung anong oras na daw ba sa Pilipinas. Ang sarap na lang talaga nitong ilagay sa kaldero at pakuluan.

"Saan ka ba kasi galing? Kanina pa ko tawag nang tawag sa'yo, eh." tanong nito sa kaniya na para bang nanay niya, iyong tipong hindi ka talaga titigilan hangga't hindi ka nagsasabi ng totoo.

Parang nagsisi na tuloy siya kung bakit pa niya kinuha ang cellphone niya. Mula kasi no'ng nakapasok siya sa public school ay tinatamad na siya mag-open ng mga accounts niya sa social media. Kung hindi lang talaga dahil sa mga estudyante niya, matagal na niyang nilayasan ang social media.

"Kumalma ka nga, para ka namang si Mama," mahina niyang bulong. Gusto lang naman sana niyang maging lowkey pero parang hindi papayag ang babaeng 'to.

"Okay, sorry." Natahimik ito nang ilang segundo. "Pero saan ka ba nagpunta? Did you go out on a date like I told you to do?"

Nasapo niya ang sariling noo. Tumawag lang ba ito para pilitin na naman siyang maghanap ng lalaki. Nilayo niya sa tainga ang cellphone at nagpasiyang patayin ang tawag pero bago pa niya napatay ay narinig pa niyang umaray ang kaibigan.

Pipikit na sana siya nang nag-ring na naman ang cellphone niya. Si Heart na naman ang tumatawag kaya napabuntonghininga na lang siya bago iyon sinagot. Umayos siya ng upo sa kama at nilagay sa kandungan ang isa niyang unan.

"Tumawag ka lang ba para asarin ako? Alas tress pa lang ng madaling araw dito, Heart. Kung wala kang magawang matino ngayon, patulugin mo muna ako, please lang." Akmang papatayin na niya ulit ang tawag nang pinigilan siya ng kaibigan.

"Oh, kalma. Baby, kalma," Kumanta pa ito na sinamahan pa ng pagtawa. "May hihingin lang naman akong favor eh, masiyado namang mainit ang ulo mo. Ganiyan ba talaga kapag matagal ng hindi nadiligan?" Tumawa na naman ito nang malakas.

Huminga na naman siya nang malalim. Kapag talaga si Heart ang kausap niya, hindi pwedeng hindi nito maisingit ang gano'ng kalaswaan. Ano ba naman kasi ang aasahan niya sa isang erotic writer? Masiyado na yata nitong isinabuhay ang pagiging manunulat nito.

Tumayo muna siya at lumabas ng kaniyang kwarto. Kahit nahihilo pa siya ay wala siyang pakialam. Wala na rin siyang pakialam kahit pa ungodly hour ang mga oras na 'to. Gusto niyang mahimasmasan at mabawasan ang kabastosan na narinig niya sa kaniyang kaibigan. 

Ilang taon mo na 'yang kakilala si Heart, Angela. Parang hindi ka pa nasanay, bulong ng utak niya. 

Nang makalabas siya ng kwarto ay saka pa muling nagsalita si Heart. Gamit na naman nito ang mahinhin nitong boses. Boses nito na senyales na may hihingin na naman ito sa kaniya. Hindi lang kasi writer si Heart, artista rin. Wala nga lang sa TV.

"Hey, still there?" tanong nito.

"Yeah." Tumango pa siya na para bang makikita siya ng kausap niya.

"Ahh... I want to ask you a favor sana."

"Ano 'yon? Alam mo namang 'pag ikaw, hindi ako makatanggi."

"Really?" May bahid pang excitement sa boses nito.

Shit parang may mali, dapat nagtanong muna ako kung anong favor 'yon. Buang pa naman ang babaeng 'to. Bulong ng utak niya. Mali yata ang nasagot niya.

Kumuha na siya ng isang basong tubig nang makarating siya sa kusina. Kailangan niya talagang magising dahil parang kabaliwan na naman ang napasok niya.

Alam niyang likas na talaga kay Heart ang kabaliwan nito. Hindi pa nga niya makalimutan ang ginawa nitong kagaguhan dati. Dahil sa ginawa nito ay nasugatan for the first time ang puso niya.

And until now, nagdurugo pa rin ang puso niya.

"I have a visitor who needs a place to stay. Baka puwede siya diyan mag-stay muna for a week sa house mo?"

Mahina siyang natawa. "Para kang timang. Eh, bahay natin 'to."

No'ng sumikat ang librong sinulat ng kaibigan niya at nakasahod ito ng malaki ay hinatian nila ang gastos sa pagpatayo ng bahay. Para kapag umuwi daw ito ng Pilipinas ay may matuluyan ito. Tandang-tanda pa niya ang sinabi nito noon na kailangan daw niyang magtayo ng bahay dahil alam nitong tatanda siyang dalaga. Ay talaga namang siraulo ang kaibigan niya. Hulaan ba naman ang kapalaran niya.

"Sino ba 'yang bisita mo?"

"Everthing's settled then?" tanong nito na parang hindi narinig ang tanong niya. "Bukas ang dating niya, okay? Binigay ko na sa kaniya ang address ng bahay. Bye, Gela. Love yah!"

At pinatay nito ang tawag na iniwan siyang takang-taka. Ano daw? Bukas? Bukas agad? Eh, wala nga siya dito kahit noodles lang eh. Kahit kailan talaga!

Wala sa sariling bumalik siya ng kwarto at bukas na lang niya iisipin ang problema na binigay sa kaniya ni Heart.

Sakit talaga sa puso ang babaeng 'yon. Bagay sa kaniya ang pangalan niya.

Pero imbes na matulog, hindi na siya muling dinalaw ng antok. Tila ba naging malinaw ulit sa kaniya ang nangyari noong nag-aaral pa siya sa college. Mga memories na kasama niya si Heart. Mga kabaliwan nilang dalawa. Ang mga araw na palagi siyang sinusundan ng maharot niyang kaibigan.

Wala sa loob na tinitigan niya ang hawak niyang cellphone at muli na namang pinatay iyon. Ipinatong niya iyon sa isa niyang unan.

Hanggang ngayon, pakiramdam niya ay pinaparusahan niya ang sarili niya. Gusto na niya sanang makalimot pero paano niya makakalimutan ang mga pangyayari kung palagi niya ring nakakausap ang isang Heart Del Rio.

Del Rio.

Paano niya makakalimutan ang lalaking nag-iwan ng sugat sa kaniyang puso kung palagi niyang nakakausap ang kapatid nito?

Yes, kapatid ni Heart ang isang Brian Del Rio.

Ang first love niya.

Isang pagkalalim-lalim na hininga ang pinakawalan niya at mariing ipinikit ang mga mata. Sinikap niyang habulin ang antok na pinutol ni Heart pero naging mailap na iyon sa kaniya. Ilang araw pa naman siyang puyat dahil sa K-drama series na pinapanood niya.

Pinilit na lang niyang pumikit nang makabalik sa pagtulog pero sa kaniyang balintataw ay lumitaw ang isang imahen na unti-unting nagkahugis.

Kahit pa nga blurry ay makikilala niya ang may-ari ng pigurang 'yon. Walang iba kun'di si Brian.

Parang kahapon lang talaga nang unang magtama ang mga mata nila ng binata. Malinaw na malinaw pa sa kaniya ang nangyari. Kahit pa siguro ipasulat sa kaniya ang buhay pag-ibig niya at ipadala sa Maalaala Mo Kaya, kayang-kaya niyang isulat iyon word for word.

Parang kahapon lang talaga...

Parang kahapon lang din nang maranasan niya ang sakit at pait ng kaniyang unang pag-ibig...

Mahal pa yata kita...

-----

Dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Angela. Natigil na lang ang kaniyang pag-i-imagine nang makarinig siya ng mga pagkatok.

Sunod-sunod na mga pagkatok iyon kaya ang plano niya sanang hindi ito pagbuksan ay hindi niya yata magawa.

Sinuot niya ang kaniyang tsinelas at wala sa mood na binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto.

Imposible naman kung ito na ang tinutukoy ng kaibigan niya na bisita nito.

Ang aga naman, bulong niya at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto at ipinalibot iyon sa katawan niya.

Lumabas na siya ng kwarto matapos niyang suklayin ang buhok. Diretso na siya sa pinto upang pagbuksan ang taong patuloy pa rin sa pagkatok.

Dios mio, alas singko pa lang.

Kahit parang nahihilo pa siya dahil sa kulang siya sa tulog at masama pa ang pakiramdam niya ay pinilit niyang tumayo.

"Sandali." Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ng tao sa labas pero patuloy pa rin siya sa paghakbang. 

Mahina niyang pinihit ang door knob ng pinto at binuksan iyon pero tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang makita ang kumakatok sa pintuan niya.

"Brian..."

Tila mas lalong sumama ang pakiramdam niya at umikot bigla ang kaniyang paningin.

Brian, muling bulong ng puso niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Especially For You   Chapter 17

    Year 2025Dalawang oras na ang lumipas ay hindi pa rin dinadalaw ng antok si Angela. Natigil na lang ang kaniyang pag-i-imagine nang makarinig siya ng mga pagkatok.Sunod-sunod na mga pagkatok iyon kaya ang plano niya sanang hindi ito pagbuksan ay hindi niya yata magawa.Sinuot niya ang kaniyang tsinelas at wala sa mood na binuksan ang pinto ng kaniyang kwarto.Imposible naman kung ito na ang tinutukoy ng kaibigan niya na bisita nito.Ang aga naman, bulong niya at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa pinto at ipinalibot iyon sa katawan niya.Lumabas na siya ng kwarto matapos niyang suklayin ang buhok. Diretso na siya sa pinto upang pagbuksan ang taong patuloy pa rin sa pagkatok.Dios mio, alas singko pa lang.Kahit parang nahihilo pa siya dahil sa kulang siya sa tulog at masama pa ang pakiramdam niya ay pinilit niyang tumayo."Sandali." Hindi niya sigurado kung narinig ba siya ng tao sa labas pero patuloy pa rin siya sa paghakbang.Mahina niyang pinihit ang door knob ng pinto at binuksa

  • Especially For You   Chapter 16

    Nakita agad ni Angela si Brian nang lumabas siya sa main gate ng school nila. Hindi niya napigilan ang pag-igting ng kaniyang panga nang makita ang binata at naglabas ng isang malaking buntonghininga. Tandang-tanda niya ang sinabi ni Heart sa kaniya nong Friday na naging rason pa ng kaniyang pagkalito. Pero buo na ang desisyon niya na iwasan na ang babaerong to.Anong akala niya sakin? Nadadala sa kaniyang mga ngiti? Hindi na uy! Nakatayo ito roon, parang estatwa na hindi natitinag, may hawak na bouquet ng mga puting rosasat isang paper bag na halatang puno ng kung anong regalo. Sa unang tingin, maaari sanang kiligin ang kahit na sinong babae na bibigyan nito — isipin mo, isang Brian Del Rio ang naghihintay, mukhang seryoso at parang leading man sa pelikula dahil sa sobrang kapogian.Pero hindi siya. Hinding-hindi na siya papaloko pa. Ayaw niyang makasira ng relasyon. Ayaw niyang makasakit ng kapwa babae. Kaya kung ano man ang nararamdaman niya, kailangan na niyang pigilan.Sa halip,

  • Especially For You   Chapter 15

    Paglabas ni Angela sa gate ng campus, agad niyang napansin ang nakasandal na pigura sa poste. Kilalang-kilala na niya ang body figure nito, alam niyang si Brian iyon. Naka-black shirt lang ito at faded jeans, hawak ang helmet sa isang kamay habang panaka-nakang tumitingin sa relo. Kahit pa anong iwas niya, hindi niya maitago ang kaunting kilig na unti-unting kumakain sa sistema niya.Wake up, Angela! Anong kilig ang pinagsasabi mo! Iwasan mo yan!"Hatid na kita," walang paligoy-ligoy na sabi ni Brian nang makalapit siya. Para bang automatic na parte na siya ng hapon niya."Hindi na. Kaya ko namang umuwi, sanay na ako," mabilis niyang sagot, pero ramdam niya ang kaunting kaba sa dibdib. Bakit ba siya kinakabahan? Parang tanga naman tong damdamin niya.Brian smirked, bahagyang tinaas ang kilay. "Wala namang mawawala kung ihahatid kita diba? Nakalibre ka pa ng pamasahe. Mas safe din, at least may kasama ka sa daan."Gusto pa sana niyang sumagot dito pero nang iabot na nito ang helmet sa

  • Especially For You   Chapter 14

    Hindi mapakali si Angela kinabukasan. Halos buong gabi niyang iniisip ang nangyari kagabi. Kung paano naghintay si Brian sa labas ng gate, kung paano ito naglakad kasabay niya pauwi, at kung paano mabilis nakuha ng binata ang loob ng nanay niya. Para bang lahat ay perpektong naitakda para sa kaniya, pero sa puso niya, hindi siya makasabay. Parang ang dali-dali lang nitong kinuha ang loob ng nanay niya at feeling close pa ito. Hindi niya na orient ang nanay niya na acting lang ang lahat.Habang kumakain sila ng almusal, hindi niya naiwasan ang mga tingin ng kanyang ina. Kagabi pa nga ito pabalik-balik na mabait daw si Brian kesyo ganiyan. Ang dami nitong positive comment tungkol sa nanliligaw sa kaniya kuno. Samantalang siya ay hindi na natutuwa. Bakit pa kasi ito pumunta sa bahay niya para magpaalam na manliligaw daw ito sa kaniya, nakakuha pa tuloy ito ng kakampi."Magalang na bata 'yong si Brian, ah," ani ng Mama niya habang nagkakape. Naririndi na ang tainga niya, paulit-ulit na l

  • Especially For You   Chapter 13

    Paglabas ni Angela ng gate ng university, ang tangi niyang nasa isip ay makauwi agad at makahiga sa kama. Pagod siya sa dami ng activities ngayong linggo, at pakiramdam niya drained na drained ang utak niya sa kakaisip ng research proposal nila. Idagdag pa na parang siya lang naman ang gumagawa sa gruop nila.Halos malaglag ang bag niya sa balikat nang mapansin ang isang pamilyar na pigura na nakasandal sa poste malapit sa gate. Heto na naman ito, parang walang kapaguran sa pangungulit. Nakasuot ng puting polo si Brian, bahagyang nakabukas ang dalawang butones sa itaas, at halatang fresh kahit pa mainit ang panahon. Nakahalukipkip ito at parang ilang minuto na talagang naghihintay."Angela," tawag nito nang makita sabay kindat, para bang matagal na silang magkasama.Napahinto siya sa gitna ng lakad niya. Jusko po, heto na naman ako. Hindi ba pwede na magkaroon din ako ng day off kahit ngayong araw lang? Stress na stress po ako oh.Ramdam na naman niya ang mga mata ng ibang estudyanten

  • Especially For You   Chapter 12

    Tahimik lang si Angela habang naglalakad papasok ng campus. Tahimik na naglalakad pero ang puso at isip niya ay halos magsigaw na sa dami ng laman. Habang naglalakad siya ay ramdam na ramdam niya ang mga matang nakasunod sa kaniya, pati ang pabulong-bulong ng ilan. Hindi niya kailangang magtanong kung tungkol saan iyon, mula pa kahapon ay laman na sila ng chismis. Kahit siya nga din ay hindi mapakali, ang mga chismosa pa kaya?Humigpit ang kapit niya sa strap ng kaniyang bag habang pinipilit maging kampante ang mukha. Yong tipong hindi niya pakitaan ng kamalditahan ang mga marites sa paligid niya. Pero sa loob-loob niya, parang hinihila pababa ang dibdib niya. Hanggang kailan ko ba kakayanin ‘to? Hanggang kailan ko ba hahayaang gawin ni Brian ang gusto niya? Tama naman siguro ang ginawa niya na kahapon. Hindi niya alam kung makikinig ba si Brian pero gusto na niya talaga na tigilin na nito ang ginagawa nitong kabaliwan.Yes, kabaliwan naman talaga. Saan ka ba makakahanap ng tao na g

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status