"Angela naman, eh." Singit na naman ng best friend ni Angela na si Angelo. "Sumama ka na kasi, saglit lang naman 'yon, eh."
Kanina pa siya pinipilit ng best friend niya na samahan daw niya ito sa campus dahil may sasalihan daw ito. At kanina pa rin niya ito tinatanggihan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi maintidihan ng lalaking 'to ang salitang 'busy' at patuloy pa rin siyang kinukulit kahit panay tanggi lang naman siya. Hindi pa rin tumitigil ang best friend niya.
Busy nga kasi siya. Nagtatahi siya ng nipa dahil Sabado rin naman kaya tinutulungan niya ang Mama niya para kahit papaano ay may magastos siya sa susunod na linggo. Ganito ang buhay niya tuwing weekend kaya wala talaga siyang panahon para samahan ang lalaking kanina pa nagpupumilit.
"Ano ba kasing gagawin mo do'n?" tanong niya kay Angelo habang patuloy pa rin siya sa pagtatahi ng nipa. Para sa kaniya ay ginto ang bawat segundo kaya kahit kausap pa niya ang kumag na ito ay ipagpapatuloy niya pa rin ang pagtatahi.
"Mag-au-audition nga. Paulit-ulit ka naman, eh." Nagdabog pa nga ito na parang bata kaya nagtawanan sila ng Mama niya. Isip bata talaga ito kahit kailan.
"Hay nako, Angelo."
Hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya sa mga pangalan nila. Ang lakas din ng tama ng mga magulang nila. Magka-birthday kasi sila kaya nagkasundo ang mga ito na gawin silang Angela at Angelo. Mga wala talagang magawa sa buhay, nadamay pa silang mga inosente.
Kaya simula't sapol, wala siyang matandaan na nagkahiwalay sila ni Angelo. Akala nga ng iba na kambal sila. Pero kapag nalaman na magkaiba sila ng last name ay natatawa na lang ang mga ito. At aba! Ayaw niyang maging kapatid ang makulit na lalaking 'to! Never!
Muli na namang nagdabog si Angelo at hinawakan pa ang damit niya. "Sige na kasi, sumama ka na. Hindi ka naman mapapahiya kapag ako na ang kumanta, eh. Ang ganda kaya ng boses ko," anito at nagpa-cute pa sa kaniya. Para namang madadala siya sa pagpapa-cute nito.
Magkasing-edad lang naman sana sila pero kung umakto itong best friend niya ay parang 10 years old lang. Pang 10 years old ang utak.
Napailing na lang siya at tinitigan ang kaibigan niya.
"Alam ko namang maganda ang boses mo. Pero ang ipinagtataka ko lang, bakit kung kailan first year college na tayo ay saka mo pa lang naisip na mag-audition." Tumawa siya nang mahina saka nagpatuloy, "Anong nakain mo? May lagnat ka ba?"
Maganda naman talaga ang boses ng kaibigan pero likas naman na mahiyain ito. Hindi nga ito sumasali ng mga singing contest sa baranggay nila kahit anong pilit niya. Tapos ngayon ay tila nagbago ang ihip ng hangin.
Ito na yata ang sinasabi nilang 'end of the world'.
"Hala! Sige na, Gela. Samahan mo na 'yang kambal mo," sabat ng Mama niya na tinatawag na rin silang kambal. Kaya kung may makakarinig na hindi nila kakilala, masasabi talaga nilang kambal niya si Angelo.
Inirapan niya si Angelo na malapad na ang ngiti ngayon. Wala siyang ibang nagawa kun'di tumigil na lang sa pagtatahi at tumayo upang magbihis.
"Bayaran mo ang araw ko ngayon, Gelo! Nang hindi kita masapak!"
Narinig pa niyang tumawa si Angelo nang makapasok na siya sa loob ng bahay nila. Nagmamadali siyang nagbihis para makaalis na agad sila. Nagsisisi tuloy siya kung bakit niya na-share sa wall niya ang post ng head ng choir ng campus nila na open for new members ang group ng mga ito. Ayan tuloy, sinapian ng katarantaduhan ang kaibigan niya.
Nakakapagtaka naman kasi kung bakit biglang naging ganiyan si Angelo. Imposible naman na gusto talaga nitong sumali sa choir dahil mula ulo hanggang kuko nito sa paa ay kilalang-kilala niya. At alam niyang wala talaga sa vocabulary nito ang pagsali sa ganiyan.
At ang kasagutan ay nalaman niya nang makarating sila sa venue.
Ang vice-president pala ng choir ay ang crush pala nito na si Patricia. Ngayon alam na niya.
Wala namang nabanggit si Angelo sa kaniya tungkol dito pero base sa mga kilos nito ngayon ay halatang-halata niya. Ang laki pa nga ng ngiti ng kaibigan niya ngayon.
Dinamay pa talaga siya nito. Ano 'to? Kailangan ba ni Angelo ng moral support? Eh, dapat pala nagdala siya ng banner para sure ball.
Umupo na lang siya sa bakanteng silya sa gilid. Hanggang sa upuan niya ay kitang-kita ang mga nakaw-tingin ng kaibigan niya sa crush nito. Maganda naman si Patricia kaya hindi nakapagtatakang magkagusto ang kaibigan niya. Mahaba ang buhok nito, maputi, balita nga rin niya ay matalino ang babae, at higit sa lahat ay maganda ang boses nito.
Katulad ni Angelo.
Yes, katulad ni Angelo.
Loka-loka ka ba! Para ka namang timang diyan, sigaw ng utak niya.
Wala siyang gusto kay Angelo pero syempre kung magkaka-girlfriend na ito ay mababawasan na ang oras nito sa kaniya. Do'n lang naman siya nanghihinayang, eh.
Yes, do'n lang, Do'n lang talaga.
Patuloy lang siya sa pagmamasid kay Angelo at halata talaga ito sa mga pinagkikilos nito pero 'yon nga lang hindi naman ito pinapansin ng babae. Napailing na lang siya, hulog na hulog nga ang kaibigan niya.
Pero sa hindi niya inaasahan, matatagpuan niya rin pala ang lalaking magpapagulo sa sistema niya.
"Hi. Do you mind if I sit here?"
Natigil ang pagmumuni-muni niya nang may nagsalita sa gilid niya. Napalunok pa siya dahil parang nawala yata ang boses niya. "Sure, maupo ka lang po."
Anong trip ng babaeng 'to? Nagdala ng mga pocketbooks sa gitna ng audition? Sigurado talaga siyang magbabasa talaga siya dito? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili nang buksan ng babae ang dala nitong libro at nagsimula ng magbasa.
At ang mas lalong ikinabigla niya nang inilabas nito ang earphone nito at isinuot iyon sa tainga.
Ay, iba rin. Lakas ng tama.
Napailing na lang siya at hindi na lang pinansin ang ka-weird-dohan ng babae. Baka trip lang talaga nitong magbasa sa maingay na lugar.
"Hindi mo ba kayang magbasa while listening to music? 'Cause I can," sabi na babae na marahil ay nabasa ang nasa isip niya.
Mind reader 'yan?
"Nope, hindi ko kayang basahin ang utak mo but I can read your facial expression." Ngumiti pa ito at tinanggal ang earphones sabay sarado sa libro. "By the way, my name is Heart."
Ngumiti ito at nagsilabasan ang cute nitong mga dimples.
Heart. Cute name, huh?
"Yeah, cute. 'Cause I heart you," dagdag nito at kumindat pa.
Nababasa ba talaga nito ang utak niya?
Tinanggap niya ang kamay ng dalaga. "Ako naman si Angela."
"I like your name." Ngumiti na naman ito.
"May kasama ka ba?" tanong na lang niya dahil wala na siyang maisip na pwede pang itanong dito. Medyo naiilang lang talaga siya, baka kasi kaya talaga nitong magbasa ng utak ng tao.
"Hinihintay ko ang kuya ko. Siya ang leader ng choir kaya wala akong choice kaya dito talaga tatambay." Tumawa pa ito nang mahina at binuklat na naman ang libro. "Kasali ka ba sa audition?"
Mabilis siyang umiling. Wala talaga siyang talent sa pagkanta. Hindi pa nga niya talaga natatagpuan ang talent niya. Ni hindi nga rin siya marunong sumayaw.
"Kuya mo si Brian?"
"Unfortunately, yes." At muli na naman itong tumawa nang malakas kaya nagsitinginan ang mga tao sa kanila pero parang walang effect ito kay Heart.
Pero nang masama na ang tingin ni Brian dito ay saka pa ito tumigil sa katatawa.
"Well, anong masasabi mo sa kuya ko?"
"Magaling siyang kuma-"
"Oh, stop." Pagtigil nito sa kaniya at muli na namang napabungisngis.
Hindi niya talaga maintindihan ang dalaga kaya hilaw na lang siyang ngumiti rito. Kung ano mang trip nito, wala siyang pakialam. Ang gusto lang niya ang matapos na si Brian nang makauwi na sila.
"Ipakilala kita sa kaniya mamaya."
"Nako, 'wag na," mabilis niyang kontra. Kilala niya si Brian at alam ng lahat na strikto ito. Lahat kasi ng mga kasali sa group nito ay iyon ang isinasabi. Pero dahil sa pogi ito ay marami pa ring sumasali sa choir ng campus.
At halos lahat ay babae.
Iba talaga kapag pogi.
"Next week ay magiging regular student na 'ko rito. Sana maging friend kita, Angela." Pagkatapos ng ilang minuto ay muli na naman itong nagsalita. "Pwede ba?"
"Oo naman, bakit hindi."
"Thank you."
At doon nagsimula na maging magulo ang buhay niya...
Natapos ang exam week nila ni Angela na tinatawag din nilang hell week dahil sa sobrang babad nila sa pag-re-review. Tila naging impyerno talaga iyon sa mga tulad niyang estudyante dahil kulang na nga sila sa tulog, kulang pa sa pahinga. Kulang talaga sa lahat.Dahil na rin sa exam na 'yon, ilang araw na rin na hindi sila nag-uusap ni Heart nang maayos. Hindi siya nito kinukulit gaya nang dati siguro na rin busy ito sa pag-re-review para sa exam nila. May inaalagaan din itong grades tulad niya. Nagkikita na lang sila tuwing schedule ng exam pero hindi talaga sila nag-uusap or kahit nagkukulitan man lang.At tuwing nakikita niya si Heart ay naiisip niya ang sinabi ng kuya nito sa kaniya no'ng nakaraan. Hindi nga lang 'yon basta sabi lang, eh. May kasama pang pagbabanta na hindi naman siya masiyadong affected.Hindi talaga kasi naiisip lang naman niya 'yon all the time.Yeah, hindi siya affected. Hindi talaga.Minsan napapatanong siya kung dapat nga ba niyang iwasan ang kaibigan niya? W
"I'm not interested in meeting your friend."Tila nalunok ni Angela ang kaniyang dila nang marinig mismo kay Brian ang mga salitang iyon. Napaatras na lang siya dahil ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin pa nito. Grabeng ugali naman 'yan. Dati ayaw niyang maniwala sa mga sabi-sabi, pero ngayon parang legit talaga na masama ang ugali ng Brian na 'to.Wala rin naman siyang gusto na makita ito, eh. Kung hindi dahil sa pamimilit ni Heart ay wala talaga siyang balak na makita o lapitan ito. Ni sa buong buhay niya, hindi niya talaga inisip na lapitan ito. Okay na siya na makita lang ito kahit sa malayo.Kilala na niya si Brian mula pa no'ng Grade 7 siya at ito naman ay Grade 8. Tanga na siguro talaga ang hindi makakilala sa binata. Sobrang sikat nito sa campus mula pa no'ng high school sila. Maliban kasi sa magaling itong kumanta ay parang nasalo na nito ang lahat ng talent sa mundo. Matalino ito at lahat yata ng subject ay hindi nito inuurungan. Sobrang galing din ito sa arts at mag
"Angela naman, eh." Singit na naman ng best friend ni Angela na si Angelo. "Sumama ka na kasi, saglit lang naman 'yon, eh."Kanina pa siya pinipilit ng best friend niya na samahan daw niya ito sa campus dahil may sasalihan daw ito. At kanina pa rin niya ito tinatanggihan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit hindi maintidihan ng lalaking 'to ang salitang 'busy' at patuloy pa rin siyang kinukulit kahit panay tanggi lang naman siya. Hindi pa rin tumitigil ang best friend niya.Busy nga kasi siya. Nagtatahi siya ng nipa dahil Sabado rin naman kaya tinutulungan niya ang Mama niya para kahit papaano ay may magastos siya sa susunod na linggo. Ganito ang buhay niya tuwing weekend kaya wala talaga siyang panahon para samahan ang lalaking kanina pa nagpupumilit."Ano ba kasing gagawin mo do'n?" tanong niya kay Angelo habang patuloy pa rin siya sa pagtatahi ng nipa. Para sa kaniya ay ginto ang bawat segundo kaya kahit kausap pa niya ang kumag na ito ay ipagpapatuloy niya pa rin ang pagtatahi.
"Yes, hello? Angela speaking."Antok na antok pa si Angela nang sagutin ang siraulong caller niya. Nakapikit pa ang mata na pinindot niya ang answer button, ni hindi na nga siya nag-abalang basahin pa ang pangalan ng caller. Basta na lang siya nagpindot dahil gusto pa niyang matulog. Sobrang sama ng pakiramdam niya mula pa kaninang umaga. Dahil siguro sa nabasa sila ng ulan kahapon dahil sa ginawang girl scout camping ng mga estudyante nila. Hindi pa nga siya nakainom ng gamot kaya parang hindi bumababa ang init ng katawan niya.Bungisngis agad sa kabilang linya ang narinig niya. Parang hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang walang-hiyang tumatawag sa kaniya ngayon. Pagtawa pa lang nito ay kilala na niya."Pakausap nga sa hero ng Mobile Legends. 'Yong hero na magaling pumatong," anito at muli na namang tumawa. Para tuloy mas sumama ang pakiramdam niya at nag-init pati singit niya."Tangina ka ba?" malutong niyang mura. Parang pinutol lang nito ang tulog niya dahil wala na