Share

12

Kasintahan

Maaga kaming pinatapos ni Mang Gracio sa bukid dahil dumating ang asawa nito kasama si Don Emilio.

Nagkunwari pa siyang nagtatanim sa ilalim ng sikat ng araw kaya't tuwang-tuwa naman sa kanya ang gobernardor.

Nang makauwi kasama ang aking bunsong kapatid ay agad kong napansin si Cazue. Kitang-kita ang pagpatak ng butil ng pawis mula sa kanyang buhok pati na rin ang iilang tuyong dahon na dumikit sa kanyang buhok. Halatang bagong dating ang isang ito dahil hindi pa siya nakakapag ayos ng buhok. Kahit ang suot nitong sira-sirang damit at pantalon pang bundok ay hindi pa napapalitan.

"Panabay lang tayo, Kuya", sabi niya ng makita akong pumasok sa loob kasama ni Dero.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status