"D-dito ka matutulog?" ani Jia na nakadama ng pagkabahala. Ginabi na sila ni Liam sa pag-iikot para personal na maihatid ang mga wedding invitation. Wala na siyang nagawa kundi pumayag na makitulog si Liam sa unit niya kaysa naman magmaneho pa ito ng mahigit isang oras pauwi sa bahay nito sa Brooke's Point. Independent na rin ito tulad niya, kahit pa kasi nakatira siya sa bahay ng kaniyang Lola Corazon ay may inuupahan pa rin siyang maliit na apartment para sa privacy niya sa pagsusulat bilang full-time novel writer. Umuuwi lang siya sa bahay ng kaniyang Lola kapag sabado't linggo.
"Babe, ikakasal na naman tayo." pawalang-bahala na saad nito kahit pa alam nito na konserbatibo ang nobya. "Alright," Pinalitan niya ang bedsheet ng kama saka naglatag ng manipis na foam sa sahig ng silid. Naramdaman niya ang pagpasok ni Liam, nilingon niya ito saka inabutan ng kumot. Napatingin ito sa inilatag niyang foam. "D'yan mo ba ako patutulugin?" ani Liam na napakamot sa ulo. "Sige, ako d'yan." nakataas ang kilay na wika ni Jia. May tiwala naman ang dalaga sa kasintahan pero ayaw niyang matukso silang lumampas sa limitasyon kapag nagtabi sila sa iisang kama. "Jia naman, pwede naman kasi tayong magtabi." "Malapit na tayong ikasal, Liam." paalala niya. Pero hindi ito nakinig, mabilis itong lumapit at siniil siya ng halik. Tila naitulos naman si Jia, hindi na nakakilos pa at hinayaan niyang halikan siya ng nobyo. Sakop nito ang bibig niya na inihiga siya sa kama. Napilitan siyang tumugon sa halik nito. Hindi nila iyon first time, maraming beses na silang naghalikan ngunit hanggang halik lang iyon. Noong una ay hindi naman pumapayag si Jia ngunit dahil sa mga dark romance stories na isinusulat niya ay kailangan niya rin naman maranasan ang mga intimacy para maisulat niya ng makatotohanan. Aaminin niya sa sarili na may kulang sa bawat halik ni Liam, may hinahanap ang damdamin niya sa hindi niya malamang dahilan. Hindi kasi siya naghahangad ng higit pa sa halik na iyon gaya ng mga nababasa niya sa mga SPG stories. Gumapang ang palad nito sa ibabaw ng dibdib ng blusa ni dalaga, pumisil-pisil sa malusog niyang dibdib. Natigilan si Jia, napadilat. "L-liam, baka pwede namang after the wedding please-" pakiusap niya. Namumungay na ang mga mata ng binata at inaapoy na ng pagnanasang maangkin siya. Hindi ito nakinig sa halip ay naging mas mapusok ang palad nito. Ipinasok nito ang palad sa nakabukas na blusa ng dalaga. Sabik na bumaba roon ang labi nito. Hindi kayang sabayan ni Jia ang init ng katawan ng nobyo. Bagamat nakikiliti siya sa manipis nitong balbas at bigote ay wala man lang siyang maramdamang init at pagkasabik na maangkin nito. "No, 'dun na rin naman tayo papunta-" anas nito sa gitna ng paghalik. "Babe, basbas na lang ng pari ang kulang sa'tin." May punto naman, ani Jia sa isip. Pagbigyan niya na kaya? Hinayaan niyang hubaran siya ng damit ng nobyo. Pilit binalewala ang nadaramang hiya na makita nito ang kahubaran niya. Naghubad na rin ito at kahit hindi pabor sa pre-marital sex ang dalaga ay naisip niyang magiging asawa niya na rin naman ito. Dama niya ang kabuuan ng binata, ang init ng bawat dampi ng labi nito. Nag umpisa na rin siyang madarang, na ikinatuwa ng kaniig. Marahan na nitong hinubad ang natitira pang saplot sa katawan niya. Oh my! sigaw ng utak ng Jia. Mabuti na lang nakapagshave siya. Nakita niya ang paglunok nito ng tuyong-laway at sabik na humaplos ang palad nito sa pagitan ng kaniyang mga hita. Napapikit si Jia, tutol ang isip niya ngunit mahal niya si Liam. Naramdaman niya ang pagdampi ng dulo ng t*rugo nito sa hiwa niya. This is it! hiyaw ng utak ni Jia. Pero mabilis siyang napadilat nang wala pang intercourse na nagaganap. Nakita niyang nakaupo na sa gilid ng kama si Liam, sapo ang noo-nakayuko. Pawisan at tila dismayado. "Babe?" saad ni Jia. "S-sorry-" wika nitong tila nahihiya. "Why?" naguguluhang tanong ni Jia. Umupo na ang dalaga at hinaplos ang likod nito. "Pakakasalan mo pa rin ba ako kahit isa akong inutil?" tanong nito. Napatda si Jia. "What do you mean?" "I'm really sorry, akala ko okey na ako-akala ko magaling na ako." hinila nito si Jia payakap. "Liam?" "Dahil sa motorcyle accident ko nakaraan, naapektuhan ang private organ ko." Natulala si Jia. Hindi niya alam iyon, wala itong sinasabi. Pero bakit kasabay niya itong nangangarap ng tatlong-anak gayong wala naman pala itong kakayahang magkaanak? Pinaaasa ba siya nito na magiging ina din siya balang-araw? "Bakit hindi mo sinabi?" sumbat ni Jia na binalot na ng kumot ang hubad na katawan. "Natatakot akong iwan mo ako, ayokong magkahiwalay tayo." paliwanag nito na nanubig ang mga mata. "Liam naman, matatanggap kita-pero ang magsinungaling hindi!" inis na tumayo si Jia. Akala niya pa naman bukas hindi na siya virgin. "T-tanggap mo?" nag-angat na ito ng tingin, inabutan na ito ni Jia ng tuwalya upang takpan ang kahubaran. Daks pa naman, sayang. Pilyang tudyo ng utak ni Jia. Pero pinilit niyang kumalma kaysa magalit pa. Magiging mababaw siya kung nang dahil sa sakit nito na hindi naman nito ginusto ay iwan niya ito. Niyakap niya ang kasintahan para ipadama na hindi iyon kabawasan sa pagmamahal niya rito. Iyon ang ipinadarama niya, pagtanggap. Pero deep inside, nalulungkot siya sa kabiguang magkaroon sila ng supling ni Liam. Sino ba naman ang bumuo ng pamilya na hindi naghangad na magkaroon ng mga anak? Syempre, wala. Hinayaan na ni Jia na makatabi ito sa pagtulog, bumigay na nga siya naudlot lang dahil sa sakit nito. Panay ang iwas niya na may mangyari sa kanila nitong mga nagdaang buwan, eh wala naman palang mangyayari. Hinayaan niyang nakayakap ito sa kaniya habang nagpapaliwanag. Tumatango lang siya, kahit ang totoo ay nahihirapan pa siyang unawain. Gumising siya na tila lutang pa rin. Pinagmasdan ang gwapong mukha ng nobyong nahihimbing pa sa pagtulog. Ang unfair naman ng buhay. Gusto niya rin namang magka-baby. Maranasang mapuyat at bumili ng gatas at diaper tulad ng mga pinsan niya. Pero hindi na matutupad iyon dahil pakakasal siya sa lalakeng walang kakayahang bigyan siya ng anak. Bumangon na si Jia para magluto ng almusal nila ni Liam, may isang linggo pa para sa takdang-araw ng kanilang kasal. Isang linggo, pwede pa siyang umatras. Natigilan si Jia, hindi niya kayang ilagay sa kahihiyan ang nobyo at ang mga pamilya nila. Hindi niya rin maaaring ipagtapat kahit kanino ang nalaman, kahit pa kay Jeyzel. Ayaw niyang maging maliit ang tingin ni Liam sa sarili, ang magmukhang inutil sa paningin ng lahat."Sa lahat nman ng ikakasal ikaw ang pinaka-matamlay Jia," wika ni Jeyzel. Nagkibit-balikat si Jia, nakatingin sa repleksyon sa salamin. Suot niya na ang vintage wedding dress. Nasa simbahan na ang kani-kanilang pamilya-kasama ni Liam na naghihintay sa pagdating niya. "Napagod lang siguro ako," sagot ni Jia. Hindi niya masabi sa kaibigan na mag-aasawa lang siya pero hindi na mag-aanak pa. Ang mahalaga, mahal nila ni Liam ang isa't isa. "Ano?! Ikakasal ka pa lang pagod ka na? Kasi naman bakit inuna ang honeymoon." biro ni Jeyzel. Kung alam lang ng kaibigan, aniya ng isip niya. Inalalayan na siya nitong makasakay sa Bridal car. Hungkag ang kaniyang pakiramdam, parang may kulang. Hindi siya eksayted. Kailangan niyang balewalain ang pakiramdam. Ayaw niyang maramdaman ni Liam na nagdadalawang-isip siya dahil sa natuklasan niyang sikreto nito. Hawak ni Jeyzel ang kanang-palad niya. Alam niyang ramdam siya ng kaibigan kahit wala itong nalalaman. Binaybay na ng sasakyan nila an
"D-dito ka matutulog?" ani Jia na nakadama ng pagkabahala. Ginabi na sila ni Liam sa pag-iikot para personal na maihatid ang mga wedding invitation. Wala na siyang nagawa kundi pumayag na makitulog si Liam sa unit niya kaysa naman magmaneho pa ito ng mahigit isang oras pauwi sa bahay nito sa Brooke's Point. Independent na rin ito tulad niya, kahit pa kasi nakatira siya sa bahay ng kaniyang Lola Corazon ay may inuupahan pa rin siyang maliit na apartment para sa privacy niya sa pagsusulat bilang full-time novel writer. Umuuwi lang siya sa bahay ng kaniyang Lola kapag sabado't linggo. "Babe, ikakasal na naman tayo." pawalang-bahala na saad nito kahit pa alam nito na konserbatibo ang nobya. "Alright," Pinalitan niya ang bedsheet ng kama saka naglatag ng manipis na foam sa sahig ng silid. Naramdaman niya ang pagpasok ni Liam, nilingon niya ito saka inabutan ng kumot. Napatingin ito sa inilatag niyang foam. "D'yan mo ba ako patutulugin?" ani Liam na napakamot sa ulo. "Sige, ako d'
"At saan ka pupunta?" tinig na nagpahinto sa dahan -dahang paghakbang ni Jia., nilingon ang kaibigan na nakataas ang kaliwang-kilay. Para talagang kabute ang bestfriend niyang si Jeyzel. "Uuwi na," pinihit niya ang seradura ng pinto. Nameywang si Jeyzel at inis na umikot ang eyeball. "Jia, nasa ospital ka." "Alam ko, at wala naman akong swero kaya ibig sabihin pwede na akong umuwi." Ngunit bahagya siyang natigilan. Ang panaginip niya? Bigla ang pagflashback ng mga pangitain sa isip niya, ang pagpatay sa lalake ng mga sundalong Espanyol. Ang lumang kapaligiran. "Pinagpapahinga ka pa ng Doktor, Jia. Overfatigue ka at kulang sa tulog." paliwanag ni Jeyzel sa kaibigang natitigilan. "Besh, m-may nakita ako." Inalalayan ni Jeyzel ang kaibigan na makabalik sa bed. "P-parang totoong-totoo," patuloy ni Jia. "May lalakeng duguan na may matatag na paninindigan na hindi magmakaawa, pinatay siya." Naiiling na inayos ni Jeyzel ang buhok ng kaibigan. "Magpahinga ka muna sa pagsusul
AGOSTO 28, 1890 "NGAYON AY BAHAGI KA NA NG SAMAHAN, MACARIO! MAAARI MO NG TANGGALIN ANG IYONG PIRING!" may diing saad ng pinuno ng katipunero. Sa nanginginig na mga kamay dahan-dahang tinanggal ni Macario ang piring ng kulay puting bandana na itinakip sa kaniyang mga mata. Napagmasdan niya ng malinaw ang paligid. Mula sa gasera sa sulok na naging tanglaw ng kabuuan ng silid. Napansin niya rin ang mga pulang bandera na nakasabit sa dingding na may tatak ng K.K.K, isang may kalakihang medalyon na korteng tatsulok at mga nagkikintabang gulok na nakasiksik sa gilid nito. Iyon ay tanda ng katapangan bilang sandata na may paninindigan upang ipaglaban ang bayan. Napapalibutan si Macario ng mga kasamahan niyang handang ibuwis ang buhay para sa pinakamamahal na bayan. Tulad niya, may iisa silang layunin. Iyon ay upang ipagtanggol ang kanilang mga kababayan mula sa mapang-aping mga banyaga na sumakop ng kanilang teritoryo. Ngipin sa ngipin, pangil sa pangil. Dadanak ang dugo para sa Dangal