Home / Romance / Eternally / Chapter 2

Share

Chapter 2

Author: RIAN
last update Huling Na-update: 2025-07-16 09:55:57

"At saan ka pupunta?" tinig na nagpahinto sa dahan -dahang paghakbang ni Jia., nilingon ang kaibigan na nakataas ang kaliwang-kilay. Para talagang kabute ang bestfriend niyang si Jeyzel.

"Uuwi na," pinihit niya ang seradura ng pinto.

Nameywang si Jeyzel at inis na umikot ang eyeball. "Jia, nasa ospital ka."

"Alam ko, at wala naman akong swero kaya ibig sabihin pwede na akong umuwi." Ngunit bahagya siyang natigilan. Ang panaginip niya? Bigla ang pagflashback ng mga pangitain sa isip niya, ang pagpatay sa lalake ng mga sundalong Espanyol. Ang lumang kapaligiran.

"Pinagpapahinga ka pa ng Doktor, Jia. Overfatigue ka at kulang sa tulog." paliwanag ni Jeyzel sa kaibigang natitigilan.

"Besh, m-may nakita ako."

Inalalayan ni Jeyzel ang kaibigan na makabalik sa bed.

"P-parang totoong-totoo," patuloy ni Jia. "May lalakeng duguan na may matatag na paninindigan na hindi magmakaawa, pinatay siya."

Naiiling na inayos ni Jeyzel ang buhok ng kaibigan.

"Magpahinga ka muna sa pagsusulat, Jia. Naghahallucinate ka na."

"Magpahinga ka muna, Babe." saad ng kararating lang na si Liam. May dala itong basket ng prutas. "Mamayang hapon, pwede ka ng umuwi."

"Hindi kayo naniniwala?" dismayadong ipinikit na lang ni Jia ang mga mata. Sino naman kasi ang maniniwala sa isang fiction-writer? Oo nga naman, magaling siyang bumuo ng kwento na kathang-isip.

Nagkatinginan na lang sina Jeyzel at Liam. Alam nila ang dedikasyon ni Jia sa larangan ng pagsusulat. Ang husay nito ay marami ng pinatunayan. Naging Top-rated Author ito sa online platform na kinabibilangan. At sa dami ng naisulat nitong libro, alam nilang sobrang pagod na ang utak nito.

Nakatulog na si Jia, tinawagan na rin ni Liam ang pamilya nito upang ipaalam na nasa ospital ang dalaga, malaki naman ang tiwala sa kaniya ng mga ito na hindi niya pababayaan ang kasintahan. Ang mga magulang ni Jia ay nakatira sa Quezon City kasama ang dalawa pa nitong kapatid. Si Jia lang ang piniling tumira sa Lola Corazon nito sa Bataraza, Palawan. Hindi mag-isa si Jia sa poder ng Abuela, may dalawa pa itong pinsan na pinili ring samahan ang lola nila para may makasama ito. Ayaw kasi nitong iwan ang lumang bahay na nagsilbing alaala ng kanilang Lolo Emmanuel.

"Dapat na talagang magpahinga muna si Jia sa pagsusulat," ginagap ni Liam ang palad ng nobya.

Tumango lang si Jeyzel. Alam niyang imposible iyon. Mahal na mahal ni Jia ang writing career nito.

NAGING abala si Jia sa sumunod na mga araw para sa nalalapit na pagpapakasal. Naging laman ng newsfeed ang nakatakdang kasal nila ni Liam. Walang tutol sa magkabilang-panig palibhasa'y nasa tamang edad na rin naman sila. Twenty-seven na si Jia at trenta'y dos na ang binata. Successful na rin naman na businessman si Liam na nasa Rice Industry. Bagamat politiko ang ama nito, umiba ito ng landas.

Mabilis na tinapos ni Jia ang huling chapter ng isinusulat na Nobela. Napangiti ang dalaga at nakahinga ng maluwag. Hndi madali ang magsulat ng Fanta-Serye. Umabot na sa limang book ang fiction-stories series na "Kabilang-buhay" na unti-unti na ring minahal ng mga mambabasa ng kaniyang mga akda. Ipinagpapasalamat niya na may malaking fan-base na si Author Mariya Sofia at ayaw niyang biguin ang mga ito.

Umikot ang paningin niya sa mataas at may kalakihang Book-Shielf sa silid. Puno ng iba't ibang libro. Organisado ito, ayon sa Genre. Karamihan ay Dark Romance na ang iilan ay mga librong siya mismo ang nagsulat. Pero nagsawa na siya sa Dark Romance, na puro kilig. Gusto niya na ng thriller at fantasy, historical. Mas malawak na mundo para sa malawak niyang imahinasyon. Tumayo siya at pinagsalikop ang mga braso, napatitig sa mga libro ng Pambansang Bayani-wala na yatang gagaling pa sa dakilang nobelista. Saludo siya rito. Malalim, makahulugan at makabuluhan. Ano siya kumpara rito? Ngunit nakakalungkot lang na sa makabagong henerasyon ay kaunti na lang ang tumatangkilik rito. Marahil nga kung hindi ito tinatalakay sa eskwelahan ay hindi na mapapansin ang mga isinulat nito. Huminga ng malalim si Jia, naalala ang pangitain. Bakit pakiramdam niya ay tila napunta siya sa panahon ng mga kastila? Baka nga tama sina Jeyzel at Liam, kasusulat niya ng nobela.

Naisip niyang lumabas na ng silid nang maramdaman ang pagkalam ng sikmura ngunit nakakailang hakbang pa lang siya nang mabilis ding mapalingon. Tila kasi may mahagip ang kaniyang paningin na tila anino na nakakubli sa likod ng kurtina mula sa glass-window ng kaniyang silid. Kinakabahan man ay mabibilis ang hakbang na nilapitan niya ito para tingnan. Ngunit wala namang kahit ano mang naroon. Naiiling na tumalikod na ang dalaga. Tama si Jeyzel, nababaliw na yata siya. Ngunit nang makalabas na siya ng silid ay umihip ang malakas na hangin gayong tirik na tirik naman ang araw sa labas. Kinilabutan si Jia, sa halip na magluto sa kusina ay pinili niya na lang lumabas ng ng bahay at tinungo ang pinakamalapit na fastfood.

Umorder siya ng pagkain saka natutulalang inisip ang mga kakaibang nangyayari sa kaniya. Bahagya pa siyang napaigtad nang tumunog ang cellphone niya. Ngunit bago pa niya ito masagot ay napagkit na ang tingin niya sa babaeng nakasuot ng lumang blusa't saya na nakatayo sa labas ng fastfood habang matamang nakatitig sa kaniya.

"Ma'am! Ma'am, okey lang ho kayo?" untag ng waitress. Napaawang ang bibig na napatingin rito si Jia.

"K-kilala mo ba siya?" itinuro niya ang babaeng nananatili pa ring nakatingin sa kaniya, nilingon naman ito ng waitress saka napakunot-noo.

"Sino ho?" tanong nito.

"Yung nakatayo sa may pinto, nakasuot ng baro't saya?" nakaramdam na ng takot si Jia. Pakiwari niya ay sinusundan siya nito.

"Ho?! Wala naman ho akong nakikita Ma'am."

"g-ganun ba, sige."

Nang muli itong tingnan ni Jia ay naglaho na nga ito. Baka gutom lang siguro siya dahil mag ala-una na ay mag aalmusal pa lang siya. Pilit niya na itong kinalimutan. Baka kailangan niya na ngang magpahinga sa pagsusulat kahit tatlong-linggo lang tutal naman ay ikakasal naman siya at natapos niya na ang huling book niya. Mabilis niyang tinext ang Manager-Editor niya at humingi ng bakasyon, idinahilan niya ang nalalapit na kasal at naintindihan naman nito. Kung siya ang masusunod, hinding-hindi siya magpapahinga. Pero tila minumulto na siya ng kasipagan, at ipinapaalala na hindi siya immortal.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Eternally   Chapter 4

    "Sa lahat nman ng ikakasal ikaw ang pinaka-matamlay Jia," wika ni Jeyzel. Nagkibit-balikat si Jia, nakatingin sa repleksyon sa salamin. Suot niya na ang vintage wedding dress. Nasa simbahan na ang kani-kanilang pamilya-kasama ni Liam na naghihintay sa pagdating niya. "Napagod lang siguro ako," sagot ni Jia. Hindi niya masabi sa kaibigan na mag-aasawa lang siya pero hindi na mag-aanak pa. Ang mahalaga, mahal nila ni Liam ang isa't isa. "Ano?! Ikakasal ka pa lang pagod ka na? Kasi naman bakit inuna ang honeymoon." biro ni Jeyzel. Kung alam lang ng kaibigan, aniya ng isip niya. Inalalayan na siya nitong makasakay sa Bridal car. Hungkag ang kaniyang pakiramdam, parang may kulang. Hindi siya eksayted. Kailangan niyang balewalain ang pakiramdam. Ayaw niyang maramdaman ni Liam na nagdadalawang-isip siya dahil sa natuklasan niyang sikreto nito. Hawak ni Jeyzel ang kanang-palad niya. Alam niyang ramdam siya ng kaibigan kahit wala itong nalalaman. Binaybay na ng sasakyan nila an

  • Eternally   Chapter 3

    "D-dito ka matutulog?" ani Jia na nakadama ng pagkabahala. Ginabi na sila ni Liam sa pag-iikot para personal na maihatid ang mga wedding invitation. Wala na siyang nagawa kundi pumayag na makitulog si Liam sa unit niya kaysa naman magmaneho pa ito ng mahigit isang oras pauwi sa bahay nito sa Brooke's Point. Independent na rin ito tulad niya, kahit pa kasi nakatira siya sa bahay ng kaniyang Lola Corazon ay may inuupahan pa rin siyang maliit na apartment para sa privacy niya sa pagsusulat bilang full-time novel writer. Umuuwi lang siya sa bahay ng kaniyang Lola kapag sabado't linggo. "Babe, ikakasal na naman tayo." pawalang-bahala na saad nito kahit pa alam nito na konserbatibo ang nobya. "Alright," Pinalitan niya ang bedsheet ng kama saka naglatag ng manipis na foam sa sahig ng silid. Naramdaman niya ang pagpasok ni Liam, nilingon niya ito saka inabutan ng kumot. Napatingin ito sa inilatag niyang foam. "D'yan mo ba ako patutulugin?" ani Liam na napakamot sa ulo. "Sige, ako d'

  • Eternally   Chapter 2

    "At saan ka pupunta?" tinig na nagpahinto sa dahan -dahang paghakbang ni Jia., nilingon ang kaibigan na nakataas ang kaliwang-kilay. Para talagang kabute ang bestfriend niyang si Jeyzel. "Uuwi na," pinihit niya ang seradura ng pinto. Nameywang si Jeyzel at inis na umikot ang eyeball. "Jia, nasa ospital ka." "Alam ko, at wala naman akong swero kaya ibig sabihin pwede na akong umuwi." Ngunit bahagya siyang natigilan. Ang panaginip niya? Bigla ang pagflashback ng mga pangitain sa isip niya, ang pagpatay sa lalake ng mga sundalong Espanyol. Ang lumang kapaligiran. "Pinagpapahinga ka pa ng Doktor, Jia. Overfatigue ka at kulang sa tulog." paliwanag ni Jeyzel sa kaibigang natitigilan. "Besh, m-may nakita ako." Inalalayan ni Jeyzel ang kaibigan na makabalik sa bed. "P-parang totoong-totoo," patuloy ni Jia. "May lalakeng duguan na may matatag na paninindigan na hindi magmakaawa, pinatay siya." Naiiling na inayos ni Jeyzel ang buhok ng kaibigan. "Magpahinga ka muna sa pagsusul

  • Eternally   Chapter 1

    AGOSTO 28, 1890 "NGAYON AY BAHAGI KA NA NG SAMAHAN, MACARIO! MAAARI MO NG TANGGALIN ANG IYONG PIRING!" may diing saad ng pinuno ng katipunero. Sa nanginginig na mga kamay dahan-dahang tinanggal ni Macario ang piring ng kulay puting bandana na itinakip sa kaniyang mga mata. Napagmasdan niya ng malinaw ang paligid. Mula sa gasera sa sulok na naging tanglaw ng kabuuan ng silid. Napansin niya rin ang mga pulang bandera na nakasabit sa dingding na may tatak ng K.K.K, isang may kalakihang medalyon na korteng tatsulok at mga nagkikintabang gulok na nakasiksik sa gilid nito. Iyon ay tanda ng katapangan bilang sandata na may paninindigan upang ipaglaban ang bayan. Napapalibutan si Macario ng mga kasamahan niyang handang ibuwis ang buhay para sa pinakamamahal na bayan. Tulad niya, may iisa silang layunin. Iyon ay upang ipagtanggol ang kanilang mga kababayan mula sa mapang-aping mga banyaga na sumakop ng kanilang teritoryo. Ngipin sa ngipin, pangil sa pangil. Dadanak ang dugo para sa Dangal

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status