Home / Romance / Eternally / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: RIAN
last update Last Updated: 2025-07-16 15:01:52

"Sa lahat nman ng ikakasal ikaw ang pinaka-matamlay Jia," wika ni Jeyzel.

Nagkibit-balikat si Jia, nakatingin sa repleksyon sa salamin. Suot niya na ang vintage wedding dress. Nasa simbahan na ang kani-kanilang pamilya-kasama ni Liam na naghihintay sa pagdating niya.

"Napagod lang siguro ako," sagot ni Jia. Hindi niya masabi sa kaibigan na mag-aasawa lang siya pero hindi na mag-aanak pa. Ang mahalaga, mahal nila ni Liam ang isa't isa.

"Ano?! Ikakasal ka pa lang pagod ka na? Kasi naman bakit inuna ang honeymoon." biro ni Jeyzel.

Kung alam lang ng kaibigan, aniya ng isip niya.

Inalalayan na siya nitong makasakay sa Bridal car. Hungkag ang kaniyang pakiramdam, parang may kulang. Hindi siya eksayted. Kailangan niyang balewalain ang pakiramdam. Ayaw niyang maramdaman ni Liam na nagdadalawang-isip siya dahil sa natuklasan niyang sikreto nito.

Hawak ni Jeyzel ang kanang-palad niya. Alam niyang ramdam siya ng kaibigan kahit wala itong nalalaman. Binaybay na ng sasakyan nila ang kahabaan ng Highway patungo sa simbahan kung saan naghihintay ang nobyo. Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe na bibilang lang naman ng tatlumpong-minuto.

Nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan si Jia, pilit tinatanggap ang kapalaran. Ang kabiguang maging ina. Sa gitna ng pag-iisip ay napaawang ang bibig ng dalaga, natanaw niya sa gilid ng kalsada ang babaeng nakasuot ng blusa. Malinaw niyang napagmasdan ang mukha nito dahil maliwanag ang sikat ng araw. Maganda, ngunit tila balot ng matinding kalungkutan ang maamo nitong anyo. Mataman itong nakatingin sa kaniya, tila may nais sabihin. Kinakabahan man ay nilingon pa rin ito ni Jia nang lumampas rito ang kinalululanan nilang sasakyan.

Nanatili itong nakatanaw sa kanila. Nakatingin sa kaniya. Pinagpawisan si Jia sa kabila ng lamig ng aircon. Pumikit siya at humigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Jeyzel, humigpit din ang hawak nito sa palad niya kaya napadilat siya at tumingin sa mukha ng kaibigan. Ngunit napatda si Jia, nanlaki ang mga mata saka napatili. Nagbago ang anyo ni Jeyzel, naging kamukha ito ng babaeng naka-blusa. At kasabay ng kaniyang pagtili dahil sa takot. Umalog ang kinalululanan nilang kotse kasabay ng malalakas na tunog na tila pagbangga ng kung anong bagay sa sinasakyan nila. Pumailanlang ang malalakas na sigawan at hiyawan.

"Jia! Jia!" tinig na paulit-ulit sa pandinig ni Jia ngunit tila may humihigop sa kaniyang kamalayan. Tila hinihila ang diwa niya sa isang madilim na dimensyon ng kawalan. Tila walang katapusang paroroonan.

NAPAMULAGAT si Jia mula sa dahan-dahang pagdilat. Natitiyak niyang wala siya sa sariling silid. Ang kisameng nakikita niya, yari sa amakan bamboo. Yari din sa pinakinis na kahoy na pinakinis at napipintahan ng tila varnish ang silid na kinaroroonan. Ang bintana ay sliding-window na gawa sa tila rattan. Ang kamang kinahihigaan niya ay may manipis na foam ngunit may makapal na sapin na bedsheet. Luminga siya sa paligid. Lahat ng kagamitan ay gawa sa kahoy, kabinet at tokador na may half-body glass mirror na may mga ukit sa paligid na tila alibata.

Nananaginip na naman ba siya? Napabilis ang pagbangon ni Jia, mabilis na naisuot ang bakya mula sa ilalim ng kama. Nasaan siya? Nanlaki ang mga mata niya nang maisip ang kasal nila ni Liam. Kailangan niyang magising mula sa panaginip niya. Kinurot niya ang sarili. Pero dama niya ang sakit. Gising siya. Gising na gising.

Bumukas ang silid at bumungad ang babaeng nakasuot din ng blusa at saya. Tantiya niya ay nasa 50's na ang babae.

"Gising ka na pala, Matilda. Mabuti, hinihintay ka ng iyong panauhin. Si Macario."

Napaawang ang bibig ni Jia nang tumalikod na ito. Sinong Matilda? Siya ba ang tinutukoy nito? Napasulyap siya sa salamin, napatda ang dalaga. Nakasuot siya ng baro't saya, tulad ng mga isinusuot nila ng mga kaklase niya sa Linggo ng Wika noong High School days para magperform ng sayaw na Cariñosa at Tinikling. "Oh My!" tili ng utak ng dalaga.

Napapantastikuhan man ay lumabas siya ng silid, maaliwalas ang may katamtamang laki ng sala, lahat ng kagamitan ay mga antigo. Kabisado niya ang kalidad ng mga iyon dahil antique collector siya. Lahat ng naroon ay de kalidad.

"Matilda," tinig mula sa lalakeng matangkad, moreno na tila lalong gumuwapo sa maayos na pagkakapahid nito ng pomada sa alun-alon nitong itim na buhok. Nangingintab ngunit hindi naman mukhang malagkit. Katamtamang tangos ng ilong, bilugan ang mga mata, mapupulang labi. Bakit parang ganitong-ganito ang mga bida sa isinusulat niyang mga Romance Novel? Baduy man ang pananamit nito ngunit hindi naging kabawasan sa sex-appeal nito? Ngumiti ito saka bahagyang itinupi ang kabilang tuhod at yumukod.

"Magandang tanghali Matilda, ipagpaumanhin mo ang aking pagdalaw. Nagpapahinga ka daw ayon sa iyong Tiya Rosita."

Tiya Rosita pala ang pangalan ng babae, aniya ng isip ni Jia.

"Okey lang," sagot ni Jia na ikinakunot ng noo nito.

"Diyata't gumagamit ka na ng wikang banyaga." saad nito.

Natigilan si Jia, ipinagpasalamat niyang isa siyang manunulat ng tagalog novel kaya may alam siya sa malalalim na salitang-tagalog.

"Paumanhin, marahil ay nabigkas ko lamang dahil sa aking pagbabasa." pasimpleng kinagat ni Jia ang lower-lip. Naguguluhan man ay kailangan niyang magtanong kahit hindi niya alam kung paano magsisimula?

"Nais ko lamang ipabatid saiyo na ako ay isa ng ganap na "Anak ng Bayan", isa na akong rebolusyonaryo."

"A-anak ng Bayan? Rebolusyonaryo?!" ulit ni Jia. Parang sasabog na ang utak niya sa narinig. Tama ba ang narinig niya?

"Oo, ang rebolusyon ay magaganap na. Ang himagsikan sa Pugad-Lawin ay itatakda sa lalong madaling-panahon." patuloy ni Macario.

"Himagsikan?!" bulalas ni Jia. Umikot ang paningin sa paligid, tila naghahanap siya ng kasagutan dahil nahiya na siyang magtanong rito dahil baka magtaka lang ito. Wala siyang naiintindihan.

Nanlaki ang mga mata ni Jia nang makita ang dyaryo na maayos na nakapatong sa gitna ng mga tila mga mahahalagang lumang papel.

1891.

1891?! Ulit ng utak ni Jia. My gosh! Talaga ba? Nasa taong 1891 siya?! Natutop niya ang bibig, nasa timetravel ba siya? Totoo ang timetravel na nasa mga libro niya lang nababasa.

"Batid mo ang aming layunin, Matilda. Ang maghimagsik, makipaglaban upang ipagtanggol ang Inang-Bayan." seryosong paliwanag nito.

Parang hihimatayin si Jia, saka niya lang napansin na may hawak pala siyang abaniko. Napabilis ang pagpaypay niya para makalanghap ng hangin. Tila unti-unti niya ng naiintindihan ang nangyayari.

"B-buhay pa ba si Bonifacio?" tanong ni Jia nang maisip na panahon iyon ng K.K.K.

Napakunot-noo si Macario. Ang pagtawag sa pangalan sa l itinuturing na pinaka-mataas na opisyal ng unang gobyerno ng Filipinas ay isang kalapastanganan. Nahalata naman agad ni Jia na hindi nito nagustuhan ang kaniyang sinabi. Mabilis siyang bumawi.

"A-ang ibig kong sabihin, kumusta na ang Supremo?"

"Matatag na nakikipaglaban, nakahandang magbuwis ng buhay upang makamtan ng ating Bayan ang minimithi nating kalayaan."

Parang mababaliw na si Jia. Napakalalim nitong magsalita, mabuti na lamang at ubod ito ng gwapo na masarap titigan kung hindi ay baka kanina pa siya nagtatakbo palayo rito. Napansin niyang totoo palang maginoo ang mga ninuno niya, hindi ito umupo hangga't hindi niya sinasabi. Ipinaghanda sila ng tiyahin ni Matilda ng kakaning nakabalot sa dahon ng saging at mainit na cocoa. Magalang itong nagpasalamat. Napapatitig siya rito, kahit saang anggulo tingnan ay napakagandang lalake nito. Gustong magmura ni Jia, naaattract ba siya sa lalakeng mas matanda pa sa lolo niya?

No Jia! Magigising ka, at malalaman mo na ang lahat ay bunga lang ng iyong imahinasyon. Sigaw ng kabilang utak niya.

"Nais ko ring ipabatid na narito ako upang malaman mo na kailanma'y hindi ka nawaglit sa aking isipan. Maghihintay ako na makamit ang matamis mong, OO."

Napaawang ang bibig ni Jia, kakaiba 'to. Imagine, hindi pa sinasagot ni Matilda ang ganito ka-gwapo? Eh, sa henerasyon niya-hindi na ito pinapalampas pa. Aniya ng isip ni Jia na nakatingin sa mukha ng binata.

"Kailan ka lang naman nanligaw, Macario." gustong hulaan ni Jia kung kailan pa ba ito nanligaw kay Matilda? At talagang tanghaling-tapat pa.

"Batid kong hindi sasapat ang tatlong-taon upang makamit ang iyong kasagutan, ngunit maghihintay ako." sagot nito.

Gustong matawa ni Jia, at umabot pa pala ng tatlong-taon. Ngunit tila sinaway siya ng isip, oo nga pala sino si Matilda? Bakit siya nasa katauhan nito? Kailangan niya pa sana ng marami pang impormasyon ngunit nagpaalam na ito na babalik na sa kanilang kuta.

Tinanaw na lang ito ni Jia mula sa bintana. Nang mawala na sa paningin niya ang binata ay saka siya bumalik sa silid upang maghanap ng posibleng portal papunta sa hinaharap. Masisiraan pa yata siya ng ulo dahil sa pag-iisip kung bakit siya nasa isang napaka-imposibleng sitwasyon? Isa-isa niyang hinalungkat ang kabinet ni Matilda., maging ang munting mga kahon na kinalalagyan nito ng mga alahas at sulat ni Macario.

Napahanga siya ng nilalaman ng mga sulat ng binatang katipunero. Lahat ay punong-puno ng pag-ibig para kay Matilda. Nakaramdam siya ng bahagyang kilig para sa dalawa. Kilig na hindi niya man lang naramdaman sa buong panahon ng pakikipagrelasyon niya kay Liam. Natigilan ang dalaga. Muling binalot ng kalungkutan. Paano na nga pala siya makakabalik sa hinaharap?

Nagpalit siya ng damit at muling lumabas ng silid, nag obserba sa paligid. May mga kapitbahay din naman pala sila ngunit magkakalayo. Nilibot niya ang bakuran ng may katamtamang laki ng bahay, pakiramdam niya tuloy ay siya si Maria Clara mula sa librong isinulat ni Gat. Jose Rizal. Maraming tanim na halaman ang tiyahin ni Matilda, naaliw siyang pagmasdan. Ngunit natigilan nang marinig ang yabag ng mga paparating na kabayo. Nagkubli siya sa mga matataas na halaman. Tanaw niya mula sa kinaroroonan ang mga sundalong espanyol.

Nakita ni Jia ang takot ng mga kapwa niya Pilipino habang sinisindak ito ng mga sundalo. Nakadama siya ng paghihimagsik. Sila pa talaga ang natatakot sa sariling teritoryo? Gusto niyang palakpakan ang mga bayaning nakipaglaban para sa kalayaan. Pinagmasdan ni Jia ang tila mga haring pagsigaw ng mga ito sa kaniyang mga kababayan.

"Indio!" Nakaramdam ng galit si Jia para sa mga dayuhan, alam niya ang kahulugan niyon. Napakaliit ng tingin sa mga Pilipino. Mababang uri, walang dignidad, mangmang, alipin. Nakaramdam siya ng paghihimagsik at simpatiya para sa mga bayani ng bansa. Kung makakabalik nga lang siya sa hinaharap ay baka magsulat pa siya ng mas malala pa sa "El Filibusterismo". Paulit-ulit niyang mumurahin ang mga ito, kahit pa sisantehin ang lisensya niya bilang rehistradong manunulat.

"Matilda!" tawag ng Tiyahin ni Matilda. Sumenyas ito na lumapit siya rito. Mabilis siya nitong hinila patungo sa likod-bahay. Mula sa tambak ng mga dayami ay iniangat nito ang kwadradong tila takip ng isang malaking kahon. Napatitig rito si Jia. May basement sila Matilda? Mabilis siyang sumunod rito. Kakasya ang sampung tao sa malaking butas na sinadyang gawin upang maging lihim na kanlungan. May gasera at banga na naglalaman ng tubig, may nakaimbak ding mga bigas at ilang tinapay. Ang papag na naroon ang pinakatulugan ng magtatago sa basement. May banig at kumot, handa para sa ilang-araw na pagkubli.

"Mabuti ho at may ganito," saad ni Jia. Gusto niya rin sanang itanong kung nasaan ang mga magulang ni Matilda. Pero mukha itong istrikto kaya hahanap na lang siya ng tiyempo.

"Nang mamatay ang iyong mga magulang, naisip itong ipagawa ni Macario para sa ating kaligtasan."

Magtatanong pa sana si Jia ngunit narinig nila ang papalapit na yabag ng mga kabayo. Kinakabahang nagkatinginan sila ng Tiya Rosita ni Matilda. Nagkaintindihan sa pamamagitan ng mga tingin. Tahimik na nakiramdam. My Gosh! tili ng utak ni Jia, kahit pa yata makabalik siya sa hinaharap, dadalhin niya ang galit sa mga dayuhang espanyol ang traumatic experience na 'to. Baka nga kapag may makasalubong siyang turistang spanish na gusto lang mag-explore sa mga beach ng Palawan-ay mas*mpal niya pa. Kuhang-kuha ang gigil niya ng sitwasyon. Pero bago pa siya magtanim ng hinanakit sa pait na dinanas ng mga kababayan. Iisipin niya muna sa ngayon kung paano makakabalik sa taong 2025?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Eternally   Chapter 4

    "Sa lahat nman ng ikakasal ikaw ang pinaka-matamlay Jia," wika ni Jeyzel. Nagkibit-balikat si Jia, nakatingin sa repleksyon sa salamin. Suot niya na ang vintage wedding dress. Nasa simbahan na ang kani-kanilang pamilya-kasama ni Liam na naghihintay sa pagdating niya. "Napagod lang siguro ako," sagot ni Jia. Hindi niya masabi sa kaibigan na mag-aasawa lang siya pero hindi na mag-aanak pa. Ang mahalaga, mahal nila ni Liam ang isa't isa. "Ano?! Ikakasal ka pa lang pagod ka na? Kasi naman bakit inuna ang honeymoon." biro ni Jeyzel. Kung alam lang ng kaibigan, aniya ng isip niya. Inalalayan na siya nitong makasakay sa Bridal car. Hungkag ang kaniyang pakiramdam, parang may kulang. Hindi siya eksayted. Kailangan niyang balewalain ang pakiramdam. Ayaw niyang maramdaman ni Liam na nagdadalawang-isip siya dahil sa natuklasan niyang sikreto nito. Hawak ni Jeyzel ang kanang-palad niya. Alam niyang ramdam siya ng kaibigan kahit wala itong nalalaman. Binaybay na ng sasakyan nila an

  • Eternally   Chapter 3

    "D-dito ka matutulog?" ani Jia na nakadama ng pagkabahala. Ginabi na sila ni Liam sa pag-iikot para personal na maihatid ang mga wedding invitation. Wala na siyang nagawa kundi pumayag na makitulog si Liam sa unit niya kaysa naman magmaneho pa ito ng mahigit isang oras pauwi sa bahay nito sa Brooke's Point. Independent na rin ito tulad niya, kahit pa kasi nakatira siya sa bahay ng kaniyang Lola Corazon ay may inuupahan pa rin siyang maliit na apartment para sa privacy niya sa pagsusulat bilang full-time novel writer. Umuuwi lang siya sa bahay ng kaniyang Lola kapag sabado't linggo. "Babe, ikakasal na naman tayo." pawalang-bahala na saad nito kahit pa alam nito na konserbatibo ang nobya. "Alright," Pinalitan niya ang bedsheet ng kama saka naglatag ng manipis na foam sa sahig ng silid. Naramdaman niya ang pagpasok ni Liam, nilingon niya ito saka inabutan ng kumot. Napatingin ito sa inilatag niyang foam. "D'yan mo ba ako patutulugin?" ani Liam na napakamot sa ulo. "Sige, ako d'

  • Eternally   Chapter 2

    "At saan ka pupunta?" tinig na nagpahinto sa dahan -dahang paghakbang ni Jia., nilingon ang kaibigan na nakataas ang kaliwang-kilay. Para talagang kabute ang bestfriend niyang si Jeyzel. "Uuwi na," pinihit niya ang seradura ng pinto. Nameywang si Jeyzel at inis na umikot ang eyeball. "Jia, nasa ospital ka." "Alam ko, at wala naman akong swero kaya ibig sabihin pwede na akong umuwi." Ngunit bahagya siyang natigilan. Ang panaginip niya? Bigla ang pagflashback ng mga pangitain sa isip niya, ang pagpatay sa lalake ng mga sundalong Espanyol. Ang lumang kapaligiran. "Pinagpapahinga ka pa ng Doktor, Jia. Overfatigue ka at kulang sa tulog." paliwanag ni Jeyzel sa kaibigang natitigilan. "Besh, m-may nakita ako." Inalalayan ni Jeyzel ang kaibigan na makabalik sa bed. "P-parang totoong-totoo," patuloy ni Jia. "May lalakeng duguan na may matatag na paninindigan na hindi magmakaawa, pinatay siya." Naiiling na inayos ni Jeyzel ang buhok ng kaibigan. "Magpahinga ka muna sa pagsusul

  • Eternally   Chapter 1

    AGOSTO 28, 1890 "NGAYON AY BAHAGI KA NA NG SAMAHAN, MACARIO! MAAARI MO NG TANGGALIN ANG IYONG PIRING!" may diing saad ng pinuno ng katipunero. Sa nanginginig na mga kamay dahan-dahang tinanggal ni Macario ang piring ng kulay puting bandana na itinakip sa kaniyang mga mata. Napagmasdan niya ng malinaw ang paligid. Mula sa gasera sa sulok na naging tanglaw ng kabuuan ng silid. Napansin niya rin ang mga pulang bandera na nakasabit sa dingding na may tatak ng K.K.K, isang may kalakihang medalyon na korteng tatsulok at mga nagkikintabang gulok na nakasiksik sa gilid nito. Iyon ay tanda ng katapangan bilang sandata na may paninindigan upang ipaglaban ang bayan. Napapalibutan si Macario ng mga kasamahan niyang handang ibuwis ang buhay para sa pinakamamahal na bayan. Tulad niya, may iisa silang layunin. Iyon ay upang ipagtanggol ang kanilang mga kababayan mula sa mapang-aping mga banyaga na sumakop ng kanilang teritoryo. Ngipin sa ngipin, pangil sa pangil. Dadanak ang dugo para sa Dangal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status