เข้าสู่ระบบ"M-matilda,"
Nilingon ni Jia ang tiya ni Matilda, tila may gusto itong itanong. Inihinto ng dalaga ang pag-iimpake. "Tiya Rosita?" baling niya rito. "Nitong mga nakalipas na araw, diyata't lagi kang balisa. Maaari ko bang malaman ang bagay na bumabagabag saiyo." Natigilan si Jia, marahil ay nakakahalata na ito na hindi naman talaga siya si Matilda dahil sa mga ikinikilos niya. Napapadalas kasi ang pagsasalita niya ng taglish dahil iyon naman talaga ang nakasanayan niyang wika. Wala rin siyang ideya kung paano kumilos si Matilda Silang. Hindi siya pinong kumilos bilang Jia, lumaki at namuhay siyang independent, hindi siya mahinhin at member din siya ng Taekwondo Palawan Chapter. Kumikilos man siya bilang dalagang-Pilipina sa harap nito iyon ay dahil bumase siya sa mga nabasa niya sa history kung paano kumilos ang mga dalaga sa panahon ni Rizal-ngunit sadyang napakahirap. Lumilitaw ang pagiging natural niya. Pinag-iisipan niya pa rin kung dapat bang ipagtapat niya sa tiyahin ni Matilda ang kakaibang nangyayari sa kaniya? Maniniwala naman kaya ito na nanggaling siya sa hinaharap? Baka lalo lang itong mag-alala kapag nagkwento siya rito ng mga bagay na imposible. "Marami lang po akong iniisip," pagdaka ay nasabi niya. "Ang pagsapi sa kilusan ay hindi makabubuti saiyo, Matilda." Muling napaisip si Jia, may planong sumapi sa K.K.K si Matilda? Iyon pala ang akala nito, sasapi ang kaniyang pamangkin sa rebolusyon. Nginitian niya ito. "Hindi po ako sasali," saad niya. Tila nakumbinse niya naman ito na tumango na lang. Napabuntong-hininga ang dalaga nang iwan na siya nito. Mabilis na tinapos ang paglalagay ng mga damit sa maletang mabigat pa yata sa pinagdadaanan niya. Sumasakit ang ulo niya kapag naiisip niyang wala pa siyang nahahanap na solusyon upang makabalik sa hinaharap. Paano na ang buhay niya bilang Jia Molejon? Ang pamilya niya-tiyak na nag-aalala na ang mga ito. Ang writing career niya? Bakasyon ang hiniling niya sa Senior Editor niya, hindi habang-buhay na pahinga sa pagsusulat. Tiyak magtataka din ang mga followers niya sa kinabibilangang platform. Nakatiwangwang ang sandamakmak niyang kwento na ongoing? No update at all? Inaasahan niya ng babaha ng pambabash ang review section ng bawat chapter ng mga isinusulat niya, "Buhay pa ba ang Author nito?" "Bagal ng update!" "Nagsulat ka pa, tagal ng kasunod" linyang kabisado niya na kapag hindi siya nakakapagsulat ng ilang araw. Ngayon pa kaya? Malamang, minumura na siya. Hinilot niya ang sentido, kailangan niya ng mga kasagutan. Manghuhula, mangkukulam, kahit sino. Sumakay sila sa kalesa ni Rosita, bahagya pa siyang napasinghap nang maginoong alalayan siya ni Macario. Saglit na nagtama ang paningin nila ng binata, napaka-simpatiko ng dating nito kahit pa isang puting kupasing kamiseta de chino lang ang suot nito na pinaresan ng kulay pulang tila pajama sa panahon niya. Nalanghap niya ang amoy ng buhok nito, amoy-pomada na tila may katas ng hinog na citrus. Ganon ang amoy ng air-freshener ng kotse ni Liam, na gustong-gusto niya. Nag-obserba si Jia sa paligid, tinatahak nila ang Kalye Azcarraga. Piniga niya ang utak upang maalala ang librong nabasa tungkol sa kasaysayan. Kung hindi siya nagkakamali-ang daang dinadaanan ng sinasakyan nilang kalesa ay Claro M. Recto na sa panahon niya ay matatagpuan sa Tondo, Maynila. Nakadama siya ng lungkot, ang maaliwalas na kapaligiran na kaniyang natatanaw ay mapupuno din ng mga establisiyementong nagsisiksikan sa hinaharap. Malawak na squatters area, maruming kapaligiran, at magulong komunidad. Muli siyang inalalayan ni Macario nang bumaba na ng sasakyan. May kung anong damdamin ang muling bumangon sa dibdib ni Jia nang muling magtama ang paningin nila ng binata. Napatitig siya sa labi nito-napalunok ng tuyong-laway. Tila napapantastikuhan naman ang binata sa ikinikilos niya. Marahil ay hindi ganon si Matilda kaya mabilis na iniwas ni Jia ang paningin rito. Tuksong nagawi ang paningin ng dalaga sa suot nitong pang-ibaba, pansin na pansin ang bahagyang umbok na naroon, "daks si Macario" pilyang tudyo ng masamang-bahagi ng utak niya. Jia, Kalma! Sa panahon mo, isa kang konserbatibong babae na wala pang karanasan. Mahiya ka nga, at sa panahon pa ng iyong ninuno ka magkakalat. Sermon naman ng matinong bahagi ng utak niya. "Matagal nang nananahimik ang ating lahi sa gitna ng kadiliman ng pagkaalipin. Taon-taon, araw-araw tayong pinagbabayad, pinarurusahan, pinapatahimik. Ngunit tayo ngayon ay gising na. Hindi tayo isinilang upang maging alipin magpakailanman. Ang Katipunan ay hindi lamang isang lihim na kapatiran. Ito ay apoy. Apoy na magsusunog sa tanikala ng pang-aalipin. At tayo ang sigang magbibigay liwanag sa ating Inang Bayan! Hindi tayo lalaban para sa pansariling kapangyarihan, kundi para sa dangal ng bawat Pilipino. Huwag tayong matakot. Ang tunay na anak ng bayan ay handang mamatay alang-alang sa kanyang bayan. At kung sakaling malagutan ng hininga, nawa'y sa dibdib ay may bulong: “Kalayaan!” Kalayaan o kamatayan! Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Pilipinas!" Napapamaang si Jia habang matamang nakikinig sa Supremo, naghalo ang paghanga at takot para sa ipinakikitang tapang ng "Ama ng Kataas-taasang Kagalang-galang na Katipunan". Alam niyang magtatagumpay ang mga ito sa mga unang hakbang ng pag-aaklas ngunit mabibigo sa huli. Nalungkot siya sa isiping ipapapatay ito ng mga traydor na unang opisyales ng gobyerno. Ipag-uutos ang pagdakip sa Supremo ng mismong unang Pangulo hindi pa man lumalaya sa kamay ng mga Espanyol. Natapos ang pagpupulong, muli silang naglakbay ni Macario. Tinahak ang masukal na gubat, tumawid sa ilang ilog at dumaan sa malalawak na bukirin patungo sa kubong tutuluyan nila ng pansamantala ni Rosita-kasama ng iba pang kasapi ng Katipunan. May mangilan-ngilang kubol na naroon, magkakalapit. Huminga ng malalim si Jia, tila hindi na siya makababalik pa sa sariling buhay. Nakita niya sa di kalayuan si Macario. Pinagmasdan niya ang kabuuan nito habang nagsisibak ng kahoy. Sa gitna ng kaniyang mga alalahanin, tila nagiging pampalubag-loob ang karisma nito. Ang binatang katipunero, ang nagiging dahilan ng madalas niyang pagpapalpitate. Nag-init ang pakiramdam niya habang tinitigan ang basang katawan nito na walang suot na pang-itaas. Basang-basa ito ng pawis, tumutulo ang pawis nito patungo sa puson nito. Nakagat ni Jia ang lower-lip, lalong nakakapagpainit sa pakiramdam niya ang kapilyahan ng isip. Tanaw niya mula sa kinauupuan ang bahagyang bukol sa ilalim ng suot nitong pang-ibaba. My gosh! Tigang lang Jia! saway ng utak niya. Iiwas na sana ang paningin ni Jia ngunit huli na, tumingin na sa gawi niya si Macario at nagsalubong ang tingin nila. Matagal, tila may ibig sabihin. Ganitong-ganito ang mga isinusulat niya, ani Jia sa isip. May connection ang bawat titig ng mga bida. Para siyang nakalutang sa alapaap, tila may sarili silang mundo. Dalang-dala si Jia ng nakakakilig na sitwasyon. Parang gusto niyang lapitan si Macario at yakapin. Ngunit bago niya pa magawa iyon, ay naramdaman niya ang pagsayad ng pang-upo sa lupa. Napatili ang dalaga habang nanlalaki ang mga matang napatingin sa binatang mabilis na nakalapit. "Hindi marahil mahigpit ang pagkakabuhol ng mga lubid." saad ni Macario habang inaalalayan siyang makatayo mula sa kinabagsakan. Inis na inis si Jia, napapahiyang tumingin sa binata. Kumalas ang tali ng duyan na kinauupuan niya kung kelan naman feel na feel niya ang titigan nila ni Macario. "Nasaktan ka ba?" tanong ng binata. Umiling si Jia, totoo naman iyon. Ang tanging nadarama niya ng sandaling iyon ay ang tila mahinang boltahe ng kuryente sa pagitan nila ng binata dahil sa pagkakadikit ng mga balat nila ni Macario. "Nais kong pumanhik ng ligaw saiyo mamayang gabi. Nais kong masilayan ang iyong mala-bituing ganda sa gitna ng kadiliman. Ang pag-ibig ko sa'yo aking sinisinta ay katumbas ng pagdaloy ng ilog na walang katapusan." Napaawang ang bibig ni Jia. "Jusmio, Marimar!" aniya ng isip niya. Cancel muna ang kilig."Kay hirap maunawaan kung paano nagbuklod ang tadhana at himala upang likhain ang lahat ng ito." ani Macario na namamangha sa binasa ni Jeyzel sa libro. "Natutupad at nangyayari ang nilalaman ng akda mo, Jia." bulalas na Jeyzel. Tahimik lang na muling nagbukas ng pahina at nagbasa si Jia. Ang bawat pangyayari sa librong siya mismo ang nagsulat- nagaganap sa paraang mahirap maunawaan. "Totoo nga ang kapangyarihan ng kwentas, may sumpa." Natitigilang nagkatinginan ang tatlo. "Sinabi ba kung paano mapuputol ang sumpa?" ani Jeyzel na tiningnan ang pahina ng mahiwagang libro na nanggaling sa kura-paruko ng Bataraza. Lahat sila ay nakatingin sa nakasulat sa libro ngunit kapag nabasa na nila ang mga titik na nakatala ay kusa itong naglalaho. "Hindi uso ang backread?!" saad ni Jeyzel. "Para tayong nasa Engkantandya!" Huminga ng malalim si Jia saka tiningnan si Macario na mas higit na naguguluhan sa kanila ni Jeyzel. "Ayon dito, isang wagas na pag-ibig ang magiging daan upang maputol
Maaga pa lamang ay nagising na si Jia sa tunog ng kampana ng simbahan. Ang mahabang tunog nito ay umalingawngaw sa buong baryo, nagsasabing magsisimula na ang misa. Bumangon siya mula sa kanyang banig at inayos ang sarili. Inilugay niya ang kanyang buhok at isinuot ang kanyang lumang saya, pagkatapos ay tinakpan ng manipis na belo ang kanyang ulo—isang senyales ng paggalang kapag pupunta sa simbahan.Nakabalik na sila sa tahanan nina Matilda, ipinakilala ni Jia si Jeyzel bilang kaibigan na nagmula sa kabilang ibayo. Pagkatapos nang unang pagsiklab ng himagsikan, kinailangan nilang mamuhay ng normal upang hindi mahalata ng mga Espanyol na bahagi sila ng Katipunan. Sa may pintuan, naghihintay si Jeyzel-bihis na rin at may hawak na abaniko. “Ganito pala ang pakiramdam!” wika nito habang hawak ang maliit na basket na may lamang kaunting bigas para sa alay. "Feel na feel ko si Maria Clara." mahina nitong saad na napahagikgik pa.Inirapan ito ni Jia saka napailing. “Sshhh! Sabi ko 'di ba,
Mula sa kinatatayuan, tanaw ni Jia ang malawak na bukirin sa ibaba ng burol. Nalalanghap niya ang mabangong simoy ng hangin mula sa ginintuang butil. Napakapayapa ng kapaligiran na nagdudulot ng kapahingahan ng pagod niyang kaluluwa. "Anumang marating ng liwanag ng iyong mga mata ay magiging bahagi ng iyong kaharian, iniibig kong paraluman, sapagkat sa iyo ko iniaalay ang lahat ng mayroon ako't magiging akin pa." Ngunit sa halip na maging masaya ay tila nakadama ang dalaga ng hindi maipaliwanag na lungkot. Hungkag na pakiramdam, puno ng kabagabagan. Hindi ang karangyaan ang makakapagpasaya sa kaniya kundi ang pumili ng lalakeng maaari niyang ibigin ng malaya. "Sa ating pagbubuklod sa harap ng Maykapal, ikaw ang magiging Reyna ng aking buhay — kabiyak ng aking kaluluwa. At sa piling mo, ang tuwa ay di kukupas, sapagkat ang ating sumpaan ay di magmamaliw, magpakailanman." Dumaloy ang luhang pinipigilan ni Jia, ni hindi niya magawang lumingon man lang upang salubungin ang tingin
Hindi ang sariling silid kundi ang katamtamang laki na bakuran ng kaniyang Lola Corazon ang tumambad kay Jia. Inilinga niya ang paningin. Bakit ba pakiramdam niya ay hindi naman siya nawala sa lugar na iyon? Naririnig ng dalaga mula sa kinatatayuan ang mahihinang pagtawa sa loob ng tahanan ng abuela. Nagmadali siyang pumasok, tumambad sa kaniya ang pamilyar na bulto ng kausap ng kaniyang Lola Corazon. Sabay pang lumingon ang kaniyang lola at ang kaniyang ex-boyfiend na si Liam. Iniwas niya ang paningin sa mga mata ng binata saka lumapit sa abuela at humalik sa kamay nito. "Kanina ka pa hinihintay ni Liam," saad ng kaniyang lola. "Maiwan ko muna kayo." Langhap niya ang paboritong men's cologne ni Liam. Ang mabangong awra nito na dati ay gustong-gusto niya ay tila wala ng epekto sa kaniya. Pinagsalikop niya ang mga braso saka tiningnan ito. "N-nandito ako para makipag-ayos, sorry babe." ani Liam na masuyong tinitigan ang dalaga. Nakaupo na silang pareho sa magkaharap na up
Sa isang masukal na bahagi ng Pugad Lawin, nagtungo ang daan-daang mga Katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Dama sa hangin ang bigat ng desisyong kanilang haharapin — ang wakasan ang pananahimik at simulan ang armadong pakikibaka. "Panahon na!" sigaw ni Bonifacio habang hawak ang kanyang cedula. "Hindi na tayo alipin. Dito sa lupaing ito, tayo ang magtatakda ng ating kapalaran!" Isa-isang nilapitan ng mga Katipunero ang gitna ng pulutong. Buo ang loob. Mararahas ang kilos. Pinunit nila ang kanilang mga cedula — sagisag ng kanilang pagkakabit sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. "Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Kalayaan!" sabay-sabay na sigaw ng mga rebolusyonaryo. Pormal nang sisimulan ang himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol. "Natatakot ako, Macario." pabulong na saad ni Jia kay Macario. "Ang puso ng handang lumaban ay batong di nadadama ang pangamba, tinibok ito ng pagnanasa, hindi ng budhi.”makabuluhang wika naman ni Macario. Sa pagkakataong iyon, hindi na maga
NAGISING si Jia sa pagdampi ng malamig na hangin at kakaibang katahimikan. Naririnig niya ang mahihinang huni ng mga kuliglig at banayad na agos ng tubig sa ilog. Bumangon si Jia, at luminga sa paligid. Hindi tulad ng dati na nagising siya sa tahanan ng tiyahin ni Matilda, ngayon ay napapalibutan siya ng mga punong may makakapal na dahon. Napagtanto ni Jia na muling pinatunayan ng kwentas ang kapangyarihan nitong makapaglakbay pabalik sa lumang panahon. Huminga ng malalim si Jia, alam niyang tila sumusugal siya at may posibilidad na hindi na siya muling makabalik sa Taon na pinanggalingan.Ginusto niya 'to, bahala na! Aniya sa sarili. Tinanaw niya ang mga kabahayan na nasa di kalayuan. Pamilyar sa kaniya ang mga kubong yari sa kawayan at pawid, doon siya huling namalagi bago siya muling nakabalik sa hinaharap. At tulad ng mga kababaihan na naroon ay nakasuot na rin siya ng tradisyonal na kasuotan ng mga unang babaeng filipina. Kung paano nangyari ang mabilisang change outfit ay ayaw n







