Share

Chapter 7

Penulis: RIAN
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-29 17:04:56

Sa lilim ng gabi, buwan ay saksi,

Pag-ibig ay lihim, tahimik ang labi.

Sa dampi ng hangin, damdamin ay bait.

Tulad ng bulaklak na bagong sumibol sa init.

Sa mata ng sinta, langit ay tanaw.

Kahit walang yaman, puso'y pumapaw.

Ang kanyang ngiti, tila sinag ng tala.

Sa dilim ng gabi, siya'y aking tala.

Hindi man ako hari, ni prinsipe't giliw.

Ang puso ko'y tapat, di kayang ipagkait.

Sa bawat pag-ibig na walang pag-imbot.

Katapatan ang hiyas na sa puso’y ibinuhos.

Kung ika’y liligaya sa piling ng iba.

Ako’y maglalaho sa ulap at luha.

Ngunit sa panaginip, ikaw ay akin.

Sa puso kong uhaw, ikaw ang hangin.

Naitakip ni Jia sa bibig ang hawak na abaniko. Sa lalim at madamdaming pagtula ni Macario habang nakatitig sa mukha niya, pakiramdam niya tuloy ay sumanib sa kaniya si Maria Clara at dama niya ang binigkas nitong tula.

My gosh! Kahit nababaduyan siya sa mga linya ng binata, hindi niya maitatangging bahagya siyang kinilig. Bigla niyang naisip ang mga nabasang tula na isinulat ng pambansang bayani. Natigilan si Jia, may posibilidad kayang makaharap niya ng personal ang paboritong makata at nobelista na itinuring na pambansang bayani sa kaniyang panahon? Ngunit tila imposible ang iniisip niya dahil ayon sa bulung-bulongan ng mga katipunero ay nakatakda na itong dakpin dahil sa pagtatag ng La Liga Filipina.

"Kasiya-siya ba sa'yo ang kinatha kong tula?" untag ni Macario.

"Ha?" ani Jia.

"Maaari kong bigkasing muli kung nanaisin mo?" tanong ni Macario.

"Hindi na!" mabilis na sagot ni Jia. Pambihira, uulit pa talaga. Aniya ng isip ng dalaga. Bukod sa mahaba na malalim pa ang bawat katagang ginamit nito.

"Ang ibig kong sabihin, maganda ang iyong tula." saad ni Jia. Napakalayo ng pagitan nila ng binata. Tila natatakot itong madaiti man lang sa kaniya. Mas naiintindihan niya na ngayon ang kaniyang Lola Corazon. Lumaki ito sa makalumang paniniwala at tradisyon, iyon ay dahil sa minanang kaugalian nito.

"Maaari ko na bang mapag-alaman ang iyong kasagutan sa aking pagsuyo?"

Ang lalim! Napaawang ang bibig ni Jia, kung siya ang masusunod ay sasagutin niya na ito. Bakit patatagalin pa? Maikli lang ang buhay. Eh, sila nga ni Liam-three months lang nagligawan, sa chat pa. Ngunit nang maalala niya ang nobyo tila sin*mpal siya ng katotohanan. Hindi siya si Matilda.

"Naisin ko man ay hindi maaari," sagot niya rito, tila may kirot sa damdamin niyang turan. Bakit siya nanghihinayang? Si Matilda ang mahal nito, hindi si Jia. Napaisip siya, what if sumugal siyang ipagtapat sa binata ang kakatwang nangyayari sa buhay niya at pagkatao. Maniniwala kaya ito?

"Iginagalang ko ang iyong pasya." malungkot nitong wika.

Grabe, palatak ng isip ni Jia-napakahaba ng pisi ng mga unang Pilipino. Ganda mo, Matilda. Haba ng hair.

"Macario, may nais sana akong itanong-" ani Jia makalipas ang ilang minuto. "May kakilala ka bang Albularyo?" pagbabakasakali ni Jia. Nabasa niyang naniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa mahika at himala. Baka posible rin namang may kakayahan ang mga albularyo na masagot ang mga tanong niya.

Napatitig sa kaniya si Macario. Saka tumango. Nakahinga ng maluwag si Jia, wala namang mawawala kung isangguni niya sa albularyo ang tila kababalaghang nangyayari sa kaniya.

"Ngunit lubhang mapanganib," wika ni Macario.

"Mapanganib?" Ani Jia.

“Ang mga albularyo, sa paningin ng simbahan, ay lumilihis sa landas ng aral ng pananampalataya; kaya't itinuturing silang masama, liko, at salungat sa liwanag ng kabanalan.” paliwanag ni Macario.

Hindi naitago ni Jia ang lungkot sa kaharap. Wala na yatang pag-asang makabalik pa siya sa dating buhay.

"Datapwa’t kung iyong ibig, maaari tayong lumapit nang lihim, sa layong ‘di mabatid ng sinuman."

Iyon naman pala, ani Jia sa isip. Gusto niyang irapan si Macario pero mas pinili niya na lang na makinig. Marami pa itong ikinuwento ngunit tila lutang na siya sa kaiisip kung paano makakabalik sa dating mundo.

Alas-otso pa lamang ng gabi ay nagpaalam na ang binata na babalik na sa kubo nito. Hindi niya maiwasang hindi ito ikumpara sa nobyo niyang si Liam kahit alam niyang magkaiba naman talaga ang mga ito ng pagkatao. Tila may curfew ito at hindi manhid upang hindi makahalata na gusto niya ng magpahinga habang ang nobyo niya naman ay halos makitira na sa unit niya. Ngunit sa kabila ng pagiging makata ni Macario, tila mas gusto niya pang makasama ang binatang katipunero kaysa sa kaniyang nobyo. At aaminin niya sa sarili, hindi niya ito masyadong namimiss.

Mag-iisang oras ng nakaalis si Macario ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Jia. Kaya't naisip niyang buksan ang dalang maleta, lahat ng sa tingin niya ay mahahalagang gamit ni Matilda ay dinala niya. Binuksan niya ang kahon na naglalaman ng mga alahas ng dalaga, kinuwenta niya na sa isip kung gaano kalaki ang halaga ng mga iyon sa panahon niya-katumbas na marahil ng isang house & lot na may dalawang palapag.

Ngunit ang pumukaw ng atensyon niya ay ang kwentas na may locket. Marahan niya itong binuksan, may tila kirot siyang nadama nang makita ang larawan na nasa loob nito. Tiyak niyang ito ang mga magulang ito ng dalaga. Bahagya niyang hinaplos ang larawan saka muling isinara. At sa halip na ibalik sa kahon ay mas pinili niya na lang itong isuot, siguro naman ay okey lang hihiramin niya lang naman. Ngunit nang isusuot niya na ito ay napansin niyang may nakaukit pala sa likod ng locket kaya muli niya itong sinuri. Nababasa niya ang nakaukit ngunit hindi niya naiintindihan ang latin words na nakasulat.

“Tempus et aeternum, per sanctum lumen transivi,

Apertum sit ianua aevi,

Ad praeteritum et futurum duce me,

In nomine Veritas, Fiat Lux, Fiat Tempus. Amen.”

Tila may mahinang bulong na sumasabay kay Jia habang binabasa niya ang nakaukit sa kwentas. Kinilabutan si Jia, mariing napapikit. Isang imahe ang lumitaw sa kaniyang diwa. Ang babaeng naka-blusa na madalas niyang makita sa panahon niya. Ang babaeng huli niyang nakita habang nakasakay siya sa bridal car.

Pinagpawisan ng malamig si Jia, ga-butil na ang kaniyang pawis-tila kakapusin siya ng hininga. May kung anong tila humihigop sa kaniyang kamalayan patungo sa walang katapusang dimensyon.

Habol ang paghinga na dumilat si Jia. Pawisan sa kabila ng malamig na aircon ng silid. Umikot ang paningin niya sa paligid. Ospital?! Napatingin siya sa kapatid niyang si Crislyn na tuwang-tuwa na mabilis na nakalapit at ginagap ang kaniyang kamay.

Mabilis namang nakalabas ng silid ang bunso niyang kapatid na si Grace at tila inilang-hakbang lang ang nurses station upang ipaalam na gising na siya.

"A-ate, salamat sa D***s gising ka na," nanubig na ang mga mata nito.

"A-anong nangyari?" tanong ni Jia.

"Naaksidente ang sinasakyan n'yo ng ate Jeyzel habang papunta kayo ng simbahan, nagkaroon ng pinsala ang ulo mo kaya na-comatose ka." Paliwanag nito.

Comatose?! Ulit ni Jia sa isip, kung gayon marahil ay panaginip lang ang lahat ng nangyari sa kaniya? Napapikit ang dalaga, binabalikan ang tagpo sa panahon na nakilala niya si Macario. Bunga lang pala ito ng isang panaginip.

Sa isang iglap, napapaligiran na si Jia ng kaniyang kapamilya. Mahigpit siyang niyakap ng ina at pinsan na sina Anne at Jane. Hindi naman binibitiwan ni Jeyzel ang kaliwang-palad niya, tila natatakot na itong mawala siya at maglaho na lang bigla. Gusto niyang matawa sa pagiging OA ng kaniyang bestfriend dahil sa pinto pa lang ng silid ay nagpalahaw na ito ng iyak.

Nawindang maging ang mga doktor at nurses na naroon dahil literal na halos maglupasay pa ito. Minsan, ikinahihiya niya rin talaga ang ugali ng bestfriend niya pero mahal niya lang talaga ito. Tumingin siya sa paligid, tanging si Liam lang ang wala na ipinagtataka niya.

"S-si Liam?"

"May inaasikaso," ang mommy Amara niya ang sumagot.

Tumango na lang siya kahit tila gusto niyang magtampo sa nobyo, ito lang yata ang hindi excited na nagising siya.

"A-ang cellphone ko?"

"Huwag kang mag-alala ate, naipaalam ko na sa Senior-Editor mo ang kalagayan mo." Wika ng kapatid niyang bunso.

"Ilang araw na ako rito?" tanong niya pagdaka, nagkatinginan ang mga ito.

Kumunot ang noo niya, talaga bang paghintayin siya ng sagot.

"Six months," sagot ni Crislyn. Napamaang si Jia, matagal din pala siyang nakaratay. Naappreciate niya ng bigla ang tiyaga ng mga itong hintaying magising pa siya.

"Hay naku, ate Jia. Maraming nangyari sa loob ng six months alam mo ba," saad ng pinsan niyang si Anne, bahagya itong siniko ni Jane kaya nahinto ito sa pagsasalita.

Muling nagkatinginan ang mga naroon na tila nag-uusap sa pamamagitan ng mga tingin. Palihim siyang nanalangin na sana naman walang badnews dahil sa gulo ng utak niya ngayon, mahihirapan siyang intindihin.

Nagpaalam na ang mga ito na uuwi na muna, ngunit naiwan si Crislyn upang bantayan siya dahil may ilang araw pa siyang ilalagi sa ospital para sa clearance.

"Pwede mo ba akong ibili ng Pizza, Sis?" lambing niya sa kapatid, nagki-cravings siya ng mga paborito niyang pagkain.

"Sure ate, ice cream gusto mo?" Nakangiti nitong tanong.

Nakangiting tumango si Jia. Mabilis naman itong sumunod at lumabas ng silid upang bilhin ang iniutos niya.

Humugot siya ng malalim na hangin nang makalabas na ito ng silid. Maliban sa food cravings ay gusto niya ring mapag-isa. Tila sariwa pa kasi sa isipan niya ang kakatwa niyang panaginip. Sinubukan niyang umupong mag-isa at sumandal sa headboard ng ospital bed at natuwa siya dahil mukhang malakas pa siya sa kalabaw ngunit bahagya siyang natigilan nang mapansin ang nasa kanang-palad, nakapaikot sa kamay niya ang isang tila antigong kwentas at nasa palad niya ang pendant nito. Bigla ang kabang bumundol sa dibdib ni Jia, napatitig sa kwentas na may locket.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Eternally   Chapter 14

    Hindi ang sariling silid kundi ang katamtamang laki na bakuran ng kaniyang Lola Corazon ang tumambad kay Jia. Inilinga niya ang paningin. Bakit ba pakiramdam niya ay hindi naman siya nawala sa lugar na iyon? Naririnig ng dalaga mula sa kinatatayuan ang mahihinang pagtawa sa loob ng tahanan ng abuela. Nagmadali siyang pumasok, tumambad sa kaniya ang pamilyar na bulto ng kausap ng kaniyang Lola Corazon. Sabay pang lumingon ang kaniyang lola at ang kaniyang ex-boyfiend na si Liam. Iniwas niya ang paningin sa mga mata ng binata saka lumapit sa abuela at humalik sa kamay nito. "Kanina ka pa hinihintay ni Liam," saad ng kaniyang lola. "Maiwan ko muna kayo." Langhap niya ang paboritong men's cologne ni Liam. Ang mabangong awra nito na dati ay gustong-gusto niya ay tila wala ng epekto sa kaniya. Pinagsalikop niya ang mga braso saka tiningnan ito. "N-nandito ako para makipag-ayos, sorry babe." ani Liam na masuyong tinitigan ang dalaga. Nakaupo na silang pareho sa magkaharap na up

  • Eternally   Chapter 13

    Sa isang masukal na bahagi ng Pugad Lawin, nagtungo ang daan-daang mga Katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Dama sa hangin ang bigat ng desisyong kanilang haharapin — ang wakasan ang pananahimik at simulan ang armadong pakikibaka. "Panahon na!" sigaw ni Bonifacio habang hawak ang kanyang cedula. "Hindi na tayo alipin. Dito sa lupaing ito, tayo ang magtatakda ng ating kapalaran!" Isa-isang nilapitan ng mga Katipunero ang gitna ng pulutong. Buo ang loob. Mararahas ang kilos. Pinunit nila ang kanilang mga cedula — sagisag ng kanilang pagkakabit sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. "Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Kalayaan!" sabay-sabay na sigaw ng mga rebolusyonaryo. Pormal nang sisimulan ang himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol. "Natatakot ako, Macario." pabulong na saad ni Jia kay Macario. "Ang puso ng handang lumaban ay batong di nadadama ang pangamba, tinibok ito ng pagnanasa, hindi ng budhi.”makabuluhang wika naman ni Macario. Sa pagkakataong iyon, hindi na maga

  • Eternally   Chapter 12

    NAGISING si Jia sa pagdampi ng malamig na hangin at kakaibang katahimikan. Naririnig niya ang mahihinang huni ng mga kuliglig at banayad na agos ng tubig sa ilog. Bumangon si Jia, at luminga sa paligid. Hindi tulad ng dati na nagising siya sa tahanan ng tiyahin ni Matilda, ngayon ay napapalibutan siya ng mga punong may makakapal na dahon. Napagtanto ni Jia na muling pinatunayan ng kwentas ang kapangyarihan nitong makapaglakbay pabalik sa lumang panahon. Huminga ng malalim si Jia, alam niyang tila sumusugal siya at may posibilidad na hindi na siya muling makabalik sa Taon na pinanggalingan.Ginusto niya 'to, bahala na! Aniya sa sarili. Tinanaw niya ang mga kabahayan na nasa di kalayuan. Pamilyar sa kaniya ang mga kubong yari sa kawayan at pawid, doon siya huling namalagi bago siya muling nakabalik sa hinaharap. At tulad ng mga kababaihan na naroon ay nakasuot na rin siya ng tradisyonal na kasuotan ng mga unang babaeng filipina. Kung paano nangyari ang mabilisang change outfit ay ayaw n

  • Eternally   Chapter 11

    “Tempus et aeternum, per sanctum lumen transivi, Apertum sit ianua aevi, Ad praeteritum et futurum duce me. In nomine Veritas, Fiat Lux, Fiat Tempus. Amen.”“Tempus et aeternum, per sanctum lumen transivi, Apertum sit ianua aevi, Ad praeteritum et futurum duce me. In nomine Veritas, Fiat Lux, Fiat Tempus. Amen.”Sabay na binigkas nina Jia at Jeyzel ang nakaukit na Latin words sa locket. Sabay din silang pumikit, naghihintay ng kakatwang mangyayari. Ngunit makalipas ang mahigit kinse-minutos ay napadilat si Jeyzel dahil tila wala din namang ibang kakatwang nangyayari."Jia! Jia!" Natatarantang tumayo si Jeyzel, nawawala si Jia. Hinanap niya ito sa ilalim ng lamesa, sa ilalim ng kama. Nang hindi mahanap ang kaibigan ay saka nanghihinang dahan-dahang napaupo at nagsimulang humahagulgol. "Bakit mo 'ko iniwan? Sabi ko, sasama ako eh!" kasabay ng paghikbi ay saad ni Jeyzel. "Hindi ito pwede, Jia! Bakit? Bakit? Magkaibigan tayo!" Naiiling naman na natatawa si Jia na kalalabas lang n

  • Eternally   Chapter 10

    "Kung hindi mo ako kayang intindihin, mag cool-off na muna tayo." nabiglang saad ni Jia, bugso ng inis dahil sa pag-aaburido ng nobyo. Ni hindi man lang daw kasi siya nagpaalam rito na luluwas siya ng Maynila. Masyadong mababaw para sa binata ang dahilan niya na nakalimutan niya lang. "Cool-off?" natigilan si William saka napabuntong-hininga. "Is that what you want?"may pait sa tinig ni Liam saka sarkastikong ngumiti. Saging-sagi ni Jia ang ego nito. "H-hindi naman sa ganon, baka kasi-"napahinto ang dalaga sa pagsasalita dahil may diin na ng muling magsalita si Liam. "Pwede ba Jia, deretsahin mo nga ako. Talaga bang tanggap mo ang buo kong pagkatao?" Mahinang bumuga ng hangin si Jia, nawalan ng imik. "M-mahal mo pa ba ako?" muling tanong ni Liam. Bago pa makasagot si Jia ay pinutol na ng binata ang linya. At nang subukang idayal ni Jia ang numero nito, naka-off na ang cellphone ng binata. Natutulalang napabuntong-hininga ang dalaga, nilalamon siya ng konsensya. Maging siy

  • Eternally   Chapter 9

    Bigla ang pamumutla ni Jia. Natutulalang napatingin sa kaibigan saka muling ibinalik ang tingin sa grupo ng mga mananayaw na nasa gitna ng kalsada para sa Regada Festival. Ang Basayawan Dance ay bahagi na ng tradisyon at kultura sa nasabing lalawigan para sa fiesta ng Patron na si San Juan at taon-taon itong isini-celebrate ng mga Caviteño. Ang Bayan ng Cavite ay may malaking bahagi din sa kasaysayan ng Pilipinas at sa buhay ni Andres Bonifacio. Bagamat Tubong-Tondo ang Ama ng Katipunan, sa Cavite tumira ang Supremo sa panahon ng Himagsikan kasama ng iba pang mga katipunero na kaniyang pinamumunuan. "Nandito siya," bulong na saad ni Jia habang nakatingin sa babaeng matamang nakatitig sa kaniya na nakatayo sa di kalayuan, sa gitna ng karamihan. Sinundan naman ng tingin ni Jeyzel ang tinitingnan ng kaibigan saka napakuno't noo. "Sino?" nagtatakang hinanap ng paningin ni Jeyzel ang tinutukoy nito. "Yung babaeng nakablusa, nandito siya-nakatingin sa'kin." ani Jia na bumibilis

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status