เข้าสู่ระบบ"¡Saquen a los indios, maten a los que quieran luchar!"
Napabalikwas ng bangon si Jia mula sa higaan at sumilip sa bintana. Mga gwardiya-sibil? Napaatras ang dalaga at mabilis na lumabas ng silid, nasalubong niya ang tiya ni Matilda na humahangos din upang puntahan siya. "T-tiya Rosita," Mabilis siya nitong iginiya patungo sa silid nito. Napansin ni Jia, tila sanay na ito sa presensya ng mga mapang-abusong dayuhan. Magkahawak-kamay silang naupo sa kama at dama niya ang takot nito. Ganito pala ang pakiramdam at dinaranas ng mga sinaunang Pilipino, aniya ng isip ni Jia. "Natitiyak kong papanhik sila upang maghanap ng mga rebolusyonaryo." Sa mahinang tinig ay saad ni Rosita ng pabulong sa dalaga. "Marahil ay nalantad na ang samahang itinatag ng Supremo, matutulad lamang sa La Liga Filipina". Bumilis ang pagtibok ng puso ni Jia, may ideya siya sa sinasabi ng Tiya ni Matilda. Lahat ng nagaganap ay nailathala na sa kasaysayan sa hinaharap. Alam niyang magbubuwis din ng buhay ang mga rebolusyonaryo. Mamamatay at magbibigay karangalan para sa bansa. Nakadama siya ng awa para sa mga ito. Kinakabahang tumingin ang dalaga sa gawi ng pinto ng silid-papalapit na ang mga yabag. Ganitong-ganito ang napapanood niya sa mga pelikula ni Rizal, sa mga nababasa niya sa history. Natutop niya ang bibig nang maalala ang nilalaman ng kasaysayan. Lahat ng mga Pilipino ay pinapatay ng malulupit na gwardiya-sibil, bata o matanda at walang awang ginagahasa ang mga kababaihan. Pumikit si Jia, nagbabakasakaling magising mula sa masamang bangungot na kinasadlakan. Ngunit nang muling marinig ang malakas na tinig mula sa labas, napaawang ang bibig niya. Mamamatay na yata siyang hindi na makikita pang muli ang pamilya. "¡Revisen toda la casa! ¡Ejecuten a esos indios inútiles!" Muling nagkatinginan sina Jia at Rosita, nasa pinto na ng tahanan nina Matilda ang mga gwardiya-sibil. Naririnig nila mula sa kinaroroonan ang palahaw at iyakan sa labas ng bahay. Ang pagmamakaawa ng kanilang mga kababayan. Dinig nila ang mga malalakas na tunog ng hagupit ng mga latigo ng malulupit na sundalo. Naghalo ang takot at galit ni Jia para sa mga dayuhan, kung nag i-exists lang sa tunay na buhay si Darna ay baka siya na ang lumunok ng bato nito upang maipagtanggol ang mga kababayan. Natigilan si Jia, papalapit na ang mga yabag ng mga ito patungo sa kinaroroonan nila ni Rosita. Nalalapit na rin ang nagbabadya nilang kamatayan. Hindi! tili ng utak ni Jia. Umikot ang paningin ng dalaga sa kabuuan ng silid, naghanap ng magagamit na pangself-defense. Itak, baril o kahit anong kahoy na maaari niyang magamit upang ipagtanggol ang nanganganib nilang mga buhay. Kahit magaling siya sa Taekwondo, ano naman ang laban niya sa mga sundalong armado na kulang sa aruga? Gigil na gigil siya sa mga ito. "M-matilda-", pabulong na saad ni Rosita. "Ss-ssshhh. . ." sinenyasan ni Jia ang tiyahin na huwag maingay. Iginiya niya ito upang magtago sa likod ng malaking kabinet. Naging sunud-sunuran naman ito kahit pa kinakabahan at nagtataka sa pinaggagawa niya. Hindi siya pwedeng tumunganga na lang at hintaying pagbabarilin sila ng walang laban. Mamamatay din naman sila, eh 'di mamatay ng lumalaban, aniya ng isip niyang Makabayan. Gustong palakpakan ni Jia ang sarili, napakatapang niya pala sa ganitong sitwasyon. Marahil ay dahil nananalaytay sa mga dugo ng katauhan ni Matilda Silang ang dugo ng pagiging bayani. Humigpit na ang pagkakahawak ni Jia sa dos por dos na nahagilap mula sa gilid ng bintana ng silid. Pumikit ang dalaga, nakikiramdam. Wala na siyang naririnig na ano mang ingay mula sa labas. Tumahimik na ang kapaligiran. Ngunit handa na siya. Babasagin niya ang bungo ng unang magtatangkang pumasok sa silid na kinaroroonan nila-tinitiyak niya sa sarili. Pigil ang paghinga na nagkubli siya sa likod ng pinto. Tahimik ang paligid at tanging malalakas na tikatik ng orasan sa wall ang naririnig niya. Maya't maya pa ay naramdaman niya ang tila presensya ng kung sino mula sa sala. Huminto ang yabag sa tapat mismo ng pintuan ng silid. Inihanda ni Jia ang mga braso, humigpit ang pagkakahawak sa kahoy, hindi man maitala sa kasaysayan ang gagawin niyang kabayanihan ngunit ikararangal niyang may napatay siya sa mga ito-kahit isa lang. Bumukas ang pinto, awtomatikong umangat ang mga braso ni Jia. Ubod-lakas na hinampas ang bulto ng lalakeng pumasok, magkakasunod na hambalos na may gigil. Hindi niya ito titigilan hangga't hindi nawawalan ng buhay. "M-matilda. . . Matilda!" Umiwas man si Macario sa bawat hampas ng pamalo ng dalaga ay tila may magneto itong nasasapul siya. "A-arrayy!" Daing niya na ikinatigil ni Jia mula sa paghampas sa kaniya ng matigas na kahoy. Mabuti na lamang at sanay sa bunong-braso ang binata at mabibigat na trabaho kaya matibay ang pangangatawan nito. "Oh my gosh!" Nabitiwan ni Jia ang hawak na kahoy, gusto niyang maging bayani pero hindi niya naman gustong makapatay ng ganito ka-gwapo. Lalo na kung si Macario. "M-macario?!" Tila nahimasmasan na ito mula sa pagpapaulan ni Jia ng palo. "Nakaalis na ang mga gwardiya-sibil," ani Macario na napahawak sa mga brasong sumalo ng mga hampas ng dalaga. "S-sor- paumanhin, hindi ko sinasadya." nahihiyang saad ni Jia na napatingin sa tiyahin ni Matilda na nagtataka naman sa ikinikilos ng dalaga. Mahinhin at mayuming binibini ang pamangkin nito na si Matilda. Tumingin si Jia sa kaharap, punong-puno ng pag-aalala ang mababakas sa mukha ni Macario. Bigla siyang nakadama ng inggit para sa babaeng mahal nito. "Walang anuman, bahagya lamang ang sakit." sagot nito. Gustong mapangiwi ni Jia, echosero. Bahagya pa ba 'yun? Eh, nag uumpisa na ngang mamaga ang mga braso nito. "Lubhang mapanganib pa ang manatili kayo sa tahanang ito, Tiya Rosita." binalingan nito ang tiyahin ni Matilda. "Saan kami pupunta kung gayon?" ani Rosita na nakalapit na sa dalawa. "Isasama ko kayo sa yungib kung saan nagkukuta ang mga katipunero. Ligtas kayo sa dakong iyon." Natigilan si Jia, piniga ang utak kung saan nga ba iyon? Nabasa niya na 'yun sa libro. Bigla siyang nakadama ng hindi maipaliwanag na eksaytment. Makikilala niya na ang Supremo-ang Ama ng Kataas-kataasang Kagalang-galang ng Katipunan."Kay hirap maunawaan kung paano nagbuklod ang tadhana at himala upang likhain ang lahat ng ito." ani Macario na namamangha sa binasa ni Jeyzel sa libro. "Natutupad at nangyayari ang nilalaman ng akda mo, Jia." bulalas na Jeyzel. Tahimik lang na muling nagbukas ng pahina at nagbasa si Jia. Ang bawat pangyayari sa librong siya mismo ang nagsulat- nagaganap sa paraang mahirap maunawaan. "Totoo nga ang kapangyarihan ng kwentas, may sumpa." Natitigilang nagkatinginan ang tatlo. "Sinabi ba kung paano mapuputol ang sumpa?" ani Jeyzel na tiningnan ang pahina ng mahiwagang libro na nanggaling sa kura-paruko ng Bataraza. Lahat sila ay nakatingin sa nakasulat sa libro ngunit kapag nabasa na nila ang mga titik na nakatala ay kusa itong naglalaho. "Hindi uso ang backread?!" saad ni Jeyzel. "Para tayong nasa Engkantandya!" Huminga ng malalim si Jia saka tiningnan si Macario na mas higit na naguguluhan sa kanila ni Jeyzel. "Ayon dito, isang wagas na pag-ibig ang magiging daan upang maputol
Maaga pa lamang ay nagising na si Jia sa tunog ng kampana ng simbahan. Ang mahabang tunog nito ay umalingawngaw sa buong baryo, nagsasabing magsisimula na ang misa. Bumangon siya mula sa kanyang banig at inayos ang sarili. Inilugay niya ang kanyang buhok at isinuot ang kanyang lumang saya, pagkatapos ay tinakpan ng manipis na belo ang kanyang ulo—isang senyales ng paggalang kapag pupunta sa simbahan.Nakabalik na sila sa tahanan nina Matilda, ipinakilala ni Jia si Jeyzel bilang kaibigan na nagmula sa kabilang ibayo. Pagkatapos nang unang pagsiklab ng himagsikan, kinailangan nilang mamuhay ng normal upang hindi mahalata ng mga Espanyol na bahagi sila ng Katipunan. Sa may pintuan, naghihintay si Jeyzel-bihis na rin at may hawak na abaniko. “Ganito pala ang pakiramdam!” wika nito habang hawak ang maliit na basket na may lamang kaunting bigas para sa alay. "Feel na feel ko si Maria Clara." mahina nitong saad na napahagikgik pa.Inirapan ito ni Jia saka napailing. “Sshhh! Sabi ko 'di ba,
Mula sa kinatatayuan, tanaw ni Jia ang malawak na bukirin sa ibaba ng burol. Nalalanghap niya ang mabangong simoy ng hangin mula sa ginintuang butil. Napakapayapa ng kapaligiran na nagdudulot ng kapahingahan ng pagod niyang kaluluwa. "Anumang marating ng liwanag ng iyong mga mata ay magiging bahagi ng iyong kaharian, iniibig kong paraluman, sapagkat sa iyo ko iniaalay ang lahat ng mayroon ako't magiging akin pa." Ngunit sa halip na maging masaya ay tila nakadama ang dalaga ng hindi maipaliwanag na lungkot. Hungkag na pakiramdam, puno ng kabagabagan. Hindi ang karangyaan ang makakapagpasaya sa kaniya kundi ang pumili ng lalakeng maaari niyang ibigin ng malaya. "Sa ating pagbubuklod sa harap ng Maykapal, ikaw ang magiging Reyna ng aking buhay — kabiyak ng aking kaluluwa. At sa piling mo, ang tuwa ay di kukupas, sapagkat ang ating sumpaan ay di magmamaliw, magpakailanman." Dumaloy ang luhang pinipigilan ni Jia, ni hindi niya magawang lumingon man lang upang salubungin ang tingin
Hindi ang sariling silid kundi ang katamtamang laki na bakuran ng kaniyang Lola Corazon ang tumambad kay Jia. Inilinga niya ang paningin. Bakit ba pakiramdam niya ay hindi naman siya nawala sa lugar na iyon? Naririnig ng dalaga mula sa kinatatayuan ang mahihinang pagtawa sa loob ng tahanan ng abuela. Nagmadali siyang pumasok, tumambad sa kaniya ang pamilyar na bulto ng kausap ng kaniyang Lola Corazon. Sabay pang lumingon ang kaniyang lola at ang kaniyang ex-boyfiend na si Liam. Iniwas niya ang paningin sa mga mata ng binata saka lumapit sa abuela at humalik sa kamay nito. "Kanina ka pa hinihintay ni Liam," saad ng kaniyang lola. "Maiwan ko muna kayo." Langhap niya ang paboritong men's cologne ni Liam. Ang mabangong awra nito na dati ay gustong-gusto niya ay tila wala ng epekto sa kaniya. Pinagsalikop niya ang mga braso saka tiningnan ito. "N-nandito ako para makipag-ayos, sorry babe." ani Liam na masuyong tinitigan ang dalaga. Nakaupo na silang pareho sa magkaharap na up
Sa isang masukal na bahagi ng Pugad Lawin, nagtungo ang daan-daang mga Katipunero sa pangunguna ni Andres Bonifacio. Dama sa hangin ang bigat ng desisyong kanilang haharapin — ang wakasan ang pananahimik at simulan ang armadong pakikibaka. "Panahon na!" sigaw ni Bonifacio habang hawak ang kanyang cedula. "Hindi na tayo alipin. Dito sa lupaing ito, tayo ang magtatakda ng ating kapalaran!" Isa-isang nilapitan ng mga Katipunero ang gitna ng pulutong. Buo ang loob. Mararahas ang kilos. Pinunit nila ang kanilang mga cedula — sagisag ng kanilang pagkakabit sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. "Mabuhay ang Katipunan! Mabuhay ang Kalayaan!" sabay-sabay na sigaw ng mga rebolusyonaryo. Pormal nang sisimulan ang himagsikan laban sa kolonyalismong Espanyol. "Natatakot ako, Macario." pabulong na saad ni Jia kay Macario. "Ang puso ng handang lumaban ay batong di nadadama ang pangamba, tinibok ito ng pagnanasa, hindi ng budhi.”makabuluhang wika naman ni Macario. Sa pagkakataong iyon, hindi na maga
NAGISING si Jia sa pagdampi ng malamig na hangin at kakaibang katahimikan. Naririnig niya ang mahihinang huni ng mga kuliglig at banayad na agos ng tubig sa ilog. Bumangon si Jia, at luminga sa paligid. Hindi tulad ng dati na nagising siya sa tahanan ng tiyahin ni Matilda, ngayon ay napapalibutan siya ng mga punong may makakapal na dahon. Napagtanto ni Jia na muling pinatunayan ng kwentas ang kapangyarihan nitong makapaglakbay pabalik sa lumang panahon. Huminga ng malalim si Jia, alam niyang tila sumusugal siya at may posibilidad na hindi na siya muling makabalik sa Taon na pinanggalingan.Ginusto niya 'to, bahala na! Aniya sa sarili. Tinanaw niya ang mga kabahayan na nasa di kalayuan. Pamilyar sa kaniya ang mga kubong yari sa kawayan at pawid, doon siya huling namalagi bago siya muling nakabalik sa hinaharap. At tulad ng mga kababaihan na naroon ay nakasuot na rin siya ng tradisyonal na kasuotan ng mga unang babaeng filipina. Kung paano nangyari ang mabilisang change outfit ay ayaw n







