Iniyuko ni Avigail ang kaniyang ulo at inayos ang ekspresyon, pinipigil ang galit. Itinaas niya ang tingin at malamig na sinabi."Hindi ko alam kung paano kita mababayaran. Pero naiisip ko bakit hindi na lang kita ayain na magkape? Kaninang hapon, habang naglalakad kami nang napansin namin ang isang magandang coffee shop. Paano kung ilibre na lang kita Mr. Villafuerte kahit isang tasang kape lang?" Walang nasabi si Dominic kundi ang pumayag sa alok ng dalaga. "Sige." Pagkatapos nito, dahan-dahan niyang binitiwan ang pulso ng babae. Habang binibitawan ito, hindi sinasadyang sumagi ang kanyang mga daliri sa malambot na laman sa loob ng pulso ng babae. Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Dominic. Pagkatapos bitawan ang kamay nito, hindi niya maiwasang pigilin ang sarili sa paghigpit ng kanyang mga daliri. Ang coffee shop na tinukoy ni Avigail ay nasa ibaba lamang ng hotel. Napansin nila ito nang pabalik na sila matapos maligaw kaninang hapon. Inimbitahan niya si Dominic doon, hind
Si Dominic ay umiinom din ng kape nang walang emosyon, ngunit ginagawa niya ito upang pigilan ang kanyang inis.Inaasahan niyang pasalamatan o bayaran siya ng babaeng ito, hindi upang maupo at manahimik lamang.Bagamat ang sinasabing nabigong negosyo ay isang dahilan lang, hindi ba niya akalain na isang tasa ng kape ay sapat na para bayaran ang kanyang pagkatalo?Ibinaba ni Avigail ang tasa, lumingon at tumingin sa bintana, na hindi nagplano na magsalita.Una, talagang hindi niya alam kung ano ang kanilang dapat pag-usapan ngayon, at pangalawa, ayaw niyang masyadong makialam sa lalaki. Ang tasa ng kape ay para lang tapusin ang usapan.Dumarating ang hindi komportableng pakiramdam mula sa pag-inom, kaya paminsang ibinababa ni Avigail ang kanyang mata para uminom muli, at ginagamit ang kanyang peripheral vision para makita kung gaano karami na ang naiinom ng lalaki, gusto lang niyang matapos na ito at makaalis agad.Ngunit ilang beses niyang napansin na halos hindi ginagalaw ang kape ng
Dahan-dahang huminto ang sasakyan sa harap ng hotel, at sa wakas ay nagsalita si Avigail. "Salamat, sa paghatid sa akin dito."Pagkatapos sabihin iyon, bahagya siyang tumango sa lalaki, binuksan ang pinto, at nagsimulang lumabas mula sa sasakyan. Nang maramdaman niyang tumapak ang mga paa sa lupa, natagilid siya at muntik nang matumba.Medyo lasing siya kanina, at sobrang init ng sasakyan. Bagaman pilit niyang iniiwasan ang pagka-antok, medyo nahirapan siyang manatiling gising.Pagbaba niya mula sa sasakyan, nanghina ang kanyang mga binti.Nang malapit na siyang matumba, isang malakas na braso ang dumapi sa kanyang bewang at inakay siya pabalik sa sasakyan.Pagkatapos niyang makaupo nang maayos, inalis ang braso ng lalaki.Inabot si Avigail ng ilang segundo upang mag-react sa nangyari.Medyo awkward ang kanilang pwesto kaya hindi niya magawang magpasalamat."Hatid na kita sa itaas," sabi ni Dominic, habang binubuksan ang pinto at bumangon mula sa sasakyan.Hindi na naghintay si Domin
Sa parehong oras, sa Deep Sea Restaurant.Si Daven ay kasama ang mga nakatatandang kasamahan at matagal na nag-inom, ngunit hindi pa rin bumabalik si Avigail. Hindi maiwasang mag-alala ni Daven. Nagpaalam siya sa pamamagitan ng pagsasabing pupunta siya sa banyo, at lumabas upang hanapin si Avigail.Si Avigail naman ay matagal nang nag-iisip, at malapit nang makatulog nang bigla siyang magising dahil sa tunog ng cellphone.Inilabas niya ang mata at naghintay ng ilang sandali bago siya nakapag-isip. Hindi na siya tumingin sa caller ID at sinagot agad ang tawag. "Sino po sila?"Sa kabilang linya, nagulat si Daven sa naging sagot ni Avigail sa kaniya. "Ako ito."Agad na nagising si Avigail at naramdaman na may bagay siyang nakalimutan."Nasaan ka? Bakit hindi ka pa bumabalik?" nag-aalalang tanong ni Daven.Biglang naalala ni Avigail na siya ay dumadalo pa pala sa hapunan pagkatapos ng academic exchange meeting.Tad-tad siya ng kalasingan kanina at akala niya ay makakabalik siya pagkata
Kinabukasan, nagising si Daven na may sakit ang ulo, ngunit patuloy pa rin siyang nag-aalala tungkol sa kalagayan ni Avigail. Matapos maghilamos, pumunta siya sa katabing kwarto.Pagbukas niya ng pinto, nakita niyang halos sabay silang nagbukas ng pinto ng kwarto sa kaliwa ni Avigail at isang pamilyar na tao ang lumabas."Mr. Daven Cruz matagal na nang huli tayong nagkita."Nag-aalala din si Dominic sa kalusugan ni Avigail at nais sanang makita siya, ngunit hindi niya inaasahan na makakasalubong si Daven Cruz.Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang nagkunot ang noo ni Dominic, at pagkatapos ay nagbigay ng magalang na ngiti.Nakilala ni Daven ang tao sa harap niya, ngunit hindi siya nagpahalata.Sa lahat ng mga hotel na pinili ng organizer, ang hotel na ito ay katamtaman lang sa North City. Sa katunayan, wala sa mga tao na may mataas na posisyon tulad ni Dominic ang dapat magtangkilik sa ganitong klaseng hotel.Nang magbati si Dominic, saka lang nakumpirma ni Daven na siya nga
Nang makita niya itong tumango, napuno ng pagkalito ang mga mata ni Avigail."Malapit na ang oras ng almusal. Kung okay lang sa inyo, maaari tayong mag-almusal nang sabay," sabi ni Dominic nang kalmado habang tinitingnan ang dalawa.Sa narinig, nagbago ang ekspresyon nina Avigail at Daven, at hindi nila mawari ang kahulugan ng sinabi ni Dominic.Pagkaraan ng ilang saglit, natauhan si Avigail at pilit na ngumiti.“Naku! Baka abala ka sa trabaho mo Mr. President, medyo matatagalan kasi ako sap ag-aayos. Huwag na lang kaya para hindi abala sa iyo nakakahiya naman. Kakain na lang ako mamaya.”Ngumiti si Dominic. "Walang problema sa akin. Wala akong anumang iskedyul ngayon. May oras akong maghintay."Naramdaman ni Avigail na parang sumasakit ulit ang ulo niya at ngumiti nang may pilit."Baka hindi ka sanay sa mga pagkain na kinakain namin."Hindi nag-alala si si Dominic sa bagay na iyon."Huwag kang mag-alala, Miss Suarez. Hindi ako mapili sa pagkain."Napa-poker face na lang si Avigail d
Isang biglaang pag-ring ng cellphone ang pumukaw sa mabigat na atmospera sa mesa.Habang iniisip ni Dominic ang posibleng relasyon ng babaeng nasa harapan niya at ni Daven Cruz, sinagot niya ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller ID.Pagkasagot niya, isang mahinahong boses ng babae ang narinig niya mula sa kabilang linya."Dominic, nasabi sa akin ni tita na nagpunta ka raw sa Baguio para sa business trip. Kumusta? Naisayos mo na ba ang problema?" tanong ni Lera Gale na puno ng malasakit.Pumunta si Lera sa kumpanya kahapon upang hanapin si Dominic, ngunit hindi niya ito nadatnan. Nang tanungin niya ang ina ni Dominic na si Luisa, nalaman niyang nasa Baguio si Dominic. Kaya naman tumawag siya ng maaga kinaumagahan upang ipakita ang kanyang malasakit.Inakala niyang tulad ng dati, tatanggihan na naman siya ni Dominic at agad na ibababa ang tawag. Ngunit sa hindi inaasahan, mabilis itong sinagot.Dahil dito, naisip ni Lera na baka unti-unti nang nawawala ang galit ni Dominic sa kany
"Anong nangyari? Bakit ka galit na galit naman?" Narinig ni Alliana ang ingay mula sa taas. Pagpasok niya sa kwarto, nakita niyang magulo ang mukha ni Lera Gale. Nilapitan niya ito nang may malasakit at pinaupo siya sa kama.Pagkaupo, iniiwasan ni Lera ang kaniyang kamay sa kaniyang ina, "Si Dominic, kasama na naman 'yung babaeng 'yun!"Nang marinig ito, naging seryoso ang mukha ni Alliana at lalo siyang naging alerto. "Ano'ng nangyari? Hindi ba't sinabi ni Tita Luisa na nakipag-usap na siya kay Dominic? Baka may hindi lang pagkakaintindihan."Naisip ni Lera ang boses ni Avigail sa telepono at ang malamig na pag-uugali ni Dominic sa kanya, kaya't nagalit siya lalo. "Narinig ko mismo ang boses ng babaeng 'yon! Hindi pwedeng may hindi lang pagkakaintindihan! Napaka-impossible"Dagdag pa, sa nangyaring tawag, kitang-kita sa ugali ni Dominic na nararamdaman niyang binabastid siya! Kung hindi, bakit siya agad naghang-up nang sumagot ang tawag?Bakit nga ba, yung babaeng iniwan siya ng w
Gabi na nang bumalik si Dianne mula sa paglabas. Pagkababa pa lang niya ng sasakyan at bago pa man siya makapasok sa main building, narinig na agad niya ang masayang tawanan mula sa loob.May isang mahinahong boses, at isa pang medyo paos na parang may halong bata at pilyang tono.Si Tanya iyon.Mula nang operahan siya, nawalan ito ng alaala at bumaba rin ang kanyang kakayahang mag-isip. Hindi lang siya naging ibang-iba kumpara dati—pati boses niya ay nag-iba na rin.Hindi na siya ang dating istrikto, matapang, at seryosong Mrs. Chavez. Mistulang bata na siya ngayon.Mahilig maglaro, mahilig tumawa, mahilig kumain, at mahilig magpa-cute. Gusto niyang laging minamahal at binibigyang pansin—parang isang anim o pitong taong gulang na bata ang kilos niya.Pagpasok ni Dianne, nadatnan niyang nakaupo si Tanya sa carpet sa living room, kalaro sina Darian at Danica. May mga bagong laruan sa harapan nila—mukhang binili ni Alejandro para sa dalawa.“Mommy!” “Mom, mom! Nandiyan ka na!”Pagk
Pagkababa ni Avigail sa hagdanan ng Ferrer Mansion at pagkalabas niya ng gate, kasabay namang dumating ang convoy ng mga pulis. Malamig ang hangin, ngunit tila nag-aalab ang paligid sa tensyon. Agad bumaba si Dominic mula sa isa sa mga sasakyan, kasunod ang ilang opisyal ng batas na may bitbit na papel — isang arrest warrant.Sa loob ng mansyon, hindi pa rin humuhupa ang galit ni Lera mula sa pag-uusap nila ni Avigail. Paikot-ikot siya sa sala, hindi mapakali, habang ang mga kasambahay naman ay nagtataka sa biglang pagpasok ng mga unipormado."Anong ibig sabihin nito, Dominic?" singhal ni Lera nang makita ang paglapit ng lalaki, kasabay ng mga pulis.Isang matigas na tingin lamang ang isinagot ni Dominic, malamig, walang bakas ng pag-aalinlangan. Hindi niya na kailangan ng mahabang paliwanag. Para sa kanya, sapat na ang katotohanang mabigyan ng hustisya ang halos ikinamatay ng kanyang ina.Isang opisyal ang umusad paabante at mahinahon ngunit mariing binasa ang karapatan ni Lera."Ms.
Avigail stepped out of the restaurant, the heavy weight of the conversation with her family still lingering in her chest. She tried to shake off the tension, but her thoughts were already on the next challenge ahead. She had to see Lera Gale. The woman whose name had haunted her for months, the woman who seemed to be an integral part of the puzzle she was trying to solve.The day after Skylie was rushed to the hospital, everything had seemed to spiral out of control. The mansion’s security surveillance had inexplicably gone offline, and Avigail couldn’t shake the suspicion that someone within the Villafuerte circle was involved. It didn’t take long for her mind to land on Lera, especially given her mysterious presence in Dominic’s life. The pieces seemed to fit too perfectly—Lera had been Dominic’s fiancée, the one he was supposed to marry before everything fell apart.What bothered Avigail the most, however, was the possibility that Lera had played a far more dangerous game, one that
Makalipas ang isang linggo, kinausap ni Avigail ang kambal at pinakiusapang ipagpatuloy na nila ang kanilang kindergarten schooling. Ngunit matigas ang tanggi ng dalawa. Masyado na raw silang advanced kumpara sa mga kaklase nila, at wala rin naman silang gana pumasok, lalo na't palaging si Skylie ang laman ng kanilang isipan.Alam ni Avigail kung gaano kaapektado ang kambal sa mga pangyayari. Kaya kahit masakit, naging matatag siya. Ayaw niyang malugmok sila sa lungkot—ayaw niyang hayaang lamunin ng kawalang-kasiguraduhan ang murang isipan ng kaniyang mga anak.Sa halip, itinutuon niya ang oras sa isa pang matagal nang sugat—ang sariling pamilya. Ang pamilyang minsang ipinagpalit siya sa pera."Wow! Mukhang galante at sobrang yaman mo na ngayon, Avigail," pang-uuyam ng kaniyang ina, si Trina, habang nakataas ang kilay. "Akala ko noon, sa kangkungan ka na lang pupulutin matapos mong layasan ang mayamang pamilyang pinakasal namin sa’yo. Sa totoo lang, kinabahan kami no'n... baka bawiin p
Nang masikaso na ni Angel si Avigail at magkausap na sila ng mga anak, agad ding umalis si Angel sa bahay ng mga ito. Alam niyang kailangan ni Avigail at ng kambal na mag-usap ng maayos, at hindi siya ang tamang tao na maging saksi sa lahat ng ito.Tahimik na lumabas si Angel, at nang makaalis na siya, lalo pang bumigat ang pakiramdam sa loob ng bahay. Ang mga mata ng kambal ay puno ng takot at pangamba. Hindi nila kailanman nakita ang kanilang ina na ganoon — parang hindi nila kilala. Si Avigail na laging matatag at maligaya, ngayon ay tila nawala ang sigla sa mata, at ang pagkabagabag sa bawat galaw nito ay hindi nila maikaila.Habang ang kambal ay tahimik na naghihintay, takot na takot, naglakad si Avigail patungo sa kusina. Lumipas ang ilang saglit bago siya bumuntong hininga, tila umaasa na sana’y magbabalik ang lahat sa normal. Tumayo siya sa harap ng kalan at nagsimula magluto ng tanghalian. Ang tanging ingay na naririnig ay ang tunog ng kawali at mga palayok sa kanyang paligid,
“Dominic, pasensya ka na, ha. Nabigla yata sila…” Mahinang sabi ni Avigail, halos pabulong habang tinatanaw sina Angel na inaakay palayo ang kambal.“Kakausapin ko muna sila.” Nilunok niya ang kaba sa lalamunan, dama ang kirot ng eksenang iyon bilang isang ina at isang babae.Tahimik lang si Dominic. Halos ilang segundo rin bago siya sumagot, at nang magsalita siya, ramdam ang lungkot sa tinig niya.“Naiintindihan ko…” mahinahon niyang simula. “Pasensya na rin. Pero… gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit ang loob nila.” Bumuntong-hininga siya bago tumingin kay Avigail, sinserong sinisid ang mga mata nito.“Alam ba nila ang nangyari sa atin?” tanong niya, may halong kaba. “Mukha kasing alam nila… na hindi kita trinato ng tama.”Napalingon si Avigail sa direksyon ng kambal, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.“Matalino ang kambal,” wika niya sa wakas. “Madami silang tanong, Dominic. At mas pinili kong sagutin ‘yon kaysa magsinungaling. Hindi ko kayang itago sa kanila kung bakit w
“Mommy!!” sigaw ni Dale habang mabilis na lumapit kay Avigail. “Nakausap na namin si Skylie. Sabi ng doktor kay Ninang, limited time lang daw po kami puwedeng manatili sa loob. Kaya po lumabas na kami.”Nagulat si Avigail nang makita silang lumabas ng ICU. Hindi niya namalayang siya pala’y umiiyak na sa bisig ni Dominic. Agad siyang napahawak sa mukha, tinatago ang luha.“Iuuwi ko na sila. Sasamahan ko na lang—”“Ninang!” putol ni Dane habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ninang. “We want to stay here. Puwede po ba kaming maupo lang dito? Gusto lang po naming panoorin si Skylie.”Lumingon si Angel kay Dominic, saka kay Avigail, ngunit bago pa man siya makasagot, napatingin si Dominic sa kambal—at tila napako ang kaniyang tingin doon.Hindi siya makapaniwala.Ngayon lang niya lubos na pinagmasdan sina Dale at Dane, at parang unti-unting nabura ang mundo sa paligid niya. Para siyang nanonood ng lumang alaala—ng sarili niyang kabataan—nang bigla niyang mapansin: magkakamukha sila. Ang
Tahimik ang hallway ng ospital. Tanging ang mahihinang tunog mula sa ICU monitor sa loob ng silid ang maririnig, kasabay ng malamig na hum ng aircon. Nakaupo sa bench sina Dominic at Avigail—magkatabing tila magkalayo pa rin. Walang salitang binibitawan, tanging mga mata at buntong-hininga ang nagpapahiwatig ng bigat sa kanilang dibdib.Sa loob ng ICU, si Skylei ay nakaoxygen at bantay-sarado ng doktor. Kasama niya roon sina Dale at Dane, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng kapatid. Nasa loob din si Angel, ang ninang nila, taimtim na nagdarasal sa isang sulok.Sa labas, sa isang sandaling may kapayapaan, biglang umalingawngaw ang matalim na sigaw mula sa may elevator.“Dominic Villafuerte! Anong ginagawa ng babae niyan dito?!”Napalingon agad ang mga nurse at bantay sa paligid. Mabilis na tumayo si Dominic habang si Avigail ay napaatras at bahagyang nataranta. Sa harap nila ay ang ina ni Dominic—si Mrs. Luisa Villafuerte, ang reyna ng pamilyang Villafuerte, an
“Sinasabi mo bang nanganak ka mag-isa sa tatlong bata?” tanong ni Dominic, puno ng gulat at lungkot ang boses.Tahimik lamang na tumango si Avigail.“Pero bakit nahiwalay si Skylei sa mga kapatid niya? Kung hindi ikaw ang may kagagawan, sino? Sino ang naghiwalay sa iyo kay Skylei?” Halata sa tono ni Dominic ang pagkalito, ang galit, at ang pagkabigo. “May sakit si Sky noon. Malala. Kung hindi namin naagapan… baka noon pa, wala na siya.”Napaluhod si Avigail sa harap ni Dominic. Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol.“Patawarin mo ako...” nanginginig ang tinig niya. “Sinabi sa akin ng doktor na isa sa triplets ang mahina. Kaya nang sinabi nilang hindi na niya kinayang mabuhay pa kahit isang araw, tinanggap ko na lang. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong magpatuloy… kasi may dalawa pa akong anak na umaasa sa akin.”Umiiyak siyang napayuko, nanginginig ang balikat.“Pero kahit kailan… kahit kailan, hindi ko nakalimutan ang bunso kong babae. Hindi ko siya inalis sa puso’t isip