Share

Mixed Feelings

Author: Shea.anne
last update Huling Na-update: 2025-01-08 15:47:39

Pagkatapos ng tawag, nag-alinlangan si Avigail, ngunit sa huli'y nagmaneho siya papunta sa direksyon ng kindergarten.

Eksaktong alas-singko ng hapon nang ilabas ang mga bata mula sa kanilang klase. Isa-isa silang pinalabas ng kanilang mga guro, nakapila nang maayos habang naghihintay ng kani-kanilang mga magulang.

Sa pinakadulo ng linya, magkasama sina Dane at Dale kasama ang kanilang maliit na kapatid na babae, si Skylei. Habang abala ang dalawa sa pagmamasid sa paligid, halata ang inaasam-asam na tingin ni Skylei sa bawat taong dumarating. Nagkatinginan sina Dane at Dale, at kapwa silang napaisip.

"Skylei, tignan mo ako! Kaya kong maging ibon!" masiglang sabi ni Dane, sinusubukang aliwin ang nakababatang kapatid. Ginamit pa niya ang kanyang mga daliri para bumuo ng hugis-ibon, pinakikita ito kay Skylei.

Ngunit saglit lang siyang sinulyapan nito, pagkatapos ay bumalik sa pagtitig sa karamihan, tila may hinahanap.

Sa isip ni Skylei, pakiramdam niya’y naroroon ang kanyang tiyahin, ngu
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Martin's Advice

    Napakalam ng lalamunan ni Martin nang wala pa ring reaksyon si Dominic.“Nabalitaan ko na may sunog daw sa research institute ni Dr. Suarez dalawang araw na ang nakalipas.”Pagkarinig noon, agad kumunot ang noo ni Dominic.Nasiyahan si Martin sa naging reaksyon nito. “Bakit? Hindi mo alam?” Tumango lang si Dominic, seryoso ang mukha.Simula pa noong gabing huli silang naghalikan, hindi na niya nakita si Avigail.Kaya wala siyang ideya sa anumang nangyari rito.Kahit si Skylie ay kumukuha lang ng balita mula kina Dane at Dale bago sabihin sa kanya ang nalalaman niya, alam ni Dominic na hindi rin sasabihin ni Avigail sa mga bata kung nalagay man siya sa panganib.Tumahimik si Martin nang makita ang mabigat na ekspresyon ng kaibigan at hinintay na ito na lang ang magsalita. “Grabe ba yung sunog? Nasaktan ba siya?” di napigilang tanungin ni Dominic.Tumaas ang kilay ni Martin. “Hindi ba’t mas mabuting puntahan mo na lang siya para malaman?”Lalong dumilim ang mukha ni Dominic sa sinabi ni

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Buy

    Nang maalala ng assistant kung paano nag-invest si Ricky ng labindalawang bilyon sa Herbscape Group, napatigil siya sa pagsasalita.Kahit anong sabihin, labindalawang bilyon pa rin iyon.Kahit pa parang mainit na patatas ang Herbscape Group, kung hahayaan na lang itong manatili sa kanila, makikita pa rin nila kung saan napupunta ang ganung kalaking halaga.Pero kung bibitawan nila ito, parang itinapon na rin nila sa kanal ang labindalawang bilyon.“Sabihin mo sa akin kung ano’ng plano mo sa sitwasyong ito,” seryosong utos ni Ricky, nakakunot ang noo.Sa boses na iyon natauhan ang assistant at napilitan na lang siyang lakasan ang loob para ituloy ang sinasabi niya.“Kung itutuloy pa rin natin ang Herbscape Group, baka madamay pati pangalan ng Hermosa Group, kaya…”Napataas ng kilay si Ricky.Napilitan tuloy ang assistant na ituloy, “Kaya ang pinakamagandang gawin ay putulin agad ang koneksyon sa Herbscape Group hangga’t maaga.”Mas mabuti pang gawin ito bago pa lumabas sa publiko na na

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Hot Potato

    Saka lang bahagyang nakahinga nang maluwag si Avigail matapos marinig ang sagot ni Jake.“Sige. Ikaw na ang bahala diyan. Kung may kailangan ka, huwag kang mag-atubiling lumapit sa akin,” sabi niya.Tumango si Jake bilang pagsang-ayon.Hindi napigilan ni Avigail na magkomento nang may halong emosyon, “Kung mahanap mo ulit ‘yung mga halamang gamot na ‘yon, malaking ginhawa ‘yon sa akin.” Doon lang medyo sumigla ang pakiramdam ni Jake nang marinig ang tono ni Avigail.Simula nang magsimulang pumasok si Avigail sa research institute, siya na mismo ang laging sumasalo sa lahat ng problema.Kung sakaling humingi man siya ng tulong, kay Jake lang ‘yon sa mga simpleng bagay-bagay.Alam ni Jake na sa kabila ng papuri nito, hindi siya kailanman itinuring ni Avigail na higit pa sa isang karaniwang researcher sa institute.Pagdating sa mga lalaki sa paligid ni Avigail, wala naman siyang panama.Kaya laking gulat niya na ganun lang pala kadali para makuha ang tiwala ni Avigail. Walang makakaakala

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Try my Best

    Sobrang nagsisisi si Jason sa ginawa niya. Sa totoo lang, nagsisi na siya agad-agad nung araw na ginawa niya ‘yon. Pero huli na — na-lock na ni Jake ang research institute, kaya kahit gustuhin man niyang ayusin ang lahat, wala na siyang magawa.Kaya kinabukasan, pinilit niyang maagang pumunta sa institute para tignan kung may magagawa pa siyang paraan para itama ang sitwasyon.Pero nagkamali siya sa akala niyang maaga na siya. Pagdating pa lang niya sa entrance, nandoon na ang mga bumbero.Hindi napigilan ni Jason ang sarili at napalakas ng sampal sa magkabilang pisngi habang inaalala ang nasunog na storage at ang mga sinabi ni Avigail.“Ako ang may kasalanan dito, Dr. Suarez. Ang tanga-tanga ko!” Halos lamunin siya ng hiya, at agad siyang nakiusap,“Dahil kusa na akong lumapit, p-puwede po bang palampasin niyo na lang ito? Nasa ospital pa rin ang anak ko…”Binaon ni Avigail ang mga kuko sa palad niya para lang mapanatili ang kalma.“Hindi ko na hawak ‘yan, Dr. Coleman.”“Sinisiyasat

  • Ex-wife Return: Love Me Again   EMail

    Sa loob ng research area, saka pa lang muling nakabawi ang mga researcher mula sa insidenteng sunog kanina. Isa-isa na silang bumalik sa trabaho, pero bigla silang napatigil nang may dalawang taong pumasok sa lugar.May seryosong ekspresyon si Avigail habang sinusuyod ng tingin ang lahat. “May pumunta ba sa research institute kahapon ng hapon?”Nagkataon pa na sira ang mga surveillance camera, kaya wala siyang ibang basehan kundi ang mga taong naroon. Pagkabigkas niya ng tanong, nagkatinginan lang ang lahat, walang nagsalita. Linggo kasi kahapon — araw ng pahinga, kaya wala naman talagang dahilan para may pumasok. At kung meron man, sino ang aamin kung may kinalaman ito sa sunog? Kahit pa totoo, sino ba naman ang maglalakas-loob?Biglang nagbago ang aura ni Avigail — mabigat at nakakatindig-balahibo. Isang malamig na tingin ang ibinato niya sa lahat. “Hindi ko nais na magbintang kaninuman, at wala rin akong maisip na dahilan para isang empleyado ng institute ang gumawa ng gulo. Pero m

  • Ex-wife Return: Love Me Again   Mastermind

    “Hindi pa namin masasabi sa ngayon. Mahirap tukuyin lalo na’t puro flammable materials talaga ang mga institute na ganito.”Mas lalong naging mahirap dahil abot-abot na ang pagkasunog ng mga materyales.Nadismaya si Avigail sa narinig, pero nagpasalamat pa rin siya.“Salamat po sa tulong ninyo.”Tumango lang ang captain, walang gaanong emosyon.“Tungkulin lang namin ‘yon.”Matapos makumpirmang naapula na ang apoy at makuha ang go signal mula sa mga bumbero, saka lang tuluyang nakalapit si Avigail sa research institute na tinupok ng apoy.Bumagsak ang puso niya sa nakita nang makalapit na siya.Magdamag na siyang balisa, iniisip kung tuluyan na ngang nawala ang mga halamang gamot na kinuha lang nila kahapon.At totoo ngang nangyari ang pinakakinatatakutan niya. Ang mismong storage room na nasunog ay ‘yung pinaglagyan ng mga halamang gamot. Hindi lang ‘yung batch na nakuha nila kahapon ang nawala—pati ‘yung mga naipon nilang stock dati, abot-abot din ang pagkasunog.Buti na lang at agad

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status