Share

Exclusive For Him
Exclusive For Him
Author: BM_BLACK301

Chapter 1

Author: BM_BLACK301
last update Last Updated: 2023-03-03 01:56:08

"Kailangan mo ba talaga sa Maynila ka pa magtrabaho?" Malungkot na tanong ko muli kay Francis na asawa ko kahit hindi pa kami kasal. Dahil yon na lang naman talaga ang kulang, hindi nga lang mangyari dahil sa maraming dumarating na pangyayari na mas dapat unahin.

"Alam kong nauunawaan mo ako at ginagawa ko ito para sa atin at malay mo sa pag-uwi ko, makabuo na tayo ng anak natin."

Pilit na ngumiti ako at muli ay niyakap niya ako ng mahigpit, pinigilan ko naman ang luha ko na huwag bumagsak. Matapos 'ay h******n niya ako sa labi at muling niyakap ulit.

"Francis! Kanina ka pa hinihintay ng tricycle, aba'y ano pa ang ginagawa mo riyan?"

Napalingon kami pareho sa malakas na boses ng mama ni Francis.

"Sige na, baka mahuli pa ako sa terminal anong oras na rin. Mahirap na maghihibtay pa ako ulit, basta tandaan mo lang ang mga sinabi ko sa'yo."

"Oo, tatandaan ko. Basta mag-iingat ka lagi doon at tatawagan mo ako kung ano na ang nangyayari sa'yo doon." Paalala ko pa at ako naman ang humalik sa kaniya, mabilis lang 'yon at magkasabay na lumabas na kami ng kuwarto namin.

Hatid tanaw ko na ang papalayong tricycle sakay si Francis, malungkot man pero kailangan magtiis dahil mas maganda na rin ang Maynila kaysa sa ibang bansa dahil sobrang layo no'n. Kung sakaling gusto niyang umuwi kahit na anong oras maaari siyang makauwi.

"Sana naman swertihin ang anak ko sa Maynila. Wala talagang magandang buhay dito, halos lahat ng mga kababayan ko dito na mga anak nila nasa Maynila at ibang bansa. Kami na lang ang hindi pa nakakapagpatayo ng bagong bahay."

Napalingon ako sa biyenan ko na kahit hindi siya sa akin nakatingin alam kong pinaririnig niya ito sa akin. Noon pa niya gustong mag-ibang bansa anak niya, si Francis lang ang may ayaw at ayoko rin talaga.

"Kung sa ibang bansa siya malamang ngayon ang ganda na ng buhay namim. Hay nako, makauwi na nga muna."

Iniwan na ako ng biyenan ko dito sa may bakod ng harap ng maliit na bahay namin ni Francis. Alam kong hindi ako gusto ng mama niya at talagang hindi siya sangayon sa pag-aasawa agad ni, Francis. Hindi ko na lang 'yun pinansin dahil sabi naman ng asawa ko huwag ko isipin 'yun dahil mahal niya ako. At yun ang pinanghahawakan ko sa asawa ko.

Pumasok na ako sa loob at nagsimulang magligpit sa loob ng munting bahay namin. Kahit anak 'ay talagang hindi kami mabigyan at hindi ko alam kung bakit, ayokong isipin na may deperensiya ang isa sa amin pero nananalangin ako na wala naman sana. Dahil mag-iisang taon na rin kaming nagsasama ni Francis at minsan rin wala kaming time para doon dahil kung minsan lagi siyang stay in sa trabahong pinapasukan niya dito malapit sa aminng lugar. Kaya halos bihira lang kami magkaroon ng time sa isa't isa dahil na rin tumutulong pa siya sa mga kapatid niya na nag-aaral.

Panganay si Francis, kaya sa kaniya umaasa at nauunawaan ko 'yon kaya kahit ako sa mga pa-extra ko sa mga trabaho dito sa lugar namin 'ay tinutulong ko rin sa kanila. At dahil sa kakilala niya 'ay inalok si Francis na magtrabaho sa isang Hotel & Restaurant na maging Waiter, nakapag-college si Francis ngunit hindi niya nagawang magtapos dahil sa inunan niya ang mga kapatid niya.

Natigilan ako sa mga tumatakbo sa isipan ko dahil mas lalong natahimik dito sa maliit na bahay namin. Napabuntong hininga ako at muli kong tinuloy ang ginawa ko upang maalis ang lungkot na nararamdaman ko.

-------

Kinabukasan excited akong tiningnan ang cellphone ko na nakasabit sa may bintana dahil doon lang mayroong signal. Mahirap kasi ang signal dito kaya kalimitan laging nasabit ang mga cellphone dito.

1messages

Hon, good morning sa'yo. Nandito na ako sa Maynila ngayon, masaya na kimakabahan pero ayos lang dahil ikaw naman ang nasa isip ko. Kumain ka lagi diyan at huwag mo pababayaan ang sarili mo, mamaya na siguro ako tatawag sa'yo.

Masaya ang puso ko dahil sa unang beses na basa ko sa message ni Francis, mabilis na nagtype ako habang excited.

"Tumawag na ba ang anak ko? Pakausap nga ako."

Napatingin ako sa ibaba at nakita ko ang biyenan ko na nasa may bakod at papasok na ito dito sa loob. Sinent ko muna ang reply ko sa asawa ko at nagmamadali akong tinungo ang biyenan ko.

"Ikaw pala ma, wala pa po hindi pa siya tumatawag. Nagmessage lang po siya ngayon, sabi niya mamaya na daw po siya tatawag. Nakarating naman daw po siya ng maayos doon sa Maynila." Masayang balita ko sa kaniya.

"Ganun ba, ano ba ang makakain mo diyan? Nagugutom na ako." Tanong niya at naupo siya sa kahoy na upuan sa harap ng lamesa na yari sa kawayan.

"S-Sandali ho, titingnan ko po." Sagot ko at nagmamadali na naghagilap ako sa malaking timba sa ilalim ng lababo dahil doon ko nilalagay ang ibang pagkain dahil sa kinakain ng mga daga. Wala naman kaming refrigerator dito.

"May ani ngayon bakit hindi ka sumama doon para kahit paano may mauwi kang palay."

"Oho, sasama po talaga ako doon para hindi ako mainip dito sa bahay." Sagot ko habang hinahanda ang kape at ang tinapay na natira. Hinanda ko ito sa biyenan ko at nagsimula na siyang magkape at kainin ang tinapay.

"Oo nga pala, bakit ba hindi ka pa nagbubuntis? Baka naman may deperensiya ka? Kasi wala naman sa lahi namin ang baog."

Natigilan naman ako sa sinabi ng biyenan ko at hindi ko nagawang magsalita. Hanggang sa natapos na ang biyenan ko mag-almusal at iniwan ang kaniyang pinagkainan 'ay nasa isip ko ang huling sinabi niya.

Hindi ako baog, siguro talagang hindi pa para sa amin ngayon ang magkaroon ng anak.

Lumipas ang isang linggo at isang beses ko lang nakausap si Francis, nag-aalala man ako pero hinayaan ko 'yon dahil baka busy ito sa kaniyang trabaho. At isa pa sabi niya minsan halos ilang oras lang daw ang tulog niya dahil sa ilang oras na duty niya daw.

Umaga nagwawalis ako sa may bakod at hindi ko maiwasan na hindi lingunin ang cellphone ko na nakasabit dahil baka tumatawag na ito at hindi ko lang naririnig.

"Tumawag na ba si Francis?"

Napaangat ako ng mukha habang hawak ang walis tingting, ang biyenan ko habang may kinakain na saging. Magkatabi lang kasi ang bahay namin dito.

"Wala pa ho, halos isang linggo na mahigit." Sagot ko.

"Ano ba ang nangyari diyan kay Francis, nakarating lang ng Maynila nakalimot na." Wika ng biyenan ko.

"Hindi nama po siguro ganun, baka po busy lang siya." Sagot ko at napapansin ko na napapatingin sa amin ang mga kapitbahay namin, alam ko naman na nakikinig lang sila sa amin.

Tumalikod na ang biyenan ko at ako naman muli akong napatingin sa cellphone. Sinubukan ko na rin tawagan ang number niya pero nagriring lang 'yon minsan naman ay hindi matawagan.

Francis, may nangyari ba? Kamusta ka na diyan? Nag-aalala na ako sa'yo.

--------

Lumipas pa ang ilang linggo hanggang sa naging buwan na, walang Francis na akong naramdaman. Lahat ng naging katrabaho niya ay napagtanungan ko na dito, gayun din ang nagpapasok sa kaniya ng trabaho sa Maynila.

Nabuo ang desisyon ko na ako na mismo ang maghahanap sa asawa ko dahil hindi ako mapapakali dito na maghintay lang. Lahat ng natirang pera ko na nakatabi ay dinala ko mapunta ng Maynila. Hinabilin ko muna sa biyenan ko ang bahay namin, nagtataka man ako dahil parang walang pakialam ang mama ni Francis sa hindi pagpaparamdam ng anak niya, ngunit binalewala ko na lang 'yun.

Bus Terminal 9:00am

Nakakuha na ako ng upuan at nasa kalagitnaan ako sa pangdalawahan na upuan. Habang nakaupo baon ang pag-asa na makikita ko at magiging maayos ang lahat kapag nagkasama na kami ulit ng asawa ko. Pinikit ko ang mata ko ng magsimula ng mag-akyatan ang ibang pasahero dahi aalis na ang bus.

"Hi,"

Napadilat ang mata ko at nakita ko ang lalaking nakangiti sa akin at mukhang magkaedad lang kami. Bente singko ako at matanda sa akin si Francis ng dalawang taon. Napansin ko ang kamay niya na nakalahad sa akin.

"Ako nga pala si, David." Muling sabi niya at hindi niya inaalis ang kamay niya na nakalahad sa akin.

Nahiya naman ako kaya kahit nag-aalangan ay inabot ko ang kamay niya.

"Elisa," sagot ko at mabilis na inalis ko na agad ang kamay ko.

"Nice name, first time mo ba luluwas ng Maynila?" Tanong niya at tumango lang ako. "Ako, ilang ulit na pabalik-balik na lang." Natatawang sagot niya habang inaayos ang bag na dala niya sa itaas.

Ngumiti lang ako at binaling ko ang atensiyon ko sa bintana dahil nagsimula na itong umandar. Hindi ko naman maiwasan na hindi mapatingin ng lihim dito sa lalaki habang busy ito sa hawak niyang cellphone na mukhang mamahalin.

"Hays, ang mga babae talaga masiyadong demanding."

Narinig ko na bigkas niya pero binalewala ko lang 'yun dahil siguro sa kausap niya 'yun sinasabi. Lumipasa ang oras at nakatulog na ako dahil na rin sa maaga akong nagising kanina.

"Hey, come on. Elisa, bus stop na tayo."

Napamukat ako ng mata at nakita ko ang katabi ko. Napalingon pa ako sa paligid dahil nagbabaan na ang ibang pasahero.

"Baka iniisip mo nasa Maynila na tayo, bukas pa tayo darating doon. Come on, mag lunch na tayo." Aya nito na nakangiti.

Pilit na ngumiti ako at umayos ako ng upo, inayos ko rin ang sarili ko. Nagtataka man ako dito sa lalaki dahil ba parang kumportable siya sa akin kahit ngayon lang niya ako nakilala. Naiilang ako sa kaniya. Bumaba na ako ng bus at nauna itong lalaki, nagsimula ng kumain ang ilang pasahero. Hindi ko naman alam kung ano ang kakainin ko.

"Elisa, halika dito."

Hinanap ko ang tumawag sa akin at nakita ko yung si David na nagpakilala sa akin na nakaupo at wala itong ibang kasama. May pagkain na ito sa lamesa at napansin ko na pangdalawahan ang pagkain niya.

Alanganin na lumapit ako pero ginawa ko at naiilang akong umupo ng alukin niya ako.

"Dalawa na ang inorder ko, pero huwag kang mag-alala libre ko 'yan sa'yo. Malay ko kapag nagkita tayong muli, ikaw naman ang manglilibre sa akin." Nakangiting sabi niya.

"Hindi mo na sana ako binilhan nakakahiya." Sagot ko lang sa kaniya.

"Huwag mo na isipin 'yun sige na kumain ka na, masamang pinaghihintay ang pagkain." Nakangiti muli siya habang kumakain na.

Walang nagawa at kinain ko ang pagkain dahil na rin nga sa masasayang ito. At isa pa mamaya lang 'ay aalis na ulit ang bus. Matapos kumain ay bumalik na kami sa bus at muling naupo. Nagsimula namang umandar ulit ang bus.

"Siya nga pala, Elisa. Ano pala ang gagawin mo sa Maynila? Maaari ko bang malaman, pero kung ayaw mo ayos lang." Nilingon niya ako.

"Hahanapin ko ang asawa ko." Sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Napansin ko na hindi siya agad sumagot.

"Ah, may anak na kayo?" Muling tanong niya at umiling ako.

Wala na akong narinig na salita mula sa kaniya kaya pinasiya ko ng matulog dahil bukas na bukas 'ay darating na ako ng Maynila.

-------

Manila 4:00 am

Pagbaba ko ng bus sumalubong agad sa akin ang maraming tao dahil sa kaniya-kaniyang sundo sa mga kasama kong pasahero. Nakatingin ako sa paligid at sa mga matataas na gusali.

Ito na ba ang Maynila? Kinakabahan ako, pero nandito ako para hanapin ka Francis.

Piping bulong ko sa isipan ko at nag-iisip ako kung saan ako sasakay dahil hindi ko rin talaga alam. Alam ko 'yung lugar na pupuntahan ko pero hindi ko alam kung paano pumunta doon.

"Elisa, ano saan ka na? Sandali, alam mo ba kung saan ka pupunta?"

Napatingin ako kay David akala ko ay umalis na ito dahil bigla siyang nawala. Bitbit na niya ang bag niya kanina habang hawak ang phone niya.

"Ha? A-ano kasi."

"Sandali, saan ba punta mo para matulungan kita?" Nakangiting tanong niya.

"Talaga? Salamat, hindi ko rin talaga alam kung saan ako sasakay. Alam ko lang kung saan ako pupunta doon sa sinabing Hotel & Restaurant, ang pangalan no'n De La Villa." Sagot ko sa kaniya at napatango-tango siya.

"Halik doon tayo mag-abang ng masasakyan." Aya niya sa akin at sumunod ako sa kaniya.

"Salamat ah, mabuti nandiyan ka may tumulong sa akin." Wika ko dahil kahit nailang ako sa kaniya simula ng makilala ko siya nawala 'yun dahil nga ito tutulungan niya ako.

"Wala 'yun saka magkababayan tayo." Nakangiting sabi niya.

Bigla naman tumunog ang phone niya at sinagot niya ito agad.

"Oo nandito na ako, pumunta ka na." Sagot nito sa kausap niya.

Hindi ko naman 'yun pinansin dahil busy ang mata ko sa may kalsada na maraming nagdadaan na mga sasakyan. Kahit mediyo madilim pa dahil madaling araw, nakita ko ang mga naglalakihan na building at ang sinasabi na tren sa itaas.

"Yung sundo ko sabi ko pumunta na dito."

Napalingon ako sa kaniya. "Mabuti may sundo ka." Sagot ko lang at biglang may humintong malaking itim na sasakyan sa harapan namin at bumukas ang pinto no'n.

May lumabas na ilang lalaki at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil ang tanda ko na lang 'ay yung may tinapal sa bibig ko na dahilan para mawalan ako ng malay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Exclusive For Him   Chapter 30

    Sobrang saya ko dahil marami man ang nangyari sa amin ni Smael, ito siya ngayon sa tabi ko. Pati ako ay naiyak dahil sa nakikita kong pag-iyak ni Smael habang hawak niya ang kamay ko. Ngayon lang ako nakakita ng lalaki na umiiyak at damang-dama ko 'yun."Smael," sambit ko sa pangalan niya dahil yumugyog balikat niya dahil sa pag-iyak."M-masaya lang ako." Sagot niya at dinampian niya muli ng halik ang kamay ko. Wala akong pasidlan ng saya dahil sa mga narinig ko kay Smael, inasikaso niya ako hanggang sa makalabas na ako ng hospital.--------Isang buwan ang lumipas ng i-uwi ako ng Smael muli sa bahay niya at tuwang-tuwa sila Nanay Emma at Brenda dahil sa pagbalik ko. Samantala, lagi namang busy si Smael at sabi niya trabaho lang daw. Nasa kusina ako habang busy sila Nanay Emma sa pagluluto, gusto kong tumulong ngunit ayaw nilang pumayag."Brenda, bakit nga pala umalis na lang bigla si Andrea?" Tanong ko dahil pagdating ko dito wala na si Andrea."Nako, ewan ko doon sa babae na 'yun

  • Exclusive For Him   Chapter 29

    AN: Hello po sa lahat ng nagbabasa nito, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat dahil nagustuhan niyo ang story na ito. Sana'y basahin niyo pa rin ang mga susunod ko na mga story n darating. 😘❤❤❤---------Napangiti ako at pinahiran ko ang luha ko dahil malinaw ko ng nakita si Smael kahit pa mediyo malayo siya sa akin, dahil siya mismo ang nagpapaandar ng motor boat na kinasasakyan niya. "Fuck you Smael! Bakit hindi ka pa mamatay!" Napalingon ako kay Javier dahil sa sinabi niya at napatingin ako sa ginagawa niya. May mahabang bag ito na binubuksan at ng makita ko ito ay isang mahabang baril. "J-Javier," sambit ko dahil natatakot ako sa balak niya. Tiningnan niya lang ako at lumapit siya sa puwesto ko, inaayos niya ang mahabang baril o hindi ko alam kung anong tawag doon dahil nakikita ko lang 'yun sa mga palabas. Kapag tinamaan ko no'n siguradong sasabog ka."Dapat ka ng mawala sa mundo, Smael!"Balak kong pigilan si Javier pero napaputok na niya ito at mabuti sa gilid lang tumama

  • Exclusive For Him   Chapter 28

    "Boss, may nakasunod raw sa likod na kotse at kung hindi ako nagkakamali si Smael 'yun." Napaangat ang mukha ko dahil sa malalim na pag-iisip ko dahil sa nangyari kanina sa amin ni Elisa, hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para subukan na halikan siya. At naasar ako dahil siya lang ang tumanggi sa akin, gusto kong magalit pero hindi ko magawa."Siguraduhin niyo kung siya nga 'yun." Wala sa sariling sagot ko at muli kong binaling ang atensyon ko sa labas ng bintana.Alam kong narito na si Smael kaya kailangan kong ilipat ng lugar si Elisa, kaya ngayon pa lang dadalhin ko na siya sa ibang lugar. Kilala ko si Smael, gagalaw na 'yun agad dahil hindi 'yun nagsasayang ng oras."Boss, kumpirmado na si Smael."Napalingon ako at nakaramdam ng galit. "Tangin* paano niya tayo nasundan!?" Malakas ang boses na wika ko kay Alex habang nagmamaneho ito at may kausap sa headset na suot niya."Hindi ko rin alam boss, sinugurado namin na walang nakakita o nakasunod sa atin. Pero hindi ko ito

  • Exclusive For Him   Chapter 27

    Hindi ko inaasahan na makikita ko si Elisa sa kasiyahan ni Mr. Ferrer, kilala ko siya ngunit hindi niya kilala ang pagkatao ko. Lihim ang pagkatao ko sa iba, kaya naman malaya akong nakapunta sa okasyon na 'yun. Ang balak ko ay kumalap ng balita o makakuha ng impormasyon kay Javier at iniisip ko rin na pupunta ang Javier na 'yun dito. Ngunit hindi ko inaasahan na isasama nito si Elisa.Sa pagdating pa lang nila nakaabang na kami ni Alex, nakita ko si Elisa pagbaba nito sa sasakyan. Naasar ako kay Javier at kung puwede lang ay binaril ko na ito dahil sa pagkakahawak nito kay, Elisa. Nagpigil ako dahil hindi ako puwede gumawa ng hakbang na ikakapahamak namin lalo na ni, Elisa.Hindi biro ang pinasok ko na lugar at kunting pagkakamali lang tapos ang plano ko. Naghanap ako ng pagkakataon upang malapitan si Elisa, wala akong balak na magpakilala sa kanya gusto ko lang siya malapitan. Pero hindi ko inaasahan ang paghalik niya sa akin. May kung ano akong naramdaman sa dibdib ko kaya hindi ak

  • Exclusive For Him   Chapter 26

    AN: Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-abang at nagalit sa akin dahil binitin ko kayo. 😂 Char! Love you all guys! Now, di na kayo mabibitin dahil tatapusin ko na ito, enjoy fucking reading! 😘-------------Smael...Sambit ng isipan ko at bigla na lang tumulo ang luha ko dahil kahit nakatakim ang kalahati ng mukha niya alam kong siya 'yun. Kilala siya ng puso ko, kumilos ang isang kamay ko at marahan na humaplos sa pisngi niya, sumunod ang isa ko pang kamay. Dinama ng dalawa kong palad ang magkabilaan niyang pisngi, tiningnan ko ang labi ang ilong niya sumunod ang mata niya. Kusang lumapit ang mukha ko at hinagkan ko ang labi niya, wala akong pakialam kung marami pang tao dito na makakakita sa akin. Hindi siya gumagalaw pero hinayaan ko lang dahil sobrang miss na miss ko na siya.Pinahiran ko ang luha ko matapos ko siyang siilin ng halik. "Smael, alam kong ikaw 'yan at--""Hindi ka dapat nakikipagsayaw kung kani-kanino lang." "J-Javier, sandali." Wika ko ng hatakin niya ako n

  • Exclusive For Him   Chapter 25

    "Javier," sambit ko at dahan-dahan siyang lumapit sa akin at napatalikod ako paharap sa salamin. Dahil halos makita na ang dibdib ko, hanggang sa makita ko na si Javier sa likod dahil sa salamin. "Bagay na bagay 'yan sa'yo." Hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman sa klase ng pagsasalita ni Javier, naramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. "Aa... Javier, halika na tapos naman na akong pumili ng damit, u-umuwi na tayo." Wika ko at umiwas ako sa kanya dahil naiilang ako.Wala naman akong narinig na salita sa kanya at nagpalit na ako ng damit dahil lumabas na siya. Paglabas ko hindi ko nakita si Javier, hinanap siya ng mata ko at nagulat na lang ako ng may humawak sa kamay ko. "Halika na." Sabi niya habang bit-bit ang paper bag. Hindi ko na nagawang mag-react pa ng hatakin na niya ako sa kamay, gusto ko man alisin ang pagkakahawak niya sa kamay ko hindi ko na ginawa. Hanggang sa makarating na kami ulit sa kotse niya.Tahimik na kami ulit dito sa loob, pansin ko ang katahi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status