Share

Chapter 24

Author: AnneVillamin
last update Petsa ng paglalathala: 2026-11-04 16:21:43

​Kinabukasan ng hapon, tahimik na nakaupo si Elena sa gilid ng kama sa guest room.

​Narinig niya ang dalawang mahinang katok sa pinto bago ito dahan-dahang bumukas. Pumasok si Manang Maria na nakatayo nang tuwid at pormal ang mukha.

​"Mrs. Smith, dumating na po ang designer na ipinadala ni Sir Markus," malamig na sabi ng matandang mayordoma. "Nasa living room na po sila sa ibaba."

​Tumango si Elena habang marahan na tumatayo mula sa kama. "Salamat po, Manang. Bababa na po ako."

​Walang imik na
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 24

    ​Kinabukasan ng hapon, tahimik na nakaupo si Elena sa gilid ng kama sa guest room. ​Narinig niya ang dalawang mahinang katok sa pinto bago ito dahan-dahang bumukas. Pumasok si Manang Maria na nakatayo nang tuwid at pormal ang mukha.​"Mrs. Smith, dumating na po ang designer na ipinadala ni Sir Markus," malamig na sabi ng matandang mayordoma. "Nasa living room na po sila sa ibaba."​Tumango si Elena habang marahan na tumatayo mula sa kama. "Salamat po, Manang. Bababa na po ako."​Walang imik na tumalikod si Manang Maria at naunang maglakad patungo sa hagdanan. Sumunod si Elena mula sa likod. Mabagal pa rin ang kanyang bawat hakbang dahil kumikirot pa rin ang pasa sa kanyang balakang, ngunit pinilit niyang huwag magpakita ng kahinaan.​Pagdating sa malawak na living room ng mansyon, naratnan ni Elena ang isang kilalang fashion designer—si Madame Monique—kasama ang dalawang assistant nito na may bitbit na mga measuring tape, notebook, at ilang halimbawa ng mga mamahaling tela.​"Good af

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 23

    ​Tahimik ang buong silid habang nakaupo si Elena sa gilid ng kama sa guest room. Sa bawat pagtik-tak ng orasan sa dingding, nararamdaman niya ang matinding paninikip ng kanyang dibdib. Paulit-ulit na nagbabalik sa kanyang isip ang salita ni Markus kagabi sa ospital.​Gawa lang 'yun ng pagkamiss ko kay Aira.​Bumaon ang mga salitang iyon sa puso ni Elena na parang matalas na kutsilyo. Napapikit siya nang mariin habang dahan-dahang pumatak ang mainit na luha sa kanyang pisngi. Kahit ano pa ang gawin niyang pag-aalaga, kahit gaano pa siya magtiis sa malamig na pagtrato sa mansyong ito, palagi at palagi pa ring si Aira ang nasa puso ni Markus. Para sa bilyonaryo, isa lamang siyang anino at kapalit sa taong nawala rito.​Mabagal na nahiga si Elena sa kama ng guest room at itinagilid ang kanyang katawan. Masakit pa rin ang kanyang balakang mula sa pagkadulas sa basement, ngunit mas matindi ang kirot na nararamdaman ng kanyang puso.​Samantala, sa loob ng kanyang study room sa dulo ng hallwa

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 22

    ​Napatigil si Elena nang halikan siya ni Markus. Ang halik na iyon ay puno ng mga itinagong emosyon.​Naramdaman ni Elena ang init sa kanyang mga pisngi. Mabilis ang tibok ng kanyang dibdib. Pilit niyang hinawakan ang balikat ni Markus para makatayo nang maayos. Ang braso naman ng lalaki ay maingat na nakahawak sa kanyang balakang para hindi masaktan ang kanyang pasa.​Sa gitna ng halik, dahan-dahang lumambot ang galaw ni Markus. Hindi na ito tulad ng nakasanayang matigas at galit nitong kilos. Naging mabagal ang halik nito na parang may halong pagmamahal.​Nang maramdaman ni Markus na hindi tumutugon si Elena, marahan niyang ibinaba ang kanyang mga labi sa pisngi ng dalaga bago tuluyang huminto. Nakasandal ang kanyang noo sa noo ni Elena habang pareho silang mabilis ang paghinga sa tahimik na kwarto ng ospital.​Nakatitig si Markus sa mga mata ni Elena habang hawak ang pisngi nito. Sa kauna-unahang pagkakataon, walang natitirang lamig o galit sa kanyang mukha.​"Markus..." mahinang p

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 21

    ​Hindi agad nakapagsalita ang bilyonaryo. Ang simpleng tanong ni Elena ay tila sumaksak sa kanyang pride. "Bakit nga ba siya naroon? Bakit pagkatapos ng mahabang araw sa opisina, sa halip na umuwi sa mansyon para magpahinga, ay nagmamadali pa siyang pumunta sa ospital?"​Ibinaba ni Markus ang kanyang tingin at ibinalik ang malamig na mukha.​"Dahil gusto kong makasiguro na mabilis kang gagaling," malamig nitong sagot habang lumalapit sa kama. "Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, Elena. Kailangan mong pumunta sa Charity Gala sa susunod na buwan. Kailangan mong humarap sa media at sa mga opisyal bilang asawa ko. Kaya dapat healthy ka haharap sa kanila."​Napatitig si Elena sa mukha ng lalaki. "Ganoon na lang ba kababa ang tingin mo sa akin? Isang bagay na kailangang ayusin kapag nasira dahil gagamitin mo pa?"​Kumunot ang noo ni Markus. Nagulat siya sa tapang ng dalaga. Sa mga nakaraang linggo, nasanay siyang tumatango at sumusunod lang si Elena sa lahat ng utos niya. Pero ngayon, k

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 20

    ​Pumatak ang luha mula sa gilid ng mata ni Elena habang nakatitig sa malamig na mukha ni Markus. Masakit sa kanyang dibdib ang mga salita ng lalaki. Ipinapamukha pa rin nito sa kanya na may pangalang kailangang protektahan mula sa tsismis ng media.​"Naintindihan ko, Markus..." pabulong na sagot ni Elena. Nanginginig ang kanyang boses habang pilit niyang itinatalikod ang kanyang mukha upang itago ang kanyang. "Salamat... salamat sa pagdadala sa akin dito sa ospital."​Hindi agad nakagalaw si Markus sa kanyang kinaroroonan. Nakatayo siya malapit sa pinto, nakakuyom ang kanyang dalawang kamay sa loob ng mga bulsa ng kanyang slacks. Nakita niya ang pagpatak ng luha sa pisngi ni Elena at ang dahan-dahang pagpikit ng mga mata nito. May matinding kirot na humagupit sa kanyang sariling dibdib."​Dapat masaya ka, Markus," sabi niya sa kanyang sarili. "Dapat ay natutuwa kang nakikita siyang nasasaktan dahil sa ginawa niya sa inyo ni Aira."​Huminga nang malalim si Markus at pinalakas ang kany

  • FAKE MARRIED TO HIS REVENGE   Chapter 19

    ​Nakatitig si Markus sa dugong umaagos mula sa ulo ni Elena. Natapon din ang sabon at tubig sa semento ng basement. Sa bawat patak ng dugo sa sahig, biglang nakaramdam ng matinding takot si Markus. Ang galit at poot niya para kay Elena ay biglang napalitan ng matinding kaba at taranta.​"Elena! Pakiusap, gumising ka! Elena!"​Nanginginig ang boses ni Markus habang maingat niyang inaangat ang walang malay na katawan ng dalaga. Idinikit niya ito nang mahigpit sa kanyang dibdib. Natatakot siya dahil ayaw talagang gumalaw ni Elena. Naramdaman din niya ang matinding lamig ng mga kamay nito at ang mabilis ngunit mahinang paghinga nito.​Narinig ni Manang Maria ang sigaw ni Markus kaya patakbo itong bumaba sa basement. Napatigil ang matandang mayordoma sa hagdanan nang makita ang eksena sa kanyang tapat. Si Markus ay nakaluhod sa basang sahig habang karga si Elena, bakas ang matinding takot at panginginig sa buong mukha.​"Diyos ko... Sir Markus, anong nangyari?!" gulantang na tanong ni Mana

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status