FAKE MARRIED TO HIS REVENGE

FAKE MARRIED TO HIS REVENGE

last updateLast Updated : 2026-10-24
By:  AnneVillaminUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
13Chapters
16views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"She married for love. He married for revenge." Para kay Elena, ang pagpapakasal kay Markus Smith ang pinakamasakit ngunit pinakamatamis na sakripisyo ng kanyang buhay. Tinitiis niya ang bawat pambabatikos, malamig na titig, at malupit na parusa ng lalaking lihim niyang minamahal—lahat ng ito ay para mailigtas ang kanyang pamilya at masuklian ang taong minsang tumulong sa kanya. Sa gitna ng lahat ng paghihirap, isang munting liwanag ang dumating: buntis si Elena. Umaasa siyang ang sanggol na kanyang dinadala ang magiging dahilan upang lumambot ang matigas na puso ni Markus. Ngunit isang gabi, tuluyang pinatay ng isang katotohanan ang natitira niyang pag-asa. “Peke lang ang kasal namin. Kahit kailan, hindi ko mamahalin si Elena.” Ang mga salitang iyon, mula mismo sa bibig ni Markus, ang naging huling dagok sa pusong matagal nang nagtitiis. Kung ang kanilang kasal ay isang malaking kasinungalingan at ang pag-ibig ay isa lamang pangarap… nararapat pa bang malaman ni Markus ang tungkol sa kanyang pagbubuntis? At kapag tuluyan nang matuklasan ni Markus ang lihim na pilit itinatago ng babaeng kanyang pinapahirapan, ipagpapatuloy pa rin ba niya ang kanyang marahas na paghihiganti o ang sarili niyang galit ang tuluyang maglalayo sa tanging babaeng tunay na nagmamahal sa kanya?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Nanginginig ang mga kamay ni Elena habang hawak ang basong may alak. Sa kabilang dulo ng mamahaling restobar na iyon, nakaupo si Markus Smith—ang boyfriend ng kanyang matalik na kaibigang si Aira. Bagaman madilim at may kaunting liwanag lang mula sa ilaw na kinaroroonan nito, kitang-kita pa rin ang likas na taglay nitong karisma: ang matatag na panga, ang matatalim at malalalim na mata, at ang tindig ng isang lalaking sanay na sinusunod at ginagalang ng lahat sa mundo ng negosyo. Si Markus ang may-ari ng tanyag na Smith Corporation na napakarami nang branches sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Subalit sa gabing ito, ang lalaking ito na tinitingala at kinatatakutan ng marami ay nakatakdang maging biktima. At ang higit na nakakadurog ng puso ni Elena ay siya mismo ang gagamiting sandata para masaktan ito.

"Siguraduhin mong mauubos niya 'yan, Elena," bulong ni Aira sa tabi niya. Mabilis at halatang kabado ang bawat paghinga ng babae, bakas ang labis na kaba at takot sa mga mata nito. Iniwan lang nila nang saglit si Markus para kausapin siya ni Aira. "Kapag hindi mo ginawa 'to, hindi ako makakawala sa kanya. Habambuhay ako matatali sa relasyong 'to."

Tumingin si Elena kay Aira. Maganda, mayaman, kilala sa lipunan, at tila nasa kanya na ang lahat ng pangarap ng isang karaniwang babae.

"Aira, mali 'to," mariing apela ni Elena habang mas hinihigpitan ang hawak sa baso. "Bakit ito pa ang naisip mong paraan? Bakit hindi mo na lang tapatin si Markus na may iba ka nang mahal? Na hindi mo na siya gusto at gusto mo nang makipaghiwalay nang maayos?"

"Kilala mo si Markus, mahal na mahal niya ako kaya hindi 'yon papayag sa hiwalayan," marahas na hinawakan ni Aira ang magkabilang balikat ni Elena. "Alam ko sisirain niya ang kumpanya ni Jerome kapag nalaman ni Markus na ito ang dahilan kaya makikipaghiwalay ako!Papabagsakin niya ang buong pamilya ni Jerome! Kilala mo si Markus, Elena... gumaganti siya. Hindi siya kailanman pumapayag na siya ang naiisahan, naloloko, o nasasaktan sa huli.

Huminga nang malalim si Elena habang pumipikit nang mariin. Muli niyang ibinaling ang kanyang tingin sa kinaroroonan ni Markus. Alam ni Elena na sinagot lang ni Aira si Markus hindi dahil mahal niya ito, kundi para gamitin ito ng pamilya ni Aira, para sa negosyo. Masakit para sa kanya na makitang patuloy na niloloko si Markus ng babaeng buong puso nitong minahal at pinagkakatiwalaan sa loob ng dalawang taon nitong magkasintahan.

Naisip ni Elena: Hindi ko hahayaan patuloy na lokohin si Markus. Kung gagawin ko 'to, matatapos na ang pagpapanggap ni Aira. Masasaktan man si Markus ngayon, kahit papano, makakawala na siya sa babaeng hindi naman siya totoong mahal at ginagamit lang siya.

Kahit na alam niyang galit, poot, at pagkamuhi lang ang pwedeng ibalik sa kanya ng lalaki pagkatapos ng gabing ito, nakahanda siyang maging masama sa mata nito para lang hindi ito lokohin nang matagal ni Aira. At higit sa lahat, pumayag siya dahil sa isang lihim na dahilan na kahit kailan ay hindi niya mailantad kanino man, mahal na mahal niya si Markus. Lihim niyang inibig ang kasintahan ng kanyang kaibigan mula pa noong unang araw na makilala at makasama niya ito.

"Pumapayag na ako," malamig at marahang sabi ni Elena, sabay iwas ng tingin.

Tumango si Aira, halatang nabawasan ang matinding tinik at bara sa kanyang dibdib. "Salamat, Elena. Salamat nang marami. Huwag na huwag kang aamin na ako ang nagplano nito. Ngayon lang ako humingi ng pabor sa 'yo sa dami ng naitulong ko sa 'yo."

Hindi maipagkakaila ni Elena ang katotohanang iyon. Si Aira ang nag-iisang tumulong sa kanya para makapagtrabaho sa kumpanya ni Markus. Naging matalik niyang kaibigan noong panahong bagong salta pa lang siya sa Maynila. Umiiyak siya noon sa isang waiting shed dahil ubos na ang kanyang baong pera at wala pa rin siyang mahanap na trabaho, kahit nakacollege graduate naman siya. Ayaw niyang umuwi sa probinsya nila sa Bicol dahil napakahirap ng buhay doon at kailangan niya ng pera para sa tatay niya may sakit. Napadaan noon si Aira, dahil naawa ito sa kanya, ito ang tumulong sa kanya. Ito ang nagbayad sa tatlong buwang renta ng kanyang apartment, at ito rin ang nangulit kay Markus para makapasok siya sa kumpanya nito bilang Junior Marketing Assistant. Mula noon ay naging matalik na silang magkaibigan ni Aira. Kaya ngayon, utang na loob niya kay Aira kung bakit malaki ang perang naipapadala niya sa kanyang mga magulang sa Bicol.

"“Pagkatapos mong painumin si Markus ng alak na yan na may pampatulog, dalhin mo siya sa kuwarto sa itaas ng restobar , may staff na lalapit saiyo para tulungan ka at magpanggap kang may nangyari sa inyong dalawa." ani ni Aira. "Iyon ang gagamitin kong dahilan para makipagkalas sa kanya. Sa ganitong paraan, iisipin niyang ikaw at siya ang nagtaksil sa akin, at hindi niya kailanman maiisip na may iba akong relasyon. Sa gayon, hindi niya magagalaw o mapapabagsak ang kumpanya ni Jerome."

Ikinuyom ni Elena ang kanyang kamao. Siya ang lalabas na masama, ang ahas sa paningin ni Markus.

Bitbit ang baso ng alak at ang napakabigat na pasanin sa kanyang dibdib, dahan-dahang naglakad si Elena patungo kay Markus.

"Elena?" gulat na bati ni Markus nang maiangat nito ang tingin at makita siya. Bahagyang lumambot ang pormal at matalim nitong mukha nang makilala siya. "Where’s Aira? I thought you’d only talk for a moment.?"

"Umalis saglit... may emergency call lang mula sa parents niya, babalik din 'yon agad," pilit na ngumiti si Elena habang nauupo sa bakanteng upuan sa tapat nito, pilit na itinatago ang panginginig ng kanyang boses. "Inutusan niya akong dalhan ka ng inumin habang naghihintay ka sa kanya."

Tumingin si Markus sa basong inabot ni Elena, walang anumang pagdududa o pag-aalinlangan sa kanyang mga mata.

"Salamat," simpleng sabi ni Markus at direktang ininom ang alak hanggang sa maubos ito.

Nakatitig lang si Elena habang lumalagok ang lalaki. Bawat paggalaw ng leeg nito ay tila pumupunit sa puso at kaluluwa ni Elena. "Patawarin mo ako, Markus, "sigaw ng kanyang isip habang nasasaktan para dito sa gagawin niya. "Patawarin mo ako dahil kailangan kong gawin 'to para makawala ka na sa relasyon niyo ni Aira na hindi ka naman talagang minahal."

Lumipas ang ilang minuto at nagsimula nang humina ang galaw ni Markus. Napahawak ang lalaki sa kanyang ulo, kumunot ang noo nito sa biglang pagkabigat ng kanyang mga talukap at pag-ikot ng kanyang paningin.

"Bakit... bakit biglang..." bulong ni Markus, halos hindi na makapagsalita nang maayos habang unti-unting bumabagsak ang nanlalambot nitong katawan sa ibabaw ng mesa.

Agad na lumapit si Elena at inalayan ang lalaki bago pa ito tuluyang matumba. Sa tulong ng isang staff ng Resto bar, nadala nila ito sa kwartong maagang inupahan ni Aira sa itaas na palapag ng gusali.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
13 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status