Ang mga luha sa kanyang mga mata ay tuloy-tuloy sa pag-agos. "Pakiusap, Markus! Huwag ang pamilya ko! Ako na lang... ako na lang ang parusahan mo, huwag mo lang idamay ang tatay ko! Wala siyang kasalanan sa 'yo!"Tinitigan siya ni Markus mula sa itaas nang walang kahit katiting na awa. Ang panlalamig sa kanyang mga mata ay tila mas matindi pa habang tumatagal."Wala rin akong kasalanan sa 'yo, Elena," malamig at pabulong na ganti ni Markus habang itinuturo ang sariling dibdib. "Pinagkatiwalaan kita dahil kaibigan ka ng babaeng mahal ko. Pero anong ginawa mo? Sinira mo ang buhay ko, ang pangalan ko, at ang relasyon ko kay Aira. Nagmakaawa ako sa 'yo na sabihin mo kay Aira ang totoong nangyari pero ano ginawa mo?"Napatungo si Elena. Gustong-gusto niyang sabihin ang totoo. Gustong-gusto niyang isigaw na si Aira, ang babaeng patuloy nitong pinoprotektahan ang totoong nagplano sa lahat ng ito. Pero kapag ginawa niya iyon, lalabas na walang silbi ang sakripisyong ginawa niya, at alam niya
Last Updated : 2026-10-07 Read more