"ELLAINE MANANSALA, GUMISING KA NA!!!!! ISA!"
Umikot ng higa si Ellaine at tinakpan ng unan ang tenga. Ang ingay ingay naman kasi! Kitang natutulog siya, mambubulabog pa!"DALAWA! ELLAINE!!!!"Inis na ginulo niya ang buhok niya. Padabog na tumayo siya at pupungay-pungay na binuksan ang pinto niya. Patay talaga sakanya ang pesteng nambubulabog.Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay niready niya na ang bibig niya sa pagsigaw. "BLOODY HELL! TULOG ANG TAO OH! ANG AGA AGA NAMBUBULABOG KA! ANG GANDA NG PANAGINIP KO, ANDUN NA EH! MANANALO NA AKO SA BIDDING, BUT NO! YOU JUST INTERRUPTED ME!" Pikit na sigaw niya sa taong nasa harapan niya. Antok na antok pa talaga siya. "Ang baho ng hininga mo." Bigla niyang minulat ang mga mata at nakita niya ang nakahalukipkip na si Mico habang nakangisi. Bigla niyang tinakpan ang bibig ng kamay niya. Huminga siya para maamoy ang hininga. Hindi naman mabaho! Sira-ulo 'to ah!Nameywang siya sa harapan nito. "Hoy! FYI, mabango ang hininga ko." Bumuga pa siya sa harap nito. Natawa naman si Mico. "Alam mo ba kung ano ang itsura mo ngayon?"Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumakbo sa harap ng salamin. Shit lang talaga! Pangalawang beses na ito na humarap siya kay Mico sa hindi kaaya-ayang itsura. Napapikit siya ng mariin. "Ano ba ang kailangan mo?!" Mataray na tanong niya rito. "I told you last night, be up at six am. Five thirty na po, maligo ka na at magbihis. Sumunod ka sa may vegetable farm maghaharvest tayo.""What? Ayoko nga sabing magtrabaho!" Inis na sabi niya rito. Ngumisi lang si Mico sakanya. "And I told you before that there's nothing you can do about it. You have nothing. You have to work for you to live. Dahil hindi lahat ng kailangan mo ihahain sa'yo. Tandaan mo, Ellaine. Nasa puder na kita, hindi ako ang parents mo. Kung gusto kitang pagtrabahuin, dapat gawin mo." Sabi nito habang matamang nakatingin sakanya. "Aalis ako rito!" Dabog niya. Tumawa naman si Mico na parang isang kahibangan ang sinasabi niya. "Nagpapatawa ka ba? Ano sa wala kang pera at kotse ang hindi mo maintindihan? Paano ka makakauwi? You know that our ranch is private. Wala kang makikitang pakalat kalat na tao o sasakyan. Anim na oras ang layo ng bayan. Kaya mo lakarin iyon?"Naiinis siya rito dahil tama ito! Pinipigilan na niya ang sarili na sabunutan ang buhok nito. Lumapit sakanya si Mico. "If you really want to get out of here, you should follow my orders. That's the only way, you can go home." He leaned forward at her. He patted her head like she was the same girl back then. "So be a good girl, sweetie. Six am, dapat naroon ka na sa farm. Okay?""I SAID DON'T CALL ME THAT!" Pero itong si Mico, tinawanan lang siya. Tumalikod na ito at nilagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay. "See you, sweetie!" Pahabol na sabi nito bago isara ang pintuan niya. "AHHH! DON'T CALL ME THAT!"-------Kanina pa nakatulala kay Ellaine sina Mico at ang mga trabahador sa loob ng vegetable farm. She just rolled her eyes behind her sunglasses. Naiirita siya kay Mico. Ang dami-dami niya naman palang trabahador, bakit kailangan pa siya nitong isama? Besides, ang dumi-dumi kaya! Ang putik! Ang init pa! Lalo na kapag pinagsama-sama ang amoy ng mga pawisang trabahador!She lifted her forefinger to brush her nose. Kanina pa siya rito, pero maglilimang minuto na ay nakatayo parin siya. Finally, mukhang natauhan naman na si Mico at nilapitan siya ng iiling-iling. "What are you wearing, Ellaine?" Manghang tanong nito habang isa-isang tinignan nito ang suot niya. "My farming clothes." Simpleng sagot niya rito. "Makakapagtrabaho ka ba sa suot mong iyan?" Gulat na tanong ni Mico. "Of course. Pipitas lang naman ng gulay, hindi ba?"What is the problem of her clothes?She's wearing her Balmain embellished tank top, Balmain studded cargo pants and her Christian Louboutin tuba boots. Well, ito lang ang nakita niya sa wardrobe niya na close enough sa 'farming'. Buti nga hindi na siya naglagay ng make-up and jewelries dahil baka humulas at mawala lang. "Bahala ka nga. Oh, ito ang basket. Pitasin mo ang mga kamatis na okay na." Pag-aabot nito sakanya ng isang basket. Inis na kinuha niya iyon mula rito. Pagkakuha niya ay bumalik na si Mico sa ginagawa.Nilibot naman niya ang paningin sa farm, at napansin niyang nakatingin parin sakanya ang ibang trabahador. Hinarap niya ang mga ito at inalis ang glasses niya. Tinaasan niya ang mga ito ng kilay. "What?"Mabilis pa sa alas kuwatrong iniwas ng mga ito ang mga tingin nila. "Tch." Napaismid nalang siya sa mga ito. Isinuot niyang muli ang glasses niya at hinanap ang mga kamatis. Para siyang supervisor sa ginagawa niya dahil lumalakad lang siya at isa-isang dinaraanan ang mga nagtatrabaho. "Nasaan na ba ang mga kamatis na iyon?" Tanong niya sa kanyang sarili. Kanina pa siya paikot-ikot sa buong farm pero wala siyang makitang kamatis. "Saan ka ba pupunta, Ellaine? Sabi ko mamitas ka na ng mga kamatis." Paglapit sakanya ni Mico. "Nasaan ba kasi ang mga kamatis?" Naiinis na niyang tanong. Grabe, pinagpapawisan na siya hindi pa man siya nagsisimula sa trabaho. Napabuga nalang ito ng hangin. "Hannah." Tawag nito. Nakita naman niyang tumayo iyong babaeng mukhang lalaki na nakita niya kagabi."Bakit?" Nakangiting tanong nito. Naningkit ang mga mata niya rito. May kakaiba sa ngiting iyon, isip niya. "Pakisamahan nga itong si Ellaine, at ipakilala mo sakanya ang mga kamatis." Tumango lang si Hannah at inaya na siya. "Halika na, Ellaine."Nilingon niya ito at tinaasan ng kilay. "Close tayo? Miss Ellaine ang itawag mo sa'kin." At nauna na siyang naglakad. Pero napatigil siya nang mapagtanto hindi nga niya pala alam kung nasaan naglulungga ang mga kamatis. Inis na nilingon niya si Hannah na kausap pa si Mico. Bigla siyang nakaramdam ng inis sa mga ito. "Hannah! Ano ba?! Halika na! Ipapakilala mo pa ako sa mga kamatis hindi ba?" Sarcastic na sabi niya. Inirapan niya si Mico nang magtama ang mga tingin nila. Nagpaalam naman itong si Hannah at naunang maglakad. "Dito nakatanim ang mga kamatis." Turo niya. Tumango lang siya rito. Kinuha na niya ang basket at nag-umpisang mamitas ng kamatis. "Gusto mo ba ng tulong?" Magalang na tanong nito sakanya. "No need. I can handle it. Umalis ka na." Sagot niya habang busy sa paminitas ng kamatis. "Ah, ganoon ba? Sige, tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka." Mahinang sabi nito bago umalis. God! She is starting to hate that girl! Her pa-good girl attitude is getting on her nerves! At tsaka, hindi siya bulag para hindi mapansing may gusto ito kay Mico!How pitiful! "Ah, Ma'am Ellaine. Ayos lang po ba kayo?" Bati sakanya ng isang lalaking trabahador. Napatingin siya rito. Ano ba'ng sinasabi nito?"What?" Takang tanong niya rito. Hindi ito nagsalita bagkus ay tinuro niya ang tanim na kamatis. Bumalik ang tingin niya sa tanim at nakita ang gutay gutay na tanim ng mga kamatis. Maski ang kamatis na hawak niya ay napisa na pala niya! Napapikit nalang siya ng mariin. This is so not happening again!---------VOTE AND COMMENT!Dear Diary,Naging kami na ni Mico ngayon! Sinagot ko na siya, ang saya-saya ko! Kaya lang.. napansin kong malungkot si Ellaine. Alam ko.. alam ko na nasasaktan ko siya ngayon. Pero ano'ng magagawa ko? I also love him. I'm sorry Ellaine."Dito? Dito ang getaway place mo?" Natatawang tanong ni Ellaine kay Mico. Sa rancho nito siya dinala nang sabihin nito sa harap ng maraming tao na 'kikidnapin' daw siya nito. Lumapit sakanya si Mico at niyakap ang bewang niya at pinakatitigan siya. "Alam mo ba noong umalis ka, sabi ko sa sarili ko na aangkinin kita by hook or by crook?"Napangisi si Ellaine. "So this your definition of by hook or by crook? Eh sumama ako ng kusa sa'yo." Biro niya rito. Piningot ni Mico ang ilong niya tsaka ay tumawa rin. Sobrang kaliyahan ang umaapaw sakanya sa tuwing naririnig ang malutong na tawa ni Mico. Tila ba'y wala na rin itong mabigat na dinadala katulad niya. And siguro sa loob ng walong buwan they learned how move on and let go, iyon nga lang hindi sa isa't-
"We are about to land in five minutes. Please check your belongings before going. Thank you for flying with us and welcome to the Philippines."Tumingin sa labas ng bintana si Ellaine at ramdam na niya na nasa Pilipinas na nga siya ulit. After eight months, she's finally home. She went to various countries including Korea,Taiwan,Japan and Europe kung saan na siya nag-stay. Nag-enjoy siya sa kanyang escapade at nakatulong nga itong pagso-soul searching niya dahil nahanap niya ang isang bagay na magpapakita ng totoong siya - ang pagpipinta. Actually, matagal na niya itong nahanap, it's just that hindi niya masyadong napagtuunan ng pansin. At heto nga at bumalik na siya ng Pilipinas para sa kanyang exhibit. Tinulungan siya ni Gelene - ang asawa ni Rex - para asikasuhin ang exhibit niya sa Pilipinas habang may inaayos pa siya sa Europe. Si Gelene pala ang ikinikwento ni Rex sakanya dati na mahilig rin sa art katulad niya. At isa itong sculptor kaya maraming kakilala ito para mapadali a
Alas tres na nang makarating si Ellaine sa kanilang mansion. Pagkababa palang niya ng sasakyan ay agad na dinaluhan siya ng mga kasambahay at iniakyat ang mga gamit niya sa kwarto niya. Sinalubong naman siya ng yakap ng kanyang Yaya Mildred. "Namiss kita, hija!" Wika ng kanyang yaya habang pinagmamasdan ang kanyang mukha. Ngumiti siya rito at niyakap muli. Namiss niya rin naman ang kanyang yaya. "I missed you, Yaya." Sabi niya. Nang maghiwalay sila ng yakap ay nakita niya ang kanyang magulang na lumabas mula sa loob ng mansion. Tumakbo papunta sakanya ang mommy niya at mahigpit ring niyakap."I missed you, anak. Kami ng daddy mo." Bulong nito habang mahigpit siyang niyayakap. Hindi nalang siya umiyak dahil parang may bumara sa lalamunan niya. Tinapik naman ng Daddy niya ang kanyang ulo. "Halika na sa loob, gutom ka na siguro, hija." Tumango nalang si Ellaine at pumasok na sa loob. Tahimik lang silang kumakaing pamilya. Ang kanyang mommy naman ay nagtatanong tungkol sa pananati
Pagkauwi ni Mico galing Metro ay agad na hinanap ng kanyang mga maya si Ellaine. Pagkapasok niya sa hacienda ay halatang lahat ng tao roon ay tulog na. Sabagay, maga-ala una na nang makarating siya dito sa rancho.Kaya naman, minabuti niya nalang na umakyat sa kwarto niya. Pero tila may kung anong magnet ang nagtulak sakanya at dumiretso siya sa kwarto ni Ellaine. Binuksan niya iyon at sinilip ito. Dahan-dahan nalang rin niya na isinara ang pinto nang nakitang tulog na tulog si Ellaine. Pagkapasok ni Mico sa sariling kwarto ay agad na naligo siya at nagpalit ng damit. Tinutuyo niya ang kanyang buhok at naupo sa gilid ng kama nang mahagip ng tingin niya ang litrato ni Elisha. Natulala siya sandali.Maingat na kinuha ni Mico ang larawan ni Elisha at pinakatitigan. Bago siya umuwi ay dumaan talaga muna siya ulit sa libingan ni Elisha upang mamaalam. Hindi dahil sa kakalimutan niya na ito, kung hindi dahil sa mamamaalam na siya sa pagmamahal niyang matagal na palang wala. "Eli, mahal
"Ellaine! Ellaine!" Dali-daling lumabas ng study room si Ellaine nang marinig ang sigaw ng ate Elisha niya. "Ate?!" Tawag niya rito. Isang mahigpit na yakap ang binungad sakanya ng ate Elisha niya at nagtatatalon ito habang yakap-yakap siya kaya ang resulta'y pati siya ay napatalon narin. "Ellaine! My God! I'm so happy talaga!" Tili nito. "Teka-teka ate. Nahihilo na ako." Natatawang sabi niya rito. Kumalas naman ito at hinawakan siya sa magkabilang pisngi ng ate niya. "Guess what?" Masayang wika nito. Napangiti naman siya dahil talagang nakikita niya sa mukha ng ate niya na masaya ito. "Hmm.. ikaw ulit iyong top one sa block niyo?" Hula niya. Nangingiting umiling ito. "Hindi." Pakantang sagot nito. Nag-isip ulit siya. "Hmm.. I give up. Ano iyon?" Huminga ito ng malalim at tsaka siya binigyan ng isang matamis na ngiti. "Kami na ni Mico!" Tili nito. Nanigas si Ellaine sa sinabi ng ate niya sakanya. Ang ngiti niya ay unti-unting nawawala. Tila ba'y may isang malaking bombang
"Are you sure hindi ka sasama?" Tanong ni Mico. Umiling nalang si Ellaine. "Hindi na nga, Mico kulit." Kinurot niya ang ilong nito. Sinasama kasi siya ni Mico sa Metro. Luluwas kasi ito dahil may aasikasuhing trabaho roon. Tinanggihan nalang niya ang alok nito dahil mas gusto niya rito sa rancho. Tsaka nangako naman si Mico na babalik mamayang gabi.Dumukwang si Mico sa kanya at hinalikan siya sa labi. Sandali lang iyon kaya parang nabitin siya. "Sige, may gusto ka bang ipabili?" Tanong nito sakanya. Umiling ulit siya at yumakap sa leeg nito. "Basta umuwi ka mamayang gabi." Kindat niya rito. Natawa naman si Mico sakanya. Binuhat siya nito mula sa kinauupuan niya sa may verandah at tsaka kinandong siya ni Mico. "Parang ayoko tuloy umalis." Sabi ni Mico habang nakabaon ang mukha nito sa gilid ng leeg niya. Natatawa na siya nang bigyan na siya nito ng mga maliliit na halik sa leeg niya. "Mico! Sige na, umalis ka na." Taboy niya rito. "Hatid mo ko sa labas." Nakangiting lambing nit