LOGINMUGTONG-mugto ang mga mata ni Addie habang pinapanood na ipasok sa loob ng puntod ang kanyang ina. Akala niya kapag naoperahan na ito ay gagaling na ito sa sakit ngunit laking pagkakamali niya dahil namatay pa rin ito.
Sobrang sakit para sa kaniya ng nangyari dahil tanging ito na lang ang natitira niyang magulang. Lumaki siyang hindi nakilala ang kanyang ama kaya mag-isa lang siyang itinaguyod ng kanyang ina pero ngayon, maging ito ay tuluyan na siyang iniwan.
Napahikbi siya. Ngayon na wala na ang kanyang ina ay hindi na niya alam ang gagawin niya. Paano pa siya ngayon mabubuhay? Paano pa siya magsisikap kung hindi na nito makikita pa ang lahat ng iyon? Napakarami niya pa namang pangarap para sa kanilang dalawa pero ang lahat ng iyon ay nawala na.
Pagpasok niya sa bahay nila ay sumalubong sa kaniya ang napakalungkot na paligid. Sobrang bigat ng nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Niyakap niya ang litrato ng kanyang ina ngunit alam niya na kung nakikita lang siya nito na nalulungkot ay baka mas malungkot pa ito. Wala itong ibang sinabi sa kaniya noon nung nakakapagsalita pa ito kundi kapag nawala siya ay mabuhay siya ng masaya at magaan.
Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Pagkagising niya kinabukasan ay bigla na lang siyang napatakbo sa cr dahil gusto niyang magsuka. Mabuti at nakatakbo pa siya sa banyo bago lumabas ang suka niya. Halos maubos ang lakas niya sa pagsusuka.
Nang tuluyang gumaan ang pakiramdam niya ay lumabas siya ng pinto ng banyo at umupo sa kama. Sumasakit na rin ang ulo niya. Inisip niya kaagad kung may nakain ba siyang hindi maganda pero nitong mga nakaraang araw ay hindi sya nakakain ng maayos dahil na rin sa stress niya kaya imposible iyon. Pero baka dahil sa puyat niya na iyon dahil hindi nga siya nakakatulog ng maayos nitong mga nakaraang.
Muli siyang humiga sa kama at gusto niya sanang bumalik pa sa pagtulog ngunit nakaramdam siya ng gutom. Ni hindi na nga pala siya kumain maghapon kahapon kaya marahil ay nagugutom siya. Tumayo siya at nagpunta sa kusina. Tanging noodles lang ang nakita niya sa lagayan nila, wala ng iba pa. Kaya iyon na lang ang niluto niya para lang maibsan ang gutom na nararamdaman niya. Mamaya na lang siguro siya lalabas para mamili dahil wala na silang natirang pagkain doon.
Umupo na siya at inilagay sa mangkok ang noodles pero nang malanghap niya pa lang ito ay halos gusto niya na namang masuka kahit na halos naisuka na niya ang lahat ng laman ng tiyan niya. Gutom na gutom siya at rinig na rinig niya ang pagtunog ng tiyan niya pero halos ayaw bumuka ang bibig niya.
May problema kaya siya? O may sakit na kaya siya?
Kahit na anong gawin niya ay ayaw talaga ang pang amoy niya sa noodles kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang tumayo at bumalik sa silid niya upang magbihis. Naalala niya ang bilin sa kaniya ng kanyang ina na kailangan niyang alagaan ang sarili niya kaya pupunta siya ng ospital para magpa-check up.
~~~~
Nakangiti ang doktor ng lumapit ito sa kaniya. “Congratulations Miss, buntis ka.” masayang balita nito na ikinapanlaki ng mga mata niya.
Hindi siya makapaniwalang napatingin dito. “Ano pong sabi niyo?” tanong niya rito.
Bigla naman itong nagulat at napatitig sa kanyang mukha. “Ang sabi ko ay buntis ka Miss.” muling sabi nito sa kaniya.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Addie sa narinig niya at pagkatapos ay napahawak sa kanyang tiyan. Siya? Buntis? Pero paanong nangyari iyon?
Biglang nanlamig ang kanyang mga mata ng maalala niya ang gabing iyon. Ang gabing ibinenta niya ang sarili niya sa lalaking iyon kapalit ng pera. Pero posible ba na mabuntis siya kahit na isang beses lang na may nangyari sa kanila?
Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Pero, pero… paano na ngayon ito?
“May problema ba Miss?” untag sa kaniya ng doktor dahil sa pananahimik niya. Bigla siyang napatingin dito at isang pilit na ngiti ang sumilay sa labi niya.
“Wa-wala naman po.” sagot niya rito.
Napuno ng pag-aalala ang mukha nito. “Hindi mo naman balak na ipalaglag ang ipinagbubuntis mo hindi ba Miss?” tanong nito sa kaniya.
Nagulat siya sa tanong nito ngunit mabilis din naman siyang umiling. “Hindi po. Na-nagulat lang po ako.” sagot niya kaagad.
Syempre, mixed emotions ang nararamdaman niya pero kahit na ganun ay wala siyang balak na ipalaglag ang bata. Nagulat lang talaga siya at hindi niya inaasahan na magbubunga ang isang gabing iyon.
Alanganin itong ngumiti sa kaniya. “May mga pregnancy talaga na hindi inaasahan, pero ganun pa man blessing ang pagkakaroon ng baby.” sabi nito sa kaniya. Hindi siya umimik dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
Hindi kaya ang Diyos na talaga ang nagbigay sa kaniya nun dahil alam nitong malulungkot siya ng sobra at araw-araw niyang mamimiss ang nanay niya kaya siya nito binigyan ng baby? Pero kahit na ganun ay hindi niya pa rin maiwasang malungkot. Napakahirap lumaking walang ama, alam na alam niya iyon tapos ipaparanas niya rin ba iyon sa magiging anak niya?
“Salamat po.” magalang na sabi ni Addie sa doktor pagkatapos niyang makuha ang lahat ng vitamins na kailangan niya para sa pagbubuntis niya.
Halos mag-init ang sulok ng kanyang mga mga dahil hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon na buntis siya. Parang isang panaginip lang ang lahat.
Habang naglalakad ay bigla na lang siyang nakasalubong ng mga nagkakagulong mga nurse at doktor habang may itinatakbong nakasakay sa isang stretcher. Duguan ito at walang malay. Sa likod ng mga doktor ay ang ilang mga tao na nagmamadaling sumunod dito marahil ang mga kamag-anak ng lalaki. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan niya bago lumiko sa isang hallway para umuwi na.
…
ALAS tres pa lang ng hapon ay pinauwi na si Addie ni Bill dahil ang sabi nito sa kaniya ay magpahinga na lang daw muna siya at bukas na lang siya mag-umpisa sa mga trabaho niya. Idagdag pa na na-train naman na siya nito at naipaliwanag na nito ang lahat ng dapat niyang gawin kaya hindi na siya mangangapa.Sa totoo lang ay ito ang unang beses niyang maging sekretarya kaya medyo nag-aalangan siya ngunit ang pinaka-ikinakatakot niya ngayon ay ang malaman ng kanyang boss na siya ang babaeng iyon. O kung natatandaan pa ba siya nito pagkatapos ng napakaraming taon.Pero marahil ay hindi na. Sa klase naman nito ay mukhang babaero na sabi na rin ni Bill kaya medyo nabawasan naman ang pag-aalala niya. Napadaan siya sa isang bilihan ng salamin at kahit na hindi naman malabo ang mga mata niya ay napagdesisyunan niyang bumili ng salamin para kahit papano ay matakpan ang mga mata niya.Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya pwedeng magpaka-kampante lalo na siya nga ay natatandaan
MEDYO malayo-layo na ang nalakad ni Sevi at Laida nang tumigil si Sevi sa paglalakad at ipinasok sa bulsa ang isang kamay at nilingon ang babaeng nasa tabi niya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” pag-uumpisa niya. Napakunot naman ang noo nitong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin pa niya.“Alam mo naman siguro na ang engagement na ito ay hindi ko gusto. Napilitan lang ako na gawin ito dahil sa mga magulang ko kaya gusto kong maintindihan mo na I don’t have the plan to be inlove with you.” diretsong sabi niya ng walang kapreno-preno. Ayaw niyang maging ipokrito sa mga mata nito.Halatang nagulat ito sa sinabi niya ngunit sa huli ay ngumiti lang ito sa kaniya. “Hindi ko akalain na magiging ganyan ka ka-straightforward.” sagot nito sa kaniya na wala ng bakas ng pagkahiya ang mukha hindi katulad kanina. “Pero pasensya ka na Sevi, wala akong balak na umatras sa engagement na ito kung iyon ang gusto mo.” matatag din na sagot nito sa kaniya dahilan para ma
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Addie habang naglalakad bitbit ang ilang mga dokumento para dalhin sa opisina ng boss niya. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na natanggap siya kaagad kahit na ni hindi niya man lang nasagot ng maayos ang tanong nito.Hindi niya maiwasang hindi isipin ang tinanong nito sa kaniya kanina, kung nagkita na ba sila dahil pamilyar ang boses niya. Hindi kaya, dahil doon kaya siya nito tinanggap? Paano kung malaman nito ang totoo? Paano kung malaman nito ang tungkol kina Zeus at Zion?Habang naglalakad ay napakarami ng tumatakbo sa isip niya. Parang gusto niya ng umatras kahit na hindi pa man siya nakakaisang araw doon dahil natatakot siya. Walang ibang mahalag ngayon sa buhay niya kundi ang mga anak niya. Sila ang naging sandalan niya at naging lakas niya sa pinakamadilim na parte ng buhay niya at kung mawawala pa ang mga ito sa kaniya ay baka hindi na niya kayanin pa.Pagbukas niya ng pinto ay hindi na siya nag-angat pa ang ulo at diretso
HALOS wala pa gaanong tulog si Addie ngunit mabilis siyang nagbihis para magpunta sa nakita niyang hiring kanina paggising niya. Nakita niyang may naka-post sa epbi na hiring bilang sekretarya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na mag-apply. Kailangan niyang makahanap kaagad ng trabaho.Mabuti na lang at handa na siya kaagad kaya mabilis siyang nakapagbihis. Sa maliit na apartment siya tumuloy dahil bago pa man siya bumiyahe ay naghanap na siya kaagad ng matitirhan niya. Hindi naman pwede na pagkarating niya pa lang doon ay tyaka pa lang siya maghahanap. Pakiramdam niya kasi ay sayang ang oras niya kapag.Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at tumingala sa napakataas na building ng kumpanyang pag-aaplayan niya ngayong araw. Tiyak na kung siya ang makukuhang sekretary ng CEO ng kumpanyang iyon ay napakasaya niya. Pero sa laki ng kumpanya ng kumpanya na iyon ay paniguradong hindi lang siya ang may gustong makapasok doon.Makalipas nga lang ang ilang segundo ay napandin niya na a
INAYOS ni Sevi ang kanyang sarili at sinulyapan ang suot na relo bago napatingin sa kanyang ama na noong mga oras na iyon ay hindi na maipinta ang mukha. Bukod pa doon ay pumasok na ito sa loob ng kanyang opisina at ibinagsak ang sarili sa sofa.Narinig niya ang paghugot nito ng mahabang buntong hininga. “Sinabi mo sa iyong ina na magtatrabaho ka kaya hindi ka umuwi kahit na anong pilit niya na umuwi ka.” umpisa nito.Napakuyom lang ang kanyang mga kamay dahil alam na niya kaagad kung ano ang ibig sabihin nito. Gusto niyang magbingi-bingihan na lang ngunit alam niya na wala siyang magiging lusot. “Nakikinig ka ba sa akin Sevi?” mas malamig na ang tinig ng ama.Napabuntong hininga na lang siya at bago nag-angat ng ulo at tumingin dito. “Dad, I’m too old para sa isang blind date—” magrarason pa sana siya ngunit naputol ang kanyang sasabihin nang bigla na lang itong sumigaw.“Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa mo dahil sa hindi mo pagsipot sa dinner na iyon?!” nanlalaki ang mga m
FOUR YEARS LATERISANG malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Addie habang nakatingin sa natutulog na mga anak niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at ginawa niya ang lahat para hindi siya makagawa ng kahit na anumang ingay na magiging dahilan para magising ang mga ito. Ngayon ang araw kung saan ay kailangan niyang umalis para bumalik ng Manila.Kailangan niya kasing maghanap ng trabaho doon dahil alam niya na sa susunod lang na mga taon ay kailangan ng mag-aral ng mga anak niya. Hindi niya naman gugustuhin na hindi makapag-aral ang mga ito. Isa pa, kahit na mahirap ay gusto niya sanang ipasok ang mga ito sa private school dahil mas sigurado siya sa kalidad ng edukasyon.Gusto niyang maging matalino ang mga ito. Sa edad nga nilang tatlong taon ay marunong na silang magsulat at bumasa ng mga simpleng english words.Labag man sa loob niya na iwan ang mga ito ay kailangan niyang magsakripisyo para sa future ng mga ito. May mga mapapasukan din naman sa probinsya, pero kasi…







