ANMELDENDAHIL wala namang ibang mapuntahan si Bella ng mga oras na iyon ay pumunta na lang siya sa hagdan ng emergency exit. Nakapangalumbaba siya ng mga oras na iyon at napapaisip kung ano na kaya ang nangyayari sa loob ng silid na iyon. Masasabi niya na maganda naman ang babaeng pinapasok niya sa loob ng silid ni Xander at bukod pa doon ay napakaganda rin ng pangangatawan nito. May malalak din itong hinaharap kaya masasabi niya na tiyak na magugustuhan ito ng kanyang boss dahil karamihan naman ng mga lalaki ay ganun ang hanap hindi ba? Bukod pa doon ay may kaakit-akit itong mga mata. Mukha rin sanay na ito sa ganuong trabaho kaya sigurado siya na kayang-kaya nitong paamuhin ang lalaking iyon. Ilang sandali pa ay napangisi siya at marahang napatawa. Sigurado na nag-eenjoy na ito ng mga oras na iyon. Ngunit para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marnig niya ang malamig na boses mula sa likuran niya. “Nakakatawa ba ang ginawa mo?” malamig at halatang galit na tanong nito sa kaniya.
PINAPASOK ni Bella ang babae at binigyan ng ilang mga tagubilin bago tuluyang lumabas ng silid na iyon. Pagkatapos niyang isara iyon ay napangisi na lang ng wala sa oras si Bella. Tingnan niya lang ngayon kung may reklamo pa ito sa kaniya. Samantala, pagkatapos namang umalis ng babae sa loob ng banyo ay hindi maiwasan ni XAnder na mapangisi. Halatang natakot ito sa sinabi niya at habang natatakot ito ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa totoo lang. Buong akala niya talaga ay hindi na siya muling magkakainteres pa sa mga babae ngunit mali pala siya dahil mukhang nag-uumpisa na siyang magkainteres dito.Tahimik siyang nakahiga sa may bathtub habang may ngiti sa kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay narinig niya ang muling bumukas ang pinto ng banyo. Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha ng mga oras na iyon. Bumalik ba ito pagkatapos itong magtatakbo sa kaniya kanina? Papaliguan ba talaga siya nito?Ilang sandali pa ay naramdaman na lang niya ang malalambot na mga ka
MULING nagsalita si Xander. “Bella, gusto kong sabihin sayo na ang unang una mong dapat na matutunan ay ang pagpapaligo mo sa iyong amo. Naiintindihan mo ba?” tanong niya rito.Napuno naman ng gulat ang mukha ni Bella ng marinig niya ang sinabi nito. Anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong iyon? Seryoso ba talaga ito? O niloloko lang siya nito at pinagtritripan?Seryoso ba talaga ito? Paliliguan niya ito? Bakit? May kamay naman ito at higit sa lahat ay wala itong problema kaya paanong kailangan niya pa itong paliguan? Hindi ba ito marunong maligo ng mag-isa? Madilim ang kanyang mukha na napatingin dito. “Pero bakit sir? May kamay naman kayo. Bakit kailangan ko pa kayong paliguan?” hindi lubos maintindihan ni Bella kung bakit niya ito kailangang paliguan. Kailan pa naging trabaho ng sekretarya ang pagliligo sa kanyang amo? Wala naman diba? Parang ngayon niya lang yata iyon narinig sa buong buhay niya. Mas naging madilim naman ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Bakit hindi? Hindi
TANGHALI na nang dumating ang dalawa sa isang hotel na sa tantiya niya ay isa sa mga sikat na hotel sa lugar na iyon. Ang nag-book nun ay ang organizer ng isang fashion show. Pagkatapos niyang ihatid ang lalaki sa silid nito ay kaagad niya itong tinanong. “Uhm sir, saan po ang silid ko?” tanong niya rito. Wala naman kasi itong nabanggit sa kaniya kaya mas mainam na kung magtanong na siya.Nilingon siya nito habang hinuhubad ang suot nitong suit. “May dalawang kang pagpipilian. Una ay humanap ka ng ibang hotel na tutuluyan mo.” sagot nito sa kaniya. Mabilis na napailing si Bella, hindi niya iyon pwedeng gaiwn dahil bukod na nga sa hindi siya pamilyar sa lugar ay natatakot din siya. Baka mamaya ay kung anong mangyari sa kaniya. Ayaw niya namang mapahamak. “At ang isa?” mahina niyang tanong dito.“Matulog ka rito kasama ko.” sagot nito sa kaniya dahilan para manlaki ang kanyang mga mata ng wala sa oras. Tama ba ang narinig niya? Silang dalawa? Matutulog sa iisang silid? Nababaliw na ba
NAPATITIG si Xander sa mukha ng babae at puno ng pagtataka ang mukha niyang nakatingin dito. Bakit nito nasabi ang bagay na iyon? Isang flight attendant ang dumaan at nakita ang takot na takot na mukha ni Bella. Puno ng pag-aalalang tumingin ito sa kaniya at nagtanong. “May problema po ba Miss?” tanong nito sa kaniya.Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Punong puno ng takot ang kanyang dibdib.,ayaw niya pang iwanan ang mga anak niya dahil napakabata pa ng mga ito. Doon niya lang napansin na noong mga oras na iyon ay maayos na pa lang muli ang lipad ng eroplano. Bigla siyang napalingon sa labas ng bintana, ayos na ba talaga ang lahat? Napakurap siya ng ilang beses bago niya tuluyang napagtanto na hanggang sa mga oras na iyon ay nakayakap pa rin pala siya sa mga bisig ng lalaking katabi niya. Nang tingnan niya ang suot nitong suit ay may bahid pa ito ng sipon kaya dali-dali niya itong binitawan at lumayo rito na parang napapaso. “Pa-pasensya na po sir.” paghingi ni
PAGBALIK ni Bella galing sa banyo ay nakita niya ang lalaki sa upuan nito habang nakapikit at mukhang natutulog. Mas okay na iyon kaysa gising ito at nakikipag away sa kaniya. Dahan-dahan siyang bumalik sa kanyang upuan at dahil nakaidlip na siya kanina ay wala na siyang antok na maramdaman pa kundi tanging boredom na lang. Para maaliw ay muli na lang siyang tumanaw sa labas ng bintana. Hindi niya alam kung ilang minuto ang itinagal niyang nakatanaw sa labas ng bintana hanggang sa muli na niyang naramdaman ang antok hanggang sa hindi niya namamalayan ay nakapikit na pala siya. Sa mga oras na iyon ay doon naman nagmulat ng mga mata si Xander. Nang nilingon niya ang kanyang katabi ay nakita niyang natutulog ito. Nakahilig ito sa isang side at nakaharap sa kaniya. Ang sikat ng araw ay malayang tumatama sa mukha nito. Napatitig na naman siya ng wala sa oras sa mukha nito at masasabi niya ngang napakaganda talaga nito. Kung magadadamit lang ito ng mas maganda pa at kaaya-aya ay magmumukh
NANG magising si Addie kinabukasan ay medyo masakit ang katawan niya. Napahilot siya sa kanyang sentido at dahan-dahang bumangon. Inalala niya ang mga nangyari kagabi at halos mag-init ang buong mukha niya sa labis na kahihiyan dahil sa ginawa niya. Napatakip siya sa kanyang mukha. ‘Shit, anong gi
DAHIL sa sobrang pagkabagot ni Addie ay napagpasyahan niya maligo sa pool bago dumilim. Mainit na rin naman ang panahon kaya tamang-tama lang na magbabad siya sa pool. Wala siyang ideya kung uuwi ba doon ngayon si Sevi o hindi pero sa tingin niya ay hindi dahil na nga rin sa higpit ng sitwasyon. Hi
NAGTAGIS ang mga bagang ni Sevi nang marinig niya ang pagbabanta nito. Nang makita naman nito ang kanyang ekspresyon ay napuno ng kasiyahan ang mga mata nito. “Sino ngayon ang talo sa atin ngayon? Sa tingin mo ba ay may mawawala sa akin kapag hindi mo ako pinakasalan? Wala, pero ikaw? Kapag hindi m
AGAD nalukot ang mukha ni Sevi nang makita si Laida na nakatayo sa harap ng pinto ng kanyang opisina. Plano niya sana ay siya ang sasama kay Addie sa paglilipat ngunit dahil nalaman niya na darating si Laida sa kanyang opisina ay hindi na siya umalis pa kahit kating-kati siyang puntahan na si ADdie







