LOGINMALAMIG ang mukha ni Sevi nang lumapag ang eroplanong sinasakyan niya. Paano ba naman ay ni hindi man lang niya nakuhang magpahinga sa business trip niya dahil napakarami niyang ginawa. Akala niya ay makakapagpahinga siya ng gabi at makakagala man lang kahit isang beses ngunit hindi. Wala siyang ibang ginawa kundi ang magtrabaho ng overtime doon.
Napabuntong hininga siya at nagpalinga-linga paglabas niya ng airport para hanapin ang driver na susundo sa kaniya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang makitang hindi ang assistant niya ang sumundo sa kaniya.
“Bakit nasaan si Bill?” tanong niya kaagad dito.
Nagulat ito at pagkatapos ay napayuko. “Papunta po sila sa ospital sir.”
Nagsalubong ang knaiyang mga kilay nang marinig ang sinabi nito. “What? Bakit? Sino ang naospital?”
“Si sir Xander po sir.” sagot nito sa kaniya dahilan para magtagis ang mga bagang niya.
Mabilis siyang sumakay ng sasakyan. “Dalhin mo ako sa ospital.” kaagad na utos niya rito. Niluwagan niya ang suot niyang kurbata at napahilot sa kanyang sentido. Kahit na pagod siya sa business trip niya at sa byahe ay pupuntahan pa rin niya ang kanyang kapatid sa ospital.
Ito ang sumunod sa kanyang kapatid niya at ang bunso naman nila ay si Sea na kakatapos pa lang sa pag-aaral.
Ano naman kaya ang nangyari dito at bakit naaksidente?
~~~~
Ang mahahabang biyas ni Sevi ay nagmamadaling naglalakad papasok ng ospital. Pagpasok pa lang ay nagtanong na siya kaagad kung nasaan ang kapatid niya at sinabi ng mga nurse na kasalukuyan daw itong inooperhan kaya sa operating room siya nagpunta.
Sa labas ng pinto ng operating room ay naroon ang kanyang ina na yakap-yakap ng kanyang ama. Halos mapakuyom ang kanyang mga kamay nang makita niya ang vulnerable na itsura ng kanyang ina. Ang kanyang ama ang unang nag-angat ng ulo kaya nakita siya. “Sevi…”
Doon nag-angat ng ulo ang kanyang ina at pagkatapos ay tumayo mula sa kinauupuan nito at lumapit para yakapin siya. “Sevi… si Xander…” nanginginig ang boses nito.
Wala siyang magawa kundi ang haplusin lamang ang likod nito para aliwin. Nanginginig ang mga balikat nito. “Anong nangyari? Bakit siya naaksidente?” tanong niya rito at inalalayan itong umupo.
Napailing ito. “Hindi ko alam, basta may tumawag na lang sa amin at sinabi na naaksidente siya.” humagulgol na naman ang kanyang ina. Ramdam na ramdam niya sa tinig nito ang sobrang pag-aalala at takot para sa buhay ng kanyang kapatid.
Napakagat labi siya bago hinawakan ang kamay nito at pagkatapos ay marahang pinisil. “Malakas si Xander Mommy, alam kong malalampasan niya iyon. Alam kong mabubuhay siya.” sabi niya na halos may bara ang lalamunan niya.
Nang lingunin niya ang kanyang ama ay kitang-kita rin ang labis na pag-aala sa mukha nito. Hindi ito ang ekspresyon na palagi niyang nakikita sa mukha nito dahil palagi itong seryoso, kung hindi naman ay palagi itong nakatawa dahil binibiro ang kanyang ina pero ngayon… halos hindi niya ma-explain ang ekspresyon na meron ito.
“Huwag ka ng umiyak Mommy, everythings gonna be alright.” hinalikan niya ang noo nito.
“Sana nga. Sana nga makaligtas ang kapatid mo…” umiiyak na sambit nito.
~~~~~~
PAG-uwi ni Addie sa bahay nila ng kanyang ina ay bigla siyang napaisip. Kung buntis siya, paano siya mabubuhay dito ng mag-isa? Anong alam niya sa pagpapalaki ng bata? Anong alam niya sa pagbubuntis, wala siyang alam. Baka mamaya ay kung ano pang mangyari sa magiging anak niya kaya isang desisyon ang nabuo niya sa isip niya. Uuwi na lang muna siya ng probinsya at hahanapin niya ang palaging ikwinekwento sa kaniya ng kanyang ina na nag-iisang kapatid nito na hindi nag-asawa.
Taga Nueva Ecija raw ito at nakatira sa isang liblib na bayan. Hindi niya pa ito nakikita dahil simula nang sumama daw ang kanyang ina sa kanyang ama ay hindi na ito umuwi pa doon idagdag pa na galit daw ito sa ginawang pag-alis ng kanyang ina. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon nito kung basta na lang siyang magpapakita sa bahay nito ng walang pasabi o kung tatanggapin ba siya nito o hindi pero gusto niya pa ring magbakasakali.
Kung hindi siya nito tanggapin doon ay tyaka na lang siya mag-iisip ng gagawin niya. Medyo matagal tagal na rin naman ang lumipas noong umalis doon ang kanyang ina kaya baka sakaling nakalimutan na nito ang lahat ng galit nito sa kanyang ina.
Umupo siya sa sofa at tiningnan niya ang larawan ng kanyang ina bago ngumiti ng malungkot. Pero kahit papano ay masasabi niyang nabawasan ang lungkot na nararamdaman niya. Napahawak siya sa kanyang tiyan at ngumiti. “Huwag kang mag-alala anak, hindi kita pababayaan okay? Kahit na hindi sinasadya ang pagkakabuo mo, masaya ako sa pagdating mo sa buhay ko.” bulong niya sa kanyang tiyan.
Kahit na hindi niya kilala ang lalaking iyon na nakasiping niya noong gabing iyon ay hindi niya ipaparamdam sa anak na malas ito sa buhay niya. Bagkus ay mamahalin niya ito ng buong-buo.
Sa totoo lang, habang nasa daan kanina pauwi ay napaisip siya. Ano kaya ang magiging reaksyon ng lalaking iyon kung hahanapin niya ito at sasabihin niyang buntis siya, magugulat kaya ito? Pero malamang na wala itong gagawin kundi ang ipagtabuyan siya dahil tapos na siya nitong binili ng sampung milyon. Wala na itong responsibilidad pa sa kaniya.
Tandang-tanda pa niya ang mukha nito pero ito? Hindi nito nakita ang mukha niya kaya kahit na magkita sila, paniguradong hindi siya nito makikilala kaya imposible rin na kilalanin nito ang anak niya. Mukha itong mayaman sa totoo lang pero wala siyang balak na maghabol dito. Idagdag pa na kahit na alam niya ang mukha nito, hindi rin naman niya alam ang pangalan nito.
…
ALAS tres pa lang ng hapon ay pinauwi na si Addie ni Bill dahil ang sabi nito sa kaniya ay magpahinga na lang daw muna siya at bukas na lang siya mag-umpisa sa mga trabaho niya. Idagdag pa na na-train naman na siya nito at naipaliwanag na nito ang lahat ng dapat niyang gawin kaya hindi na siya mangangapa.Sa totoo lang ay ito ang unang beses niyang maging sekretarya kaya medyo nag-aalangan siya ngunit ang pinaka-ikinakatakot niya ngayon ay ang malaman ng kanyang boss na siya ang babaeng iyon. O kung natatandaan pa ba siya nito pagkatapos ng napakaraming taon.Pero marahil ay hindi na. Sa klase naman nito ay mukhang babaero na sabi na rin ni Bill kaya medyo nabawasan naman ang pag-aalala niya. Napadaan siya sa isang bilihan ng salamin at kahit na hindi naman malabo ang mga mata niya ay napagdesisyunan niyang bumili ng salamin para kahit papano ay matakpan ang mga mata niya.Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya pwedeng magpaka-kampante lalo na siya nga ay natatandaan
MEDYO malayo-layo na ang nalakad ni Sevi at Laida nang tumigil si Sevi sa paglalakad at ipinasok sa bulsa ang isang kamay at nilingon ang babaeng nasa tabi niya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” pag-uumpisa niya. Napakunot naman ang noo nitong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin pa niya.“Alam mo naman siguro na ang engagement na ito ay hindi ko gusto. Napilitan lang ako na gawin ito dahil sa mga magulang ko kaya gusto kong maintindihan mo na I don’t have the plan to be inlove with you.” diretsong sabi niya ng walang kapreno-preno. Ayaw niyang maging ipokrito sa mga mata nito.Halatang nagulat ito sa sinabi niya ngunit sa huli ay ngumiti lang ito sa kaniya. “Hindi ko akalain na magiging ganyan ka ka-straightforward.” sagot nito sa kaniya na wala ng bakas ng pagkahiya ang mukha hindi katulad kanina. “Pero pasensya ka na Sevi, wala akong balak na umatras sa engagement na ito kung iyon ang gusto mo.” matatag din na sagot nito sa kaniya dahilan para ma
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Addie habang naglalakad bitbit ang ilang mga dokumento para dalhin sa opisina ng boss niya. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na natanggap siya kaagad kahit na ni hindi niya man lang nasagot ng maayos ang tanong nito.Hindi niya maiwasang hindi isipin ang tinanong nito sa kaniya kanina, kung nagkita na ba sila dahil pamilyar ang boses niya. Hindi kaya, dahil doon kaya siya nito tinanggap? Paano kung malaman nito ang totoo? Paano kung malaman nito ang tungkol kina Zeus at Zion?Habang naglalakad ay napakarami ng tumatakbo sa isip niya. Parang gusto niya ng umatras kahit na hindi pa man siya nakakaisang araw doon dahil natatakot siya. Walang ibang mahalag ngayon sa buhay niya kundi ang mga anak niya. Sila ang naging sandalan niya at naging lakas niya sa pinakamadilim na parte ng buhay niya at kung mawawala pa ang mga ito sa kaniya ay baka hindi na niya kayanin pa.Pagbukas niya ng pinto ay hindi na siya nag-angat pa ang ulo at diretso
HALOS wala pa gaanong tulog si Addie ngunit mabilis siyang nagbihis para magpunta sa nakita niyang hiring kanina paggising niya. Nakita niyang may naka-post sa epbi na hiring bilang sekretarya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na mag-apply. Kailangan niyang makahanap kaagad ng trabaho.Mabuti na lang at handa na siya kaagad kaya mabilis siyang nakapagbihis. Sa maliit na apartment siya tumuloy dahil bago pa man siya bumiyahe ay naghanap na siya kaagad ng matitirhan niya. Hindi naman pwede na pagkarating niya pa lang doon ay tyaka pa lang siya maghahanap. Pakiramdam niya kasi ay sayang ang oras niya kapag.Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at tumingala sa napakataas na building ng kumpanyang pag-aaplayan niya ngayong araw. Tiyak na kung siya ang makukuhang sekretary ng CEO ng kumpanyang iyon ay napakasaya niya. Pero sa laki ng kumpanya ng kumpanya na iyon ay paniguradong hindi lang siya ang may gustong makapasok doon.Makalipas nga lang ang ilang segundo ay napandin niya na a
INAYOS ni Sevi ang kanyang sarili at sinulyapan ang suot na relo bago napatingin sa kanyang ama na noong mga oras na iyon ay hindi na maipinta ang mukha. Bukod pa doon ay pumasok na ito sa loob ng kanyang opisina at ibinagsak ang sarili sa sofa.Narinig niya ang paghugot nito ng mahabang buntong hininga. “Sinabi mo sa iyong ina na magtatrabaho ka kaya hindi ka umuwi kahit na anong pilit niya na umuwi ka.” umpisa nito.Napakuyom lang ang kanyang mga kamay dahil alam na niya kaagad kung ano ang ibig sabihin nito. Gusto niyang magbingi-bingihan na lang ngunit alam niya na wala siyang magiging lusot. “Nakikinig ka ba sa akin Sevi?” mas malamig na ang tinig ng ama.Napabuntong hininga na lang siya at bago nag-angat ng ulo at tumingin dito. “Dad, I’m too old para sa isang blind date—” magrarason pa sana siya ngunit naputol ang kanyang sasabihin nang bigla na lang itong sumigaw.“Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa mo dahil sa hindi mo pagsipot sa dinner na iyon?!” nanlalaki ang mga m
FOUR YEARS LATERISANG malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Addie habang nakatingin sa natutulog na mga anak niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at ginawa niya ang lahat para hindi siya makagawa ng kahit na anumang ingay na magiging dahilan para magising ang mga ito. Ngayon ang araw kung saan ay kailangan niyang umalis para bumalik ng Manila.Kailangan niya kasing maghanap ng trabaho doon dahil alam niya na sa susunod lang na mga taon ay kailangan ng mag-aral ng mga anak niya. Hindi niya naman gugustuhin na hindi makapag-aral ang mga ito. Isa pa, kahit na mahirap ay gusto niya sanang ipasok ang mga ito sa private school dahil mas sigurado siya sa kalidad ng edukasyon.Gusto niyang maging matalino ang mga ito. Sa edad nga nilang tatlong taon ay marunong na silang magsulat at bumasa ng mga simpleng english words.Labag man sa loob niya na iwan ang mga ito ay kailangan niyang magsakripisyo para sa future ng mga ito. May mga mapapasukan din naman sa probinsya, pero kasi…







