MasukNAPAHILOT si Sevi sa kanyang ulo bago bumangon sa kama. Napaupo siya sa kama at napatingin sa kanyang tabi, bago napalingon sa labas ng bintana. Mataas na ang sikat ng araw at hindi niya akalain na nakatulog siya ng ganun katagal.
Tumayo siya sa kama at inililis ang kumot sa kama. Tumaas ang sulok ng kanyang labi at napatawa ng pagak. Sa totoo lang, unang beses niyang magpunta sa ganung klaseng auction. Idagdag pa na hindi siya gumagastos ng malaking pera sa mga walang kwentang bagay. Pero nang makita niya ang pulang marka sa kulay puting bedsheet at bigla niyang tinanong ang sarili niya kung walang kwentang bagay nga ba ang babaeng iyon kagabi,
Napapikit siya. Parang isang musika sa kanyang tenga ang bawat halinghing at pag-ung0l nito habang nilalabas pasok niya ang kanyang pagkalalaki sa loob nito at habang inaalala niya ang mga tagpong iyon ay bigla na lang niyang naramdaman ang pagkabuhay ng kanyang alaga. Natawa na lang siya sa kanyang sarili bago sumeryoso ang mukha. Wala pa ni isang babae ang naparamdam sa kaniya ng bagay na iyon, ito pa lang.
Dali-dali siyang lumapit sa bedside table at dinampot ang kanyang cellphone para tawagan ang kanyang assistant. “Find that woman from the auction and I want all the information about her.” utos niya.
Pagkababa ng tawag ay agad na napasuklay si Sevi sa kanyang buhok, there is something about that girl na hindi niya maipaliwanag.
~~~~~
MAHIGPIT na hinawakan ni Addie ang mga kamay ng kanyang ina. Pauulit-ulit niya itong kinakausap sa pag-asa na baka gumising na ito ng tuluyan ngunit dalawang araw na ang lumipas simula ng maoperahan ito ngunit hindi pa rin ito nagmumulat ng mga mata.
Ilang sandali pa ay nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata. Hindi niya alam kung kailan ba balak tumigil ng pagpatak ng kanyang mga luha. Sobrang nag-aalala siya para sa ina sa totoo lang. Ni hindi na nga rin niya makuha ang magkaroon ng maayos na tulog o ni kumain man lang.
Nakaramdam siya ng gutom kaya lumabas muna siya sa silid ng kanyang ina. Kung maging siya ay magiging mahina, baka mas mahirapan sila. Mas maganda siguro kung magpalakas siya para sa kanyang ina.
Halos ni wala na ngang lakas ang mga tuhod niya ngunit nagawa niya pa ring maglakad patungo sa cafeteria sa harap ng ospital. Nang matapos niyang umorder ay kaagad siyang umupo para kumain ngunit nang nasa harap na niya ang pagkain ay halos mawalan na siya ng gana.
~~~~
“Wala ka pa rin bang balita tungkol sa babaeng iyon?” tanong ni Sevi sa kanyang assistant. Ilang araw na kasi ang nakalipas simula noong utasan niya itong alamin ang lahat tungkol sa babaeng iyon ngunit wala pa rin itong nirereport sa kaniya.
Sa bawat araw na dumadaan ay hindi pa rin ito maalis-alis sa isip niya kahit na sinubukan na niyang tanggalin ito sa kanyang isipan gamit ang ibang babae. Tanging ang mukha lang nito ang nakikita niya sa bawat pagpikit niya.
Isang iling ang isinagot sa kaniya ni Bill. “wala pa rin po sir. Ang sabi kasi ng may ari ng auction house ay bigla na lang daw doong nagpunta ang babaeng iyon at ni hindi niya rin alam kung saan ito nakatira. Wala siyang kaalam-alam sa pagkatao nito.” paliwanag nito sa kaniya dahilan para mapatapik siya sa kanyang mesa.
Nasisiguro niya na hindi siya matatahimik hanggat hindi niya ito nakikitang muli. Idagdag pa na ni hindi man lang siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang mukha nito. Ipinapatay nito ang ilaw at hindi nito tinanggal ang suot nitong maskara kaya wala siyang ideya kung ano ang itsura nito. “Gawin mo ang lahat ng magagawa mo para hanapin siya.” muli niyang utos dito. Handa siyang maghintay ng matagal basta mahanap lang ang babaeng iyon.
Bumukas ang pinto ng kanyang opisina at iniluwa nito ang ama niyang si Lawrence Alvaro kasama ang kanyang ina. Kaagad na napataas ang kanyang kilay nang makita ang magkahawak na kamay ng mga ito dahil ang tatanda na pero kung maglambingan ay akala mo ang babata pa nila.
“Bakit na naman ganyan ang tingin mo sa amin?” tanong ng ama.
Napailing na lang siya at napabuntong hininga. Umupo ang mga ito sa harap niya. “Akala ko ba ay business trip kayo nila Tito? Bakit nandito pa kayo?” nagtataka niyang tanong sa ama nang makitang hindi man lang ito naghahanda.
Tumingin ito sa kanyang ina at ngumiti, bago sabay na tumingin sa kaniya. “Well, napagpasyahan kasi namin ng Mommy mo na magbabakasyon kami para i-celebrate ang aming anniversary.” sabi nito kaniya dahilan para magsalubong ang mga kilay niya.
“Kaya ikaw na lang muna ang pumunta sa business trip na iyon okay?”
“Pero Dad—”
“Sevi, hayaan mo na kaming mag-enjoy ng Mommy mo okay? Isa pa, ikaw na ang nagpapatakbo ng kumpanya kaya dapat lang na ikaw ang pumunta doon. Matanda na kami kaya ang mag-relax na lang ang dapat na ginagawa namin.” muling sabi sa kaniya ng ama.
Napahilot na lamang siya sa kanyang sentido ng wala sa oras. Hindi niya akalain na siya ang uutusan nito sa business trip na iyon. “Bakit ako? Anong ginagawa ni Xander? Bakit hindi na lang siya? I’m too busy.” pagdadahilan niya ngunit tumingin lang ito sa kaniya.
“Busy on what? Sa babae na naman? I told you to look for someone na talagang mamahalin mo at pakakasalan, not just to release that damn lust on your body.” pangaral nito sa kaniya. Kaagad naman na sinamaan ito ng tingin ng kanyang ina at tinapik.
“What? Sinasabi ko lang sa kaniya ang totoo. He’s too old now. Noong nasa ganyang edad ako sa kaniya ay—”
“Ay nambabae ka pa rin.” putol rito ng kanyang ina.
Agad naman itong napakamot sa ulo. “Ikaw naman, masyado mo naman akong nilalaglag sa anak mo.” nagkakamot sa ulong sabi nito sa kanyang ina.
Nagtaas lang ito ng kilay bago siya nilingon. “Sorry Sevi kung late na namin sinabi sayo, nag-usap pa kasi kami Dad mo.”
Bumuntong hininga na lang siya at ngumiti sa kanyang ina. “It’s okay Mom.” sagot niya rito.
Isang linggo pa naman ang business trip na iyon.
…
ALAS tres pa lang ng hapon ay pinauwi na si Addie ni Bill dahil ang sabi nito sa kaniya ay magpahinga na lang daw muna siya at bukas na lang siya mag-umpisa sa mga trabaho niya. Idagdag pa na na-train naman na siya nito at naipaliwanag na nito ang lahat ng dapat niyang gawin kaya hindi na siya mangangapa.Sa totoo lang ay ito ang unang beses niyang maging sekretarya kaya medyo nag-aalangan siya ngunit ang pinaka-ikinakatakot niya ngayon ay ang malaman ng kanyang boss na siya ang babaeng iyon. O kung natatandaan pa ba siya nito pagkatapos ng napakaraming taon.Pero marahil ay hindi na. Sa klase naman nito ay mukhang babaero na sabi na rin ni Bill kaya medyo nabawasan naman ang pag-aalala niya. Napadaan siya sa isang bilihan ng salamin at kahit na hindi naman malabo ang mga mata niya ay napagdesisyunan niyang bumili ng salamin para kahit papano ay matakpan ang mga mata niya.Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya pwedeng magpaka-kampante lalo na siya nga ay natatandaan
MEDYO malayo-layo na ang nalakad ni Sevi at Laida nang tumigil si Sevi sa paglalakad at ipinasok sa bulsa ang isang kamay at nilingon ang babaeng nasa tabi niya. “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.” pag-uumpisa niya. Napakunot naman ang noo nitong nakatingin sa kaniya habang hinihintay ang mga susunod na sasabihin pa niya.“Alam mo naman siguro na ang engagement na ito ay hindi ko gusto. Napilitan lang ako na gawin ito dahil sa mga magulang ko kaya gusto kong maintindihan mo na I don’t have the plan to be inlove with you.” diretsong sabi niya ng walang kapreno-preno. Ayaw niyang maging ipokrito sa mga mata nito.Halatang nagulat ito sa sinabi niya ngunit sa huli ay ngumiti lang ito sa kaniya. “Hindi ko akalain na magiging ganyan ka ka-straightforward.” sagot nito sa kaniya na wala ng bakas ng pagkahiya ang mukha hindi katulad kanina. “Pero pasensya ka na Sevi, wala akong balak na umatras sa engagement na ito kung iyon ang gusto mo.” matatag din na sagot nito sa kaniya dahilan para ma
ISANG mahabang buntong hininga ang pinakawalan ni Addie habang naglalakad bitbit ang ilang mga dokumento para dalhin sa opisina ng boss niya. Hindi pa rin siya lubos makapaniwala na natanggap siya kaagad kahit na ni hindi niya man lang nasagot ng maayos ang tanong nito.Hindi niya maiwasang hindi isipin ang tinanong nito sa kaniya kanina, kung nagkita na ba sila dahil pamilyar ang boses niya. Hindi kaya, dahil doon kaya siya nito tinanggap? Paano kung malaman nito ang totoo? Paano kung malaman nito ang tungkol kina Zeus at Zion?Habang naglalakad ay napakarami ng tumatakbo sa isip niya. Parang gusto niya ng umatras kahit na hindi pa man siya nakakaisang araw doon dahil natatakot siya. Walang ibang mahalag ngayon sa buhay niya kundi ang mga anak niya. Sila ang naging sandalan niya at naging lakas niya sa pinakamadilim na parte ng buhay niya at kung mawawala pa ang mga ito sa kaniya ay baka hindi na niya kayanin pa.Pagbukas niya ng pinto ay hindi na siya nag-angat pa ang ulo at diretso
HALOS wala pa gaanong tulog si Addie ngunit mabilis siyang nagbihis para magpunta sa nakita niyang hiring kanina paggising niya. Nakita niyang may naka-post sa epbi na hiring bilang sekretarya. Hindi na siya nagdalawang isip pa na mag-apply. Kailangan niyang makahanap kaagad ng trabaho.Mabuti na lang at handa na siya kaagad kaya mabilis siyang nakapagbihis. Sa maliit na apartment siya tumuloy dahil bago pa man siya bumiyahe ay naghanap na siya kaagad ng matitirhan niya. Hindi naman pwede na pagkarating niya pa lang doon ay tyaka pa lang siya maghahanap. Pakiramdam niya kasi ay sayang ang oras niya kapag.Ilang sandali pa ay huminga siya ng malalim at tumingala sa napakataas na building ng kumpanyang pag-aaplayan niya ngayong araw. Tiyak na kung siya ang makukuhang sekretary ng CEO ng kumpanyang iyon ay napakasaya niya. Pero sa laki ng kumpanya ng kumpanya na iyon ay paniguradong hindi lang siya ang may gustong makapasok doon.Makalipas nga lang ang ilang segundo ay napandin niya na a
INAYOS ni Sevi ang kanyang sarili at sinulyapan ang suot na relo bago napatingin sa kanyang ama na noong mga oras na iyon ay hindi na maipinta ang mukha. Bukod pa doon ay pumasok na ito sa loob ng kanyang opisina at ibinagsak ang sarili sa sofa.Narinig niya ang paghugot nito ng mahabang buntong hininga. “Sinabi mo sa iyong ina na magtatrabaho ka kaya hindi ka umuwi kahit na anong pilit niya na umuwi ka.” umpisa nito.Napakuyom lang ang kanyang mga kamay dahil alam na niya kaagad kung ano ang ibig sabihin nito. Gusto niyang magbingi-bingihan na lang ngunit alam niya na wala siyang magiging lusot. “Nakikinig ka ba sa akin Sevi?” mas malamig na ang tinig ng ama.Napabuntong hininga na lang siya at bago nag-angat ng ulo at tumingin dito. “Dad, I’m too old para sa isang blind date—” magrarason pa sana siya ngunit naputol ang kanyang sasabihin nang bigla na lang itong sumigaw.“Alam mo ba kung anong kahihiyan ang ginawa mo dahil sa hindi mo pagsipot sa dinner na iyon?!” nanlalaki ang mga m
FOUR YEARS LATERISANG malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Addie habang nakatingin sa natutulog na mga anak niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at ginawa niya ang lahat para hindi siya makagawa ng kahit na anumang ingay na magiging dahilan para magising ang mga ito. Ngayon ang araw kung saan ay kailangan niyang umalis para bumalik ng Manila.Kailangan niya kasing maghanap ng trabaho doon dahil alam niya na sa susunod lang na mga taon ay kailangan ng mag-aral ng mga anak niya. Hindi niya naman gugustuhin na hindi makapag-aral ang mga ito. Isa pa, kahit na mahirap ay gusto niya sanang ipasok ang mga ito sa private school dahil mas sigurado siya sa kalidad ng edukasyon.Gusto niyang maging matalino ang mga ito. Sa edad nga nilang tatlong taon ay marunong na silang magsulat at bumasa ng mga simpleng english words.Labag man sa loob niya na iwan ang mga ito ay kailangan niyang magsakripisyo para sa future ng mga ito. May mga mapapasukan din naman sa probinsya, pero kasi…







