LOGINFOUR YEARS LATER
ISANG malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Addie habang nakatingin sa natutulog na mga anak niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at ginawa niya ang lahat para hindi siya makagawa ng kahit na anumang ingay na magiging dahilan para magising ang mga ito. Ngayon ang araw kung saan ay kailangan niyang umalis para bumalik ng Manila.
Kailangan niya kasing maghanap ng trabaho doon dahil alam niya na sa susunod lang na mga taon ay kailangan ng mag-aral ng mga anak niya. Hindi niya naman gugustuhin na hindi makapag-aral ang mga ito. Isa pa, kahit na mahirap ay gusto niya sanang ipasok ang mga ito sa private school dahil mas sigurado siya sa kalidad ng edukasyon.
Gusto niyang maging matalino ang mga ito. Sa edad nga nilang tatlong taon ay marunong na silang magsulat at bumasa ng mga simpleng english words.
Labag man sa loob niya na iwan ang mga ito ay kailangan niyang magsakripisyo para sa future ng mga ito. May mga mapapasukan din naman sa probinsya, pero kasi… mas malaki ang sahod doon kaya mas pipiliin na lang niya doong magtrabaho.
Hinalikan niya ang mga ito sa noo. Hindi na siya magpapaalam pa sa mga ito dahil baka hindi lang siya makaalis. Idagdag pa na mga bata pa ang mga ito para maintindihan ng mga ito. Napakagat labi siya at pagkatapos ay dahan-dahang lumabas ng silid ng mga ito.
Sa sala ay nakita niyang naghihintay na sa kaniya ang kanyang auntie. “Mag-iingat ka doon Addie.” sabi nito sa kaniya na ikinangiti niya naman at ikinatango.
“Opo auntie.” mabilis niya namang sagot at niyakap ito.
“Ako ng bahala sa dalawa kaya huwag mo na silang alalahanin pa.”
Napatango na lang siya. “Tatawag po ako palagi sa inyo auntie.” sabi niya rito at pagkatapos ay binitbit na ang kanyang mga bag at lumabas na para sumakay sa naghihintay na tricycle sa labas ng bahay. Bago siya sumakay ay nilingon niya pa ang kanyang tiyahin na nasa pinto bago maluungkot na ngumiti.
“Aalis na po muna ako auntie.” paalam niya at tuluyan ng sumakay ng tricycle.
Napapikit siya pagsakay niya sa loob at huminga ng malalim para sabihin sa sarili niya na ayos lang ang lahat. Na para naman iyon sa future ng mga anak niya.
~~~~~~
Npa-angat ng ulo si Sevi nang marinig niya ang pagbukas ng pinto. “Hindi ba at inutusan kitang—” nabitin sa ere ang kanyang mga sasabihin ng makita niya ang kanyang sekretaryang si Miranda sa kanyang harapan habang naglalakad.
Napataas ang sulok ng kanyang mga labi at natigil sa ginagawa bago sumandal mula sa kanyang kinauupuan. Hinintay niyang makalapit ito sa kaniya. Nang tuluyan na itong tumigil sa harap niya ay napangiti siya. Agad na napuno ng pagnanasa ang kanyang mga mata.
“You like it?” malambing na tanong nito sa kaniya. Ang tinatanong nito ay ang suot nito na sobrang sexy at sobrang daring na halos lumabas na ang kaluluwa nito.
Ngunit sa kaniya ay wala naman iyong problema dahil anong oras na, wala na silang kasama pa sa loob ng kmpanya dahil nauna ng nagsiuwian ang mga empleyado niya. Idagdag pa na inutusan niya si Bran kaya hindi pa ito bumabalik hanggang sa mga oras na iyon.
Tumango siya bago pinagapang ang kanyang mga kamay sa hita nito. Isang nasisiyahang ngiti ang sumilay sa labi ng babae at umupo sa kanyang mesa. Tinanggal muna nito ang mga dokumentong nasa harap niya kanina at binabasa bago ito umupo doon.
Kaya lang ay bumaba din ito kaagad at sa halip na sa mesa umupo ay sa kandungan niya ito piniling umupo.
Ikinawit nito kaagad ang mga kamay sa kanyang leeg at siya naman ay napahawak sa beywang nito. Sa totoo lang, hindi si Miranda ang unang sekretarya niya na nang-akit sa kaniya. Ilan na ang babaeng sekretarya na dumaan sa kaniya ngunit ang lahat ay nabigo na paibigin siya.
Hindi niya nakikita ang mga ito bilang babae kundi bilang mga parausan lamang. Isa pa, hindi niya anman pinipilit ang mga ito dahil ang mga ito mismo ang lumalapit sa kaniya at sino siya para tanggihan ang mga ito? Grasya ang mga ito para sa kaniya. Tanggihan niya na ang lahat huwag lang ang mga perlas ng silangan na iniaalay sa kaniya. Pinakamagandang bagay iyon para sa kaniya sa balat ng lupa.
Ilang sandali pa ay tuluyan na nitong inilapit ang mukha sa kaniya at pagkatapos ay ramdam na ramdam niya kung paano nito ikaskas ang dibdib sa kaniya. Lalaki siya kaya normal lang na tigasan siya kaagad sa oras na madikitan siya ng katawan nito.
Ngunit kahit na ganun, alam niya sa sarili niya na parang normal lang na sex iyon sa pagitan nilang dalawa. Walang magiging epekto iyon at kahit na gaano pa nito galingan para lang mapaligaya siya ay hinding-hindi pa rin niya makakalimutan ang babaeng iyon noong gabing iyon, ilang taon na ang nakakaraan.
Kahit na ilang taon na ang nakalipas ay parang fresh na fresh pa rin sa kanyang alaala ang lahat. Na para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Ginawa niya ang lahat para mahanap ito ngunit kahit na anong hanap niya ay hindi niya ito matagpuan. Ni wala siyang clue kung sino ito at napaka imposible na para sa kaniya na mahanap pa ito.
Idagdag pa na hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit niya patuloy itong hinahanap. Wala siyang ideya. Baka dahil gusto niyang malaman kung anong klaseng babae ito at ganun na lang ang epekto nito sa kaniya. Tama, iyon nga ang gusto niyang malaman. Baka nga.
Nasa leeg na niya kaagad ang mga labi nito ng hindi niya namamalayan at halos maitulak niya ito mula sa kanyang kandungan nang biglang bumukas ang pinto.
Natigil ang kanyang ama sa harap ng pinto dahil sa nakita. Ang babaeng nasa kandungan niya ay kaagad na bumaba at nagmamadaling nagtatakbo palabas ng opisina dahil sa labis na kahihiyan. Naging malamig ang kanyang mga mata. Hindi ito ang unang beses na nahuli siya nito sa loob ng kanyang opisina na may kasamang babae.
…
BUMALIK si Laida sa kanyang silid at napaupo sa kama. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya. Napaisip siya bigla sa offer sa kaniya ni Sevi. kung papayag siya sa gusto nito ay tiyak na hindi lang basta galit ang matitikman niya mula sa kanyang ama ngunit ang hindi niya masigurado ay kung nagsasabi ba ng totoo ang lalaki sa kaniya.Baka mamaya kasi ay bigla na lang siya nitong iwanang sa ere ng hindi niya man lang nakakamit ang gusto niya. Sa totoo lang, simple lang naman talaga ang gusto niya. Gusto niya lang naman lumaya mula sa puder ng kanyang ama na walang ibang ginawa kundi ang ipagawa sa kaniya ang mga bagay na hindi nito maipagawa sa kanyang ate na siyang paborito ng mga ito.Siya ang tagasalo ng lahat samantalang ang kanyang kapatid ay walang ibang ginawa kundi ang magpasarap buhay. Kung pwede nga lang sana niyang isipin na ampon siya ay ginawa na niya pero napaka-imposible nun at ngayon nga ay nanganganib nang tuluyang bumagsak ang kanilang kumpanya dahil sa lak
NANINGKIT ang mga mata ni Sevi nang makita niya si Laida na binuksan ang pinto ng kanyang silid. Hindi pa man sila nakapapag-usap ng matagal ni Addie ay kailangan niya nang tapusin ang tawag dahil baka mamaya ay magsumbong na naman ito sa kanyang ama.“What are you doing here? Binigyan ba kita ng pahintulot na tumapak dito sa kwarto ko?” magaspang na tanong niya rito kaagad. Wala na siyang pakialam pa kung anong isip nito o kung anong sabihin nito. Wala naman siyang pakialam dito sa totoo lang. Kung siya lang ang tatanungin ay hinding-hindi niya ito patatapakin sa kanyang condo, pero dahil mapilit ang kanyang ama ay wala na siyang nagawa pa kundi ang sundin na lamang ito.Tinaasan siya ng kilay at pagkatapos ay sumandal ito sa pinto. Humalukipkip ito at may mayabang na ekspresyon sa mukha. “What? Get out!” tinaasan na niya ito ng boses, umaga pa lang ay sinisira na nito kaagad ang kanyang araw. Kung kanina ay napakasaya niya nang marinig niya ang boses ni Addie, ngayon naman ay naiini
PUNO ng lungkot at awa ang mga mata ni Addie habang nakatingin sa babaeng nasa harapan niya. Napaka putla ng mukha nito at halatang hinang-hina na. Napakagat labi na lang siya. Hindi niya alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa ng lalaking iyon ngunit sigurado siya na pinahihirapan siya nito dahil bakit nito sasapitin ang ganung itsura kung hindi, hindi ba?Ilang oras na siyan nakaupo sa tabi nito at tahimik lang na tinitingnan ito hanggang sa narinig niya ang mahina nitong pag-ungol. Nang lingunin niya ito ay nakita niya ang mga luhang pumapatak mula sa mga mata nito. “Please… huwag… please…” nanginginig at takot na takot ang boses nitong nagmakakaawa.Tumayo siya at bahagyang niyugyog ang balikat nito dahil para bang nananaginip ito ng wala sa oras. Ilang sandali pa ay dahan-dahan na itong nagmulat ng mga mata. Nang makita siya nito ay bigla na lang itong napakagat-labi, sa sumunod na segundo ay napahikbi na ito at napahagulgol. Niyakap niya ito at hinaplos-haplos ang likod. Kung
NAPAILING na lang siya dahil sa sinabi ng kanyang kapatid at pagkatapos ay napabuntong hininga. “Hindi mo pa maiintindihan ngayon ang ibig kong sabihin dahil hindi mo pa nararanasang magmahal.” sagot niya rito.Narinig niya ang mahina nitong pagtawa. “Hindi ko akalain na maririnig ko ang mga salitang yan mula sayo Sevi.” muli itong napailing. “All my life ay nakita ko kung paano ka makipaglaro sa mga babae pero ngayon ay mukhang nababaliw ka dahil lang sa iisang babae. Parang hindi na ikaw ang Sevi na kilala ko.”Napailing na lang din siya ng mga oras na iyon dahil sa sinabi nito dahil sa totoo lang maging siya ay hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit siya baliw na baliw kay Addie. Hindi niya na rin makilala ang sarili niya sa totoo lang pero kahit na ganun ay wala siyang pakialam. Ang tanging mahalaga sa kaniya ngayon ay ang manatili ito sa tabi niya kahit na anong mangyari.“Anong plano mo sa kaniya?” sa pagkakataong iyon ay mas naging seryoso na ang boses nito. “Are yo
ISANG malakas na sampal ang pinakawalan ni Addie pagkatapos niyang dalhin sa ospital ang babae. Kung hindi pa pala ito nadala doon ay baka tuluyan na itong namatay dahil sa matinding pagkawala ng dugo. Napakaputla nito at halos wala ng buhay nang makita niya.Nakayuko ang lalaki sa harapan niya at walang imik. “Paano mo naatim na gawin iyon sa kaniya?! Sa tingin mo ba ay deserve mo siya?!” sigaw niya rito. Wala siyang pakialam kung sabihin nitong pakialamera siya masyado sa buhay ng mga ito ngunit halos madurog ang puso niya sa kanyang nakita sa totoo lang lalo na noong hawakan nito ang kamay niya at magmakaawa na huwag na lang niya itong dalhin sa ospital dahil ayaw na niyang mabuhay pa.Kahit na wala siyang ideya kung ano ng kwento sa likod ng lahat ng iyon ay alam niya na may malalim iyong dahilan at konektado ang lahat ng iyon sa kaibigan ni Sevi. halos nanginginig ang kanyang katawan sa galit sa totoo lang.Hindi pa siya nakuntento at pagkatapos ay hinawakan niya pa ang kwelyo ng
ISANG ngisi ang nakapaskil sa labi ni Laida nang lumapit siya kay Sevi. “Akala ko ay kaya mo na talagang hindi sumipot sa engagement nating dalawa pero mukhang takot ka pa rin naman pala sa Daddy mo.” bulong niya rito. Magkatabi silang dalawa ng mga oras na iyon. Alam ni Laida kung gaano siya nito kinamumuhian at halos ayaw nga siya nitong makita pero dahil nga sa ama nito ay hindi nito magawang salungatin ang lahat.Kahit na labag sa kalooban nito ang lahat ng nangyayari ay wala itong magagawa. Sa loob-loob niya ay masaya siya dahil akala niya kanina ay mapapahiya siya sa lahat ng taong naroon ngunit sa huli ay dumating din ito sa wakas.Ni hindi siya nito nilingon ngunit kitang-kita niya kung paano nagtagis ang mga bagang nito dahil sa sinabi niya. Wala siyang pakialam kung galit ito sa kaniya, ang importante ay matuloy ang pagpapakasal niya rito para sa inaasam niyang kalayaan.Ngayon kasi ay wala pa siyang magawa laban sa kanyang ama. Pero kung sakali mang makasal sila ni Sevi ay







