LOGINGULAT ang nakapaskil sa mukha ng babaeng nakatayo sa harapan niya nang pagbuksan siya ng pinto. Hindi ito nagsalita at pinapasok na lang siya basta kahit na hindi pa niya ibinubuka ang kanyang bibig para magpakilala.
Sa unang tingin pa lang sa mukha nito ay halos maiyak na siya dahil hindi lang ito basta kahawig ng kanyang ina kundi kamukhang-kamukha niya ito. Hindi maitatanggi na magkapatid nga silang dalawa at higit pa doon ay parang nasa harap niya muli ang kanyang ina, malakas at buhay na buhay pa.
Pagpasok nila sa loob at tumigil ito at humarap sa kaniya. “Umupo ka.” utos nito sa kaniya ngunit hindi siya gumalaw, nakatingin lang sa mukha nito habang nangingilid ang mga luha.
“Pwe-pwede ko po ba kayong yakapin?” mahina niyang tanong dito. Binalot na naman kasi siya ng lungkot at pangungulila sa kanyang ina. Miss na miss na naman niya ito lalo.
Napataas ang kilay nito ngunit sa huli ay pumayag din naman ito kaagad sa sinabi niya. Tumango ito dahilan para isahing hakbang niya ang distansya sa pagitan nilang dalawa at niyakap ito ng mahigpit. Hindi na rin niya napigilan pa ang luha sa pagtulo mula sa kanyang mga mata.
Hindi pa sila close ng Tita niya pero nang yakapin niya ito ay parang gumaan lahat ang problemang dala-dala niya.
Ilang sandali ay lumayo na siya rito at nagmamadaling pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata. “Pa-pasensya na po kayo… miss na miss ko lang po kasi ang nanay ko.” muling gumaralgal ang tinig niya at mahinang napahikbi. Pilit niyang pinipigilan ang kanyang sarili ngunit hindi niya talaga kayang pigilan ang kanyang emosyon dahil siguro hindi pa siya sanay na wala ang kanyang ina.
Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga bago siya nito hinila patungo sa sofa. Pagkaupo niya ay tumayo ito at umalis. Pagbalik nito ay may dala na itong isang basong tubig at inabot sa kaniya. “Uminom ka muna.”
Kaagad niya naman kinuha ang tubig na dala nito at ininom. Ilang beses siyang huminga ng malalim hanggang sa tuluyan nang kumalma ang nararamdaman niya. Nakayuko siya habang hawak ang baso. “Pasensya na po kayo kung nagpakita ako rito ng wala man lang pasabi. Ako nga po pala si Addie, ang anak ng kapatid niyo…” tumigil siya sandali at napalunok. “Alam ko pong galit kayo sa nanay ko pero, wala na po kasi akong ibang malapitan ngayon. Idagdag pa po na… na buntis ho ako ngayon.” muling nag-init ang sulok ng kanyang mga mata.
Para ring may bumara sa lalamunan niya ng muli niyang maalala ang kanyang sitwasyon. Nalulungkot siya para sa anak niya ngunit ano nga ang magagawa niya? Hindi niya naman maatim na ipalaglag ang mga ito dahil hindi naman siya ganung klaseng babae.
Muli itong napahugot ng malalim na buntong hininga. “Alam mo naman siguro na hindi ako mayaman hindi ba? Isa pa, simple lang ang buhay ko rito. Nakwento naman na siguro iyon sayo ng nanay mo.” huminga ito ng malalim. “Itong manggahan at ang bukid lang ang pinagkukunan ko ng pera. Tyaka may mga alaga akong hayop.” sabi nito sa kaniya.
Kaagad siyang nag-angat ng kanyang ulo. “Okay lang po yun Auntie. Sanay naman po ako sa hirap tyaka hindi po ako maarte. Kaya ko pong mag-adjust at higit sa lahat ay handa po akong tulungan kayo sa mga trabaho niyo rito.” sabi niya dahil baka mamaya ay palayasin siya nito. “Basta huwag niyo lang po akong palayasin, wala na po akong ibang mapupuntahan.” nagmamakaawa ang tinig niyang sabi rito.
Napailing naman ito at pagkatapos ay inabot ang kamay niya para bahagyang pisilin. “Bakit ko naman iyon gagawin sa nag-iisa kong pamangkin?” isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “Anong nangyari sa kapatid ko?” tanong nito sa kaniya.
Nang banggitin nito ang nanay niya ay wala naman siyang galit na naramdaman mula sa boses nito. Ni wala rin siyang nabanaag na galit sa mga mata nito kundi sa halip ay lungkot ang nababasa niya mula sa mga mata nito.
Napakagat labi siya bago muling nagyuko ng ulo. “Sinabihan po siya ng doktor noon na hindi siya pwedeng magbuntis dahil may sakit siya sa puso pero ipinilit pa rin niyang magbuntis at ako ang resulta.” sabi niya rito.
Sandali itong natahimik. “E ang tatay mo?”
Halos manlamig ang kanyang mga mata dahil sa tanong nito ngunit pinili pa rin niyang sagutin ito. Umiling siya. “Hindi ko na po siya nakilala dahil iniwan niya si nanay noong maliit pa ako.” sagot niya rito.
Kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito ng sabihin niya iyon. “Anong sabi mo? Iniwan niya ang nanay mo noong maliit ka pa?” ulit nitong tanong sa kaniya na para bang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
Tumango siya. “Iyon po ang sabi ni nanay. Iniwan niya kami at kahit ilang taon na po ako ngayon, ni anino niya ay hindi ko pa rin nakikita. Dahil sa pagiging absent niya sa buhay ko ay ni hindi ko alam kung anong pangalan niya. Ni ang itsura niya ay wala akong kaide-ideya.” sabi niya rito. Hindi na ito nagsalita pa, bagkus ay pinagpahinga na lang muna siya nito.
~~~~~
“Isang linggo akong nawala pero hanggang ngayon ay wala ka pa ring balita tungkol sa babaeng iyon?” tanong ni Sevi kay Bill.
Nakayuko lang naman ito habang nakatayo sa harap niya. “Pasensya na po kayo sir, pero wala po talagang impormasyon tungkol sa kaniya. Sadyang basta na lang daw po siyang nagpunta doon para sa pera at hindi rin nila alam kung saan siya nakatira sir.”
Napahilot na lang sa sentido si Sevi. “na-check mo ba ang cctv? Nakuha mo ba ang mukha niya?” muli niyang tanong dito ngunit umiling ito.
“Hindi po kita ang mukha niya sir dahil noong dumating kayo ay nakasuot siya ng maskara at maging noong pag-alis niya ay nakasuot pa rin siya ng maskara.” sagot naman nito kaagad sa kaniya na ikinakuyom ng knaiyang mga kamay.
Paano niya ito mahahanap ngayon kung wala man lang siyang impormasyon tungkol dito. Bukod pa doon ay ni hindi niya man lang nakita ang mukha nito. Tanging ang natatandaan niya lang ay ang paraan ng pag-ungol nito at napaka-imposible naman yata na mahanap niya ito ng dahil lang doon.
Isang mahinang buntong hininga ang pinakawalan niya bago napasandal sa kanyang swivel chair. Saan niya kaya mahahanap ang babaeng iyon na gumugulo sa isip at buong sistema niya.
…
MALAKAS pa rin ang kabog ng dibdib ni Bella pagkalabas niya ng pinto. Kahit kailan talaga ay napakasama ng ugali ng lalaking iyon! Idagdag pa na bigla na lang natanggal ang pagkakatali ng roba nito sa kanyang harap mismo at dahil dito ay nag-init na naman ang kanyang pisngi ng wala sa oras ng maisip ito. Ilang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya para lang kumalma ang nararamdaman niya. Kung alam niya lang na ganun ang mangyayari sa pagsama niya don e di sana ay hindi na lang talaga siya sumama rito dahil kung hindi niya gagawin ang lahat para iwasan ito ay baka, baka kung anong gawin nito sa kaniya. Kung ito ang magiging kasama niya sa silid ay baka mas mainam na lang kung sa hallway siya matulog baka mas sakaling safe siya hindi ba? Nagkukunwari lang pala itong walang interes sa mga babae pero ang totoo ay manyakis talaga ito! Hindi niya hahayaang makalapit ito sa kaniya at makuha nito ang gusto sa kaniya kahit na sabihin pang boss niya ito. Hinding-hindi siya papayag.
DAHIL wala namang ibang mapuntahan si Bella ng mga oras na iyon ay pumunta na lang siya sa hagdan ng emergency exit. Nakapangalumbaba siya ng mga oras na iyon at napapaisip kung ano na kaya ang nangyayari sa loob ng silid na iyon. Masasabi niya na maganda naman ang babaeng pinapasok niya sa loob ng silid ni Xander at bukod pa doon ay napakaganda rin ng pangangatawan nito. May malalak din itong hinaharap kaya masasabi niya na tiyak na magugustuhan ito ng kanyang boss dahil karamihan naman ng mga lalaki ay ganun ang hanap hindi ba? Bukod pa doon ay may kaakit-akit itong mga mata. Mukha rin sanay na ito sa ganuong trabaho kaya sigurado siya na kayang-kaya nitong paamuhin ang lalaking iyon. Ilang sandali pa ay napangisi siya at marahang napatawa. Sigurado na nag-eenjoy na ito ng mga oras na iyon. Ngunit para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang marnig niya ang malamig na boses mula sa likuran niya. “Nakakatawa ba ang ginawa mo?” malamig at halatang galit na tanong nito sa kaniya.
PINAPASOK ni Bella ang babae at binigyan ng ilang mga tagubilin bago tuluyang lumabas ng silid na iyon. Pagkatapos niyang isara iyon ay napangisi na lang ng wala sa oras si Bella. Tingnan niya lang ngayon kung may reklamo pa ito sa kaniya. Samantala, pagkatapos namang umalis ng babae sa loob ng banyo ay hindi maiwasan ni XAnder na mapangisi. Halatang natakot ito sa sinabi niya at habang natatakot ito ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa totoo lang. Buong akala niya talaga ay hindi na siya muling magkakainteres pa sa mga babae ngunit mali pala siya dahil mukhang nag-uumpisa na siyang magkainteres dito.Tahimik siyang nakahiga sa may bathtub habang may ngiti sa kanyang mga labi. Ilang sandali pa ay narinig niya ang muling bumukas ang pinto ng banyo. Napuno ng pagtataka ang kanyang mukha ng mga oras na iyon. Bumalik ba ito pagkatapos itong magtatakbo sa kaniya kanina? Papaliguan ba talaga siya nito?Ilang sandali pa ay naramdaman na lang niya ang malalambot na mga kam
MULING nagsalita si Xander. “Bella, gusto kong sabihin sayo na ang unang una mong dapat na matutunan ay ang pagpapaligo mo sa iyong amo. Naiintindihan mo ba?” tanong niya rito.Napuno naman ng gulat ang mukha ni Bella ng marinig niya ang sinabi nito. Anong ibig sabihin nito sa sinabi nitong iyon? Seryoso ba talaga ito? O niloloko lang siya nito at pinagtritripan?Seryoso ba talaga ito? Paliliguan niya ito? Bakit? May kamay naman ito at higit sa lahat ay wala itong problema kaya paanong kailangan niya pa itong paliguan? Hindi ba ito marunong maligo ng mag-isa? Madilim ang kanyang mukha na napatingin dito. “Pero bakit sir? May kamay naman kayo. Bakit kailangan ko pa kayong paliguan?” hindi lubos maintindihan ni Bella kung bakit niya ito kailangang paliguan. Kailan pa naging trabaho ng sekretarya ang pagliligo sa kanyang amo? Wala naman diba? Parang ngayon niya lang yata iyon narinig sa buong buhay niya. Mas naging madilim naman ang mukha nitong nakatingin sa kaniya. “Bakit hindi? Hindi
TANGHALI na nang dumating ang dalawa sa isang hotel na sa tantiya niya ay isa sa mga sikat na hotel sa lugar na iyon. Ang nag-book nun ay ang organizer ng isang fashion show. Pagkatapos niyang ihatid ang lalaki sa silid nito ay kaagad niya itong tinanong. “Uhm sir, saan po ang silid ko?” tanong niya rito. Wala naman kasi itong nabanggit sa kaniya kaya mas mainam na kung magtanong na siya.Nilingon siya nito habang hinuhubad ang suot nitong suit. “May dalawang kang pagpipilian. Una ay humanap ka ng ibang hotel na tutuluyan mo.” sagot nito sa kaniya. Mabilis na napailing si Bella, hindi niya iyon pwedeng gaiwn dahil bukod na nga sa hindi siya pamilyar sa lugar ay natatakot din siya. Baka mamaya ay kung anong mangyari sa kaniya. Ayaw niya namang mapahamak. “At ang isa?” mahina niyang tanong dito.“Matulog ka rito kasama ko.” sagot nito sa kaniya dahilan para manlaki ang kanyang mga mata ng wala sa oras. Tama ba ang narinig niya? Silang dalawa? Matutulog sa iisang silid? Nababaliw na ba
NAPATITIG si Xander sa mukha ng babae at puno ng pagtataka ang mukha niyang nakatingin dito. Bakit nito nasabi ang bagay na iyon? Isang flight attendant ang dumaan at nakita ang takot na takot na mukha ni Bella. Puno ng pag-aalalang tumingin ito sa kaniya at nagtanong. “May problema po ba Miss?” tanong nito sa kaniya.Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Punong puno ng takot ang kanyang dibdib.,ayaw niya pang iwanan ang mga anak niya dahil napakabata pa ng mga ito. Doon niya lang napansin na noong mga oras na iyon ay maayos na pa lang muli ang lipad ng eroplano. Bigla siyang napalingon sa labas ng bintana, ayos na ba talaga ang lahat? Napakurap siya ng ilang beses bago niya tuluyang napagtanto na hanggang sa mga oras na iyon ay nakayakap pa rin pala siya sa mga bisig ng lalaking katabi niya. Nang tingnan niya ang suot nitong suit ay may bahid pa ito ng sipon kaya dali-dali niya itong binitawan at lumayo rito na parang napapaso. “Pa-pasensya na po sir.” paghingi ni
TININGNAN ni Sevi ang babaeng mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Nakatayo sa gilid malapit sa bintana habang may hawak na baso at may lamang alak. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya sa totoo lang kung bakit niya nasabi ang mga bagay na iyon rito. Hindi niya maintindihan ang sarili niy
HINDI makapaniwalang napatingin si Addie sa napakaraming kahon na nakalagay sa sala. Ibat-ibang pangalan ng sikat na mga clothing store at mga sapatos. Hindi niya napigilang hindi mapatingin sa lalaking prenteng nakaupo sa gilid ng sofa kung saan ay iyon na lamang ang natitirang space.Ngumiti ito
ISANG buntong hininga ang pinakawalan ni Addie. Naglakad siya patungo sa sala, sinigurado niyang wala na si Sevi bago niya tinawagan ang kanyang tiyahin. Kanina niya pa sana gustong tawagan ang kanyang auntie kaya nga lang kasi si Sevi ay halos siyang pakawalan. Kung hindi pa ito tinawagan ni Bran
DAHAN-DAHANG iminulat ni Addie ang kanyang mga mata bago niya iniharang ang kanyang kamay sa mukha dahil bigla na lamang siyang nasilaw sa matinding liwanag. “Anong oras na ba?” mahina niyang tanong.Napahilamos siya sa kanyang mukha at dahan-dahang bumangon. Inaantok pa ang pakiramdam niya. Luming







