NILAPITAN AKO NI Roger pero hindi ko ito pinansin, bagkus, dumiretso kaagad ako papunta sa kinap'westuhan nila Charmee, Sweetie, Vivian, Lex at Malou.Sinundan ako nito. Habang nakabuntot din dito si Darleen.Pagkalapit ko sa kanila ay kaagad na inabutan ako ng baso ni Charmee na naglalaman ng alak. Malugod ko naman itong tinanggap."Susubo lang muna ako ha. Babalik pa naman na kami bukas. Mahirap na. " Aniya ko sa kanila. Mabuti na iyong sigurado, mahirap kasi uminom ng wala pang laman ang sikmura. Bukas pa naman na kami babalik. Ayokong makaabala kina Roger at Malou bukas."Sige lang, take your time, be. Tig-iisa naman tayo ng baso," nakangising sagot naman ni Vivian habang nagsasalin ito ng alak sa baso ni Sweetie. Ito ang tanggera ng barkada nila Malou."Anong oras nga pala kayo aalis bukas? " sabat naman ni Lexie sa usapan. Nakailang baso na rin ito ng alak pero tila ba chill lamang ito sa isang tabi. Halatang sanay na sanay na itong mag-inom."After lunch, siguro," sagot naman
MADALING-ARAW pa lang ng gumising ako. Medyo nakaramdam ako ng kunting pagkahilo ng bumangon ako, ngunit, hindi ko ito ininda dahil ang iniisip ko na kailangan ko pang mag-ayos ng mga gamit namin. Ngayon pa naman ang araw ng babalik kami. Nilingon ko si Roger sa aking tabi. Mahimbing pa rin itong natutulog. Mamaya ko na siguro itanong kina Malou tungkol sa sinasabi ni Roger kagabi na nilagay ni Darleen sa inumin nito. Maingat akong bumangon upang hindi ko madistorbo ang pagtulog ni Roger. Kinuha ko ang face towel na nakasampay at ipinatong ito sa aking balikat. Bumungad sa akin pagkalabas ko ng tent ang sobrang kalat. Nagkalat ang mga walang laman na bote sa kung saan saan. May mga damit pa na nasa lupa, hindi ko alam kung sino sa kanila ang may-ari nito. Basta ko na lamang na pinulot ang mga ito at nilagay sa itaas ng kubo. Ang mga bote naman ay isinilid ko sa maliit na sako. Habang ang mga ibang kalat ay sinilid ko sa trashbag na itim. Pagkatapos, kaagad na dumiretso ako sa hara
MGA BANDANG ALA UNA na kami bumiyahe. Kinailangan pa kasi namin na hintayin matapos kumain ni Roger dahil alas onse na ito nagising. Mabuti na lamang talaga na tinulungan ako ng magkapatid na magligpit ng mga gamit namin. Kaya natapos kaagad. Habang nasa byahe ay walang ibang ginawa si Roger kundi ang matulog. Hinayaan na lang namin ni Malou ito. Nagkuwentuhan din kami ni Malou. Kailangan ko siya kausapin dahil baka bigla na lamang itong antukin sa byahe. Pare-pareho pa naman kaming puyat. Nagbukas ako nang paksa. Nakiusap ako sa kaniya na h'wag sabihin kay ninang na magkasama kami ni Roger ng ilang araw. Basta kapag tinanong siya nito, sasabihin lamang niya na sinundo nila ako sa terminal ng bus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit, kaagad itong sumang-ayon sa pinakiusap ko rito. Tinanong ko rin ito tungkol sa sunog. Medyo may pag-alinlangan pa itong ngumiti sa akin bago nagsalita."Inggit ang dahilan sa sunog noon. At ang iginigiit ng nahuling salarin na si kuya Ben ang may
"BAKIT HINDI NINYO KAAGAD sinabi sa akin na may sakit pala si Roger?"Nakapameywang na tanong ni ninang sa amin. Kasalukuyan na tiningnan ng private doctor nila ito sa silid nito. "Kanina pa po kasi namin gustong ipaliwanag sayo 'yong totoong dahilan kung bakit hindi kaagad nasabi sa inyo ni Sabrina ang totoo." Malamig na sagot ni Malou kay ninang. Bagay lang talaga na si Malou ang napili ni Roger na maging kapalit ko. Mukhang hindi kasi ito basta basta na lang na maaapi. "Okay, I apologize for what I did. " Tagos sa ilong na paghingi pa nito nang paumanhin sa amin. Halata namang napipilitan lamang ito na humingi ng despensa. Pero malaki ang pasalamat ko kay Malou at denepensahan pa rin ako nito kahit na alam nitong puro kasinungalingan lamang ang sinasabi nito kay ninang. "By the way, Sabrina. Since nandito na ang magiging kapalit mo kay Reema ay pansamantala ka munang magstay sa room ni mang Oming dahil you can't stay in the guest room dahil nand'yan ang pinsan kong si Ian. "
"UUTUSAN SANA KITA na mamalengke ngayon, Sabrina. Kaso, ikaw at si Ian ang magkasama. Kaya, ako na lamang ang aalis. Ikaw na muna ang bahala na magbantay rito, ha? H'wag kang basta-basta magpapasok nang mga hindi mo kakilala rito. Dahil hindi rin talaga safe. " Saad pa ni ate Melleza sa akin.Gusto ko sana na ako ang magstay rito na mag-isa kaso naisip ko rin na baka kung magpaiwan ako rito sa bahay, baka pagnanakaw naman ang ibebentang sa akin ni ninang. Kaya imbes na sang-ayonan ang sinasabi ni ate Melleza sa akin, ay nagpresinta na lamang ako na ang mamalengke."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, neng?" medyo may pag-alinlangan pa na tingin sa akin ni ate Melleza."Opo. Ayos lang po ako. Mas mabuti po na ikaw ang magstay rito kasi mahirap na rin po na ako ang maiwanan dito. " aniya ko pa rito.Nababahala pa rin ang hitsura ni ate Melleza sa naging desisyon ko pero napapayag ko pa rin ito sa huli.Binigay kaagad ni ate Melleza sa akin ang listahan ng mga bibilhin. Tinawag nito si I
MALAKAS ang naging tahip ng aking dibdib, matapos kong simutin ang huling laman ng baso ng lambanog na kanina pa naming iniinom ng aking matalik na kaibigan. Hindi ko kasi naiintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Para akong kinikilabutan na hindi ko malaman. "Samuel, tama na iyang kakainom ninyo! Tingnan mo nga ang hitsura niyang si Danilo, napakaputla na! Akala mo ibinabad sa suka!" Saway na paalala ng misis ng aking matalik na kaibigan. Ngunit wala man lang akong narinig na kasagutan mula sa aking matalik na kaibigan. Kaya nang lingunin ko na ito ay napailing na lamang ako dahil kanina pa pala ito humihilik. "Dumito ka na lang kaya muna matulog, Danilo. Masyado ng malalim ang gabi. " Wika nito habang inaakay ang aking kaibigan na kanina pa bagsak. Katuwang nito ang anak na lalaki sa pagbuhat. "Salamat, Salome. Pero kailangan ko ng umalis. Baka mapadaan si misis at masermunan pa ako kapag hindi ako naabutan n'on sa bahay. " Mabilis kung tinanggihan ang naging alok nito
Taong 2019: "Binang! Binang!" Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang boses ni Ate Sandy na sumisigaw. Alas singko pa lamang naman ng madaling araw pero parang wala man lang itong pakealam kung makadistorbo ba ito sa mga natutulog pa naming kapitbahay. Kaagad naman itong sinalubong ng tatlo pa naming nakababatang mga kapatid. At humahangos pa itong pumasok sa pintuan ng aming munting tahanan. "Oh 'nak, bakit ka napasugod ng kay aga?" May himig pag-aalala ang boses ni nanay habang tinatanong si ate Sandy. Imbes na sagutin ang katanungan ni nanay ay nagtanong din ito pabalik, " Nasaan po si Binang, 'nay?" Mahahalata sa boses nito na puno ng kasabikan. Ano kaya ang kailangan nito sa'kin at napasugod pa ito ng ganito kaaga. Mukhang importante ang pakay ni Ate sa'kin dahil dumayo pa talaga ito kahit na madaling araw pa lamang upang puntahan ako dito sa aming munting tahanan. Nasa kabilang dulo pa naman ito ng sakahan nakatira. "Bina, may magandang balita ako para sa'yo!" Napakal
5 years later.. "Mag-iingat ka roon, anak. " Habilin ng inay ko sa'kin habang nagliligpit ako ng mga iilang damit na aking dadalhin para sa pagluwas ko papunta sa Maynila. "H'wag kang maging pasaway doon ha. " Wika naman ni itay na hindi ko napansin ang pagdating galing sa sakahan. "Opo, magpapadala po ako kaagad ng pera kapag nakaluwag luwag na po ako roon," magalang na sagot ko naman sa kanila. "Pasensya ka na sa'min 'nak, ha." Malungkot na wika ni nanay sa akin. Tumigil muna ako sa aking ginagawa at mapang-unawang humarap kaagad dito. Sa walong magkakapatid ako ang pang-apat. May mga asawa't-anak na ang aking tatlong nakatatandang kapatid na nakaasa lang sa sakahan ng aking masipag na tatay. Kakanin ang negosyo ng aking nanay at ako, at ang isa ko pang nakababatang kapatid na babae ang tumutulong sa paglalako nito. Hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral sa kagustuhang matulungan ko ang aking mga magulang. Ayokong tularan ang mga nakakatanda kong kapatid, na pagkatapos pag