Share

Fields of Pleasure 2

5 years later..

"Mag-iingat ka roon, anak. " 

Habilin ng inay ko sa'kin habang nagliligpit ako ng mga iilang damit na aking dadalhin para sa pagluwas ko papunta sa Maynila.

"H'wag kang maging pasaway doon ha. " Wika naman ni itay na hindi ko napansin ang pagdating  galing sa sakahan.

"Opo, magpapadala po ako kaagad ng pera kapag nakaluwag luwag na po ako roon," magalang na sagot ko naman sa kanila.

"Pasensya ka na sa'min 'nak, ha." Malungkot na wika ni nanay sa akin.

 Tumigil muna ako sa aking ginagawa at mapang-unawang humarap kaagad dito.

Sa walong magkakapatid ako ang pang-apat. May mga asawa't-anak na ang aking tatlong nakatatandang  kapatid na nakaasa lang sa sakahan ng aking masipag na tatay. Kakanin ang negosyo ng aking nanay at ako, at ang isa ko pang nakababatang kapatid na babae ang tumutulong sa paglalako nito.

Hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral sa kagustuhang matulungan ko ang aking mga magulang. Ayokong tularan ang mga nakakatanda kong kapatid, na pagkatapos pag-aralin ng aking mga magulang ay pag-aasawa kaagad ang inaatupag. Gusto kung ma-i-ahon man lang sa kahirapan ang aking mga magulang at mapag-aral ang aking  apat pang mga nakababatang kapatid.

Kaya nang inalok ako ng aking ninang Marites na mamasukan sa kanila ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na pumayag. Walang nagawa ang aking mga magulang dahil nasa tamang edad na rin naman ako para makapagdesisyon para sa aking sarili.

"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo, Bina?"

 Natatawa ako sa naging tanong ni ate Sandy sa'kin.

"Hindi ate. Kakayanin ko lahat para sa mga nakababata nating kapatid at para na rin sa mga magulang natin. " Buo na ang pasya ko para sa pagluwas ko ng maynila.

HINATID nila ako sa terminal ng bus at nakita kong mat'yagang naghihintay ang dating kaibigan ni ninang na si Roger, dahil ngayon ay asawa na niya ito.

"Mag-iingat kayo sa biyahe ha," mangiyak ngiyak na yakap sa akin ni inay. Hindi na nakasama sina itay at ang iba ko pang mga nakababatang kapatid. Tanging si nanay at ate Sandy lamang ang naghatid sa'kin.

"Aalis na ho kami, " paalam ni Roger kay nanay at ate Sandy. Bitbit niya sa kaliwang kamay ang sako bag na pinaglagyan ko ng aking mga damit.

At sumakay na kami ng bus. Pinaupo niya ako banda sa malapit sa may bintana at umupo rin siya sa aking tabi pagkatapos niyang mailagay sa taas ang aking sako bag. Kukunti lang naman ang laman n'on kaya alam kong hindi siya gaanong nahihirapan sa pagbuhat nito.

Tahimik lang ako sa byahe. Wala kaming imikan na dalawa. May mga pagkakataon na mapasubsob ako sa balikat niya kapag paliko- likong daanan ang madadaanan ng sinasakyan naming bus. Hinahayaan niya lamang ako. Hindi nga niya ako sinita na makatulugan kong nakahilig sa balikat niya.

Huli ko nang malaman pagkarating namin nang biglaang sumigaw ang kundoktor ng bus na nasa bus station na kami. Ang awkward ng posisyon namin. Nakahilig ako sa balikat niya, nakahilig rin siya sa aking ulo  habang magkahawak kami ng kamay. Kung pagmasdan kami  ng ibang mga pasahero ay tiyak na iisipin nila na  bagong mag-asawa kami.

Dahil sa pagkabigla ay nagmamadali akong bumitaw rito. 'Ano na lang ang iisipin ng mga nakakilala sa amin dito? Baka ma-issue pa kami! '

Ngumiti lang ito sa'kin matapos kong alisin ang aking kamay. Kakaiba ang paraan nang pagkatitig nito sa akin. Parang nakakapaso sa pakiramdam ang mainit niyang mga titig. Parang napipilitan pa nga nitong alisin ang kamay nito na nakapatong sa aking tuhod  dahil bababa na kami sa sinasakyan naming bus. Kaya hindi ko nalang binigyan pa ng mas malalim na kahulugan ang kakaibang mga tingin na ipinukol nito sa akin. At maingat na bumaba ako sa bus.

Sa bus station nakaparada ang sasakyan ni Roger. Mula noong una naming pagkikita at hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-i-aalis sa kanya ang pagiging gentleman nito.

Pinagbuksan niya ako ng pinto bago sumakay sa sasakyan niya na kasya hanggang apat o lima na katao.

"Ready ka na ba?" Nakangiting tiningnan niya ako.

Na-e-excite naman akong tumango sa kanya, "ata!"

May pag-alinlangan itong tumingin sa'kin at ginagap nito ang aking kaliwang kamay, " akong bahala sayo, Sab. Basta magtiwala ka lang saakin. "

Nakangiti akong tumitig sa kan'ya, "may tiwala naman ako sayo."

Naramdaman ko ang mahinang pagpisil niya sa aking kamay bilang pagtugon sa naging sagot ko. Kakaiba ang dulot nito sa'kin. Parang may isang daang boltahe ang bigla-bigla na namang sumiklab sa buong sistema ko. Mas nakadagdag sa excitement na nararamdaman ko ngayon.

Kaya medyo mas relax na ang aking pakiramdam habang nakaupo sa front seat. Ngayong abala na ito sa pagmamaneho ay inaliw ko rin ang  aking sarili sa pagmamasid sa labas ng sasakyan.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatapak ako ng Maynila. Kaya, tuwang tuwa ako habang pinagmamasdan ko ang mga naglalakihang mga building na may iba't-ibang hugis at kulay. Animo mga higanteng mga cabinet ito na nakadisplay sa labas.

Habang nagmamasid ay hindi ko rin maiwasang maglakbay ang aking imahinasyon at mangarap ng mga imposibleng bagay.

Nadagdagan ang mga plano ko sa buhay. Kaya kahit anong mangyari sa akin dito ay hindi ako susuko. I-a-ahon ko sa kahirapan ang aking pamilya. Balang araw, mararanasan din nila ang mamuhay nang maginhawa at malayang makapaglakbay sa iba't-ibang lugar. 'saka mabibili ko na rin ang sinasakahang lupa ni tatay.

Subalit nagtaka ako ng bigla na lamang huminto ang sinasakyan namin sa tapat ng isang sikat na fastfood na nakikita ko pa lang sa telebisyon. Nagtatanong ang aking mga mata nang lingunin ko si Roger na nakikita ko na nagtatanggal na ito ng seatbelt.

"Bakit ka huminto?"

"Kailangan muna nating kumain dahil rush hour na ngayon. Tiyak gagabihin na tayong makarating sa bahay. " Nakangiting sagot nito sa'kin.

Napasulyap ako sa orasan ng sasakyan. Mag-ala una na pala ng hapon. Sobrang nawili ako sa pagmamasid at nakaligtaan ko na ang oras.

Binuksan niya ang pinto at inaalalayan ako papunta sa loob. Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng awkwardness dahil pakiramdam ko ay pinagtitinginan kami ng mga taong nakakasalubong namin.

Napaigtad pa ako ng  walang pahintulot na hinawakan nito ang aking  likuran  at maingat na iginiya  ako nito papasok sa loob. Tiningnan ko ito ng may pag-alinlangan," kaya ko namang maglakad. "

Isang nakakalokong mga ngiti lamang ang isinagot nito bilang pagtugon. Pero hindi pa rin nito binibitiwan ang pagkakahawak sa aking  kamay. Hanggang sa makahanap na kami ng pwesto. Sobrang uneasy pa rin ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan. Kaya nagrequest nalang ako na sa biyahe nalang kakain.

"Sigurado ka ba?" May halong pag-aalala sa boses nito.

Dahan-dahan akong tumango. Kaya napagpasyahan niyang magtake-out. Nang makalabas na kami ng fastfood ay saka pa ako nakahinga ng maluwag lalo na ng nakaupo na ako pabalik sa sasakyan.

"Kain na tayo," biglang salita ni Roger.

"Ha? Dito?"

"Ayaw mo roon sa loob kaya dito nalang tayo sa loob ng sasakyan magkainan," namula ako sa huling sinabi niya. Pagtingin ko sa hitsura nito  ay todo ang pagkangiti sa mga labi nito. Mas lalong nakakadagdag sa pamumula ng aking pagmumukha.

Hindi pa ako naka-move on sa narinig ko nang walang pahintulot nito akong subuan. Dahil sa sobrang pagkabigla ay hindi ko sinadyang matapon ang gravy ng manok sa aking braso. 

"Ayos ka lang ba?" Puno nang pag-alalang tiningnan ako nito. Mahinhin naman akong tumango bilang pagtugon sa naging nito sa akin. 

Kaagad na dinampot nito ang tissue nang bigla na lamang itong napatigil. Ngumiti ito sa aking ng pagkatamis tamis. At walang pasabing dinilaan nito ang gravy na malayang  dumadaloy sa aking braso. 

Hindi ko napaghandaan ang kapangahasan na sumunod na ginawa niya. Mas nataranta pa ako ng sa halip na punasan na niya ito ng tissue ay bibig ang ginamit niya para matanggal ang tumutulong gravy na kumalat  sa aking braso.

Kakaiba sa pakiramdam ang paraan na ginawa nito. Parang nag-iba bigla ang temperatura sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko ay bumubuga ng mainit na hangin ang aircon sa loob ng sasakyan. Hindi ko na nga alam kong nakailang lunok na ako dahil sa nakaliliyong sensasyon na aking nararamdaman pero mas pinili ko na labanan ito.

"A-ako na po ang magpunas. . . "nanginginig ang aking boses habang dahan-dahan kung hinihila ang aking braso papalayo sa kan'ya.

"Pasensya ka na, Sab. Nabigla kasi ako. Nag-aalala rin ako na matapunan ng gravy ang aking sasakyan . " 

Hinging paumanhin nito sa akin. Pero hindi ko ito nakikitaan ng anumang bakas na nagsisisi ito sa ginawa niya. Bagkus, may kinuha itong wipes at tinulungan pa ako nitong punasan ang gravy na natapon sa aking braso.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay sa paraan nang pagkahawak nito sa akin. Bawat dantay ng balat nito sa akin ay nagbibigay sa akin ng kakaibang pakiramdam, na mas lalong lumalala dahil ngayon ay magkakasama na kami sa iisang bahay.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status