Share

FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART
FIXING THE BAD BOY'S BROKEN HEART
Author: Diosa Mei

SIMULA NANG PAGKABIGO

Kung sana lang ay pinakinggan niya ang instinct niya kanina ay sana magkasama pa sila ni Via at masaya… 

Kung sana lang ay pinilit niya itong sumama sa kanya ay hindi mangyayari ang kinatatakutan niyang mangyari . . .

Kung sana lang . . .

****

“Ang tagal mo naman! Parang ang tagal mong mawawala, ah!” singhal ni Chino sa kanya. 

Sininghalan niya lang ito at sumakay na siya sa Van. Nasa loob na ang kanyang Ate at ang iba pang school staff na tutulong sa kanila para mag-ayos ng mga kailangan nila. 

“Habang nasa biyahe tayo ay puwede niyong balikan na muna ang mga pinag-aralan niyo. Aabutin ng isang oras ang biyahe natin,” sabi ng kanyang Ate. 

“Si Russell ang mas kailangan mag-review dahil masyado siyang distracted nitong mga nakaraang araw,” kantiyaw ni Lloyd sa kanya. 

“Parang hindi ka rin distracted, ah,” singhal niya rito. 

“Hindi kasing distracted mo.” Nakangising pang-iinis nito sa kanya. 

Napailing siya at hindi na nakipagtalo pa rito. Kinuha niya ang notes niya at inabala ana lang ang sarili sa pagre-review. Hindi nila hawak ang kanilang mga cellphone ngayon dahil sobrang nakakaabala iyon sa kanila at mawawala ang lahat ng pinag-aralan nila kapag hawak nila ang mga aparatu. 

Noong una ay hindi iyon problema kay Russell pero ngayon parang gusto niyang pakiusapan ang kanyang Ate at kuning ang cellphone niya. Alam niyang hindi rin siya papayagan nito kahit ano pang sabihin niya, isa pa nangako siya kay Via na iuuwi niya ang pinakamalaking tropeyo kaya kailangan niya munang magtiis. 

“Kumusta na si Via? Hindi ba siya nahihirapan, i-handale ka?” tanong ni Dyke sa kanya. 

Kunot-noo niya itong tiningnan. “Anong ibig mong sabihin?” 

“Iyong sitwasyon niyong dalawa,” sabi nito. 

“Okay naman kami,” sagot niya. 

Nahuli niyang napatingin sa kanya ang kanyang Ate ngunit hindi niya ito pinansin at itinuon na lang sa pagbabasa ang atensiyon para hindi na siya kausapin pa ng mga kaibigan niya. 

Masaya silang magkasama ni Via, kahit na araw-araw ay nangangamba siya nab aka bigla na lang sumulpot ang kanyang mga magulang o si Molly para manggulo. Nakahanda naman silang dalawa ni Via at alam niyang hindi siya iiwan ng dalaga. Ramdam niya ang pagmamahal nito at sabay nilang malalampasan ang lahat nang pagsubok na darating. 

Sa loob ng mahigit na isang oras nilang biyahe ay nakarating na sila sa University na pagdadausan ng Quiz Bee. Lumapit siya sa kanyang Ate para hiramin saglit ang cellphone niya nang makita niya itong tila binagsakan ng langit ang mukha. 

“Ate, may nangyari ba?” Kinakabahan niyang tanong dito. 

Nahuli niyang itinatago nito ang cellphone nito sa kanya, binundol ng kaba ang dibidb niya kaya mabilis niyang kinuha ang hawak nitong cellphone. Natulala siya dahil may nasa video ang kanyang mga magulang at si Via. Nagtatalo ang dalawa at kitang-kita niya kung paano maliitin at alipustahin ng kanyang Daddy si Via. 

Nagdilim ang paningin niya at nagtiim ang bagang. “R-Russell… calm down.” 

Hindi niya ito pinakinggan. “Give me the key, I’m going home,” sabi niya. 

“Dude, what’s happening?” tanong ni Chino na tila nakahalata sa pag-iiba ng mood niya. 

“Russell, hindi ka puwedeng umalis. Nakasalalay ang—” 

“Wala akong pakialam!” sigaw niya. “Give me the keys at uuwi ako! Kailangan ako ni Via at magtutuos kami nina Daddy!” 

“Anong nangyayari dito? Russell, bakit ka sumisigaw?” tanong ni Dyke na lumapit na rin sa kanila. 

“Miss Natty, inayos na po namin ang mga gamit—” Hindi nito naituloy ang sasabihin dahil kinuha ng kanyang Ate ang susing hawak nito. 

“Sasamahan kita, hindi ka puwedeng magmaneho na ganyan ang sitwasyon mo,” sabi nito at bumaling sa iba niyang kaibigan. “Saka na ako magpapaliwanag, magpokus muna kayo sa Quiz Bee, babalik agad ako once na mihatid ko si Russell. Please, huwag na muna kayong magtanong. Jessie, samahan mo muna sila at pasabi kay Miss Carpio siya na muna ang umaktong Head ng Sagesse,” bilin nito sa Staff. 

Sabay na silang sumakay sa kotse at agad niyang kinabit ang seatbelt niya. Kinuha niyang muli ang cellphone ng kanyang Ate at sinubukang tawagan si Via ngunit ring lang iyon ng ring. Mas lalo tuloy nadagdagan ang galit na nararamdaman niya. 

“Kapag may nangyaring hindi maganda ngayon araw, Ate, isusumpa ko talaga ang mga magulang natin,” sagot niya habang nakatingin sa kalsada. Umaasa siyang nasa condo lang si Via at hindi nagpatinag sa mga sinabi ng kanyang Daddy. 

‘Tangina! Hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag nakita kong wala na si Via sa condo.’ 

“Russell, please calm down, kinakabahan ako sa ’yo baka kung mapaano tayo dito sa kalsada,” pakiusap ng kanyang Ate. 

Ipinikit niya ang mga mata niya at pilit kinalma ang sarili, tama ang kanyang Ate kailangan niyang maging kalmado dahil baka hindi siya makapagpigil at bigla na lang siyang bumaba ng sasakyan at takbuhn ang daan pauwi. 

**** 

“Via!” tawag niya agad sa katipan nang makapasok siya sa condo. 

Ngunit walang sumagot sa kanya. Nakasunod sa kanya ang kanyang Ate at tinawag din ang pangalan ni Via ngunit halos nalibot na niya ang maliit na espasyo ng kanyang Condo ay hindi niya nahanap si Via. 

Nanghihina siyang napaupo sa sahig at nagsimulang umiyak. 

“She left me . . .” mahinang saad niya at napahagulhol ng iyak. 

Mabilis siyang niyakap ng kanyang Ate at inalo, ngunit hindi iyon nakatulong sa kanya. “Pupuntahan ko siya sa bahay nila, baka nandoon lang si Via at nagpapa—” 

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang may kumatok sa pinto. Nabuhayan siya ng loob at mabilis na binuksan ang pinto ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya niya nang makita si Rosalie kasama ang mga kaibgan niya. 

“Alam niyo ba kung nasaan si Via?” tanong niya sa mga ito. 

Wala siyang nakuhang sagot sa kanila pero ramdam niyang may alam ang mga ito. 

“Please, kailangan ko siyang puntahan. Kailangan kong ipaliwanag sa kanya ang lahat at gusto ko ring ipaalam na—” 

“R-Russell…” maagap na tawag ni Drea sa pangalan niya. 

Tumingin siya sa kanyang pinsan at naghintay ng sagot, ngunit nagdaan na ang ilang minute ay wala siyang nakuhang sagot mula rito. 

“Bakit hindi kayo magsalita?! Nasaan si Via? Wilmar! Rosalie! Steph! Zee!” pinangalanan niya silang lahat ngunit hindi siya sinagot ng mga ito. 

“R-Russell…” Napalingon siya nang tawagin ang pangalan niya ng kanyang kapatid. Nakita niya itong luhaan at pigil nito ang mapahikbi. 

Nanginginig ang kamay na iniabot nito sa kanya ang cellphone at nagimbal siya ang makita ang itsura ni Via. Namamaga ang pisngi nito at may pasa sa gilid ng labi. Tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin at mabilis na umalis sa kuwartong iyon. Isa lang ang tumatakbo sa utak niya at iyon ay ang mga magulang niya. 

“Russell, saan ka pupunta?” habol na tawag sa kanya ng kanyang Ate. 

Hindi siya sumagot at tuloy-tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makalabas siya ng gusali. Mabilis siyang nagpara ng Taxi at nagpahatid sa bahay nila. Hawak niya pa ang cellphone ni Via, hindi niya alam kug sinadya bang iwan iyon ng dalaga o nakalimutan lang nitong dalhin. 

Binuksan niya ang video at narinig niya ang paos na boses ni Via. Halatang naubusan na ito ng boses ssa kakaiyak kasi kahit ang mga mata nito’y mugto na. 

“Love, kapag nakita mo ang video na ito sana maintindihan mo kung bakit ako umalis.” Napasinghap siya sa sobrang frustration. Hindi niya tinapos ang video dahil iyon lang ay sapat na para malaman ang gusto niyang malaman. 

Paghinto ng sasakyan ay inabutan niya ito ng isang libo at saka bumaba ng sasakyan. Tinatawag pa siya ng Taxi Driver pero hindi na siya lumingon pa. 

Pagpasok niya pa lang sa bahay nia ay galit niyang tinawag ang mga magulang. 

“Mom! Dad!” sigaw niya. “Where are you?!” 

May narinig siyang nagkakasiyahan sa bandang veranda nila kaya doon siya pumunta. Nakita niya ang mga magulang ni Molly. 

“Oh, Russell, bakit ka napauwi? Cancel ba ang—” 

“Anong ginawa niyo kay Via?” deretsang tanong niya sa kanyang Daddy. 

Nag-iba ang any ng kanyang ama pero pagkuwa’y ngumiti. “Nagsumbong ba sa ’yo ang abaeng iyon?” tanong nito sa kanya. “Nahhibang ka na ba?” 

“Oo! Nahihibang na ako, iyon ba ang gusto niyong marinig?!” singhal niya sa kanyang ama. 

“Russell!” pigil sa kanya ng kanyang Mommy. 

“I think, we better go, mukhang may kailangan kayong ayusin na hindi kami kasama,” sabi ng Daddy ni Molly at akmang tatayo ngunit mabilis niya itong pinigilan. 

“Mas maganda sigurong umupo muna kayo, Mr. Gener. I want to tell you something about your daughter,” sabi niya na walang emosyon ang mukha. 

“Oh, kasama ba rito ang anak ko?” tanong naman ng Mommy ni Molly. 

“Yes! At siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Kung anuman ang pinagsasasabi niya sa inyo ay walang katotohanan ang mga iyon,” sagot niya. 

“Russell, kailangan nating mag-usap at labas ang pamilya ni Molly dito,” nagbabanta ang boses na sabi ng kanyang ama. 

“Labas?” Mapakla siyang tumawa sa sinabi nito. “Kung tutuusin ay sila ang may kasalanan kung bakit nagkagulo ng ganito ang buhay ko! Kung hindi sa pangungunsinti nila sa anak nila ay walang ganitong gulong nangyayari!” 

“Russell! Tumigil ka na!” sabi ng kanyang ama na matalim na ang mga matang ipinupukol sa kanya. 

“Be careful, young man. Kung anuman ang pinagdadaanan ng pamilya mo ay labas na kami doon. Sinunod lang namin ang gusto ng anak namin at ikaw ang nagpapasaya sa kanya kaya—” 

“See? Nakukuha niyo ba ang ibig kong sabihin? Hinahayaan niyo ang anak niyong diktahan kayo sa mga gusto niyang gawin kahit alam niyo namang mali!” aniya. 

“Anong ibig mong sabihin?” Salubong ang kilay na tanong sa kanya ng ama ni Molly. 

“Mag-ingat ka sa mga sasabihin mo dahil hawak namin ang—” 

“To hell with your businessshits! Magpayaman kayo kung iyon ang gusto niyo, magplastikan pa kayo, wala akong pakialam!” singhal niya rito. 

Susugurin sana siya ng kanyang ama ngunit mabilis siyang nakailag dito at nakalayo. Galit siya at kapag ganitong wala siya sa kanyang sarili ay hindi niya napipigilan ang sarili niya. 

“Iyang anak niyo, may ibang kinahuhumalingang lalaki and worst, adik pa! Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng anak niyo at gusto pa akong guluhin gayong siya mismo ang hindi na nagpakita sa akin noon at nang-iwan! Alam niyo ba kung gaano kasakit iyon, ha? Iniwan ako ng anak niyo na para bang napakadali lang iyon sa kanya gayong ako—halos mabaliw at umiyak gabi-gabi dahil iniwan ako ng babaeng minahal ko! Tapos nang naka-move on na ako’t nakalimutan siya ay bigla siyang lilitaw para guluhin ako?!” 

Hindi kumibo ang mga ito at tila nagulat sa sinabi niya. 

“Kung gusto niyo ng patunay sa sinasabi ko hanapin niyo si Billy Menhano, siya ang kinakasama ng anak niyo ngayon. Nagsasama na sila sa iisang bubong at tinuturuan ng kahit na anong kalokohan ang anak niyo. Hindi niyo ba napapansin iyon sa anak niyo?” aniya. 

“We should get going,” sabi ng ama ni Molly at inalalayan ang asawa nito palabas ng bahay nila. “Siguraduhin mong tama ang sinasabi mo, Russell, dahil sa oras na mapatunayan kong mali ka, pagsisisihan mo ito.” 

“Kung tama ako, isa lang ang hiling na gusto kong mangyari. Ipull-out mo ang investment mo at ng mga kakilala mong investor sa bagong project ni Daddy. Kung hindi mo iyon gagawin, ipagkakalat ko ang lahat ng kalokohan ng anak mo.” Nakangising wika niya rito. 

“Russell!” Dumadagundong ang boses na sigaw ng kanyang ama ngunit hindi siya nagpatinag dito. 

“What? Masakit ba, ha, Daddy?” Nakangising wika niya rito. 

“Anong ginawa sa ’yo ng abaeng iyon at bigla kang nagging ganyan katarantado!” galit na singhal nito sa kanya.

  “Walang kasalanan ang babaeng tinutukoy mo! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nagging tarantado! Mahal ko ang babaeng ipinahiya mo’t sinaktan! Ang babaeng tinutukoy mo ang dahilan kung bakit matino pa ako! Winasak mo ang buhay ko, Daddy, wawasakin ko rin ang letseng pangarap mong madagdagan ang milyones mo.” Tumalikod na siya rito at hindi na lumingon pa. nang nasa pinto na siya ay huminto siya at muling nagsalita.

“Simula ngayon ay hinding-hindi niyo na ako mapapapunta sa bahay na ito at ayaw ko na rin kayong makita. Magkanya-kanya na tayo.” 

Tuluyan na siyang umalis sa bahay na iyon at hindi siya lumingon kahit na nakailang tawag sa kanya ang kanyang Mommy. Galit siya at nasasaktan, wasak ang puso niya at hindi niya matanggap na iniwanan siya ni Via. 

Nangako sila sa isa’t isa at ilang ulit niyang narinig ang mga katagang HINDI KITA IIWAN mula sa kanyang bibig, ngunit anong nangyari? 

Napaupo siya sa gilid ng gutter at binuksan ulit ang video na ginawa ni Via para sa kanya. Napaluha siya nang muling makita ang pamamaga ng pisngi nito at ang kulay pulang pasa sa gilid ng bibig nito. Gusto niya sanang itapon ang cellphone na iyon at durugin pero iyon na lang ang mayroon siyang alaala kay Via. 

“Love, kapag nakita mo ang video na ito sana maintindihan mo kung bakit ako umalis. Akala ko kaya ko. Akala ko matitiis ko. Akala ko matibay ako at kaya ko silang harapin at ipaglaban ka, ngunit anong magagawa ng isang katulad ko sa mga magulang mo? Alam kong maling-mali ang gagawin ko dahil ngayon mo ako mas kailangan, ngayon mo kailangan nang mapaghihingahan ng sama ng loob… pero kasi… mahina rin ako Russell, eh. Ayokong makita mo akong mahina sa panahong kailangan mo ng lakas, baka mabigo akong ibigay iyon at bigla mo akong iwan.” Narinig niya ang paghagulhol nito at pakiramdam niya ay sumisikip ang dibdib niya at nahihirapan siyang huminga sa nakikitang paghihirap ni Via. 

“R-Russell, umalis ako dahil mahal kita. Gusto kong hanapin ang sarili ko para sa ’yo. Sorry kasi hindi ko natupad ang pangako ko—ang mga plano natin at ang sabay nating pagtanggap ng mga diploma natin. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ninakaw ko pala si Mongbee, alam kong mahal na mahal mo ang asong ito kaya iingatan ko siiya at aalagaan ng maayos. Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam, mahal ko.” 

Napahagulhol siya ng malakas ng tuluyang huminto ang video. Walang pakialam kung may makakita man sa kanya sa ganoong kalagayan niya. Para sa kanya tapos na ang buhay niya. Nawalan na ng saysay at wala ng direksyon. Kahit na puntahan niya at habulin ni si Via sa ibang bansa ay alam niyang wala rin iyong saysay dahil kailangan nito ng panahon para ayusin ang nadurog nitong puso. 

Pero naisip din ba nito na wasak din ang puso niya?

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Lorie Abalajen Baston
ouch.. how sad naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status