Share

i. Umaasa Na Maging Manhid Ang Puso Ko

i. Umaasa Na Maging Manhid Ang Puso Ko.

Isang matigas na kamao ang tumama sa mukha ko na agad nagpatilapon sa akin papunta sa gilid ng boxing ring. Napakunot ako ng noo dahil sa biglang panlalabo ng paningin ko at pansamantalang pagkawala ng aking pandinig.

Hindi ko na mabilang kung pang-ilang suntok na ang natanggap ko simula kanina pag-akyat ko dsiya. Lima? Anim? Psiya? Hindi, sampu! Sampong suntok sa magkakabilang parte ng katawan ko! Putok na ang labi ko’t gilid ng mata at ang dahilan kung bakit nanlalabo na ang paningin ko ay dahil sa masaganang dugo na umaagos dahil sa mga sugat na natamo ko. In short, bugbog-sarado na ako at umaasa na maging manhid na ang buong pakiramdam ko dahil sa mga natamo ko.

Pero bakit ganoon? Naroon pa rin ang hindi matatawarang sakit? Nagdurugo pa rin at patuloy na tila pinagsasasaksak ang pira-piraso ko ng puso!

Hindi pa rin humuhupa ang sakit!

Hindi pa rin tumitigil ang libu-libong punyal na ilang taon nang tumatarak sa puso ko. Wala na bang hangganan ang sakit na nararamdam ko?

Higit sa lahat, ayaw pa ring tumigil ng putangnang isip ko sa kakaisip ng dahilan kung bakit ako iniwan ni Via!

It was fcking four years passed, but I still feel like it was fcking yesterday!

Bawat segundong lumilipas sa loob ng napakahabang apat na taong nagdaan ay paulit-ulit lang na parang isang sirang plaka ang tanong sa isip ko.

Why did Via leave me?!

Alam kong masakit ang ginawa ng mga magulang ko  sa kanya at nalaman ko pang pinagbuhatan pa siya ng kamay ni Daddy. Lahat ng nangyari ng araw na iyon ay alam ko at sariwa pa sa alaala ko!

“Russell! Babe! Bumangon ka diyan! Huwag mong hayaang matalo ka nang ugok na iyan!” Narinig ko ang sigaw ni Molly.

Doon lang bumalik ang lahat ng pandama ko. Humawak ako sa makapal na lubid ng ring at hirap na tumayo. Ipinilig ko ang aking ulo at tumayo ng maayos. Nakita ko ang nakangisi kong kalaban, malaki ang pangangatawan niya at halatang alaga sa gym.

“Huwag ka nang manlaban pa, isang tao pa lang ang nakakatalo sa akin simula noon. At ang babaeng iyon ay wala na dsiya, hindi mo makukuha sa akin ang titulo nang pinakamalakas na Underground Fighter dsiya.” Lumpait siya sa akin habang nagsasalita, nasa mukha niya ang nakakalokong ngisi.

Natigilan ako nang mapagtanto kung sino ang tinutukoy niyang babae.

“Babe! Patumbahin mo na iyan!” sigaw muli ni Molly.

Narinig ko ang pagsinghal ng kalaban ko at tumingin kay Molly, saka tumawa ng malakas.

“Alam mo bang isa sa mga naipatumba ng Master ko ang nobya mo?” Nakangising wika niya sa akin.

Nagdilim ang mukha ko at ngayon ay sigurado na ako kung sino ang tinutukoy niya.

“Love, kapag nakita mo ang video na siya sana maintindihan mo kung bakit ako umalis. Akala ko kaya ko. Akala ko matitiis ko. Akala ko matibay ako at kaya ko silang harapin at ipaglaban ka, ngunit anong magagawa ng isang katulad ko sa mga magulang mo? Alam kong maling-mali ang gagawin ko dahil ngayon mo ako mas kailangan, ngayon mo kailangan nang mapaghihingahan ng sama ng loob… pero kasi… mahina rin ako Russell, eh. Ayokong makita mo akong mahina sa panahong kailangan mo ng lakas, baka mabigo akong ibigay iyon at bigla mo akong iwan.” 

“R-Russell, umalis ako dahil mahal kita. Gusto kong hanapin ang sarili ko para sa ’yo. Sorry kasi hindi ko natupad ang pangako ko—ang mga plano natin at ang sabay nating pagtanggap ng mga diploma natin. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ninakaw ko pala si Mongbee, alam kong mahal na mahal mo ang asong siya kaya iingatan ko siiya at aalagaan ng maayos. Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam, mahal ko.” 

“Tanggapin mo na lang na talo ka na, at huwag ka nang magpapakitang mu—” Hindi ko na pinatapos siyang magsalita at malakas ko siyang sinuntok sa sikmura.

Napaigik siya sa sakit ngunit hindi pa ako tapos. Ilang beses kong pinagsusuntok ang mukha niya hanggang sa sumabog na ang labi niya at dumugo ang ilong.

Isang pang sipa ang pinakawalan ko na tumama sa dibdib niya. Tumilapon siya sa ‘di kalayuan, nagsigawan ang mga taong nakapaligid sa amin, pumapangibabaw ang boses ni Molly. Mabilis kong nilapitan ang lalaking walang malay at sinipa pa sa mukha.

“R-Russell, umalis ako dahil mahal kita. Gusto kong hanapin ang sarili ko para sa ’yo. Sorry kasi hindi ko natupad ang pangako ko—ang mga plano natin at ang sabay nating pagtanggap ng mga diploma natin. Mahal na mahal kita. Mahal na mahal. Ninakaw ko pala si Mongbee, alam kong mahal na mahal mo ang asong siya kaya iingatan ko siiya at aalagaan ng maayos. Hanggang sa susunod nating pagkikita. Paalam, mahal ko.”

“Fck you!” gigil na sigaw ko.

May isang malakas na kamay ang humila sa akin at itinulak palayo sa duguan nang lalaki. Matalim ang mga matang tumingin ako sa kanya.

“What the hell is your problem? Nakikita mo nang tumba na ang kalaban mo pero ayaw mo pa ring tumigil?!” asik niya.

Sininghalan ko siya at walang imik na tumalikod. Binalibag ko sa kung saan ang suot kong gloves at bumaba ng ring.

“You’re wasting your life, Russell! Talaga bang itatapon mo na ng tuluyan ang sarili mo?” pahabol na sigaw ni Wilmar.

Madilim ang anyong tuloy-tuloy lang ako sa pagbaba ng ring. Nilapitan ako ni Molly at agad na pumulupot ang mga kamay niya sa balikat ko.

“You did great. Tama lang ang ginawa mo sa gagong iyon,” sabi niya.

Sa loob-loob ko ay gusto ko siyang itulak palayo sa ‘kin at sampalin. She was one of the reason why Via left me but she was also the reason why I continued on living . . . for the worst. 

Gusto kong ipamukha sa mga magulang ko na maling-mali ang ginagawa nilang pamgmamanipula sa buhay ko.

“You choose to be with her and let her manipulate you of doing this! Nakikita mo pa ba ang sarili mo, Russel?” tanong ni Wilmar na ayaw pa rin akong tigilan.

Tuloy-tuloy lang ang paglalakad namin paalis sa lugar na iyon, tahimik na ang buong paligid at hindi na katulad kanina na puno iyon nang sigawan at halakhakan.

“Sana lang hindi na bumalik pa si Via at makita kang ganyan! Do you think how would she feels if she sees you like that?” Natigil ako sa paglalakad at kuyom ang mga kamaong balak siyang lingunin.

Gusto ko siyang sugurin at paduguin ang bibig sa mga walang kuwentang sinasabi niya. Anong karapatan niyang kuwestiyunin ang mga bagay na ginagawa ko?

What would she feel if she see me this? To hell with her fcking feelings! Bakit ba laging kailangan ang nararamdaman niya ang mahalaga sa inyo? Nasasaktan din ako at nakaka-putangna na hindi niyo iyon makita! 

Naramdaman ko ang kamay ni Molly sa mukha ko, tiningnan ko siya sa mga mata.

“Huwag mong intindihin ang sinasabi nila. Hindi nila alam kung ano ang nararamdaman mo kaya kung husgahan ka nila ay wagas. Isipin mo na lang na ginagawa mo ang bagay na ‘to para pakalmahin ang sarili mo at mawala ang sakit na nararamdaman mo,” sabi niya.

Sininghalan ko siya ng tingin at iniwan. Anong karapatan niyang pagsabihan ako ng ganoon? Baka nakakalimutan niyang hinahayaan ko lang siya sa tabi ko dahil isa iyon sa mga kondisyong binigay ng mga magulang niya para sa letseng negosyong inumpisahan ng mga magulang naming dalawa.

Tulo-tuloy ako sa pag-akyat, alam kong nakasunod lang sa ‘kin si Molly at hindi umimik. Napasulyap ako sa isang parte ng gym at nakita ko ang magkapatid na sina Stephanie at Rosalie, natigilan sila nang magtama ang mga tingin namin. Dire-diretso akong lumabas ng gym at hindi man lang sila binati.

Pagkaalis ni Via ay nagkawatak-watak din ang pagkakaibigan nila, maraming nabago, maraming umiyak at nasaktan. Ang tanging naging matibay na relasyon lang na natira sa grupo namin ay sina Lloyd at Drea. Sa mga nakalipas na taon ay nagawa nilang mapatibay ang relasyong mayro’n sila, and that’s why I hate them.

Iyon ang dahilan kung bakit inilayo ko ang sarili ko sa kanila. Ang dahilan kung bakit mas lalong nadagdagan ang galit ko sa mundo. It was Via, who act as bridge to their relationship.

Hiniwalayan ni Zellea si Dyke nang malaman niyang hindi totoong magkapatid silang dalawa ni Chino. Ang rason niya ay hindi niya pa kayang i-give up ang pagmamahal niya kay Chino, that was the fckiest reason I’ve heard.

Nakita ko kung gaano kamahal ni Zellea si Dyke at gano’n din naman ang huli sa una, but it turned out, Dyke was only a rebound. Ang nakakatawa pa ay hindi nagtanim ng galit o hinanakit si Dyke at hinayaan lang si Zellea.

“Hey, watch were you going!” sita sa akin ng babaeng nakabangga ko. “R-Russell? Damn, what happened to your face?”

Speaking of the bitch devil. 

Hindi ko pinansin si Zellea at nagtuloy-tuloy lang sa paglalakad papunta sa motor ko.

“Hey, a**hole, I’m talking to you!” singhal niya.

“Leave him be, hindi mo ba nakitang ayaw ka niyang kausapin?” Narinig kong sabi ni Molly.

“At kailan pa natutong magsimulang tumahol ang linta?” sarkastikong tanong ni Zellea.

“You—”

“Fine! Kung naputol na iyang dila mo at hindi ka na makapagsalita, sana matuluyan ka na!” singhal pa niya sa akin.

Sumakay ako sa motor at pinaandar iyon, wala akong balak hintayin pa si Molly at mas lalong wala akong balak paangkasin siya, ngunit mas mabilis kumilos ang babae at iglap lang ay nasa likod ko na siya at ikinakabit ang helmet.

Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siya at humarurot palayo sa lugar na iyon. Hindi ko alam kung saan pupunta kaya hinayaan ko na lamang ang isip ko kung saan ako dalhin niyon. Tutal iyon naman ang ginagawa ko lagi kapag ganitong wala akong mapuntahan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status