Share

X. Someone's being jealous

"No way! For real?" namimilog ang mga matang bulalas ni Zellea. Mabilis nitong inagaw ang gold card sa kamay niya at siniyasat iyon mabuti. "Oh my God, totoo nga! We're gonna have some fun overnight!"

"Let me see it too," ani Rosalie na kinuha ang gold card kay Zellea. "Puwede ko ba'ng hiramin ito kapag naisipan kong bumalik dito?"

Nagkibit siya ng balikat. "I don't know. Maybe, maybe not? Walang sinabi si Liam tungkol diyan pero ang sabi ni Ma'am Eillaine, nakapangalan sa akin ang gold card na iyan."

"Aw, sayang naman," ani Rosalie na biglang lumungkot.

"Tch. Sa yaman ng pamilya mo, bakit kailangan mong manghiram ng gold card? Why don't you ask your father about it?" ani Wilmar na sinamaan ng tingin si Rosalie.

Inirapan ni Rosalie ang lalaki. "Kailangan ko munang makapagtapos ng kolehiyo bago ako makahawak ng ganyang card. Isa pa kahit na sabihing may pera ang mga magulang ko, I think kukulangin pa rin iyon para makakuha ng ganyang gold card. Look, it's a three star gold card! It's a
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status