Mag-log inAISZAIsang linggo na ako dito sa ospital at kahit isang beses man lang ay hindi bumisita si Marco. Marahil ay hindi rin alam ng pamilya ko na na-ospital ako. Rinig ko mula sa bintana ng aking private room ang ulan na talagang napakalakas ng umagang iyon. Para bang nagluluksa din ito para sa akin. “Aisza?” narinig ko ang pamilyar na boses. Isang linggo na ring nasa tabi ko si Mr. Mackenzie at hindi niya ako iniiwan. Tahimik lang siyang nagbabantay. “Mr. Mackenzie? hindi ho ba kayo aalis para magtrabaho? okay naman na po ako.” “It’s fine, Aisza, wag mong intindihin ang trabaho ko. Babalik na lang ako sa trabaho kapag nakauwi ka na sa Mansyon.” Bigla akong natakot. Nandoon si Marco, baka ipagtabuyan niya ako ulit. Umiling-iling ako at nagsimulang magpanic. “Wag po! wag niyo po akong ibabalik sa Mansyon! Mr. Mackenzie, natatakot po ako kay Marco, baka kung anong gawin niya sa akin!” saad ko na nagsimulang umiyak. “Sshh, relax, Aisza, nag-usap na kami ni Marco. Hindi ka niya sasak
CAINUmuwi ako sa Mansyon. At pagdating ko doon ay naabutan ko si Marco at Aina na naghahalikan sa receiving area. Nagulat silang dalawa sa pagpasok ko, at parang mga dagag nahuli, lalo na si Aina ngunit si Marco ay pinanatili ang kanyang aroganteng sarili. Nakakunot ang noo ko sa kanilang dalawa dahil galit ako. Galit talaga ako. Nang makapasok ako sa loob ay kaagad kong kinuwelyuhan si Marco. “Hayop ka! nasa ospital ang asawa mo habang ikaw nagpapakasasa dito sa Mansyon?! anong ginawa mo kay Aisza, huh?!” gigil at galit na sambit ko. Hawak ko ng mahigpit ang kwelyo niya. “Wala akong ginagawa kay Aisza, pinarusahan ko lang siya ng konti dahil iniputan niya ako sa ulo! nagtaksil siya sa akin, hindi ko siya hinawakan kahit isang beses pero nabuntis siya?! paano nangyari iyon?!” singhal niya na hinawi ng malakas ang mga kamay ko sa kwelyo niya kaya binitiwan ko siya ng marahas. “Kahit na! hindi mo dapat sinaktan ang asawa mo!” “Kakampi ka pa rin sa maduming babaeng iyon?! sabihin
AISZANang magising ako ay naramdaman ko ang isang mainit na kamay sa aking kanang kamay. Nakahawak ng mahigpit kaya nagsalita ako. “Ma-Marco?” tanong ko. “Uhm, Aisza, si Cain ‘to.” nang marinig ko ang boses ni Mr. Mackenzie ay kaagad kong binawi ang kamay ko sa kanya. “Ms. Aisza, right? ako nga pala si Dr. Daks Mackenzie, kapatid ako ng father-in-law mo at ako rin ang doktor na incharged sayo ngayon.” mahinahon na sambit ng isang lalaki na nagpakilalang doktor at kapatid ni Mr. Mackenzie. “Doc, ang baby ko? kamusta po ang baby ko?...” binalot ako ng pag-aalala at humawak sa aking sinapupunan. “Ikinalulungkot ko, Aisza, pero… hindi ko nailigtas ang bata sa sinapupunan mo. Ginawa ko ang lahat pero masyadong maraming dugo ang nawala sayo ng gabing iyon.” Hindi ako makapaniwala, biglang nangilid ang mga luha ko. “P-po? wala na ang… baby ko?” tanong ko na nagsimulang humagulgol ng iyak. Sobrang sakit. Para akong nangulila sa isang parte ko na hindi ko pa nakilala. “Wala na ang ba
CAIN Dinala ko si Aisza kaagad sa ospital habang patuloy na tinatawagan si Marco. Hindi niya sinasagot ang phone niya kaya napabuntong hininga ako at nahilot ang aking sintido. Naka-line up sa may pasilyo ang mga tao ko na kasama ko sa buong panahon. Napapaligiran ng mga naka-itim na suit ang buong emergency room at lahat kami ay naghihintay ng balita. Ang ospital na pinagdalhan ko kay Aisza ay pagmamay-ari ng doktor na kapatid kong si Daks Haulten Mackenzie ngunit… hindi ko akalain na siya pala ang tumingin kay Aisza. Papalapit siya sa akin ngayon, mukhang dismayado at parang may nangyaring hindi maganda. “Tol, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Daks. Hindi ko siya masagot. Hindi ko alam ang sasabihin ko, nagtatanong ang kanyang mukha. “Diba… siya yung asawa ni Marco?” “Oo.” “Ano bang nangyari?” “Hindi ko alam. Pag-uwi ko ng Mansyon, nakita ko na lang siyang duguan, nakahandusay sa labas, walang malay habang malakas ang ulan.” “Ano?! tsk tsk! halika nga, akyat tayo
AISZAIyak ako ng iyak. Hindi ko siya maintindihan. Hindi ba’t pag-uwi niya ay papasok siya sa kwarto habang tulog ako at sisip*ng sa akin?“Pero… madalas tayong mags*x…” ipinaalala ko ulit sa kanya dahil tuwing nakakatulog ako, nararamdaman ko siyang ginagalaw ako ng paulit-ulit. Hindi ako tumututol dahil para sa akin… iyon ay isang marital obligation at isa pa, sinabi ko na talaga sa kanya una palang na gusto kong magka-baby sa kanya. Nung gabi ng honeymoon namin, hindi siya tumutol. Inangkin niya lang ako. Mali ba na hingin ko iyon sa asawa ko? Bakit ngayon ay ayaw niyang kilalanin ang ipinagbubuntis ko? “Nahihibang ka na ba? sa tingin mo pag-aaksayahan ko ng oras ang katawan mo?!” singhal ni Marco na nagagalit. Hindi ko alam kung bakit siya sumisigaw. This was supposed to be a happy moment. “Marco, bakit mo sinasabi sa akin yan?... I’m your wife,” hindi ko akalaing may ganitong ugali si Marco. “Exactly, so, tell me right now! Who's the father of your child, Aisza?! sinong k
“Doc, may sakit ho ba ako?” tanong ko sa doktor dahil sa labis na pag-aalala. “Wala kang sakit, Mrs. Mackenzie, kaya ka hinimatay dahil buntis ka. Congratulations!” masayang sambit ng doktor. Narinig ko pa siyang pumalakpak.“A-ako? Buntis? Doc, totoo ba talaga?” tanong ko dahil hindi ko naman nakikita. Hindi pa rin matanggal-tanggal ang kaba at takot ko sa tuwing may mga pagkakataon na hindi ako sigurado dahil lang sa hindi ko makita ang lahat ng nasa paligid ko. “Heto ang result ng iyong physical examination, Mrs. Mackenzie, you are 8 weeks pregnant. Ire-refer kita sa OB na kakilala ko para mabigyan ka ng tamang gamot.” sabi ng doktor na inilagay sa kamay ko ang papel. Kaagad namang kinuha sa akin ni Ate Miracle ang inabot na papel na naglalaman ng results ko. “Naku Ma’am Aisza, congratulations po! Talagang buntis kayo!” bulalas ni Ate Miracle at sa tono ng pananalita niya ay masaya siya kaya napanatag na din ako. “Finally, may tagapagmana na ho si Sir Marco!” dagdag pa nito.

![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





