Share

CHAPTER 3: Bent of Pain

Author: Fhency
last update Last Updated: 2025-12-16 15:00:28

Busangot ang mukha kong binaybay ang hagdanan papuntang Function Hall, ang mga yapak ko ay mabigat sa sahig na ginalugod na.

Sunod naman ng sunod si Augustus, hindi siya tumitigil sa pag-usap tungkol sa mga walang-kabuluhang bagay—klase, basketball, mga kaibigan—pero ang totoo, gusto kong marinig niya ang sama ng loob ko.

"Gus, Pwede ba tigilan mo na ako?" tanong ko, huminto sa tapat ng malang pinto ng hall, tinapunan siya ng matalim na tingin.

Napahinto siya, ngiti niya ay kumupas.

"Aira, sorry kung pumunta pa ako sa bahay nyo. Gusto ko lang talagang makausap ka tungkol sa... sa atin. Yung tungkol sa pagiging tayo." Ang mga salita niya ay parang nagpapatakbo sa hangin, pero ang tono niya ay may hinto, parang may kinatatakutan.

Bumuntong-hininga ako, pinilit kong maging mahinahon. "Gus, paulit-ulit na tayo nito. Wala tayong at kahit kailan hindi magiging tayo', okay?"

Bago pa siya makasagot ay tinalikuran ko na ito at nagpatuloy sa 2nd floor.

Harsh na kung tawagin, pero ayokong magpaasa ng tao.

Matagal ng nanligaw sa akin si Augustus, sinubukang ibigin ito pero ang pagtingin ko ay nanatili kay Ninong.

Alam kong mali, pero kahit sa malayuan ay ayos lang ako.

"Aira, kumusta ka na? " bungad ni Janvie sa akin.

Ilang araw din itong nawala sa klase.

Ilang sandali ay nagsimula na ang importanteng pagtitipon para sa organisasyon. Ang dance competition na gaganapin sa isang Festival sa buong Cataingan.

********

Pumasok si Mama sa aking silid, madilim ang mukha, ang mga yapak niya ay mabigat na nag-echo sa katahimikan.

Sa presensya ni Mama, may kakaiba.

"Ethan hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa." aniya, matalim ang mga titig. "Tigilan mo na yang kababuyan mo. Hindi ka ba nandidiri sa ginagawa mo? "

Natahimik ako, hindi ko alam ano ang nais sabihin ni Mama.

"Ma"

"Ethan, sayo iniwan ni Samuel si Aira. Kung tutuusin, ama ka na din ni Aira pero iyang ginagawa mo. Gawain ba yan ng isang ama? "

"Ma, deritsohin nyo na ako. Ano ba talagang problema mo?"

"Ikaw!" sigaw nito sa akin. "Akala mo ba'y hindi ko nakita ang nangyari kagabi? Huwag mong idahilan sa akin na lasing ka, Ethan."

Kagabi? Ang nangyari na hindi dapat. Akala ko si Zapphira ang nakita kong pumunta kagabi.

Sh*t

"Ethan, hindi ka na bata. Umayos ka. Hindi iyan gawain ng isang Gomez at lalong hindi gawain ng isang kilalang maayos na Governor Ethan Jake Gomez! "

Nakatayo ako sa tabi ng bintana, tinanaw ang kahabaan ng gabi.

"Tandaan mo, Si Zapphira ang napili para sa iyo ng Lolo mo. Huwag mong hayaan ang init ng katawan mo ang magdikta. May dahilan ang mga desisyon natin." Ang mga salita niya ay parang pagbuhos ng malamig na tubig, nag-iiwan ng lamig sa silid.

"Isa pa, hindi dapat masira ang reputasyon ng Gomez, Ethan. Kapag nadungisan ang ngalan natin, pasensyahan tayong dalawa."

Tunog ng takong ang huli kong narinig sa kwarto. Bumabalik ang aking isipan sa kasalanang hindi ko naman ginusto.

*********

Dumaan ang mga araw, nanatiling walang kibo sa akin si Aira.

Ang dating masigla na babae, ngayon ay parang nakakulong sa isang mahabang panahon sa isolated places.

"Ahem~" pekeng ubo ni Papa.

"Oo nga pala iha, kumusta ang skwela? "

Tumingin ito kay Papa, inosente. "Ayos naman po Tito, todo prepare na din po kasi ang organisasyon para sa darating na bulawanong Festival! "

Oo nga pala, April na.

Nagpatuloy ang tahimik na pagkain, tanging tunog lamang ng plato at kutsara ang maririnig.

Si Mama, panak-naka itong nakatingin sa akin.

"Aura, iha. Nandiyan na naman yung binata na laging sumusundo sa iyo dito! " ani Manang Guada.

Kumunot ang noo nito, may inis at humigpit ang hawak sa kubyertos.

"If you're done iha, you can go now! "

Ramdam ang bigat sa kaniyang kilos. Tumango lang ito at nagpaalam.

*******

Sa labas, nakita ko si Augustus na nakasandal sa gate, nakangiti pero may pagka-uneasy sa mga mata.

"Hey, Aira. Gusto kong makipag-usap. Pwede ba tayong maglakad?" aniya, tinapunan ng tingin ang mansion.

Ramdam ko ang mga taong nakasunod sa akin palabas. Hindi maaring magpakita ako ng di magandang pakikitungo sa mansion ng Gomez.

"Augustus, hanggang kailan mo ba ako balak papatayin sa kunsumesyon ko sa iyo ha? " singhal ko rito ng tuluyan na kaming makalayo sa Mansion.

Gulat naman itong napatingin sa akin. Pero nakakapagod maging mabuti sa mga taong hindi naman nakakaintindi.

"Aira"

"Augustus, hindi nga kita gusto. At kahit kailan hindi kita sasagutin. Alin ba dun ang hindi mo maintindihan?" gigil na sambit ko rito.

"Aira, hindi ako titigil. Alam kong mamahalin mo rin ako! "

Napasabunot nalang ako sa buhok ko.

"Augustus, ayoko sayo. Tsaka hindi kita kayang mahalin." kalma pero naroon ang lamig sa boses ko.

Tumingin ito sa akin ng may munting luha na na si kumawala sa kaniyang mata.

"May iba akong minamahal, Augustus. And I don't wan't to give you such hope na walang kasiguraduhan. I am so sorry! "

Tumango-tango itong nakatingin sa akin, may ngiti pero naroon ang sakit na nararamdaman.

"Kung hindi ayon sa kagustuhan ko, maari ba tayong maging magkaibigan? There's nothing wrong about being your friends, hindi ba? " anito.

I felt pity and guilt towards him.

Alam kong matalino at madaling makaintindi si Augustus. He's just blind in the name of love.

"Aira"

"We can be friends Augustus. Alam kong masakit yung mga sinasabi ko sayo pero ayokong magpaasa ng isang mabuting tao! "

"It's fine... Magiging friends naman kita kahit papaano. And I'm pretty sure, makakaget over din ako sayo! "

Tumawa ito ng pagak. How strong he is.

*********

"Nasaan na si Aira, everyone?"

Boses iyon ni Kuya Jeffrey.

"Bakit?"

Lumapit siya sa akin at hinatak ang tenga ko. Ang sakit!

"Where have you been? Nagsisimula na tayo sa blockings!"

Humagikgik ang anak niya sa isang tabi.

Ramdam ko pa rin ang panginginig ng buo kong katawan dahil sa ilang araw na paghahanda para sa kompetisyon.

"Aira, gaya ng sinabi ko, ikaw ang magli-lead sa unahan, at alam mo na ang movement mo!"

Tumango na lang ako kahit gulong-gulo pa ang utak ko.

Nagsimula na kaming gumayak at gawin ang blockings. Maya-maya, nagtawag ng break si Kuya Jeffrey para magpahinga.

"Aira, tubig oh!" tawag sa akin ni Augustus kasama si Clara—kaibigan ko.

Ngumiti ako nang matamis at kinuha ang tubig kay Augustus habang hinihila ako ni Clara papunta sa mesa na may pagkain.

Naupo ako sa tabi ni Clara at nagsimulang kumain ng tinapay. Gutom na rin pala ako.

"Okay ka lang ba, Aira? Parang kanina ka pa lutang," tanong ni Clara.

"Oo naman. Medyo kinakabahan lang siguro," sagot ko.

"Kaya mo 'yan! Nandito lang kami para suportahan ka," sabi ni Augustus sabay tapik sa balikat ko. "Tsaka for sure, kayo na naman ang mananalo diyan! "

Napangiti ako sa kanilang dalawa. Ang swerte ko talaga na may mga kaibigan akong katulad nila.

Pagkatapos ng break, bumalik na kami sa pag-eensayo. Paulit-ulit naming ginawa ang mga blockings hanggang sa makuha namin ang tamang timing.

"Okay, isa pang take!" sigaw ni Kuya Jeffrey.

Sa huling take na iyon, ibinuhos ko na ang lahat ng aking makakaya. Ramdam ko ang bawat galaw ng aking katawan, ang bawat tibok ng aking puso.

At sa huli, natapos din namin ang ensayo. Pagod man, masaya naman ako dahil alam kong malapit na kami sa aming layunin.

*********

Tahimik naming binaybay ni Augustus ang daan Patungong port.

Hindi kalayuan sa may isang store, biglang huminto si Augustus.

"Bakit? "

"Aura, hindi ka ba nakakaramdam ng kakaiba sa sasakyan na yan? Kanina nakita din natin yan doon sa may school." kinabahan sambit nito.

Tinapik ko ito sa balikat, "Kulang ka lang sa tubig! " biro ko rito.

Ako man ay nakakaramdam ng kakaiba dyan. Pero malay natin, baka coincidence lang.

Pinagpatuloy ang paglalakad hanggang makarating kami sa pwesto ni Clara.

"Ang tagal nyo naman! " reklamo nito sa amin. Ngunit hindi ito pinansin ni Augustus at deritsong kinuha ang kinain nitong chicharon.

"Hayop ka talaga Augustus, akin yan! "

Nagsimula na namang magbangayan sila Augustus at Clara, ang mga sigaw nila ay nag-echo sa buong port.

Hinabol ni Clara si Augustus na ngayon ay nagtatakbo sa mabatong pwesto namin, iniinis lalo si Clara sa mga kalokohang pang-aasar niya.

Sa nakikita ko, may chemistry ang dalawa—parang apoy at gasolina, bagay na bagay sa isa't isa.

Tumatawa ang mga iba pang nandito sa area namin, nagcheer sa tilian, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin, parang may mas malubha pang naghihintay na sumabog.

Napangiti ako, nawala sandali ang mga pag-aalala ko tungkol kay Ninong.

"Parang magseset-up na naman ng eksena, ah," sabi ko sa sarili koko habang nakatingin kina Clara at Augustus.

Tumigil si Augustus sa pagtakbo, hinarap si Clara na nakapulupot ang mga braso sa dibdib, nagpapasya kong kunan ito ng litrato.

Habang pinagmamasdan ko ang isang tabi, hindi kalayuan sa amin ay nakita ko na naman ang kulay pula na sasakyan—ang isa na lagi kong napapansin sa mga kakaibang oras.

Humarorot papunta sa akin, pinasok ako sa loob ng sasakyan, piniringan. Pamilyar ang amoy ngunit imposible.

Ang puso ko ay tumitibok nang walang hinto, ang takot ay bumabalot sa akin. Sino ito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong   CHAPTER 4: Claimed by him again

    Natuon ang pansin namin ni Augustus sa isang banda ng port, kung saan nila huling nakita namin si Aira. Ni anino ay hindi namin nahagilap. Maliban sa I'd niya na nahulog yata. Ang araw ay mabilis nang lumabog, nag-iiwan ng mga anino sa mga puno at gusali.Halos mabaliw na kami ni Augustus kakalibot, sumasakit na rin ang aking lalamunan kakasigaw. "Aira! Aira, andito ka ba?" sigaw ko, tinatawag ang pangalan ng kaibigan habang tinatakbo ang paanan ng port. Si Augustus ay sumunod, mga mata niya na nag-scan sa bawat sulok."Gus, magtanong na tayo. Kanina pa tayo hanap ng hanap kay Aira! " mahina kong sambit rito na siya naman ikinatango nito. Lahat ng taong narito ay napagtanungan na namin. Iisa lang ang tinuran. Isang kotse ang pilit kumuha kay Aira. "Gus, anong gagawin natin? Kapag nalaman ng Gomez na nawala si Aira. Hindi ko na alam anong mangyayari sa atin. " hikbi kong saad rito. Ramdam ko naman din ang mainit nitong mga bisig na yumakap sa akin. "Clara, tahan na. Walang mang

  • FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong   CHAPTER 3: Bent of Pain

    Busangot ang mukha kong binaybay ang hagdanan papuntang Function Hall, ang mga yapak ko ay mabigat sa sahig na ginalugod na. Sunod naman ng sunod si Augustus, hindi siya tumitigil sa pag-usap tungkol sa mga walang-kabuluhang bagay—klase, basketball, mga kaibigan—pero ang totoo, gusto kong marinig niya ang sama ng loob ko. "Gus, Pwede ba tigilan mo na ako?" tanong ko, huminto sa tapat ng malang pinto ng hall, tinapunan siya ng matalim na tingin. Napahinto siya, ngiti niya ay kumupas. "Aira, sorry kung pumunta pa ako sa bahay nyo. Gusto ko lang talagang makausap ka tungkol sa... sa atin. Yung tungkol sa pagiging tayo." Ang mga salita niya ay parang nagpapatakbo sa hangin, pero ang tono niya ay may hinto, parang may kinatatakutan. Bumuntong-hininga ako, pinilit kong maging mahinahon. "Gus, paulit-ulit na tayo nito. Wala tayong at kahit kailan hindi magiging tayo', okay?" Bago pa siya makasagot ay tinalikuran ko na ito at nagpatuloy sa 2nd floor. Harsh na kung tawagin, pero ayo

  • FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong   CHAPTER 2: The night that Shouldn't

    Pumikit ako sa init ng buga ng hangin ni Ninong Ethan, ramdam ang kabog ng dibdib ko na tila hindi tumitigil. Ano ito? Kakaiba....Hanggang sa may naramdaman akong malambot na dumampi sa aking noo—isang halik, magaan at maingat. Nanatili akong nakapikit, hindi sigurado kung ano ang mararamdaman—ginhawa o takot? Ang mga labi niya ay nanatili roon nang isang sandali, bago siya dahan-dahang lumayo, at ang tanging narinig ko ay ang mahinang paghinga niya."Go back to sleep now Aira. Don't be afraid, nandito lang ako! " anito, ginulo ang aking buhok. Ramdam ko naman ang pag-init ng aking pisngi, hindi sa init kundi sa kahihiyan. Lumabas si Ninong Ethan sa aking silid, ang mga yapak niya ay tahimik na humalo sa katahimikan ng malalim na gabi. Habang ang sarili ko ay hindi pa rin nakawala sa kakaibang nararamdaman ko sa pamamaraan ni Ninong ng kaniyang pagtingin sa akin—isang tingin na parang may lihim na hindi niya sinasabi. "Nangangamoy wala na naman akong tulog nito. Hindi na nga m

  • FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong   CHAPTER 1: Hunting by the Past

    Ang mansyon ng mga Gomez ay nagbuga ng nakakakilabot na hangin, mas mabigat pa kaysa sa nararapat na lamig ng Disyembre, na para bang ang isang hudyat ng trahedya ay tumagos na sa mismong pundasyon nito. Sa loob ng malalabong pasilyo, isang batang babae, na hindi lalampas sa pitong taong gulang, ang nakaluhod sa malamig na marmol, ang kanyang maliliit na kamay ay desperadong kumakapit sa papalayong mga yapak ng kanyang ama. "Papa, huwag po… huwag po kayong umalis!" Ang mga salita, na puno ng hilaw na desperasyon ng isang bata, ay nabasag sa bawat hikbi na tumakas sa kanyang mga labi. Ang kanyang mga mata, na nanlalaki dahil sa takot na sumasalungat sa kanyang murang edad, ay nakatuon sa lalaking nakatayo sa harap niya—isang ama na ang mukha ay isang matigas na maskara, na nagtataksil sa isang kaguluhan na pilit niyang itinatago. Sa kanilang paligid, ang tahimik na pagmamadali ng mga katulong na nag-aalis ng isang buhay ay naganap, ang kanilang mga kilos ay isang malinaw na patuna

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status