LOGINNatuon ang pansin namin ni Augustus sa isang banda ng port, kung saan nila huling nakita namin si Aira. Ni anino ay hindi namin nahagilap. Maliban sa I'd niya na nahulog yata. Ang araw ay mabilis nang lumabog, nag-iiwan ng mga anino sa mga puno at gusali.Halos mabaliw na kami ni Augustus kakalibot, sumasakit na rin ang aking lalamunan kakasigaw. "Aira! Aira, andito ka ba?" sigaw ko, tinatawag ang pangalan ng kaibigan habang tinatakbo ang paanan ng port. Si Augustus ay sumunod, mga mata niya na nag-scan sa bawat sulok."Gus, magtanong na tayo. Kanina pa tayo hanap ng hanap kay Aira! " mahina kong sambit rito na siya naman ikinatango nito. Lahat ng taong narito ay napagtanungan na namin. Iisa lang ang tinuran. Isang kotse ang pilit kumuha kay Aira. "Gus, anong gagawin natin? Kapag nalaman ng Gomez na nawala si Aira. Hindi ko na alam anong mangyayari sa atin. " hikbi kong saad rito. Ramdam ko naman din ang mainit nitong mga bisig na yumakap sa akin. "Clara, tahan na. Walang mang
Busangot ang mukha kong binaybay ang hagdanan papuntang Function Hall, ang mga yapak ko ay mabigat sa sahig na ginalugod na. Sunod naman ng sunod si Augustus, hindi siya tumitigil sa pag-usap tungkol sa mga walang-kabuluhang bagay—klase, basketball, mga kaibigan—pero ang totoo, gusto kong marinig niya ang sama ng loob ko. "Gus, Pwede ba tigilan mo na ako?" tanong ko, huminto sa tapat ng malang pinto ng hall, tinapunan siya ng matalim na tingin. Napahinto siya, ngiti niya ay kumupas. "Aira, sorry kung pumunta pa ako sa bahay nyo. Gusto ko lang talagang makausap ka tungkol sa... sa atin. Yung tungkol sa pagiging tayo." Ang mga salita niya ay parang nagpapatakbo sa hangin, pero ang tono niya ay may hinto, parang may kinatatakutan. Bumuntong-hininga ako, pinilit kong maging mahinahon. "Gus, paulit-ulit na tayo nito. Wala tayong at kahit kailan hindi magiging tayo', okay?" Bago pa siya makasagot ay tinalikuran ko na ito at nagpatuloy sa 2nd floor. Harsh na kung tawagin, pero ayo
Pumikit ako sa init ng buga ng hangin ni Ninong Ethan, ramdam ang kabog ng dibdib ko na tila hindi tumitigil. Ano ito? Kakaiba....Hanggang sa may naramdaman akong malambot na dumampi sa aking noo—isang halik, magaan at maingat. Nanatili akong nakapikit, hindi sigurado kung ano ang mararamdaman—ginhawa o takot? Ang mga labi niya ay nanatili roon nang isang sandali, bago siya dahan-dahang lumayo, at ang tanging narinig ko ay ang mahinang paghinga niya."Go back to sleep now Aira. Don't be afraid, nandito lang ako! " anito, ginulo ang aking buhok. Ramdam ko naman ang pag-init ng aking pisngi, hindi sa init kundi sa kahihiyan. Lumabas si Ninong Ethan sa aking silid, ang mga yapak niya ay tahimik na humalo sa katahimikan ng malalim na gabi. Habang ang sarili ko ay hindi pa rin nakawala sa kakaibang nararamdaman ko sa pamamaraan ni Ninong ng kaniyang pagtingin sa akin—isang tingin na parang may lihim na hindi niya sinasabi. "Nangangamoy wala na naman akong tulog nito. Hindi na nga m
Ang mansyon ng mga Gomez ay nagbuga ng nakakakilabot na hangin, mas mabigat pa kaysa sa nararapat na lamig ng Disyembre, na para bang ang isang hudyat ng trahedya ay tumagos na sa mismong pundasyon nito. Sa loob ng malalabong pasilyo, isang batang babae, na hindi lalampas sa pitong taong gulang, ang nakaluhod sa malamig na marmol, ang kanyang maliliit na kamay ay desperadong kumakapit sa papalayong mga yapak ng kanyang ama. "Papa, huwag po… huwag po kayong umalis!" Ang mga salita, na puno ng hilaw na desperasyon ng isang bata, ay nabasag sa bawat hikbi na tumakas sa kanyang mga labi. Ang kanyang mga mata, na nanlalaki dahil sa takot na sumasalungat sa kanyang murang edad, ay nakatuon sa lalaking nakatayo sa harap niya—isang ama na ang mukha ay isang matigas na maskara, na nagtataksil sa isang kaguluhan na pilit niyang itinatago. Sa kanilang paligid, ang tahimik na pagmamadali ng mga katulong na nag-aalis ng isang buhay ay naganap, ang kanilang mga kilos ay isang malinaw na patuna







