เข้าสู่ระบบPagkatapos ng tensyonadong tagpo sa loob ng Parmacy, halos mabingi ang dalawa sa katahimikan habang bumibiyahe pabalik. Wala ni isa man sa kanila ang gustong magsalita. Si Daniel ay paulit-ulit na sumusulyap kay Elicia—maputla, malamig ang mga mata, at halatang malayo ang iniisip. Samantalang si Elicia ay nakatanaw lamang sa labas ng bintana, hawak-hawak ang bag na naglalaman ng bagay na ayaw pa niyang harapin. Pagdating nila sa Torrez Residence, agad bumigat ang hangin. “Salamat…” maiksing sabi ni Elicia bago pa man tuluyang buksan ang pinto. “Walang anuman,” sagot naman ni Daniel, pilit pinapakalma ang sarili. Pero bago pa sila makagalaw, may malakas at matalim na boses ang pumutol sa kanila. “Sino ‘yan?!” Nasa pintuan ang ina ni Elicia—si Elina—nakapamaywang, nakakunot ang noo, at kitang-kita ang halong pagtataka at inis sa mukha nito. “Magandang gabi po,” magalang na bati ni Daniel. Bigla namang nagbago ang tono ni Elina, naging peke ang ngiti sa labi. “Tuloy ka, hijo.” H
Habang patuloy ang pag-ikot ng mga gulong sa kalsadang basa pa ng ambon, nananatiling tahimik si Daniel sa pagmamaneho. Paminsan-minsan ay sumusulyap siya kay Elicia, na nakasandal sa bintana, maputla, tila hinang-hina. “Elicia… sigurado ka bang ayaw mong magpacheck-up? Kanina ka pa kinakabahan—” “Ihinto mo,” mahina pero mariing sabi ni Elicia, hindi man lang tumitingin sa kanya. Napakunot ang noo ni Daniel. “Ha? Ihahatid na kita sa bahay niyo. Makakapagpahinga ka—” “I said, stop!” biglang sigaw ni Elicia, ngayon ay may halong panginginig ang boses. Agad na bumigat ang dibdib ni Daniel. Sa gulat at pag-aalala, madiin niyang ipinreno ang sasakyan. “Okay, okay! Sige, huminto na ako—Elicia, anong nangyayari?” Pero bago pa niya mabuksan ang seatbelt niya, mabilis na bumaba si Elicia, halos mabunggo ang pintuan sa pagmamadali. Patakbo siyang nagtungo sa gilid ng kalsada, hawak ang tiyan, at doon tuluyang bumulwak ang sunod-sunod na pagsusuka na kanina pa niya pinipigilan. “Elicia!”
“Baka pagod lang ako…” mahina niyang bulong sa sarili habang marahan niyang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri. Pilit niyang inaalo ang dibdib na kanina pa kumakabog nang hindi niya maintindihan. Dahan-dahan siyang tumayo, napapikit pa sa bigat ng ulo, at binuksan ang pinto upang sumagap ng hangin. Pagkalabas niya, agad siyang sinalubong ng malamlam na ilaw sa hallway. “Danica… pwede na ba akong umalis? Masama kasi pakiramdam ko…” halos pabulong niyang sabi, sabay hawak sa sentido. “Ikaw na muna bahala. Ikaw na rin bahalang magsabi kay—” “Ako na ang maghahatid sa ’yo sa bahay niyo.” Halos manigas ang buong katawan ni Elicia. Ang lalim ng boses. Ang diin. Ang tono. Parang— Parang si Demon. Nanlaki ang mga mata niya, napalingon nang dahan-dahan, parang natatakot makita kung sino ang nandoon. “De-Demon…?” Pero nang tuluyang makita ang mukha ng lalaki sa ilalim ng ilaw, mas lalo siyang napaatras. Si Daniel. Hindi si Demon. Pero ang boses… ang bigat ng presen
Lumipas ang dalawang linggo. Walang tawag. Walang email. Walang kahit anong balita kung kailan babalik si Demon. Para bang biglang nabura ang presensya ng lalaking dati ay kayang patigilin ang buong opisina sa isang iglap. Sa HR—walang info. Sa Board—puro shoulder shrug. Sa buong kumpanya—tahimik, masyado, nakakangilabot na tahimik. Pero para kay Elicia… bawat araw lumalalim ang kaba sa dibdib niya. Hanggang sa isang umaga, habang inaabot niya ang stapler, biglang umikot ang paningin niya. Sumakit ang sikmura niya nang parang kinukuyog, at bago pa niya mapigilan, mabilis siyang kumaripas papunta sa banyo. “Hoy! Ano nangyayari sa’yo, Elicia?!” sigaw ni Danica, nagmamadaling sumunod. “Ano bang nakain mo at panay suka ka diyan?” Hindi na nakasagot si Elicia. Nakasubsob siya sa lababo, umaalulong ang sikmura, halos walang lumalabas kundi hangin pero masakit, sobrang sakit… at hindi normal. “Girl, ano ba?” tanong ni Danica habang kumakatok sa pinto ng cubicle. “Imposible namang buntis
Pov: Elicia Pagkapasok ko sa department namin, parang mas mabigat pa ang katahimikan kaysa sa pag-alis ni Demon mismo. Ang daming tao. Ang daming ingay. Pero sa loob ko—para akong nilaglag sa kawalan. Humigpit ang hawak ko sa bag, pilit na sinusupil ang kaba na kanina pa kumakalam. Umalis si Demon. Umalis… kagabi. Hindi ko matanggap. Hindi ko maunawaan. At habang naglalakad ako papunta sa workstation ko, biglang may sumulpot sa harap ko na parang multo—pero sobrang ingay. Si Daniel. “Hoy!” malakas nitong bati, may hawak pang kape at donuts. Medyo mas matagal ang tingin niya sa mukha ko bago siya ngumiti. “Ang blooming mo ata ngayon, ah? Bagay sa’yo yung pagka-fresh kahit puyat ka.” Napakurap ako. “Ay, hindi… ah—” Pero bago pa ako makabuo ng sagot, umikot na agad si Daniel sa swivel chair niya, halos napapadyak sa saya. Para bang sinadya niyang i-lighten ang mood ko. “Alam mo ba? First time ata sa buong taon na walang nagtatakbuhan dahil kay Sir Demon.” Kum
Tumigil ang ina, para bang may sasabihin—pero mabilis ding pinutol ito ng panginginig ng labi niya. Hindi niya kayang sagutin. Hindi niya kayang aminin. At higit sa lahat… ayaw niyang aminin. “Ma…” muli ni Elicia, mas mahinahon pero mas masakit. “Kil—kilala niyo ba siya?” Imbes na sumagot, napaatras ang ina. Parang ang mismong pangalan ni Demon ay apoy na ayaw niyang hawakan. “Huwag mo na siyang banggitin.” Mahina pero mariin. Walang sigaw, pero puno ng takot. “Ma, bakit?” nauutal si Elicia. “Ano bang meron sa kanya? Bakit parang—” “Hindi mo na kailangang malaman!” putol ng ina, pero hindi ito galit. Ito’y desperado. “Elicia… may mga taong mas mabuti nang hindi mo pinapakialaman. At isa na siya doon.” Napakunot ang noo ni Elicia, mas lalo pang nabuo ang kaba sa loob niya. “Pero bakit po?” Tumulo ang luha sa pisngi niya. “Ma, tanong lang ’yon… bakit parang natatakot kayo?” Napatingin ang ina sa kanya—isang tingin na punô ng bigat, hindi mapakali, pero hindi rin makabi



![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)



